Podcast: Download (Duration: 5:59 — 4.3MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Sabado Pagkaraan ng Miyerkules ng Abo
Dumating si Kristo upang iligtas ang mga makasalanan. Buong kababaang-loob sa pagtugon sa kanyang tawag, ilapit natin sa Ama ang ating mga panalangin.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Tagapagpagaling, gawin Mo kaming buo.
Ang Simbahan nawa’y maituring bilang isang tahanan ng nagpapagaling para sa mga mahihina at makasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa tulong ng Mahal na Birheng Maria nawa’y mamayani ang kapayapaan sa bawat bansa sa buong mundo sa pamamagitan ng habag na ipinakikita nila sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa ating bansa nawa’y maghari ang pagkakaisa, bunga ng paggalang ng mga mamamayan sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa lugar ng ating hanapbuhay at maging sa ating mga pamilya nawa’y hindi tayo manguna sa pamimintas sa ating mga kasama, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namayapa na ay makaranas nawa ng mapanligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama, sa panahong ito ng Kuwaresma, bagamat hangad naming maging matuwid, nawa ay iadya mo kami sa pagiging labis na mapagmatuwid. Sa pagnanais naming makamit mula sa Tagapagligtas ang kanyang walang-hanggang awa, maibahagi nawa namin ang kanyang pagpapala sa pamamagitan ng aming pagpapatawad sa aming kapwa, lalo’t higit sa amin ay nagkasala. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Biyernes, Pebrero 16, 2024
Linggo, Pebrero 18, 2024 »
{ 7 comments… read them below or add one }
Isa ako sa mga taong naglilingkod sa aming parokya bilang tagabasa. Sa mga mata ng mga kamag-anak ng aking asawa isa akong banal na aso. Di ko sila pinapatulan sa husga nila sa akin dahil nasa isip ko, ‘ naglilingkod ako sa simbahan di para sa kanila kundi alam kong ako’y isang taong makasalanan na humihingi ng tulong ng Dyos upang ako’y maligtas. Dahil naparito Siya hindi upang tawagin ang mga matuwid kundi ang mga makasalanang nagsisisi.’
Reflection: In the Jewish times, tax collectors were considered to be sinners. They were sinners because they love to cheat and steal from their fellow men, and they were traitors because they worked for the Roman Empire, appointed by King Herod Antipas of Galilee. Thus, tax collectors were considered outcasts and never forgiven by God. In the Gospel (Luke 5:27-32), we see how our Lord Jesus Christ approached a tax collector in Capernaum named Levi, and called him to follow him. Then Levi threw a banquet and invited Jesus, the Apostles, different tax collectors and sinners, and the Pharisees and scribes. The Pharisees and scribes noticed that Jesus is eating with tax collectors and sinners, so they approached the Apostles and asked them of this act. The Jewish leaders knew that Jesus was breaking many protocols in religion and society, which is why there are many conflicts between them and him. That is why our Lord Jesus Christ is the universal spiritual doctor, who heals and forgives us our sins. From being a tax collector, Levi became part of the Twelve, at which he is known to be as Saint Matthew (Cf. Matthew 9:9-13). As we journey down this Lenten road, let us prepare our hearts to receive the loving mercy of the Lord by being truly sorry for all the sins we have committed. Unlike the Pharisees and scribes, let us not close our hearts and minds to him because truly his mercy endures forever.
PAGNINILAY: Ang Panahon ng Kuwaresma ay pagkakataong upang kilalanin natin ang Diyos sa kanyang dakilang habag, sa kabila ng ating mga pagkukulang at pagkakasala laban sa kanya at sa ating kapwa.
Narinig natin sa Ebanghelyo ang pagkatawag ni San Mateo sa kasamahan ni Kristo. Sa kapanahunan ni Hesus, ang mga publikano/nangongolekta ng buwis ay itinuturing ng lipunan mga mandaraya at traydor: mandaraya sapagkat mahilig silang kumuha ng pera mula sa kanilang kapwang Hudyo, at traydor naman sapagkat nagtratrabaho sila para sa mga Romano.
Ngunit nakita natin kung paanong naging malapit si Hesus sa mga makasalanang taong ito, at sa puntong pagtawag kay Mateo (o Levi) sa pagiging tagasunod niya. Kaya nagpahanda ang publikanong ito na parang despedida dahil siya’y lilisan na mula sa kanyang dating pinagsamahan ng mga kaibigan niya. At nakita natin ang eksenang nakisalo ang Panginoon sa bahay ng isang itinuturing na makasalanan. Kaya ang mga Pariseo ay nagtanim ng sama ng loob at kwinestyon ang mga Apostol sa ginagawa ng Panginoon. Subalit tugon ni Kristo ay ang larawan ng isang doktor na nag-aalaga sa mga maysakit, na ganun din ang kanyang misyon upang tawagin ang mga makasalanang tao tungo sa tunay na pagbabagong-loob.
Makikita natin ang habag at pagmamahal ng Diyos kahit anumang estado ng tao sa lipunan at ayon sa kanyang paningin. Kung ipapaabot natin ang ating kamay sa kanila, lalung-lalo na sa pagbabalik-loob ng mga makasalanan, napaparamdan natin sa kanila ang kagandahang-loob ng Panginoon at ang kanyang dakilang pagmamahal para sa lahat.
Hilingin natin sa Panginoong ngayong Kuwaresma na bigyan niya tayo ng kanyang awa at habag sa kabila ng ating mga pagkakamali, upang katulad ni San Mateo ay tumugon sa kanyang tawag na maging kanyang mga alagad, lalung-lalo na sa pagpapadama sa iba ang kanyang pagmamahal na kanyang inilaan para sa lahat.
Napakaganda ng mga pagbasa ngayong ikaapat na araw ng kwaresma.
Sa Unang Pagbasa ay ang mga pangako ng Panginoon sa atin kung tayo ay tutupad sa kanyang mga kautusan. Ingatan natin ang ating mga salita na walang lalabas na masama. Ang paggalang sa araw ng pamamahinga. Hindi mang aalipin at tutulong at mamahagi sa mga nangangailangan. Huwag maghuhunta ng mga walang kabuluhan. Susundin natin ang kalooban nya at ang mga nasususlat na kautusan.
At ang kapalit ay masaganang buhay at malakas na katawan.
Ang ebanghelyo naman ay pag-asa ang dala. Pag-asa sa mga tulad nating makasalanan na nagsusumikap matalikuran na ang kasamaan. Ang simbahan ay hindi lamang para sa mga banal, mas kailangan ito ng mga maksalanang katulad natin upang ang espiritu natin ay magamot ni Hesus. Kaya’t kung tayo ay dumaranas ngayon ng mga kapighatian o paghihirap, kay Hesus tayo tumakbo, hinihintay lamang nya tayo na magbalik loob sa kanya at tayo’y yayakapin. Kinalulugdan ng Diyos ang taong makasalanan na inaamin ang kasalanan at nagsisi, ang himihingi ng kapatawaran at nagsisikap na tuluyan ng tapusin anh kadiliman ng kasalanan.
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Masarap at nakakatabang puso, idagdag pa ang pagsikat, sa tuwing tayo ay nasa tabi ng mga naturingang maayos at kilala sa lipunan. O kaya ay nasa isang grupong kilalang banal at malapit sa simbahan. Anupa’t hindi naman tayo katulad nila. Gusto lang minsan natin magpanggap at mapansin. Mapurihan at tanghalin na may pusong tapat at kabutihan. Pero alam natin na tayo ay sadyang makasalanan. Ang siste pa dahil sanay tayo sa ating sarili, madali nating mapansin ang mga makasalanang tulad natin at ura-urada na mabanggit na lumayo sila at huwag pansinin sa kadahilanang mahawa pa sa gawi at ugali ng mga ito ang mga banal na tulad natin. Alam ni Kristo ang mga inaalipin ng kasamaan sa kanilang ginagawa at mga tungkulin. Sa paghahangad niya na maibalik mga nawawalang tupa, siya ay pumaparoon sa lugar na kinasasadlakan nila. Marami na ang gumagawa ng mabuti para sa iba. Kahit ang puso nila ay wala sa kanilang ginagawa. Ang karamihan ay nakikigaya lang. Nakiki uso. Masaya kasi ang mapabilang sa isang grupo. Wala namang mali duon. Ang ninanais lang ni Hesus ay personal nating mithiin na ibalik mga nalilito at nawawala sa tamang landasin. Ang pagtanggap natin na maging Mabuting Pastol kahit hindi parte ng nakararami. Magkaroon ng lakas at tapang suungin ang ilang at matinik na landasin. Ang makasalo, mayakap, at maipabatid sa ating mga nawawalang kapatid na mayroon pa ring nilalang na naniniwala na sila ay gagaling. Ginawang ehemplo ni Hesus ang kanyang karanasan kay Levi. Binigyan diin ni Hesus ang importasya ng pagiging pastol na naghahanap ng mga tupang nawawala. Iwanan ang 99 na walang sakit at galugarin sa mga ilang na lugar ang isang naitakwil. Katulad ni Kristo, kung hindi tayo ang maghahanap, kakausap, kukumbinsihin, yayakapin, at pilit ibalik mga kaluluwang nawawala, sino? Kung hindi ngayon, kailan? Masarap maging kaisa ng mga banal sa karamihan ng kanilang gawain. Mahirap maging isang mabuting pastol. Marami ang hindi makaka intindi. Pero ito ang tunay na gusto ni Kristo. Ang isang tupang ligaw ay nakaka alam ng marami pang tupang ligaw na kasama niya, at sa gitna ng mga may sakit anduon ang pagkakataong maibalik hindi lamang ang isa kundi ang lahat sila. Kung maibalik ang isa ang langit na nga ay nagbubunyi, mano pa ang marami? Piyestang matindi ang mangyayari. Ang isang makasalanan kung hindi maibalik, marami pang katulad niya ang mapapasama at maghihinagpis. Kaya ganuon na lang ka importante ng gawaing ito. Muli, ang tanong ni Kristo, kung hindi tayo, sino? Kung hindi ngayon, kailan?
PAGNINILAY:
Ang pamumuhay sa pagkakaila ay isang kakila-kilabot na kasawian. Sinabi ni Hesus na hindi ang mga walang sakit ang nangangailangan ng doktor, kundi ang mga maysakit.
Ang Kuwaresma ay ang taunang pagsusuri sa ating espirituwal na kalusugan. Kailangan nating aminin na hindi tayo espirituwal na malakas. Mayroon tayong mga karamdaman na tanging ang Makalangit na Pangangalaga ang makapagpapagaling. Samantalahin natin itong taunang espirituwal na pagsusuri ng Kuwaresma. Tayo ay kabilang sa isang
Makalangit na Pagpapanatiling Organisasyon (Heavenly Maintenance Organization- HMO). Maaaring kailanganin nating lunukin ang ilang gamot na hindi masarap ang lasa, ngunit mabuti para sa atin. Maaaring kailanganin nating sumailalim sa mas maraming pagsubok. Ngunit ang mga resulta ay magiging isang malinis na kuwenta ng espirituwal na kalusugan. Ang Kuwaresma ay maaaring panahon kung kailan alam natin kung ano ang dapat nating gawin upang makabalik sa tamang landas ng espirituwal na kalusugan. Nawa’y magpasya tayong tumugon ng mas mabilis sa payo ng Makalangit na Doktor. Kung susundin natin ang Kanyang payo sa panahon ng Kuwaresma, maiipagdiwang natin ang bagong buhay natin sa pamamagitan ng Panginoong Muling Nabuhay, lalo na sa Pasko ng Pagkabuhay.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming suriin ang mga kamalian na kailangan naming malampasan lalo na ngayong Kuwaresma. Amen.
***
Isaias 58, 9b-14
Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6
Lucas 5, 27-32
Sino sa atin ang kaunti lang ang kasalanan? Sino sa atin ang malaking malaki at madami ang kasalanan? Sino sa atin ang maliit lang ang kasalanan kumpara sa kakilala nating sobra nang walang kahihiyan? Sino sa atin ang walang kasalanan? Kung wala kang anumang kasalanan, congratulations! Nakapagcommit ka na ng kasalanan sapagkat nabulag ka na sa katotohanan. Sabi ni San Juan sa kanyang sulat, “Kung sinasabi natin na wala tayong kasalanan, niloloko natin ang ating mga sarili at wala sa puso natin ang katotohanan… Kung sinasabi natin na hindi tayo nagkasala, ginagawa nating sinungaling ang Diyos, at wala sa buhay natinang Salita Niya.” (1 John 1:8,10) Dinagdag pa ni St. James sa kanyang sulat, “For whoever keeps the whole law and yet stumbles at just one point is guilty of breaking ALL of it.” (James 2:10) At noong nangaral si Hesus, hindi ba’t ipinareho lang Niya ang kasalanan ng naki-apid doon sa kasalanan ng ng tumingin sa ibang tao nang may pagnanasa? Parehong kasalanan lang ang pumatay at ang nag-isip na mamatay na ang kanyang kapwa?
Kaya nga ang sabi ni San Pablo, “Kawawa naman ako! Sino ang magliligtas sa akin sa makasalanan kong pagkatao na nagdudulot sa akin ng kamatayan?” Alam ng mga tunay na apostol at disipulo ng Panginoon na sila man ay nagkakasala o nagkasala. Ganito ang nagpapakumbaba. At sa ganitong pagpapakumbaba natin nakikita ang kahalagahan ng ginawa ni Hesu-Kristo na ating inaalala ngayong Kuwaresma at tuwing tayo’y dumadalo sa Banal na Misa especially sa breaking of bread, aka Eucharist. Sa ating pagpapakumbaba narerealize na si Hesus ang kailangan natin upang tayo ay maligtas. Mula sa sinabi ni San Pablo, ipinagpatuloy niya ito: “Salamat sa Dios, siya ang magliligtas sa akin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon!” Gayon na lamang ang pananampalataya ni San Pablo kay Hesus patungkol sa pagliligtas na ibinibigay ni Hesus sa mga sumusunod sa Kanya.
Kaya naman, gayon na lamang ang pagtuligsa ng mga Pariseo at eskriba sa ginawa ni Hesus na pagtawag kay Levi na tinatawag ding Mateo sa ating Ebanghelyo ngayon. Hindi lang Niya tinawag si Mateo kundi kumain at tinanggap Niya ang handog na malaking piging ni Mateo! Kasama din ni Hesus kumain doon ang iba pang “marurumi” at “makasalanan” na tao na kagaya ng mga tax collector. In Israel’s culture, di pwedeng makipagusap o lumapit ang tao sa mga taong lumalabag sa batas aka makasalanan sapagkat pati sila ay magiging marumi din. Ang mga tax collector or publikano noong panahong ito ay itinuturing na kaaway ng mga Hudyo. Sila mismo ay Hudyo ngunit sa kung anumang dahilan ay ginawa sila ng Roma na tagasingil ng buwis na nagpapahirap sa mga Hudyo. At minsa’y may pandaraya pa na ginagawa ang mga publikano na ito. Ngunit pinatunayan ni Hesus na walang connection ang batas na ito ng religion sa pagiging marumi ng tao sa mata ng Diyos. At pinatunayan din ni Hesus na sa Kanya, walang imposibleng hindi mailigtas, kahit pa isang taksil sa bayan, kahit pa nagcause ng kahirapan sa kanyang kababayan.
Ang pag-ibig ng Diyos ang nagbibigay sa atin ng grasya upang tayo ay mailigtis Niya. At ang kailangan nating gawin ay katulad ni San Mateo, tumugon sa tawag ng Panginoon. Maaaring ito ay tawag na maging pari o madre, tawag na maglingkod sa simbahan, tawag na maglingkod sa public service, tawag sa paggawa ng mabuti o kahit simpleng tawag sa pagiwas sa kasalanan. Lahat ng ito, iniinvite tayo na tumugon. Later on, alam natin na itong dating tax collector na ito ang binigyan ng pribilehiyo ni Hesus na magsulat ng kanyang Ebanghelyo. Such a gift for a once named sinner by the whole Jewish community. Kaya walang taong hindi gagamitin ang Panginoon, walang taong hindi kayang baguhin ng Panginoon.
Ang problema lang ay kagaya ng mga eskriba at pariseo na ito na hindi nakakakita ng sarili nilang kasalanan. Aanhin natin ang pagpipinpoint ng kasalanan ng iba? Hindi ba’t nagkakasala ka na ng panghuhusga? Ano ang nangyayari pag sinabi mong mas maliit ang kasalanan ko sa kanya? Yung tipong “siya yung actual na nakapatay, e ako nang-iwan lang bigla ng kaibigan”. Hindi ba’t pareho kayong nakapatay? Isang pisikal na kamatayan at isang kamatayang nakakadurog ng puso. Nakakalungkot isipin. Pero siguro kung tayo’y magkakaroon lamang ng kahit isang munting minuto upang manalangin sa Panginoon na ” Lord ipakita mo kung saan ako nagkamali. Patawarin mo ako Panginoon. Gawin mo po akong mabuting tao.” Siguro iyon na ang magiging start ng pagbabagong buhay ng isang tao, at pagtugon sa tawag ng Panginoon. Ang pagsunod kay Kristo ay may kasamang promise at ito ay binanggit sa Gospel of John:
“Yet to all who received him, to those who believed in his name, he gave the right to become children of God — children born not of natural descent, nor of human decision or a husband’s will, but born of God.” (John 1:12-13)