Biyernes, Pebrero 16, 2024

February 16, 2024

Biyernes kasunod ng Miyerkules ng Abo

Isaias 58, 1-9a
Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

Mateo 9, 14-15


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Friday after Ash Wednesday (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 58, 1-9a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
“Ikaw ay sumigaw nang ubos-lakas,
ang sala ng bayan ko sa kanila’y ihayag.
Sinasamba ako,
kunwa’y hinahanap, sinusundan-sundan,
parang natutuwang ang kalooban ko’y kanilang malaman;
ibig palabasin na ang gawain nila ay matuwid,
at di lumilihis sa mga tuntuning aking ibinigay.
Wari’y natutuwang sa aki’y sumamba.
At ang hinihingi’y hatol na matuwid.”
Ang tanong ng mga tao, “Bakit ang pag-aayuno nati’y
di pansin ng Panginoon?
Nagugutom lang tayo ngunit walang kabuluhan.”
ang sagot ng Panginoon,
“Pansariling kapakanan pa rin
ang pangunang layunin sa pag-aayuno,
habang ang nag-aayuno’y patuloy na inaapi ang mahihirap.
Ang pag-aayuno ninyo’y
humahantong lamang sa alitan
hanggang kayu-kayo’y nag-aaway-away.
Kung ang pag-aayunong ginagawa ninyo
ay gayun din lamang,
ang inyong pagtawag
ay tiyak na hindi ko pakikinggan.
Sa inyong pag-aayuno
pinahihirapan ninyo ang inyong sarili.
Yumuyuko kayong parang damong hinihipan ng hangin.
Nagdaramit kayo ng sako at nahihiga sa abo,
pag-aayuno na ba iyan?
Akala ba ninyo’y nasisiyahan ako riyan?
Ito ang gusto kong gawin ninyo:
tigilan na ninyo ang pang-aalipin;
sa halip ay pairalin ang katarungan;
ang mga api’y palayain ninyo at tulungan.
Ang mga nagugutom ay inyong pakanin,
patuluyin sa inyong tahanan ang walang tirahan.
Yaong mga tao
na halos hubad na ay inyong paramtan,
ang inyong pagtulong
sa mga kasama ay huwag tatalikdan.
At kung magkagayon,
matutulad kayo sa bukang-liwayway.
hindi maglalao’t
gagaling ang inyong sugat sa katawan,
ako’y laging sasainyo,
ililigtas kayo at iingatan kahit saang lugar.
Sa araw na iyon,
diringgin ng Panginoon ang dalangin ninyo,
pag kayo’y tumawag,
Ako’y tutugon agad.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob
mga kasalanan ko’y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Hugasan mo sana ang aking karumhan
dalisayin mo ang aking kasalanan!

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

Ang pagsalansang ko ay kinikilala,
laging nasa isip ko at alaala.
Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,
at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan.

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

Hindi mo na nais ang mga panghandog;
sa haing sinunog di ka nalulugod.
Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Amos 5, 14

Matuwid ang dapat gawin,
Masama’y iwasan natin,
at tayo ay bubuhayin;
ang Diyos ay sasaatin,
atin s’yang makakapiling.

MABUTING BALITA
Mateo 9, 14-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong Panahong iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad ni Juan Bautista at ang wika, “Malimit kaming mag-ayuno, gayun din ang mga Pariseo. Bakit po hindi nag-aayuno ang inyong mga alagad?” Sumagot siya, “Maaari bang magdalamhati ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na siya, saka pa lamang sila mag-aayuno.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 9 comments… read them below or add one }

Reynald Perez March 8, 2019 at 6:36 am

Reflection: One of the 3 Forms of Penance during Lent is Fasting. In the laws of the Church, it means to observe one full meal and two small meals for Catholics aged 14 to 59 years old on Ash Wednesday and Good Friday. For the Jews, Fasting was very important because the leaders and the people should observe the tradition of their elders. But this practice was done with a gloomy face because the leaders wanted to be praised for doing this righteous act.
In the Gospel (Matthew 9:14-15), we see our Lord Jesus Christ and the Twelve not fasting, while the disciples of Saint John the Baptist and the disciples of the Pharisees fast. Jesus told them that there is a very important time for fasting, when the Bridegroom is taken away and when the new wineskins are formed from the old ones. These are the signs revealing that he is the Messiah, who comes to make the New Covenant of God by his Paschal Mystery. He taught us the values of love, especially by having sincere and humble hearts. By his sacrifice, he taught us to offer spiritual sacrifices to the Father for the sake of others. So Fasting does not only come from the laws and traditions, but it also comes from the Christian way of life.
There are many ways we can include in fasting during this Season of Lent. One example is the things we buy. We want some new clothes to wear, so for this Season, we can buy simple but fresh clothes, instead of buying fashionable and expensive ones, since Lent is about sacrifice. Another example is recreation. Nowadays, most of the population use i-pads, laptops, computers, and other electronic gadgets for games, nevertheless only their hands are moving. So for this Season, they can play real outdoor games like hopscotch (patintero), luksong baka, luksong lubid, timbang preso, and even ball games like basketball and football (soccer). Another example is our needs and the needs of the poor. Instead of wishing for many popular items, Lent invites us to save our money for our basic needs such as food, water, education, welfare, electricity, etc. Some examples are donating some of our money and possessions to charitable donations for the poor and the needy. One last example is our schedule. Instead of doing things that are not important, Lent invites us to focus on things which are more important. These important things include education, work, chores, and other assigned tasks and responsibilities. Fasting comes in many forms, but most of all, let us never forget the ultimate sacrifice of our Lord Jesus Christ because he fasted for forty days and forty nights in the wilderness, before he could face his Paschal Mystery three years after. As we journey down this Lenten road, let us observe the practice of Fasting with sincere and humble hearts, in memorial of the sufferings of the Lord.

Reply

Sara February 16, 2024 at 10:52 pm

Salamat sa Diyos!!! Amen

Reply

Reynald Perez February 25, 2022 at 3:55 pm

PAGNINILAY: Patuloy tayong naghahanda ngayong Kuwaresma para sa paggunita sa pinagdaanan ng ating Panginoong Hesukristo, nang siya’y dumanas ng paghihirap hanggang siya’y naipako sa Krus. Ngunit alam po natin nangyari ito bilang pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan, at niloob na tayo ay kanyang iniligtas.

Ang Unang Pagbasa ay ang hinanakit ng Panginoong Diyos tungkol sa hinding epektibong paraan ng pag-aayuno ng mga Hudyo. Kung baga pasalita lamang at paghihigpit ang ginagawa nila kapag sila’y nag-iiwas sa anumang bagay. Tila nga ba’y nakukulangan siya sa pinagbabawalan kapag nag-aayuno. Kaya sinasabi ng Diyos na ang hinihikayat niyang pag-aayuno ay kinakailangang maging makabuluhan sa paggawa ng kabutihan sa kapwa, pagtulong sa mga mahihirap, bigyang-pansin ang mga mahihirap, pakainin ang mga gutom, atbp kawang-gawa. Kaya pala kapag tayo ay nag-aayuno at nangingilin ngayong Kuwaresma, dito pumapasok ang ating kawang-gawa sa ibang tao, lalung-lalo na sa mga mahihirap. Ito ang isang hamon sa atin na gawing makabuluhan ang ating Kuwaresma upang magkaroon ng tunay na pagbabago sa ating sarili, kapwa, komunidad, bansa, at sa buong mundo.

At pinagtibay ni Hesus sa Ebanghelyo ang ninanais ng Ama na tamang pag-aayuno. Nang tanungin siya ng mga eskriba at Pariseo kung bakit hindi siya nag-aayuno kasama ang kanyang mga alagad, sinabi niya sa kanila ang isang larawan ng piging, na hangga’t nandoon ang lalaking kinakasal, hindi sila mag-aayuno. Ngunit kung ang lalaki ay aalis na, diyan sila mag-aayuno. Ito’y tumutukoy sa mangyayari sa Panginoong Hesus, nang harapin niya ang kanyang Misteryong Paskwal, na siya namang gugunitain natin makalipas ang 40 araw ng Kuwaresma. Si Hesus ang lalaking ikakasal sa kanyang bayan, na sinisimbolo ng ating Inang Simbahan. Pagtitipunin niya ang lahat patungo sa Ama sa pamamagitan ng kanyang pag-aalay ng buhay upang maging karapat-dapat tayong tawaging mga anak ng Diyos. Kaya nagiging mahalaga ang pag-aayuno hindi dahil tayo ay kailangang maging malumbay, kundi dahil alam natin na tayo ay naglalakbay patungo sa tagumpay ni Kristo, na siyang ating ipagdiwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Mga kapatid, ang Panahon ng Kuwaresma ay inilatag sa atin upang magkaroon nga ng tunay na kalooban na tanggapin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga tradisyon na ibinigay ng ating Simbahan, at higit dito ay ang ating pagkakaroon ng pagdadamay, pagtutulong, at paglilingkod sa lahat ng tao.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño March 4, 2022 at 9:23 am

Ang mga Pagbasa ngayon ay patungkol sa pg-aayuno.

Pangatlong araw ng Kwaresma… kamusta ka kapatid? Ano na ang mga paghahandang ginagawa mo? Nagsimula ka na ba na aminin ang mga kasalanan at humingi ng kapatwaran sa mga pagkakasalang ito? Nagdarasal ka na ba ng malimit? Nanglilimos? At nag -aayuno?

Napag-uusapan ang “ayuno”, itinuro ng Panginoon amg tamang pag-aayuno, kahit magsuot ka pa ng sako at maghihiga sa abo kung ikaw naman hindi nagmamahal ng kapwa lalo na ang mga api ay wala rin. Maglakad ka man ng paluhod sa Baclaran pero kung paglabas mo nman ng simbahan ay hindi mo makuhang bawasan ang iyong yaman para ibigay o itulong sa mga walang wala at nagugutom sa kalye ay wala din. Mag-rosaryo ka man oras oras ngunit kung ikaw ay patuloy na : naninirang puri, tsismosa, madamot, mayabang, mapagmataas, nagnanasa sa hindi mo pag aaari ay hindi ka din kalulugdan ng Diyos.

Ang sinasabi ni Hesus ay ang pag -aayuno ay hindi lamang pagapapahirap ng sarili para sa sariling layunin. Pag aayuno na kasabay ang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong at malasakit ng sa gayon ay kalugdan ng Diyos ang ating gawain at pakinggan din ang ating kahilingan.

Reply

Malou Castaneda February 15, 2024 at 5:22 pm

PAGNINILAY
Upang makalakad kasama ni Hesus dapat natin laging tandaan na unawain ang salita ng Diyos at sundin ang Kanyang kalooban sa ating buhay. Nais ni Hesus na ang ating isipan at puso ay maging tulad ng mga bagong balat ng alak – bukas at handang tumanggap ng bagong alak ng Banal na Espiritu. Ayaw Niyang panghawakan natin ang ating mga maling gawain. Kinasusuklaman Niya tayong magtagpi ng bago o artipisyal na mga bagay para itago ang ating mga makasalanang paraan. Maihahalintulad sa pagsusuot ng mamahaling pabango para pagtakpan ang hindi natin pagligo. Ang pagpunta sa misa araw-araw, ang pagsusuot ng mga medalya at mga abito, maging ang pagsusuot ng puting damit at pagbibigay ng ating mga ngiti sa lahat ay mababaw kung ang ating puso ay hindi malinis, ang ating mga paraan ay hindi ayon sa Kanyang mga paraan, ang ating mga isip at dila ay nakagawian ang mga tsismis, malisya, sama ng loob, inggit sa kapwa… Nais ni Hesus na talikuran natin ang kasalanan at baguhin ang ating buhay sa Kanyang kalooban.

Panginoon, gawin Mo kaming bago, lumalawak na lalagyan ng Iyong pag-ibig, hindi nag-iimbak ngunit umaapaw, tapat hanggang wakas. Amen.
***

Reply

Mel Mendoza February 16, 2024 at 1:47 am

Ang sinasabi sa Ebanghelyo ay isang paalala ng kahalagahan ng pagaayuno. Sa mga Pariseo ito ay isang ritwal at tradisyon na minana nila na matatawag na may halong gawa gawa lamang ng kanilang mga ninuno. At sa mga alagad naman ni San Juan Bautista maaring ding ginawa nila ang pagaayuno sa dahilan na may koneksyon ito sa kanilang kapighatian sa panahon ng pagkakabilanggo ng kanilang sinusundang mangangaral. Sa Bibliya isinasagawa ito ng mga tao tuwing sasapit ang oras ng panalangin sa Diyos. Isang gawaing banal na nakasaad sa ibang pagbasa (Mateo 6:16-18). Noong Miyerkules ng Abo na kung saan ipinagdiriwang natin ang simula ng Kuwaresma ang panahon ng paghahanda para sa misteryo ng Paskuwa, ang pagpapakasakit, pagkamatay at ang muling pagkabuhay ni Hesus.

Ang tagpo sa Mabuting Balita ay tinatanong ng mga alagad ni San Juan Bautista bakit hindi nagaayuno ang mga alagad ni Hesus. Gumamit ang Panginoon ng isang halimbawa ng isang kasalan na ang mga kaibigan ng ikakasal ay dapat masaya habang kasama pa nila ito at walang dahilan upang sila ay malungkot pero kung wala na ito doon palang sila malulungkot at magaayuno. Mararanasan ng mga alagad ni Hesus ang pagdadalamhati dahil Siya ay magaalay ng sariling buhay sa krus at sa muli Niyang pagkabuhay kasabay namang sisilang ang pag-asa at hindi na sila magaayuno.

Tinutulungan ni Hesus ang mga alagad ni San Juan na huwag asahan ninuman na ang mga alagad Niya ay susunod sa mga lumang kaugalian, mga ritwal at tradisyon ng Judaismo mga aral na hango sa mga gawa at turo ng tao lamang. Nang dumating si Hesus inalis ang sinaunang pagsamba’t at ipingangaral ang tamang pagaayuno. Ito ay base sa panukala ng Diyos na malayo sa kaisipan ng tao. Ang pagaayuno na hindi pakitang tao lamang na gawain ng mga Pariseo na kilala sa kapaimbabawan.

Ang pagaayuno ay hindi lang basta pagliban at pagbabawas kundi ang pagtalikod sa lahat ng nagiging dahilan ng paglalayo ng tao sa Diyos. Hindi ito nalilimitahan sa pagbabawas sa pagkain kundi sa pagiwas sa sobrang pagka-humaling sa lahat ng mga bagay. Ang pagaayuno ay pwede din ang pagpigil sa mga masasamang gawa, at pag-uugali lalo na ang makakaapekto sa magandang pakikitungo sa kapwa. Ang pagaayuno, katulad ng pananalangin at paglilimos ito ay mga gawain banal na dapat ganapin sa apatnapung araw na paghahanda sa muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus.

Reply

Jess C. Gregorio February 16, 2024 at 6:27 am

Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:

May mga bagay na hindi nagpapasakop sa batas ng tao. Mga gawi na mas mataas sa inaasahang alintuntunin at expectation ng karamihan. Exemption to the Rule ika nga. Isa na rito ang kakaibang ikinikilos ng Espiritu. Tahasang sinabi ni Hesus na hindi nagpapasakop ang Diyos sa kagustuhan lang ng tao at ang pag aayuno ay walang silbi kung ang rason ng pinag aayunuhan ay kapiling at nasa kanilang harapan. Karaniwang naguguluhan ang mga taga sunod kung bulag at walang kakayahang mabatid at makita ang Diyos na gumagalaw sa kanilang katayuan. Kaya nga tayo ginawaran ng kapangyarihan alamin mga espiritung gumagalaw sa kapaligiran. Mismong si Hesus ang nasa atin upang maintindihan ang mga gawain sa paligid nating ginagalawan. Ang mga katangiang ito ay makukuha at makakamtan sa palagiang panalangin. Sa bawat galaw naisin kung ano ang kanyang gagawin. Kasalanang itinatago ang karaniwang nagkukubli ng maka-diyos sa atin. Sa kumpisal ay madaling mapagaling. Ang mga Misang Banal na kung saan si Kristo ay maaring tangapin, ituturo sa atin mga tamang kataga, gawi, at gawa ating nanaisin. Gaya ng mga alagad ni Juan Bautista, kung sakaling tinatalo tayo ng lito at walang kasiguraduhan, lapitan natin siya at kausapin ng totohanan, mata sa mata, puso sa puso sa kanyang kinaroroonan, sa Adoration Chapel, ating malalaman at masusumpungan, kasagutan sa mga katanungan. Ang gusto lang ni Hesus ay huwag natin pagdududahan ang Banal na Espiritu niya sa atin ay nananahan. Karaniwang ninanakaw ng demonyo mga kapangyarihan sa atin ay naigawad ng kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli. Isa sa mga paraan niya ay pagdudahin tayo sa lahat ng sinabi at nagawa na ni Kristo. Mga ehemplong sumisigaw ng katotohanan na minsan ay ating nakakalimutan dahil lamang sa mga naririnig at nakikita sa mga saserdote at pariseong makabago sa ating kapaligiran. Kung nanghihina ang pananampalataya, nalilito, at tila naliligaw ng pinaniniwalaan, nariyan si Hesus na puwedeng lapitan: sa palagiang panalangin, sa kumpisalan, sa Misa, sa Adoration Chapel, handa siya kausapin tayo kung nangangailangan.

Reply

RFL February 16, 2024 at 7:28 am

Isaias 58, 1-9a
Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19
Mateo 9, 14-15

Alam nyo bang napatunayan ng Science na ang physical form ng fasting ay may malaking tulong sa ating katawan? Kung hindi tayo kumain for a certain period, nilalagay ng ating katawan ang sarili nito sa Autophagy mode. Sa process na ito, nadedetox, narerenew and nacleanse ang ating katawan. At sinasabi nilang nakakapagpadecrease din ito ng chance na magkacancer ang tao.

Ang pag-aayuno na itinuturo ng Simbahan, para maging totoo ay sinasamahan ng pananalangin o ng pagsisimba. Pero kung magpipigil ka lang talaga, diet ang tawag doon. Ang fasting ay uri ng pagsamo sa Diyos para sa ating mga panalangin, para sa ating mga hinihiling. Si Hesus ay nag-ayuno ng 40days sa wilderness para maihanda ang sarili sa kanyang ministry. Si Pablo at Barnabas ay nagfast and prayer bago icommit ang mga elders sa Panginoon. Noong panahong before Christ, nagfast ang mga tao para humingi ng victory at safety, para ipakita ang kapighatian, para ipakita na nagsisisi sa ating mga kasalanan, pagbabalik-loob sa Diyos at para iworship si God.

Gayon na lamang ang kahalagahan ng fasting sa Jewish community at maging sa ating mgaKristiyano. Sa pagkakaalam ko’y ang mga kapatid nating Kristiyano sa ibang sekta ay naguundergo din ng fasting. Sinabi ng Panginoon na kapag wala na Siya ay kailangan nang magfast ng mga disipulo Niya. Bakit? Ano ang difference ng andito physically si Hesus versus sa nasa langit Siya, gayong ibinigay naman Niya ang Espiritu Santo sa atin? Simple lang, para tayo ay magabayan. Kung andito si Hesus, yung mga tanong natin sa buhay, pwede natin Siya iask directly at maririnig natin ng malakas ang boses Niya. Ngunit para marinig natin ang Espiritu kailangan ay nakatune-up tayo with the Holy Spirit on a spiritual level. Hindi natin yun magagawa kung puno tayo ng cares ng mundo na ito.

Kaya nga to be in tune with the Spirit of God, kailangan nating magfast mula sa makamundong pag-uugali at pamamaraan. Mag-ayuno mula sa pagmamaritess. Mag-ayuno mula sa masakit na pananalita. Mag-ayuno sa pagiging toxic. Mag-ayuno mula sa too much social media. Mag-ayuno sa pagcocomment ng walang pakundangan at habag. Mag-ayuno sa panghuhusga sa kapwa at sa pagiging unfair. Mag-ayuno sa pagiging magagalitin at paninigaw sa kapwa. Mag-ayuno sa grudges and hate na meron ka sa iyong kapwa. Mag-ayuno sa unforgiveness. Mag-ayuno sa pagiging madamot. Mag-ayuno sa pagiging corrupt in mind and in practice.

Sa totoo lang, lahat ng mga nabanggit ko na ito ay bare minimum na dapat gawin nating mga Katoliko Kristyano, na dapat nating gawin araw-araw at hindi lang sa panahon ng Kuwaresma. Hindi ba’t everyday kailangan nating ibear ang image ni Hesus? Hindi ba’t everyday ay kailangan nating ipakita na tayo’y isang munting Hesus? Kaya nga Kristiyano eh. Christian means “little Christ”. Ito ang gusto ng Diyos sa atin. Kaya naman inemphasize Niya ito matagal na sa Jewish community noong panahon pa ni Propeta Isaias. Hindi naman sinasabing masama ang physical form ng fasting. Pero kung itong bare minimum na dapat gawin ng isang Kristiyano ay hindi natin magawa, paano pa kaya pag sinamahan ito ng physical fasting?

Nawa ay pareho nating magawa ang espiritual at physical form ng pag-aayuno dahil para talaga sa atin ito. Nawa ang pag-aayuno ay magdulot sa atin ng spiritual growth. Nawa ang pag-aayuno ay magtune in sa ating with the Holy Spirit nang lagi nating marinig ang Kanyang boses at gabay. Amen.

Reply

Joshua S. Valdoz February 16, 2024 at 11:48 am

eflection: One of the 3 Forms of Penance during Lent is Fasting. In the laws of the Church, it means to observe one full meal and two small meals for Catholics aged 14 to 59 years old on Ash Wednesday and Good Friday. For the Jews, Fasting was very important because the leaders and the people should observe the tradition of their elders. But this practice was done with a gloomy face because the leaders wanted to be praised for doing this righteous act.
In the Gospel (Matthew 9:14-15), we see our Lord Jesus Christ and the Twelve not fasting, while the disciples of Saint John the Baptist and the disciples of the Pharisees fast. Jesus told them that there is a very important time for fasting, when the Bridegroom is taken away and when the new wineskins are formed from the old ones. These are the signs revealing that he is the Messiah, who comes to make the New Covenant of God by his Paschal Mystery. He taught us the values of love, especially by having sincere and humble hearts. By his sacrifice, he taught us to offer spiritual sacrifices to the Father for the sake of others. So Fasting does not only come from the laws and traditions, but it also comes from the Christian way of life.
There are many ways we can include in fasting during this Season of Lent. One example is the things we buy. We want some new clothes to wear, so for this Season, we can buy simple but fresh clothes, instead of buying fashionable and expensive ones, since Lent is about sacrifice. Another example is recreation. Nowadays, most of the population use i-pads, laptops, computers, and other electronic gadgets for games, nevertheless only their hands are moving. So for this Season, they can play real outdoor games like hopscotch (patintero), luksong baka, luksong lubid, timbang preso, and even ball games like basketball and football (soccer). Another example is our needs and the needs of the poor. Instead of wishing for many popular items, Lent invites us to save our money for our basic needs such as food, water, education, welfare, electricity, etc. Some examples are donating some of our money and possessions to charitable donations for the poor and the needy. One last example is our schedule. Instead of doing things that are not important, Lent invites us to focus on things which are more important. These important things include education, work, chores, and other assigned tasks and responsibilities. Fasting comes in many forms, but most of all, let us never forget the ultimate sacrifice of our Lord Jesus Christ because he fasted for forty days and forty nights in the wilderness, before he could face his Paschal Mystery three years after. As we journey down this Lenten road, let us observe the practice of Fasting with sincere and humble hearts, in memorial of the sufferings of the Lord.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: