Miyerkules, Setyembre 13, 2023

September 13, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Mayaman man o mahirap, lahat tayo ay sama-samang tinatawag ng Diyos bilang kanyang mga anak ng Kaharian. Manalangin tayo sa Ama nang may tunay na puso.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pagpapala, lingapin Mo kami.

Ang Simbahang dumaranas ng pag-uusig nawa’y patuloy na kumapit sa pananampalataya at tipunin ang lahat sa pagkakaisa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at mga nangagugutom nawa’y tumanggap ng kanilang kabusugan sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod ng ating mga pinuno, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga sumasampalatayang inuusig, iniinsulto, kinamumuhian, at inaabuso nawa’y magbunyi sa kasiyahan ng Kahariang naghihintay sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga matatanda nawa’y makadama ng kasiguruhan sa pamamagitan ng ating pag-ibig at pag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y tumanggap ng habag ng Panginoon sa tulong ng ating mga panalangin, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, pakinggan mo ang aming mga hinaing. Nawa’y ipahayag ng aming buhay ang kaligayahang inihanda mong maging amin sapagkat ikaw ay aming Panginoon, ngayon at magpakailanman. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 8, 2019 at 11:52 pm

Pagninilay: Ang Ebanghelyo ni San Mateo ay ang Ikalimang Kabanata inilaan para sa mga pangangaral ng ating Panginoong Hesukristo, na ang tawag ay “Sermon on the Mount”. Dito naman si Ebanghelyo ni San Lucas, ang Ikaanim na Kabanata ay inilaan para sa mga kapare-parehas rin na mga pahayag ng Panginoon, na ang tawag naman dito ay “Sermon on the Plain”. Nagsisimula rin ito sa katulad ng kay Mateo (8 Beatitudes), ngunit ang nadagdag ay hindi lang mga pagpapala, kundi may mga kasawiang nabanggit si Hesus. Ang mga sinabi ng Panginoon na pinagpala ay mga itinuturing na mahihirap at walang kakayahang mamuhay nang masagana. Kabilang din sa mga pinagpala ay ang mga may mga paghihirap, at ang lahat ng mga ito ay may gagantimpalaan pagkatapos ang lahat ng mga pagsubok. Subalit ang mga kasawian naman ay tila nga bang mga matalino, mayaman, at iba pang mga nasa mataas na lebel sa lipunan. Ngunit ano ba talaga ang mensahe ng Ebanghelyo? Kailangan nating intindihin ang bawat pagbabasa natin ng mga bersikulo sa Bibliya hindi lang sa literal na mensahe, pati rin sa historikal na konteksto upang maisabuhay natin ang tunay na kahulugan ng bawat pagpaparangal ng Panginoon. Bago pa man ang kapanuhanan ni Kristo, ipinahayag na ng mga propeta na ang Diyos ay dumidinig sa mga hinaing ng mga taong minamaltrato at niyuyurakan ng mga nasa matataas na antas. Kaya’t dito ipinahayag ng Panginoon ang mga pagpapala ng iilang tao at ganun rin ang mga kasawian ng iilang tao. Subalit sadya bang magkakaroon ng pighati ang mga mayayaman at matatalino? Hindi naman tumatanggi ang Panginoon kung ang tao ay puno ng kakayahan at talento sapagkat alam niya na dapat gamitin ang mga ito upang ipaunlad ang kabuhayan ng lahat ng tao. Kaya nga kung gagamitin nang mabuti ang pera, lakas, at iba pang interes, may mabubuting epekto ito lalung-lalo na sa mga nangangailangan. Ngunit kaya pinahayag ni Kristo ang mga kasawian sapagkat may mga taong sadyang ginagamit ang impluwensiya at kapangyarihan upang makapanakit ng kapwa at makaabot ang pansariling kapakanan sa buhay. Ang hamon sa atin ng Panginoon ay ang kababaang-loob ng puso na sa kabila ng ating mga tagumpay mula pagkabata hanggang sa kontemporaryong sitwasyon ng buhay natin, dapat matuto tayong magpakumbaba at aminin na ang lahat ng mga makamundong bagay ay lilipas rin. Ngunit hindi kailanman lilipas ang pananampalataya natin sa Panginoon na siyang dapat ating ituon at ang tunay na kagalakang nakalaan sa kanyang kaluwalhatian sa langit. At tayo rin ay tinatawag na patuloy na gumawa ng kabutihan at hindi ng kasamaan sa ating kapwa-tao.

Reply

Mylene Farinas September 11, 2019 at 7:20 am

O Almighty God and Savior! Thank you for reminding us and giving us consolation that suffering in this world has better reward in heaven. Give us the strength to endure any suffering and to have a strong faith O Lord that you are always besides us to overcome all our troubles. And, when the time comes that bad situations becomes better, we may not forget to thank you and glorify, O my God. For your Word is true now and forever. Amen.

Reply

Rosalinda M. Jubilado September 13, 2023 at 8:46 am

ang unang grasyang kaloob sa atin ng Diyos ay ang pagmimithi at pagkauhaw sa Kanya, sa Kanyang mga Salita.
lahat ay kinauuhawan mo sa Kanya.
dito natin unang madarama ang paghahari ng Diyos.
sa pamamagitan ng pagmimithi at pagka-uhaw sa Kanya dito unti – unting nagpapakilala ang Diyos.
if we continually follow this grace na kaloob ng Diyos sa atin , makikita mo, madadarama natin na uniti unting nagpapakilala sa iyo ang Diyos.
what is in your mind, in your heart, God is giving you the answer and truly He is talking to you.- that is the Holy Spirit of God na nagmula kay Jesus na ipinagkaloob Niya noong tayo ay tumanggap ng Holy Baptism.
by not ignoring the leading of the Holy Spirit that is within you, you will experience the wonders of God.
in this way He will reveal all His mysteries to you, that men who are far from Him do not know.
this is the knowledge, wisdom, understanding of God is revealed to you.
through these : lahat ng Beatitudes ay maiprapractice natin.
prayers is already your daily lives.
whatever you do is a prayer to God.
whatever you do is a Love to God.
everyday your mouth speaks of gratefulness.
Oh how wonderful it is to be with the Lord.
Oh how wonderful it is to praise Him.
Great is the Love of God to all mankind.
He unites Himself in all generations.
Thanks to His Holy Works in all generations.
Glory to God!
Glory to Christ Jesus!
Glory to the Holy Spirit!
Ano ang mga sekreto ng taong namumuhay sa Diyos?
mula sa Dios, pinagkalooban siya ng:
humility anumang estado niya sa buhay, awareness sa bawat iisipin, sinasalita at ginagawa, generous and kind, laging nagpapasakop sa kalooban ng Diyos , may contrite heart, punong-puno ng kapayapaan, laging umaasa sa Diyos, laging nagtitiwala sa Diyos, lahat ng ginagawa niya is a Song to God.
ito ay bunga ng marami nating tiisin na binanggit sa Ebanghelio dito sa buhay natin kaakibat ng patuloy nating pag-asa sa Kanya.
Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: