Martes, Setyembre 12, 2023

September 12, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Tinatawag tayo ng Diyos bilang kanyang hinirang upang sundin ang kanyang kalooban. Manalangin tayo nang may pananalig sa Diyos na nagnanais na ang kanyang bayan ay mamagitan para sa sandaigdigan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pakinggan mo kami kay Kristo.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng Santo Papa at ng mga obispo, nawa’y umakay sa atin sa kaganapan ng buhay Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mambabatas nawa’y gabayan ang ating bayan para sa kasiguruhan ng kinabukasan at kaunlaran ng ating bayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magsumikap at maging tapat sa ating bokasyon na itinakda ng Diyos para gampanan natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, maysakit, at nalulumbay nawa’y matagpuan ang presensya ng Diyos sa kanilang mga pagsubok at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mamahinga sa kapayapaan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, narito kaming nananalangin upang gawin ang kalooban mo. Tanggapin mo nawa kami sa pamamagitan ng iyong bugtong na Anak, siya na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 8, 2019 at 11:54 pm

Pagninilay: Ang Ebanghelyo ay nagsasalaysay kung paanong tinawag ng Panginoon ang 12 alagad na kanyang hinirang bilang mga Apostol. Ang pagkakaiba ng isang Apostol sa ordinaryong alagad ay siyang direktang susunod sa utos ng isang amo. Sa ganitong sitwasyon, direktang tinawag ni Hesus ang 12 Apostol upang ipagpatuloy ang pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos. Ito’y mangyayari kahit sa punto’y nakabalik na si Hesukristo sa Ama na ang kanyang mga mensahe at kababalaghan ay iparangal sa lahat ng tao. Itong mga 12 lalaki na naging Apostol ay hindi galing sa mga mataas na antas sa lipunan, kundi sila’y mga ordinaryong mamamayan sa iba’t ibang trabaho. Katulad nina Simon Pedro, Andres, Santiago, at Juan na mga dating mangingisda. Si Bartolome ay dating isang dalubhasa ng Kautusan, ngunit hindi man binanggit kung siya’y isang pinuno ng mga Hudyo. Si Mateo ay dating nangongolekta ng buwis na pinaghandaan si Hesus ng piging kasama ang kanyang mga kaibigan. Si Simon (hindi Pedro) ay dating isang makabayang nagrerebelde laban sa pamumuno ng mga Romano sa Judea. Bagamat sila’y hindi mayayaman at makapangyarihan, sila’y tinawag ni Hesus upang makibahagi sa kanyang misyon. Ngunit kahit sila’y malalapit sa kanya, mayroon din silang mga sariling kahinaan. Si Simon Pedro bagamat siya ay hinirang bilang kauna-unahang Pastol ng Simbahan/Santo Papa, siya’y nangangarap na maging sa una hanggang sa punto itinatwa niya si Kristo nang tatlong beses pagkatapos ang sakdal sa Sanedrin. Sina Santiago at Juan ay minsan hiniling sa Panginoon na sila’y umupo sa kanyang kanan at kaliwa kapag siya’y iluluwalhati. Si Tomas ay kilala sa pag-alinlangan tungkol sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon dahil wala siya n’ung nagpakita si Kristo sa Sampung Apostol. At si Judas Escariote ay kilala bilang traydor na ipinagkanulo si Hesus para sa halaga ng 30 kapirasong pilak, ngunit nagpakamatay matapos matuntunan na inosenteng tao ang kanyang trinaydor. At higit sa lahat, ang mga Apostol maliban kay San Juan ay nagtago nang mabalitaan si Hesus ay inaresto sa Hardin ng Getsemane at ihahatol ng kamatayan sa Krus. Sila’y nahihiya dahil pinabayaan nila siya, at sa una hindi sila naniniwala sa saksi ng mga babae at ng 2 alagad galing ng Emaus na si Hesus ay muling nabuhay. Bagamat maraming mga kahinaang nagawa ng mga Apostol kay Hesus, sila’y hinirang pa rin nila upang ipagpatuloy ang pagpapahayag ng Mabuting Balita mula sa Jerusalem hanggang sa mga pinakamalayong bahagi ng lupa. Sa kasamaang palad na nagpakamatay si Judas Escariote, siya’y pinalit ni Matias upang maging bahagi sa misyong ito. Ang bilang na “12” ay nangangahulugang ganap na pagkaperpekto dahil sila’y nagsimula ng ganap na pagpapahayag ng Mabuting Balita sa lahat ng tao, at ito’y ipinapatuloy ng mga nabinyagang tao na naniniwala kay Hesus. Kaya rin sila’y 12 sapagkat sila ang mga 12 Tribo ng bagong Israel dahil sila’y sumasagisag sa pagkasandigan ng Simbahan na siyang tagapagalaga ng mga aral ni Kristo na mismong ipinangaral ng mga Apostol. At ang mga sumunod sa mga 12 Apostol ay ang Santo Papa, mga Obispo, at mga Pari na inatasang ipastol ang mga kawang nakakalat sa iba’t ibang komunidad. At tayong mga kabilang sa Laiko ay bahagi rin sa tinatawag na “mission of Evangelization”. Kapag tayo’y tinatawag na makibahagi, hindi ito’y nangangahulugang na kailangan nating maging mga Pari, madre, o relihiyoso’t relihiyosa, kundi kahit mga ordinaryong tao ay ipahayag natin ang Mabuting Balita at isabuhay ito sa pagiging mga saksi ng Panginoon.

Reply

Mylene Farinas September 10, 2019 at 6:48 am

Glory and praise are yours, o Lord. Your kindness and goodness are immeasurable. You chose to be with the poor and sinner, and made them your disciples and friends. Your power is so great that you brought healing to those who were sick physically and spiritually. You, my Lord is the great and there is no other God but You. All glory and praises belongs to You now and forever. Amen.

Reply

Reynald Perez September 2, 2021 at 11:11 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang paanyaya ni San Pablo sa mga taga-Colosas na mamuhay at lumakad sa pamamaraan ni Kristong natanggap nila sa Mabuting Balita, nang umunlad pa ang pananampalatayang nagkakaroon ng tunay na pagpapala at pasasalamat. Ang kaganapan ng ating buhay ay mula kay Kristo dahil sa ating karapatang maging bahagi ng planong pangkaligtasan ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus na namatay at nabuhay na mag-uli para sa ating pagpapatawad. Kaya ang ating pamumuhay bilang mga Kristiyano ay nakaugat sa pananamapalataya, pag-asa, at pag-ibig na nagpapalaya sa pagpapalang lahat ay tinatawag na ipakita upang dakilain ng lahat ang Panginoon sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang Ebanghelyo ay nagsasalaysay kung paanong tinawag ng Panginoon ang 12 alagad na kanyang hinirang bilang mga Apostol. Ang pagkakaiba ng isang Apostol sa ordinaryong alagad ay siyang direktang susunod sa utos ng isang amo. Sa ganitong sitwasyon, direktang tinawag ni Hesus ang 12 Apostol upang ipagpatuloy ang pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos. Ito’y mangyayari kahit sa punto’y nakabalik na si Hesukristo sa Ama na ang kanyang mga mensahe at kababalaghan ay iparangal sa lahat ng tao. Itong mga 12 lalaki na naging Apostol ay hindi galing sa mga mataas na antas sa lipunan, kundi sila’y mga ordinaryong mamamayan sa iba’t ibang trabaho. Katulad nina Simon Pedro, Andres, Santiago, at Juan na mga dating mangingisda. Si Bartolome ay dating isang dalubhasa ng Kautusan, ngunit hindi man binanggit kung siya’y isang pinuno ng mga Hudyo. Si Mateo ay dating nangongolekta ng buwis na pinaghandaan si Hesus ng piging kasama ang kanyang mga kaibigan. Si Simon (hindi Pedro) ay dating isang makabayang nagrerebelde laban sa pamumuno ng mga Romano sa Judea. Bagamat sila’y hindi mayayaman at makapangyarihan, sila’y tinawag ni Hesus upang makibahagi sa kanyang misyon.

Ngunit kahit sila’y malalapit sa kanya, mayroon din silang mga sariling kahinaan. Si Simon Pedro bagamat siya ay hinirang bilang kauna-unahang Pastol ng Simbahan/Santo Papa, siya’y nangangarap na maging sa una hanggang sa punto itinatwa niya si Kristo nang tatlong beses pagkatapos ang sakdal sa Sanedrin. Sina Santiago at Juan ay minsan hiniling sa Panginoon na sila’y umupo sa kanyang kanan at kaliwa kapag siya’y iluluwalhati. Si Tomas ay kilala sa pag-alinlangan tungkol sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon dahil wala siya n’ung nagpakita si Kristo sa Sampung Apostol. At si Judas Escariote ay kilala bilang traydor na ipinagkanulo si Hesus para sa halaga ng 30 kapirasong pilak, ngunit nagpakamatay matapos matuntunan na inosenteng tao ang kanyang trinaydor. At higit sa lahat, ang mga Apostol maliban kay San Juan ay nagtago nang mabalitaan si Hesus ay inaresto sa Hardin ng Getsemane at ihahatol ng kamatayan sa Krus. Sila’y nahihiya dahil pinabayaan nila siya, at sa una hindi sila naniniwala sa saksi ng mga babae at ng 2 alagad galing ng Emaus na si Hesus ay muling nabuhay. Bagamat maraming mga kahinaang nagawa ng mga Apostol kay Hesus, sila’y hinirang pa rin nila upang ipagpatuloy ang pagpapahayag ng Mabuting Balita mula sa Jerusalem hanggang sa mga pinakamalayong bahagi ng lupa. Sa kasamaang palad na nagpakamatay si Judas Escariote, siya’y pinalit ni Matias upang maging bahagi sa misyong ito.

Ang bilang na “12” ay nangangahulugang ganap na pagkaperpekto dahil sila’y nagsimula ng ganap na pagpapahayag ng Mabuting Balita sa lahat ng tao, at ito’y ipinapatuloy ng mga nabinyagang tao na naniniwala kay Hesus. Kaya rin sila’y 12 sapagkat sila ang mga 12 Tribo ng bagong Israel dahil sila’y sumasagisag sa pagkasandigan ng Simbahan na siyang tagapagalaga ng mga aral ni Kristo na mismong ipinangaral ng mga Apostol. At ang mga sumunod sa mga 12 Apostol ay ang Santo Papa, mga Obispo, at mga Pari na inatasang ipastol ang mga kawang nakakalat sa iba’t ibang komunidad. At tayong mga kabilang sa Laiko ay bahagi rin sa tinatawag na “mission of Evangelization”. Kapag tayo’y tinatawag na makibahagi, hindi ito’y nangangahulugang na kailangan nating maging mga Pari, madre, o relihiyoso’t relihiyosa, kundi kahit mga ordinaryong tao ay ipahayag natin ang Mabuting Balita at isabuhay ito sa pagiging mga saksi ng Panginoon.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño September 7, 2021 at 9:28 am

Ang ebanghelyo ngayon ay ang paghirang sa 12 apostol na magpapalaganap ng Mabuting Balita. Ano ang hamon sa atin nito?
Alam nyo ba na tayong lahat ay pari? At tayong lahat ay may tungkulin na magbahagi din Salita ng Diyos at maging halimbawa ng mga aral dito. Ano ba ang mga lumalabas sa ating mga bibig? Pagmumura, paninirang puri, tsismis, mahahalay na salita, mga mapanakit na salita, pagmamamaliit ng kapwa, pamimintas ng may kapansanan, kasinungalingan at kaung anu ano pang salita na hindi kalugod lugod sa Diyos. Sikapin natin na tularan ang mga apostol sa paraamg kaya natin, sa mga pagkakataon na pwede nating ipamahagi ang Mabuting Balita, sa ating posisyon, sa mga pagpupulong, Maging apostol tayo. Katulad ngayon na nabubuhay tayo sa internet world, maari kang magpalaganap ng magagamdang balita na makakatulong sa napapanahong sitwasyon, ishare mo ang mga live na misa, ipasa sa GC ng mga kaibigan at pamilya ang mga ebanghelyo o bible quotes, hindi man basahin o namnamin ng ilan ang nilalaman ay may makukuha ka pa ding tupa na isa, dalawa o tatlo, wag kang tumigil, ipagpatuloy mo lang ang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos at siguraduhin na nakikita nila sayo ang pagbabago o ang pagsunod sa utos ng Diyos upang hindi ka masabihan na mapag imbabaw. Kung tayo ay nakaktagal ng ilang oras sa facebook, netflix o kung ano ano pa, ang misa ay isang oras lang, ang rosaryo ay bene minutos lang, ang pagbabasa ng ebanhelyo at dalawang minuto lang. kung marami kang oras sa iba, masa dapat may oras ka sa naglalang sa iyo at nagbigay ng lahat ng meron ka ngayon.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: