Huwebes, Hulyo 6, 2023

July 6, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Taglay ang buong pananalig ng mga kaibigan ng paralitiko, dalhin natin sa Panginoon ang ating mga pangangailangan at ang mga dalamhati ng Simbahan at ng mundo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, palakasin at ibangon mo kami.

Ang Simbahan nawa’y palagiang isagawa ang mapagligtas na misyon ni Kristo sa pamamagitan ng pagpapatawad ng mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pari na nagdiriwang ng Sakramento ng Pakikipagkasundo nawa’y laging magpakita ng habag at pang-unawa sa lahat ng mga nagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging laging handang magpatawad ng ating kapwa sapagkat bahagi ito ng ating tungkulin sa pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatagpo ng kasiyahan at pag-asa sa gitna ng kanilang pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y makasalo sa walang hanggang kapayapaan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa kapatawaran na dulot ng iyong Anak sa amin. Kami nawa’y makapagpatawad sa mga nagkakasala sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 26, 2021 at 1:19 am

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang salaysay ng pagtukso ng Diyos kay Abraham, ang ating ninuno sa pananampalataya. Iniutos ng Panginoon na ialay ng patriarkiya ang anak nitong si Isaac bilang handog sa Bundok Moriah. Bagamat naging mabigat ang kalooban ni Abraham, sinundan pa rin nito ang kalooban ng Diyos. Dumating sa puntong pinigil ng anghel ng Diyos si Abraham sa pagsasakripisyo sa anak nito.

Nakita rito ang katatagan ng pananampalataya ng patriarkiya na sinagip ng Panginoon ang buhay ni Isaac. Ang pangyayaring ito ay nagpapatunay ng pagiging masunurin sa kalooban ng Diyos, kahit sa mga panahong katulad tayo ni Abraham na sinusubok din ng Panginoon ang ating pananampalataya sa kanya. Ang pagiging masunurin ay mas ipapakita ni Hesus, na bagamat si Isaac ay iniligtas sa pagiging handog, si Kristo naman ay nag-alay ng buhay sa Krus bilang ganap na handog para makamit natin ang kaligtasan mula sa ating mga kasalanan, at balang araw ang kaningningan ng buhay na walang hanggan sa kalangitan.

Ang Ebanghelyo ay isa na naman kilalang kababalaghan ng ating Panginoong Hesukristo. Makikita natin ang kanyang popularidad sa maraming nayon at bayan ng Israel. Nais niyang mangaral sa isang sambahayan sa Capernaum, ang kanyang ikalawang siyudad ng paninirahan, at di inaasahang mapupuno ang bahay na kanyang tinutuluyan kahit hanggang sa labas. At pumasok sa eksena ang apat na lalaking dinadala ang paralitiko sa isang higaan. Dahil hindi sila makapasok, ginawa nila ang lahat para idala ang kanilang kaibigan palapit kay Hesus, kahit gumawa ng butas sa bubong ng bahay. At dahil sa kanilang malaking pananampalataya, sinabi ni Kristo sa paralitiko na ang mga kasalanan nito ay napatawad na.

Ngunit pinagbulungan siya ng mga Pariseo at eskriba sapagkat tingin nila na nilalapastangan niya ang Diyos, na pinaniniwalaan nilang tanging magpapatawad ng mga kasalanan. Subalit natuntunan ni Hesus ang kanilang pinag-iisip at hinamon sila kung sasabihin niya sa paralitiko na ang kasalanan nito ay napatawad na o kaya iutos sa taong ito na gumaling. Kaya pinatunayan ni Kristo na siya’y may awtoridad mula sa Diyos Ama na magpagaling hindi lang sa pisikal, kundi pati na rin sa espirituwal na paraan. At sa huli, namangha ang mga tao sa ginawa ng Panginoong Hesus na hindi katulad sa nakita nila noon na mga kababalaghan sa nakaraan.

Mahalaga dito sa ating kwento ngayon ang pagkilala na Diyos na patuloy na humihilom sa bawat sugat na ating nararasanan, pisikal man ito o espirituwal. At ang pagtanggap ng kanyang pagpapagaling ay nangangahulugang idala rin natin ang ibang tao palapit sa kanya, katulad ng 4 na lalaki na nagdala ng kanilang kaibigang paralitiko nang ito’y pinaggaling ni Hesus.

Reply

Sherwin D. Yanoria July 1, 2021 at 6:47 am

Sinusunod mo ba ang ang utos ng Diyos? Napaka importante ng pagsunod sa Diyos. Ito ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao. Dahil dito kaya tayo ay napapamahal sa Diyos at inaari Niya tayong mga anak. Kaya nga ang mga naging santo, sila ay napaka masunurin sa Diyos. Kaya naman ang kanilang panalangin ay agad dinirinig ng Panginoon. Lahat tayo ay mahal ng Diyos, ngunit hindi lahat ay sumusunod sa kalooban ng Diyos. Alam natin kung ano ang tama, subalit mas pinipili pa rin ang mali. Kaya sa ating buhay, naway magawa nating mahalin ang Diyos sa pagsunod sa Kanyang utos.

Reply

Liwanag serrato July 5, 2023 at 8:20 pm

So inspiring everytime na nakikinig or nagbabasa ako thank you??????

Reply

Jose M. Javier July 6, 2023 at 5:29 am

Nakita po na natin si Hesus ay hindi lang nakakapagpatawad ng mga kasalanan kundi nakakagawa pa ng mga mirakulo tulad ng pagpapalakad o pagaling ng paralitiko. Binatikos sya ng paralitiko sa kabila kabutihan na kanyang ginawa. Mga kapatid tulad din ng mga pariseo sa bagong panahon maraming kritiko sa kasalukuyang panahon bagkus dapat ay ating purihin at pasalamatan ang mga taonf gumagawa ng kabutihan. Ang kasalanan ang pinagmumulan ng ating mga sakit, kaya kung tayo ay magigung matuwid agon sa kanyang kagustuhan ay maiiwas tayo sa anumang pagkakasakit.

Reply

tammy amar July 6, 2023 at 7:31 am

tunay nga na mapagmahal ang ating Mahal na Panginoon Hesus dahil umaapaw ang kanyang pag ibig sa atin sinubok man tayo sa ating buhay hindi niya tayo bibigyan na hindi natin kaya kahit sa may sakit tunay ang kanyang pag pagpaggaling dahil alam niya ang karanasan nang isang tao dahil namuhay siya katulad natin kahit maraming nag dududa na ito lahat ay parang isang mahika lamang pero sa isang salita pa lamang doon natin naunawaan Ang kanyang pagmamahal sa ating lahat

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: