Sabado, Hunyo 3, 2023

June 3, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Sa pamamagitan ng Ebanghelyo, nangungusap si Kristo sa atin ng mga salitang may walang hanggang kapangyarihan at gawaing nakapagpapagaling. Sa pamamagitan niya, may pananalig tayong manalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sumaamin nawa ang iyong kapangyarihan.

Ang Simbahan nawa’y makapangyarihang ituro ang walang hanggang katotohanan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng daigdig nawa’y huwag maging matigas ang mga puso na parang bato sa kanilang pakikinig sa tinig ni Kristo sa mga pangyayari sa ngayon, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nag-iisip na pumasok sa buhay relihiyoso at magtatalaga ng kanilang buhay sa Diyos nawa’y sundin ang kalooban ng Diyos na itinakda sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating malinis at banal na pamumuhay nawa’y mapawi ang mga impluwensya ng masasamang espiritu sa ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makinabang sa sinag ng liwanag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, ibinibigay namin sa iyo ang aming mga pangangailangan at nananalangin kami nang may pananalig sa iyong tulong at awa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

lie May 27, 2021 at 1:26 pm

natawa naman ako sa sinabi ng Panginoong Hesus na di rin nya sasagutin ang mga tanong ng mga Punong Saserdote, mga eskriba at ng matatanda ng bayan, dahil di nila sinagot ang tanong Nito. Para sa akin, kung ang ginagawa ng tao ay para sa kabutihan at wala naman syang tinatapakan o nasasagasaan sa kanyang mga gawa, let it be. huwag na natin itong i question, madalas naman sa gumagawa ng mabuti, ay mabuti rin ang kanilang motibo. medyo naaalangan lang ako sa mga politiko, pero para sa akin, trabaho nila iyan na dapat nilang gawin, mas marami pa rin naman ang gumagawa ng mabuti at tama sa gobyerno, kaysa sa iilang gumagawa para sa sarili nilang kapakanan.

Reply

Reynald Perez May 28, 2021 at 3:40 pm

PAGNINILAY: Ang ating Ebanghelyo ngayon ay ang muling pagtatagpo ni Hesus sa mga pinuno ng mga Hudyo na masyadong kritikal sa kanyang pagpaparangal at paggawa ng kababalaghan. Tinanong siya ng mga punong saserdote at matatanda ng bayan kung anong awtoridad ang nagbigay sa kanya upang gawin ang mga bagay na ito. Ngunit tugon ni Hesus ay isang hamon pabalik sa kanila: kung ang binyag ni San Juan Bautista ay mula sa langit o sa tao. At nag-isip-isip sila sapagkat alam nila na mas nanaig si Hesus. At kung sasabhin nila ang binyag ni Juan ay galing sa tao ay magagalit ang kanilang kapwang Hudyo, samantala kung sasabihin ay ito ay galing sa langit ay bakit hindi sila naniwala kay Juan Bautista at nagbalik-loob. Kaya ang tugon nila kay Hesus ay hindi rin nila alam kung saan ito nagmumula. At ganun rin ang tugon ng Panginoon na hindi niya masasabi sa kanila kung anong awtoridad ang nagbigay sa kanya, kahit alam niya na ang Diyos Ama ang nagbigay nito subalit may katigasan talaga ang mga pinunong ito na makinig sa kanyang mga pangangaral.

Hilingin natin sa Panginoon na kilalanin natin siya at maging kanyang mga saksi, ganun din ang pagkilala sa kanya sa pagbibigay-saksi ng ibang tao.

Reply

Sherwin D. Yanoria May 29, 2021 at 7:04 am

Anong kaloob ng Espiritu Santo ang gusto mo? Napaka ganda nga ng karunungan. Katulad na lamang ng karunungan ni Haring Solomon. Laging gamit ang karunungan sa araw-araw, lalo na sa pakikipagusap. Kadalasan ang may pinaka magandang mungkahi ang nasusunod at siya ang nagiging pinuno. Malaking bagay kung taglay mo na ang karunungan dahil magagabayan ka nito sa tamang pagkilos at ikaw ay mananatili sa biyaya ng Diyos. Kaya nga hilingin natin na taglayin natin ang karunungan, upang di tayo mawalay sa Diyos.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño May 29, 2021 at 11:02 am

Ang karunungan ay hindi lamang nakakamit sa pagsasaliksik, pag aaral at pagtatanong, ang karunungan ay hinihingi din sa Diyos, at pag ito ay nakuha mo hindi na ito hihiwalay sa yo kailanman, hilingin natin ang karunungan kasabay ng pagsisikap na magkaroon ng malinis na pamumuhay.
Sa ebanghelyo ngayon ay kung babasahin mo ay parang lumabas na pilosopo si Hesus. Pero ang kanyang tugon sa tanong na pangsisilo ng mga punong saserdote ay pagpapakita din ng karunungan. Pero marami ang klase ng karunungan, may karunungan sa pandaraya, karunungan sa pangungulam, karunungan sa pagnanakaw, karunungan sa paggawa ng bomba at iba pang mapaminsalang sandata, karununga sa teknolohiya na nakakasira ng kalikasan. Ang karunungan na dapat nating hilingin sa Diyos ay ang karunungan sa mabuting balita na magagamit natin sa pang araw araw na buhay para sa sarili at para sa kapwa.

Reply

Group of Believer June 3, 2023 at 5:31 am

MAGNILAY: Sa pagsagot ng ‘Hindi namin alam’ pinakita ng mga eskriba at saserdote na kumikwestyon sa karapatan ni Hesus na duwag sila sa katotohanan. Minsan hindi komportable ang katotohanan tulad ng kayang palang pumili ang Diyos ng mga ordinaryong tao tulad ni Juan Bautista bilang tagapagsalita niya at kasangkapan ng kanyang pagliligtas. Kahit nasaksihan nila ito nagbulag-bulagan sila dahil hindi nila siya kauri. Wala siyang pinag-aralan tulad nila. Naunahan sila ng isang walang sinasabi sa lipunan. Tinanong sila ni Hesus kung saan galing ang karapatan ni Juan pero kahit alam nilang sa Diyos hindi nila matanggap at mapanindigan. Duwag sila kaya’t ewan na lang ang sinagot nila. At eto na naman si Hesus na tulad ni Juan ay nagpapakita ng tanda na galing siya sa Diyos. Hindi na naman nila matanggap na ang isang tulad niyang hamak ay pinili ng Diyos. Kelan natin tatanggapin ang katotohanan? Kung kelan komportable lang sa atin? Maraming katotohanan na pinapakita ang Diyos na hindi komportable at hinahamon ang mga mali nating paniniwala. Kung gusto nating lumaya yakapin natin ang katotohanan kahit minsan masakit at hindi komportable.

MANALANGIN: Panginoon, ipakita mo sa amin ang katotohanan kahit mahirap tanggapin.

GAWIN: Mamuhay sa katotohanan anumang hirap sa una.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: