Miyerkules, Abril 5, 2023

April 5, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Miyerkules Santo

Habang nalalapit tayo sa Biyernes Santo, taglay ang pagtitiwala sa ating mapagmahal na Diyos, alalahanin natin ang mapanligtas na gawain ni Kristo na kanyang Lingkod.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, basbasan Mo kami sa dugo ni Kristo.

Ang mga nagdaranas ng hindi makatarungang pagdurusa nawa’y magtamasa ng pagpapaginhawa ng Panginoon sa pamamagitan ng kanilang malinis na budhi, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga sariling pagdurusa nawa’y magpalago ng ating pananampalataya sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kasama natin na nagpapaliban ng kanilang pangungumpisal bunga ng pagmamalaki, takot o katamaran, nawa’y maging bukas ang isip sa pangangailangan sa kapatawaran ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at lahat ng nagdurusa nawa’y makaranas ng nakapagpapagaling na presensya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makabahagi sa Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, ibinigay mo sa amin ang halimbawa ng iyong Anak upang ipakita sa amin kung paano mabuhay at mamatay. Nawa ay pagkalooban mo kami ng pananampalatayang kailangan namin upang makasunod sa kanya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 8, 2020 at 12:02 am

Pagninilay: Ngayong Miyerkules Santo, ito’y popular na tinatawag bilang “Spy Wednesday” sapagkat inaala nitong araw na ito ang pagbubunyag ni Hesus sa kanyang traydor. Ito yung narinig natin sa Ebanghelyo noong si Hudas Escariote ay pumunta sa mga punong saserdote, matatanda ng bayan, eskriba, at Pariseo upang tanungin magkano ang ibibigay nila sa kanya kapag ibinigay niya si Hesus sa kanila. At nagkasunduan sila na pagbayaran siya ng 30 pilak. At hindi nagtagal noong si Hesus ay nasa Huling Hapunan kasama ang kanyang mga Apostol, nabagabag siya nang aminin niya sa lahat na mayroon isa sa kanila ang magkakanulo sa kanya. Labis nagtaka ang 11, at paisa-isang nagtatanong kung sila ba ang gagawa ng ganyang klaseng kasalanan. Tinukoy ni Hesus na ang taong iyon ay sabay na sumasawsaw sa mangkok kasama niya. Kaya lahat ay nagulat nang malaman nilang si Hudas pala ang traydor sa kanilang kasamahan. Agad umalis si Hudas kasama ang pera para bigyan ng pagkakataong hulihin ng mga pinuno at mga kawal nito si Hesus. Marahil maraming taong nagtataka kung ano nga ba ang layunin ni Hudas Escariote kung bakit niyang ipinagkanulo ang Panginoon. At higit pa diyan, magtataka rin tayo kung bakit imbes na humingi siya ng tawad kay Kristo dahil inamin niyang nagkamali siya kaya itinapon pabalik ang pera sa Sanhedrin, ay nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagbibitay sa sarili. At marami nang mga eksperto sa Bibliya, teologo, at pati na rin mga patristikong ama ng ating Simbahan ay nagsulat ng kanilang mga pagninilay tungkol sa apostol na ito. At marahil may mga taong nais ipagtanggol si Hudas na kahit mali ang ginawa niya, hindi pa raw dapat natin husgahan ang kanyang pagkatao sapagkat siya’y nagsisi naman sa huli, kaya ang Diyos na ang may awa at hatol sa kanya. Anupamang bagay na iyon tungkol sa kanya na nais nating palalimin bilang mga Kristiyano, hindi pa rin mawawalay sa katotohanang ipinagkanulo ni Hudas Escariote si Hesus gamit ang 30 pilak. At ang aksyong ito ni Hudas ay nagbigay-daan sa mga pagkasunud-sunod na sinapit ng ating Panginoong Hesukristo ukol sa kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus. Subalit nangyari ang mga bagay na ito bilang katuparan sa kalooban ng Diyos Ama para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Narinig natin sa Unang Pagbasa ang Ikatlong orakulo ni Isaias tungkol sa Lingkod na Panginoon, na kahit siya’y pinagtaksilan, pinaglurhan, pinag-insultuhan, at pinagtawanan, si Kristo ay naging masunurin pa rin sa kalooban ng Ama. Alam ni Hesus na kahit siya’y sumigaw mula sa Krus na “Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan”, alam niya na may isang mabuting mangyayari kapalit ng kanyang pagdurusa. At iyon ay ang biyaya ng kaligtasan na kahit tayo’y nagkasala sa Panginoon, hindi niya tayo sinuko. Bagkus inalay niya ang kanyang buhay dahil sa tatlong bagay:
1. Upang makita natin ang kalagayan ng kasalanan at kung paano itong pinuputol ang ating relasyon sa kanya, na hindi dapat tayo’y mamuhay sa kasalanan.
2. Upang tayo ay magkaroon pa ng bagong pagkakataon na baguhin ang ating sarili at sumikap na gumawa pa ng katuwiran at kabutihan sa kapwa, alinsunod sa mga utos at atas niya.
3. Upang mapahalagaan natin ang kahulugan ng pagdurusa, na hindi dapat palaging iniisip na “kanyang parusa sa atin”, kundi upang mas maging matatag pa ang ating pananampalataya at pagsisikap sa kanya, na balang araw malalampasan natin ang bawat pagsubok.

Reply

SAINTSPOT April 5, 2023 at 4:37 am

Please LIKE & SHARE.
“SAINTSPOT” on Youtube & Facebook
https://youtu.be/JCPA_qAiprg

GOSPEL REFLECTION:
Mapapahamak ka kapag pera na ang kaagaw ng Diyos sa buhay mo.
Totoong hindi masama ang materyal na ari-arian kapag ginagamit ito para sa katuparan ng kalooban ng Diyos. Ngunit ang pagnanais para sa higit at labis pa, ay magiging parang ulap na matatakpan ang kalooban ng Diyos.

Dahil sa sobrang paghahangad ni Hudas ng pera ay nakaya niyang ipagkanulo si Hesus. Maaring meron din siyang maliit na pananampalataya ngunit mas malaki ang kanyang pagnanais at pagmamahal sa pera.

Pinapaalala sa atin ng Diyos na tignan natin kung saan o kanino tayo humuhugot ng mga desisyon natin sa buhay? Yung mga attachment natin o mga pinanghahawakan natin lalo na ang pera o materyal na bagay ay dapat nating tanggalin o kumawala sa mga ito.

Kalaunan, lubhang nagsisi naman si Hudas sa kanyang ginawa ngunit hindi niya matanggap ang sarili sa nagawa niya sa kaibigan niya kaya’t siya’y nawalan ng pag-asa, na-depress at nagbigti.
Pagnilayan, ngayon, ang ginawa at nangyari kay Hudas. Ngayong Semana Santa, alin ngayon ang ninanais mo at nanunukso sayo at pilit na bumabalot sa pag-iisip mo at nahihirapan kang maiwala? Huwag hayaan ang iyong sarili na patuloy na maniwala sa mga kasinungalingang pumipigil sa iyo na si Hesus lang ang ating Panginoon at Tagapaglitas.

Banal na Panginoong Hesus, Ikaw at Ikaw lamang ang dapat na maging pokus ng aking buhay. Ikaw at Ikaw lamang ang pinakamahalaga sa akin. Tulungan Mo akong isuko ang lahat ng aking makamundong pagnanasa sa buhay upang hindi ako mahulog sa mga tukso na humahantong sa mga pangakong walang laman. Buhatin mo ako at yakapin sa aking mga kahinaan. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: