Martes, Pebrero 7, 2023

February 7, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Walang saysay ang ating pagsamba kung hindi ito nanggagaling sa pusong tunay. Manalangin tayo ngayon sa Diyos Ama upang gawin niyang malinis at tapat ang ating mga puso.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, buksan Mo ang aming mga puso sa iyong puso.

Ang mga namumuno ng ating Simbahan nawa’y laging gabayan ng liwanag ng Ebanghelyo at huwag nawa nilang hanapin ang seguridad sa mga makamundong istruktura, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang komunidad nawa’y huwag nating isara ang ating mga mata sa tunay na pangangailangan ng mga mahihirap na ating kasa-kasama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng Kristiyano nawa’y mapagtanto na makikita sa ating pakikitungo sa ating mga kapwa ang tunay na pagsasabuhay ng kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y mapalakas sa kanilang kahinaan at mapalaya sa kanilang mga karamdaman, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kapatid nating pumanaw na ay magkamit nawa ng kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, likhain mo sa amin ang tapat na puso upang amin ding mahalin at igalang ang aming kapwa na iyong pinahahalagahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 11, 2019 at 8:18 am

Itinuturo ni Hesus na ang pinakadakilang utos higit sa lahat ng mga utos ay ang pag-ibig. Pinagsibahan siya at ang kanyang mga alagad ng mga eskriba at Pariseo kung bakit hindi nila tinutupad ang kinaugaliang tradisyon ng paghuhugas ng kamay bago kumain. Itinuring sila ni Kristo na mga pusong malalayo sa Diyos dahil walang kabuluhan ang kanilang pagsamba. Makikita dito yung mas pagbibigay-kahulugan ng utos ng tao kaysa sa utos mula sa itaas. Tunay na kailangan natin sundin ang bawat letra ng batas, ngunit mas mahalaga nating sundin ang diwa ng utos, at iyan ang pag-ibig. Kung sabi nila na huwag kang gumawa ng masama, eh di gumawa tayo ng mabubuti. Kung sabi nila na huwag palampasin ang mga nakasayanang tradisyon, eh di magkaroon tayo ng kultura ng mabubuting ehemplo sa ibang tao. Ipinakita sa atin ng Diyos na siya ay isang mabuting tagapaglikha ng sangnilikha. Nilikha niya ang mga hayop sa katubigan at kalangitan, at sa huli ay nilikha niya ang tao ayon sa kanyang larawan at kaanyuan. Binigyan niya ang tao ng karangalan upang mamuno nang tungkuling tapat sa buong sangnilikha. At makikita dito na ang lahat ng nilalang ng Panginoon ay mabuti, kaya binasbas niya ang lahat na ito. Ang Paghahari ng Diyos ay puno ng pagmamahal, kagalakan, at kapayapaan. Kung ating isasabuhay ang mga kahalagahang ito pati pa ang alintuntin ng buhay pangKristiyano, makakamtan natin nawa ang biyaya ng buhay na walang hanggan kasama ang ating Panginoon at ang kanyang mga Banal.

Reply

Ethel de ungria February 8, 2021 at 9:47 pm

Ang aral at turo ng ating panginoon jesucristo Ang dapat nating sundin at paniwalaan at Hindi din dapat nating sundin at at Hindi din paniwalaan Ang turo at aral na gawa ng Tao tulad ng mga pamahiin na gawa ng Tao at Sabi Sabi ng mga matatanda na pawang walang katorohanan.sinasabi sa bibliya na dapat din tayong magingat sa mga aral at turo na gawa lng ng tao.ang sundin natin at turo at aral ng diyos upang at dapat nating isabuhay.

Reply

SAINTSPOT February 7, 2023 at 4:52 am

PLEASE SHARE AND SUBSCRIBE
“SAINTSPOT” on Youtube at
https://www.youtube.com/watch?v=HHRzdIaFbv4

Pagpuri’t pagsambang ginagawa nila’y walang kabuluhan, ang utos ng tao ay itinuturong utos ng Maykapal.’

Nais ng ating Panginoon ang ating tunay at totoong pagsamba. Isang Dalisay at taos-pusong pagsamba. Nais niyang ibigin natin ang Diyos nang may malalim na debosyon sa ating kalooban. Nais Niya tayong manalangin, makinig sa Kanya, at maglingkod sa Kanyang banal na kalooban nang buong lakas at kaluluwa. Nais ng Diyos na mag-alab ang ating mga puso ang pag-ibig sa kanya dahil ito ang tunay na pagsamba sa Diyos.

Pagnilayan, ngayon, nag-aalab ang puso ng Panginoon dahil nais niyang madala ka sa pagsamba. Kapag ikaw ay nagsisimba, kailangan mong ibigay ang iyong buong puso at isipan para sa Diyos lang. Sikaping gawin ang iyong pakikilahok hindi lamang panlabas kundi, una at pangunahin, iyong panloob na pagsamba dahil iyon ang tinitignan ng Diyos.

Aking banal na Panginoon, Ikaw at Ikaw lamang ang karapat-dapat sa lahat ng pagsamba at papuri. Ikaw at Ikaw lamang ang nararapat sa pagsamba na iniaalay ko sa Iyo mula sa kaibuturan ng aking puso. Tulungan mo ako at ang Iyong buong Simbahan na laging gawing panloob ang aming panlabas na mga gawa ng pagsamba upang ibigay sa Iyo ang kaluwalhatian na nararapat sa Iyong banal na pangalan. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: