Linggo, Nobyembre 6, 2022

November 6, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Natitipon ng pagmamahal ng Diyos at ng ating pananampalataya’t pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon para sa mga nabubuhay at mga yumao. Tugon natin ay:

Panginoon ng Buhay, dinggin Mo kami!

Para sa angkan ng lahat ng sumasampalataya na matatagpuan sa buong mundo: Nawa lagi silang magbigay-saksi sa kanilang pananampalataya sa muling pagkabu- hay sa paraan ng kanilang pamumuhay. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat nating pinunong espirituwal: Nawa makahango sila ng lakas sa mga martir ng matandang panahon para mapaglabanan ang mga kaharap na pagsubok. Manalangin tayo!

Para sa mga di naniniwala sa muling pagkabuhay: Nawa mapag-isip nilang ang buhay natin sa lupa ay may kahulugan lamang kung tatanggapin natin sa Diyos ang angkop na gantimpala sa ating mga pagsisikap. Manalangin tayo!

Para sa mga nagsisikap para sa katarungan at kapayapaan sa ating bayan at sa iba pang panig ng mundo: Nawa magpatuloy sila sa mabuting gawa, kahit na wala silang inaasahang tulong. Manalangin tayo!

Para sa mga nagdurusa at malapit nang lumisan sa mundong ito: Nawa manalig sila nang tapat sa walang hanggang awa ng Panginoon habang tumatanaw sila sa kanilang muling pagkabuhay. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoon, ang buhay namin nawa’y maging angkop sa pananalig namin sa muling pagkabuhay. Nawa mabuhay kaming laging kasama Mo. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 5, 2019 at 12:07 am

Pagninilay: Ang buong buwan ng Nobyembre ay inaalay para sa mga Yumaong Kristiyano, kasama na dito ang lahat ng ating mga mahal sa buhay na pumanaw na. Noong una at ika-2 ng buwang ito, inalala natin sila sa ating mga panalangin, ipinagmisa, at binista ang kanilang mga puntod dala ang mga kandila at bulaklak. Patuloy nating sila ginugunita sa buong Nobyembre dahil sa Panginoon na buhay. Ibig sabihin na may pag-asa pang naghihintay para sa atin matapos tayong papanaw sa mundong ito. At ito’y pinatototoo ng Panginoong Hesus sa Ebanghelyo bilang pahayag na mayroon ngang “muling pagkabuhay,” na ito naman ay hindi pinaniniwalaan ng mga Saduceo. Kaya nagbanggit sila ng isang sitwasyon kung saan 7 magkapatid na lalaki ay nagpakasal sa iisang babae matapos mamatay ang isa, ngunit hindi nagkaanak. Kaya pagdatng ng “pagkabuhay na mag-uli”, kanino raw sa 7 magkapatid ang kikilaning asawa. Tugon ni Hesus na hindi kailanma’y sila’y kasal habambuhay kapag nasa kabilang buhay na. Kaya ang pagsasama ng babae at lalaki bilang mag-asawa ay hanggang sa mundo nito lamang. Subalit sa kabilang buhay, lahat ng tao ay magiging pantay na tatawaging anak ng Kataas-taasang Diyos. Ito’y patunay na mayroon talagang pag-asang naghihintay sa pamamagitan ng biyaya ng buhay na walang hanggan. At ito’y patotoo na ang Panginoon ay Diyos ng buhay, hindi ng patay, sapagkat ang lahat sa kanya ay tunay na buhay. Kaya nga n’ung si Hesus ay namatay sa Krus at inilibing, siya’y nabuhay na mag-uli upang ipamalas sa atin na wala nang kamandag ang kamatayan na manatiling tapos ang ating buhay. Kaya huwag po tayong matakot sa kamatayan sapagkat lahat tayo ay papanaw sa daigdig na ito. Subalit lahat tayo ay muling mabubuhay at kakamtan ang kaligayan ng buhay na walang hanggan sa kalangitan. Kaya nawa maging makabuluhan ang ating buhay dito sa lupa upang patuloy natin ang pagpapalaganap ng Paghahari ng Panginoon na nasa Langit.

Reply

Claribelle J. Bautista November 3, 2022 at 7:41 pm

Do you have the English Readings?

Reply

Awit at Papuri Communications November 4, 2022 at 4:46 am

Please visit https://bible.usccb.org/ for the English Mass Readings. Thank you and God bless you!

Reply

ruel arcega November 4, 2022 at 7:56 am

Sa ating pagdadasal ng pananampalataya or creedo, ating sinasampalatayanan ang muling pagkabuhay dahil ito yung ipinakita ni Hesus sa mga alagad niya tapos siya’y namatay sa krus at ang muli niyang pagkabuhay, Dahil ang muling pagkabuhay ni Hesus ay pagpapakita ng kapangyarihan ng anak ng Diyos na si Hesus na hindi lang tayo niligtas mula sa kasalanan kung hindi kasama nito ay binigyan tayo ng bagong buhay, at ang muling pagkabuhay ni Hesus ay papatunay na ang tagumpay ni Hesus laban sa kasamaan. Ngayon ang pagkubuhay natin ay nagbibigay nang panigabong anyo sa ating pagkatao na dito sa lupa ang may kanya kanya tayong pamilya, pero ito’y hanggang sa lupa lamang dahil ang isang biyaya ng muling pagkabuhay ni Hesus at ang pagkakaloob sa atin nang bagong stato ng buhay sa muling kabuhay ay iisa natong pamilya. Sa langit iisa ang ating Ama at si Hesus ay ating kapatid. at magkakapatid tayo sa kabilng buhay na puno ng pagmamahal. Kung ating tinitingnan sa sakramento ng binyag hindi binabangit ang apeldo , tanging pangalan lamang ng bibinyagan at sinusunod ay sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo at gayun din sa pagbabangit ng mga yumao tanging pangalan lamang dahil ipinaalala na dito sa lupa na tayong iisang angkan ng Diyos Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Kaya’t alam natin ang na ang muling pagkabuhay ay magkakapatid tayo.

Reply

Mauro Austria November 6, 2022 at 7:57 pm

Ang karangalan at papuri ay tinataas namin sa iyong aming Dakilang Ama, na lumikha ng lahat. Kasama ng aming Panginoong Hesuskristo na tagapagligtas. Kaisa ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

Reply

Ruben nobleza November 8, 2022 at 7:36 am

ang lahat ng papuri ay sa Inyo panginoon thank you to all the blessings that I have mostly when I wake up every morning.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: