Martes, Abril 5, 2022

April 5, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Kuwaresma
Martes

Buong pananampalataya tayong manalangin sa Ama, dahil sa pamamagitan ng pagpapakasakit ng kanyang Anak ay naligtas tayo sa lahat ng kaparusahan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, basbasan Mo kami sa ngalan ni Jesus.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y magtagumpay sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong tumatanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas nawa’y higit na madagdagan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taimtim na nagsisikap na hanapin ang katotohanan nawa’y matagpuan si Jesus na siyang liwanag na tumatanglaw sa kadiliman ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa dahil sa nararamdamang sakit, pagkabalisa, takot, at pangungulila nawa’y makita ang liwanag ni Kristo na tumatanglaw sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y tumanglaw ang liwanag na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit na pinagmumulan ng lahat ng biyaya, loobin mo na ang dugong ibinuhos ng iyong Anak ay magdulot ng higit na paglago sa pananampalataya upang maging makabuluhan para sa sangkatauhan ang kanyang pagpapakasakit. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 7, 2019 at 10:37 pm

Pagninilay: Tayo ay malapit nang pumasok sa Semana Santa, kaya malapit na ang mga taimtim na pagdiriwang tungkol sa kaligtasan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Misteryong Paskwal ni Kristo. Ang Ebanghelyo ay isang patuloy na hidwaan sa pamamagitan ng mga Pariseo at eskriba, at si Hesukristo. Maraming beses ipinahayag ni Hesus na siya’y naparito upang tuparin ang dakilang kalooban ng Amang Diyos. Subalit hindi pa rin kumbinsido ang mga pinuno ng mga Hudyo sapagkat tingin nila’y nababaliw lamang ang Panginoon. Maraming pagkakataong hindi isinusunod ni Hesus ang kanilang mga ritwal at tradisyon. Kaya malayo pa rin ang pagkilala nila sa kanya. Subalit ipinahayag din ni Kristo na kapag siya’y itinaas, makikilala siya na “Ako si Ako nga” (Cf. Exodo 3:14). Inilarawan sa Unang Pagbasa na kung paanong itinaas ni Moises ang ahas na tanso sa isang tikin at nawala ang mga kagat ng mga ahas sa mga Israelita, ganun din si Kristo na itinampok upang magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan. Kaya habang inihahanda natin ang ating sarili ngayong Kuwaresma patungo sa mga Mahal na Araw, atin pong bigyang pansin ang pagmamahal ni Hesus sa atin sa pamamagitan ng kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay sa Krus, at Muling Pagkabuhay. Nawa’y hayaan din nating manaig ang pag-ibig ng Diyos sa ating buhay upang tayo rin ay sumunod sa dakilang kalooban ng Panginoon.

Reply

Melba G. De Asis April 9, 2019 at 2:29 am

Ang Diyos Anak angbPanginoon Hesus ang isinugo ng Diyos Ama para tuparin ang Kanyang kalooban si Hesus ang magbabata para tubusin ang mga kasalanan ng sangkatauhan , itinuro ang mga utos at aral ayon sa kadulatan , at gumawa ng ikalulugod ng Diyos Ama. Amen

Reply

Reynald Perez April 4, 2022 at 7:49 pm

PAGNINILAY: Tayo ay malapit nang pumasok sa Semana Santa, kaya malapit na ang mga taimtim na pagdiriwang tungkol sa kaligtasan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Misteryong Paskwal ni Kristo.

Ang Ebanghelyo ay isang patuloy na hidwaan sa pamamagitan ng mga Pariseo at eskriba, at si Hesukristo. Maraming beses ipinahayag ni Hesus na siya’y naparito upang tuparin ang dakilang kalooban ng Amang Diyos. Subalit hindi pa rin kumbinsido ang mga pinuno ng mga Hudyo sapagkat tingin nila’y nababaliw lamang ang Panginoon. Maraming pagkakataong hindi isinusunod ni Hesus ang kanilang mga ritwal at tradisyon. Kaya malayo pa rin ang pagkilala nila sa kanya. Subalit ipinahayag din ni Kristo na kapag siya’y itinaas, makikilala siya na “Ako si Ako nga” (Cf. Exodo 3:14).

Inilarawan sa Unang Pagbasa na kung paanong itinaas ni Moises ang ahas na tanso sa isang tikin at nawala ang mga kagat ng mga ahas sa mga Israelita, ganun din si Kristo na itinampok upang magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan. Kaya habang inihahanda natin ang ating sarili ngayong Kuwaresma patungo sa mga Mahal na Araw, atin pong bigyang pansin ang pagmamahal ni Hesus sa atin sa pamamagitan ng kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay sa Krus, at Muling Pagkabuhay.

Nawa’y hayaan din nating manaig ang pag-ibig ng Diyos sa ating buhay upang tayo rin ay sumunod sa dakilang kalooban ng Panginoon.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: