Biyernes, Pebrero 18, 2022

February 18, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Manalangin tayo sa Ama sa Langit upang masundan natin si Jesus, ang kanyang Anak, at matularan siya nang lubos.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, palakasin Mo kaming makasunod sa Iyong anak.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y yakapin ang krus ni Kristo at maging mga buhay na mensahe ng pag-asa sa mga taong ipinagkatiwalang mapasaating pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating bansa nawa’y marinig nila ang mga daing ng ating mga kababayan lalo na yaong mga nagdurusa dahil sa kawalan ng katarungan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging mga karapat-dapat na katuwang ng mga taong nabibigatan sa kanilang dinadalang krus sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kasiyahan at kalakasang espiritwal sa pamamagitan ng ating pagkalinga at pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makapahinga sa kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, nawa’y mabanaagan sa aming buhay at sa aming pagkalinga sa pangangailangan ng iba ang lahat ng aming pagsisikap na sumunod kay Jesus. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Criste December 8, 2021 at 6:47 am

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez February 17, 2022 at 3:20 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang sikat na pahayag ni Apostol Santiago na madalas binabalewala ng mga nagsasabing sila’y ‘di umano’y mga “Kristiyano,” ngunit naniniwala na tanging ‘pananampalataya lamang’ ang makakapagligtas. Ang ganitong kaisipan ay umusbong noong nagsimula ang rebolusyonaryo ng mga Protestante noong 1515 sa pamumuno ni Martin Luther (isang dating Katoliko at dating Paring Agustino), na isa sa mga haligi ng Protestantismo ay tinatawag na “Sola Fidei,” na sa madaling salita ‘pananampalataya lamang ang makakapagligtas’. Kaya sinasabi rin na hindi rin matanggap ni Luther ang Sulat ni Apostol Santiago, lalo na ang pahayag ng Unang Pagbasa ngayon na nagsasabi tungkol sa pananampalataya at mabubuting gawa. Dahil sa baluktot na pag-iisip ng iilang Kristiyano dahil sa ‘Sola Fidei,’ ipinahayag mismo ng Simbanag Katolika sa Konsilyo ng Trento na malinaw ang nakasaad sa sulat ni Santiago, na ang makakapagligtas sa atin ay pananampalataya at mabubuting gawa. Ibig sabihin nito para sa ating Katoliko, isang hamon sa ating araw-araw na pamumuhay bilang mga tunay na Kristiyano ang isabuhay ang ating pananampalataya sa Panginoon sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan at katuwiran lalung-lalo na sa kapwa.

Sapagkat totoo ang pahayag ng Apostol na kung hindi natin isasabuhay ang ating debosyon at relihiyon (relasyon) sa Panginoon [na walang konkretong aksyon na nakabubuti o mas malala pa rito kung puro kasamaan lang ang ating pinaiiral sa ating buhay], hindi makabuluhan ang ating pananampalataya. Kaya nga ang apostolado at misyon ng ating Simbahan para sa kaligtasan ng mga kaluluwa ay hindi lang nakabatay sa mga liturhikal na pagdiriwang at mga debosyonal na Tradisyon at panalangin, kundi pati na rin sa mga pastoral na adhikain at pagkakawang-gawa sa mga nangangailangan. Gayunpaman, ang isang tunay na Katoliko ay hindi lang magsasabi na “sapat na ang pagsampalataya sa Diyos, pagdarasal lamang sa bahay, at paggawa ng kabutihan araw-araw & pag-iiwas sa kasamaan,” ngunit hindi naman nagsisimba tuwing Linggo kung saan dapat tinatanggap dito ang grasya ng Panginoong Hesus sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Kaya tayong lahat ay inaanyayahang maging mga Katolikong Kristiyano sa loob at labas ng mga pamayanang parokya/kapilya upang tayo nawa’y maging tunay na buhay na Simbahang nagbibigay-saksi sa Panginoon. Doktrina, Moral na Pamumuhay, at Pagsamba ay tatlong mahalagang pangangailangan upang maging ganap at makabuluhan ang ating Pananampalataya.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang karugtong ng Ebanghelyo kahapon, na matapos ipahayag ni San Pedro na si Hesus ay ang Kristo, Anak ng Diyos, at matapos ipagsabi ni Kristo sa kanyang mga alagad tungkol sa kanyang Misteryong Paskwal na bagamat pilit na pinipigilan ni San Pedrong hindi pa nauunawaan ang kalooban ng Diyos Ama, agad pinatipon ni Hesus ang ibang tao kasama ang mga alagad upang magbigay ng paalala tungkol sa pagiging tunay na alagad niya. At ang pagiging tunay na alagad niya ay nakikita sa paglimot sa sarili, pagpasan ng krus, at pagsunod sa kanya. Mahirap para sa isang tao ang magdusa at dumaan sa mga pagsubok na parang gusto na niyang sumuko. Parang parusa ng Diyos ang tingin ng isang tao pag siya’y nahihirapan sa buhay. Subalit binubuksan ni Hesus ang mga puso’t isipan ng mga tao na bagamat ang pagdurusa ay bunga ng Kasalanang minana mula kina Adan at Eva, ito naman ay naging bahagi ng buhay ng sinumang tao upang ipaalala sa atin na sa dulo ng ating mga pagsubok ay mayroong naghihintay na kaginhawaan at pagpapahinga. Hindi ba’t ito yung ating karanasan tuwing tayo’y napapagod araw-araw, na binibigyan natin ang ating sarili ng panahon upang magpahinga? Ganun din ang buhay ng Kristiyano na ang pagdanas natin ng mga “krus” ng ating buhay ay magdudulot din ng kaginhawaan sa huli. At dahil ang ating buhay ay nakasentro kay Kristo, ginugunita natin kung paano siya na ang nauna sa atin nang dumanas ng mga paghihirap at pinasan ang isang malaking Krus patungo sa Kalbaryo upang maipako diyan. Ngunit sa kanyang pagtampok sa Krus na Banal, ipinamamalas niya ang kapanagyarihan ng Diyos Ama na naghangad ng ating kaligtasan. Hindi nanaig ang Kamatayan sapagkat siya’y muling nabuhay at nagtagumpay laban sa kasalanan at kamatayan. Mayro’n nga siyang dapat pagkakataon upang iligtas niya ang kanyang sarili mula sa kapahamakan, subalit pinili niya ang daan tungo sa ating kaligtasan upang matunghayan natin sa ating buhay ang tunay na kahulugan ng pagiging inampong anak ng Diyos at mga tinawag na alagad ni Kristo.

Sa ating buhay, patuloy pa rin ang mga hamon na nakalaan sa atin. Subalit kung tayo ay may matibay na pananampalataya na handa tayong tumiis at patuloy na gumawa ng mabuti, ang lahat ng ating paghihirap at pagdurusa ay makakaya nating buhatin sapagkat nakakapit tayo sa kanya. Mahirap maging Kristiyano, lalo na ang pagiging martir na talagang pinapatay o kaya pinapahirapan at niyuyurakan para lang ang mga saksing ito ay isuko at itakwil ang kanilang pananampalataya sa Panginoon, subalit tiniis nila ang mga kamalasan nito alang-alang kay Kristo, kahit sa puntong dumanak ang kanilang dugo. Dahil sa kanilang pagtitiis, natagumpayan nila ang korona ng buhay sa kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan sa kalangitan, at kapiniling nila ang Diyos at ang mga anghel. Kaya diyan din tayo patungo balang araw, at katulad ng ating pagkakapit sa kanya sa kabila ng ating mga pinapasang krus, atin ding akayin ang ating kapwa patungo sa kanya sapagkat tayo rin ay may pananagutan sa mabuting kapakanan ng bawat tao.

Reply

Daisy Esplana February 18, 2022 at 9:16 am

Pinupuri ka namin Panginoon Hesuskristo.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño February 18, 2022 at 9:26 am

Ang Unang Pagbasa ay kaugnay ng mga Pagbasa kahapon na kung ikaw relihiyoso o sumasampalataya sa Diyos ay dapat na ingatan mo ang lalabas sa iyong mga bibig at wag mabilis magalit. Ganito rin ang tema ngayon, hindi sapat ang naniniwala lamang tayo na may Diyos. Nararapat na makita sa ating nga gawain ang pagmamahal natin sa Diyos sa pmamagitan ng pagmamahal ng ating kapwa. Magrosaryo ka man araw araw o lumakad ng paluhod sa Baclaran kung ikaw nman ay nabubuhay sa kadilima ay wala rin. Sinasabi mong sumasampalataya ka kay Hesukristo pero madamot ka sa humihingi ng tulong sayo, naninirang puri ka, tsismosa ka, mahalay ka, nakikiapid, namgangalunya, nagnanasa sa hindi mo pag-aari, inggitero, mapagmataas, hambog, hindi mapatawad ang kapatid, ay bale wala lamang ang lahat at matatawag kang hangal.

Sa ating ebanghelyo ngayon ay pinaaalalang huwag mo puro sarili mo ang iniisip mo, huwag mo puro pasarap, magsakripisyo, buhatin ang krus, para sa iba. Walang sinuman ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang. Mensahe ng Mabuting Balita ang mahabag sa kapwa, dumamay sa kapwa, bigyan ang wala, at huwag tumutok sa makamundong bagay gaya ng materyal, pagppayaman at pagiging ganid. Magpasalamat sa biyaya at magbahagi, at sumunod sa kalooban ng Diyos. Sapagakat anumang oras ay kayang bawiin ng Diyos kung ano man ang meron maging ang komportable mong buhay at mahal mo sa buhay.

Reply

Michael Gerola February 18, 2022 at 11:20 am

tulungan mo ako Panginoon maging tapat sa iyo. Patnubayan mo ang buhay kong ito na maging kalugod lugod ako para sa iyo. Maraming Salamat sa paalala mo Panginoon Diyos. Pinupuri dinadakila ka namin Panginoong Hesukristo. Amen!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: