Linggo, Nobyembre 7, 2021

November 7, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon

Pinasisigla ng mga papuri ni Hesus sa hamak na abuloy ng mahirap na balo, manalangin tayo para sa lalong dakilang pagkabukas-palad para sa ating sarili at lahat ng sangkatauhan. Sama-sama tayong manalangin:

Panginoon, turuan mo kaming maging bukas-palad!

Para sa Pangkalahatang Simbahan: Nawa lagi siyang maging maningning na halimbawa ng pagiging bukas-palad at paglayo sa mga materiyal na bagay. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng mga pinunong relihiyoso: Nawa sila’y laging maging maningning na halimbawa sa pakikitungo nila sa mga dukha at api. Manalangin tayo!

Para sa ating mga pinunong pambayan: Nawa ituring nila ang kapangyarihan bilang isang pagkakataong makapaglingkod sa pamayanan, sa halip na isang bukal ng karangalan at pakinabang para sa kanilang sarili. Manalangin tayo!

Para sa mahihirap sa ating bayan: Magkamit nawa sila ng matibay na tulong ng pamayanan, habang sila nama’y nakikiisa rin sa lalong nangangailangan sa kanila. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng biktima ng mga natural na pamiminsala at mga walang tahanan: Nawa agad silang matulungan sa kanilang kasalukuyang pangangailangan at matulungan sila sa kanilang marangal na pagbabagong buhay. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa tayo’y magbigay ng ating panahon, talento, at yaman nang taos-puso para sa kapakanan ng Simbahan at ng mga taong nangangailangan. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, gawin mong dalisay ang aming hangarin at palawakin ang aming malasakit upang tuwina naming tularan ang iyong pagkabukas-palad na naghandog ng iyong sarili para sa aming lahat at ngayo’y nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 10, 2018 at 5:42 pm

Pagninilay: Malapit na pong tumapos ang Taong Panliturhiya ng ating Simbahan, at magsisimula naman ng isa pang bagong taon sa Panahon ng Adbiyento. Kaya nga ipinapaalala sa atin na ang pinakabasehan ng ating gawain ay pag-ibig, at ang hantungan ng ating pagmamhal ay kaligayahan ng buhay na walang hanggan sa kalangitan. Kaya makikita sa katauhan ng 2 biyuda sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo ang kanilang katapatan sa paglilingkod sa Panginoon sa kabila ng kanilang katayuan. Sa kasaysayan ng Israel, itinuturing ng lipunan ang mga biyuda bilang mga taong hindi mahalaga at mga hindi na matulungan daw. Ito’y bahagi ng paningin ng mga tao noon ukol sa mga kababaihan, na hindi sila’y kasinglakas katulad ng mga kalalakihan. Ang mga babae raw ay nakadepende palagi sa lalaki kung ito’y ipagpapakasal. Subalit kung namatay man ang asawa ng babae, ang kanyang (mga) anak na lalaki ang pinaniniwalaang gagampanan ang biyaya ng pamilya. Ngunit kung pumanaw ang (mga) lalaking anak ng biyuda, siya’y itinuturing na hindi kailanman matutulungan. Bilang tugon, ipinahayag sa atin ng liturhiya na ang Panginoong Diyos ay matagal nang may lubos na awa at malasakit kahit sa mga taong kinakalimutan o kaya niyuyurakan ng lipunan, kasama na dito ang mga balo. Kaya nga ang babaing balo na taga-Sarepta ay pinag-utusan ni Propetang Elias na tanggapin ang propeta sa bahay nito. At inutusan din siya na bigyan si Elias ng tubig at magluto ng tinapay, subalit nagduda ng babae na baka mawalan ng harina. Pero siya’y nagtiwala sa Diyos sa tulong ni Propetang Elias, at ang sarong puno ng harina ay isang tanda na siya’y kinalulugdan ng Diyos. At isa namang biyuda ang ipinakilala sa Ebanghelyo na hindi katulad ng mga mayayamang taong naghandog ng malalaking salapi, siya’y naghandog ng dalawang kusing lamang. At siguro ang mga taong nakakita dito ay nag-iisip ng sama ng loob dahil sa liit na handog niya. Sa puntong iyon, pinuri ni Hesus ang disposiyon ng babaeng balo na kahit ang 2 kusing na mayroon siya na dapat gamitin niya sa kanyang mabuting kalagayan, inialay niya ito sa Diyos nang may buong puso. Kaya nga itinuturo dito sa Ebanghelyo ang pagbibigay na galing sa puso. Taliwas dito sa pag-uugali ng mga pinunong tumutuligsa kay Hesus katulad ng mga eskriba na nagpapakita ng kabaitan at kabanalan na akalain sila’y mas kalugud-lugod sa harap ng napakaraming tao. Kaya nga ang hamon sa atin na katulad ng Diyos na dakila sa kanyang awa at habag sa atin sa kabila ng ating mga kahinaan, tayo rin ay maging mga mabuting taong nagpapahayag ng pagmamahal at habag sa ibang tao, lalung-lalo na ang mga mahihirap. Kapag tayo ay nagbibigay, gawin natin ito nang taos puso at hindi yung parang napipilitan upang makita natin ang kahalagahan ng pagbibigay. At nawa’y tularan din natin ang 2 balo na patuloy tayong magtitiwala at maglilingkod sa Panginoon sa kabila ng mga problema at paghihirap natin sa buhay.

Reply

Melba G. De Asis November 13, 2018 at 7:02 am

Mas kinalulugdan ng Diyos ang nagbibigay ng may kasamang sakripisyo. Amen.

Reply

Reynald Perez October 29, 2021 at 5:04 pm

PAGNINILAY: Malapit na pong tumapos ang Taong Panliturhiya ng ating Simbahan, at magsisimula naman ng isa pang bagong taon sa Panahon ng Adbiyento. Kaya nga ipinapaalala sa atin na ang pinakabasehan ng ating gawain ay pag-ibig, at ang hantungan ng ating pagmamhal ay kaligayahan ng buhay na walang hanggan sa kalangitan.

Kaya makikita sa katauhan ng 2 biyuda sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo ang kanilang katapatan sa paglilingkod sa Panginoon sa kabila ng kanilang katayuan. Sa kasaysayan ng Israel, itinuturing ng lipunan ang mga biyuda bilang mga taong hindi mahalaga at mga hindi na matulungan daw. Ito’y bahagi ng paningin ng mga tao noon ukol sa mga kababaihan, na hindi sila’y kasinglakas katulad ng mga kalalakihan. Ang mga babae raw ay nakadepende palagi sa lalaki kung ito’y ipagpapakasal. Subalit kung namatay man ang asawa ng babae, ang kanyang (mga) anak na lalaki ang pinaniniwalaang gagampanan ang biyaya ng pamilya. Ngunit kung pumanaw ang (mga) lalaking anak ng biyuda, siya’y itinuturing na hindi kailanman matutulungan. Bilang tugon, ipinahayag sa atin ng liturhiya na ang Panginoong Diyos ay matagal nang may lubos na awa at malasakit kahit sa mga taong kinakalimutan o kaya niyuyurakan ng lipunan, kasama na dito ang mga balo.

Kaya nga ang babaing balo na taga-Sarepta ay pinag-utusan ni Propetang Elias na tanggapin ang propeta sa bahay nito. At inutusan din siya na bigyan si Elias ng tubig at magluto ng tinapay, subalit nagduda ng babae na baka mawalan ng harina. Pero siya’y nagtiwala sa Diyos sa tulong ni Propetang Elias, at ang sarong puno ng harina ay isang tanda na siya’y kinalulugdan ng Diyos. At isa namang biyuda ang ipinakilala sa Ebanghelyo na hindi katulad ng mga mayayamang taong naghandog ng malalaking salapi, siya’y naghandog ng dalawang kusing lamang. At siguro ang mga taong nakakita dito ay nag-iisip ng sama ng loob dahil sa liit na handog niya. Sa puntong iyon, pinuri ni Hesus ang disposiyon ng babaeng balo na kahit ang 2 kusing na mayroon siya na dapat gamitin niya sa kanyang mabuting kalagayan, inialay niya ito sa Diyos nang may buong puso. Kaya nga itinuturo dito sa Ebanghelyo ang pagbibigay na galing sa puso. Taliwas dito sa pag-uugali ng mga pinunong tumutuligsa kay Hesus katulad ng mga eskriba na nagpapakita ng kabaitan at kabanalan na akalain sila’y mas kalugud-lugod sa harap ng napakaraming tao.

Kaya nga ang hamon sa atin na katulad ng Diyos na dakila sa kanyang awa at habag sa atin sa kabila ng ating mga kahinaan, tayo rin ay maging mga mabuting taong nagpapahayag ng pagmamahal at habag sa ibang tao, lalung-lalo na ang mga mahihirap. Kapag tayo ay nagbibigay, gawin natin ito nang taos puso at hindi yung parang napipilitan upang makita natin ang kahalagahan ng pagbibigay. At nawa’y tularan din natin ang 2 balo na patuloy tayong magtitiwala at maglilingkod sa Panginoon sa kabila ng mga problema at paghihirap natin sa buhay.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño November 7, 2021 at 10:06 am

Ang hamon at aral sa atin ng ebanghelyo ngayon ay Humility at Generosity.
Huwag nating tularan ang mga eskriba na ang nais ay ang pagpugayan sila, ang mga tanging luklukan sa sinagoga at upuang pandangal sa mga piging. Ang mga gawain at pag iisip na ganito ay puro kayabangan. Sa buhay nating ito ang lahat ay hiram natin sa Panginoon, magpakababa tayo hiwag nating hangarin na purihin tayo ng ating kapwa, kainggitan o kabiliban sa kung anong meron tayo. Huwag tayong mabuhay na; mapgkunwari at hambog para lamang makitang mas mataas at higit tayo sa iba, sapagkat kung gayon ay kinuha mo na ang iyong gantimpala dito sa lup at walang naghihintay na gantimpala sayo galing sa Diyos natin sa langit.

Tularan naman natin ang babaeng balo sa unang pagbasa at sa ebanghelyo. Maging bukas palad tayo sa mga lumalapit sa atin at humihingi ng tulong, kung qng ibibgay mo nman ang iyong sobra lang at hindi mo na kailangan ay walang bilang iyon sa mata ng Panginoon. Huwag kang matatakot na mawalan, magbigay ka lamang at tumulong at magtiwala sa Diyos na hindi masasaid ng kung anong meron ka pa, hindi matutuyo ang langis at masasaid ang lagayan ng harina.

Huwag maging mayabang at maging mapagbigay at si Hesus na ang bahala sayo, basta’t manalig ka lamang.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: