Linggo, Setyembre 26, 2021

September 26, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (Taon B)

Ipinaaalaala sa atin ng mga pagbasa ngayon ang mamuhay sa tanglaw ng kautusan ng Diyos at paglabanan ang lahat ng kakitiran ng pag-iisip. Pagkat batid natin ang ating kahinaan, pakumbaba tayong manalangin:

Panginoong Diyos, maawa Ka sa amin!

Nawa lahat ng Kristiyano ay maging laging handang makipagtulungan sa lahat ng mga taong tapat sa pagtataguyod ng anumang mabuti. Manalangin tayo!

Nawa maging bukas ang pag-iisip ng mga pinuno ng ating mga pamayanan, gaya nina Moises at Hesus, sa pag-unawa sa kilos ng Espiritu, kahit na sa labas ng mga “kayariang opisyal” ng Simbahan. Manalangin tayo!

Nawa ang ating mga mandaragat at kanilang pamilya ay manatiling tapat sa kanilang kapangakuang Kristiyano at mapanatili ang pagmamahalan sa kabila ng kanilang pagkakalayo sa isa’t isa. Manalangin tayo!

Nawa maipagkaloob ng mga among tagapagpagawa sa mga namamasukan at ng mga opisyal sa gobyerno sa kanilang mamamayan ang anumang nararapat para sa kanila. Manalangin tayo!

Nawa mapagtanto nating lahat na ang mga biyaya at kayamanang ipinagkakaloob ng Diyos ay hindi upang itago at kamkamin kundi dapat na ibahagi lalo na sa mga nangangailangan. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating pansariling kahilingan (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, turuan Mo kaming magalak sa kabutihan ng iba at makipagtulungan sa kanila sa pagtataguyod ng mga pagpapahalaga ng Kahariang itinatag ng Iyong Anak. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 29, 2018 at 10:40 pm

Pagninilay: Tayong lahat ay tinatawag na makibahagi sa misyon ng pagpapangaral ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos. At mas mahalaga rin ito kung tatanggapin natin ang mga ibang saksing nagpapahayag tungkol sa katuwiran at kabutihan ng Panginoon. Makikita sa Ebanghelyo kung paanong ibinalita ni San Juan kay Hesus tungkol sa isang lalaking pinipiligan nilang magpalayas ng mga demonyo sa ngalan ng kanilang amo. Ngunit sinabi ni Hesus na huwag siyang ipagbawal, sapagkat ang mga taong kumakampi sa Panginoon ay hindi laban sa kanya. At sinabi rin niya na ang taong nagbibigay ng pang-inom sa mga nauuhaw alang-alang sa kanyang pangalan ay hindi mawawalan ng gantimpalang mula sa kanya. Kaya nga tayo’y hinihikayat ni Kristo ang pagkakaroon ng bukas na puso’t isipan sa pagkakaisa ng mga mananampalataya na ipagpapatuloy ang misyong kanyang tinahak at ng mga Apostol. Kahit si Josue sa Unang Pagbasa ay gusto ni Moises na pagsabihan sina Eldad at Medad na huwag makisali sa 72 tribo dahil sila’y nahuhuli, ngunit tugon ni Moises na hinirang ng Diyos ang mga saksi at propeta. Kaya ang tawag tungo sa pagiging isang Kristiyanong komunidad ay ang pag-aakit sa mga tao upang maranasan nila ang Diyos sa kanilang buhay at makibahagi rin sa misyon ng pagiging tapat sa kanya. Ngunit sa kabila ng ating misyon upang ipalaganap ang kabutihan, tayo ay ibinababala laban sa paggawa ng mga iskandalo. Ang isang iskandalo ay kontrobersiyal na pangyayari na madalas nasisiraan ng reputasyon ang isang tao. Karamihan sa mga itong masaklap na pangyayari ay nagaganap sa mga grupo o institusyon na kung isang tao ay may masamang pagkakakilanlan, magmumukhang masama ang reputasyon ng pangalan ng pangkat. Kaya nga sa susunod na bahagi ng Ebanghelyo, binabala ni Hesus ang mga taong tumutukso sa iba upang magkasala ay magpatali ng isang malaking bato sa leeg at itabuyan ang sarili sa dagat, putulin ang mga paa at kamay, at pagdukot sa mga mata. Ito’y mas mabuti pa daw ayon kay Hesus kaysa tayong patuloy na nagkakasala ay parusahan sa mga apoy ng impiyerno. Ang mga pisikal na kalabasan ay isang pagmamalabis ni Hesus na sa madaling salita, huwag po nating tuksuin ang ibang tao na magkasala. Mas higit pa dun na huwag po tayong matusko ng mga makamundong bagay upang makapangpanakit at makapgpahirap ng kapwa-tao. Kaya nga parang kinokondena ni Apostol Santiago sa Ikalawang Pagbasa ang mga mayayaman at makapangyarihan. Hindi naman tutol ang Apostol sa paggamit ng kayamanan at kalikasan upang makapagdulot ng kabutihan sa daloy ng mga kalakal at serbisyo. Kaya kahit marami tayong mga biyaya at mga kasiyahan, huwag natin gamitin ang mga ito upang mapang-api, maiyurakan, at makuha ang kanilang pinaghirapang ari-arian. Kaya ang hamon ng Liturhiya ngayong Linggo ay ang mabuting relasyon sa Panginoon at sa ating kapwa. Huwag po tayo’y mahulog sa mga iskandalo na makakasira sa ating reputasyon at sa reputasyon ng iba. Bagkus nawa’y hayaan natin lumaganap ang pag-ibig ng Diyos sa lahat.

Reply

Reynald Perez August 27, 2021 at 10:19 pm

PAGNINILAY: Tayong lahat ay tinatawag na makibahagi sa misyon ng pagpapangaral ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos. At mas mahalaga rin ito kung tatanggapin natin ang mga ibang saksing nagpapahayag tungkol sa katuwiran at kabutihan ng Panginoon.

Makikita sa Ebanghelyo kung paanong ibinalita ni San Juan kay Hesus tungkol sa isang lalaking pinipiligan nilang magpalayas ng mga demonyo sa ngalan ng kanilang amo. Ngunit sinabi ni Hesus na huwag siyang ipagbawal, sapagkat ang mga taong kumakampi sa Panginoon ay hindi laban sa kanya. At sinabi rin niya na ang taong nagbibigay ng pang-inom sa mga nauuhaw alang-alang sa kanyang pangalan ay hindi mawawalan ng gantimpalang mula sa kanya. Kaya nga tayo’y hinihikayat ni Kristo ang pagkakaroon ng bukas na puso’t isipan sa pagkakaisa ng mga mananampalataya na ipagpapatuloy ang misyong kanyang tinahak at ng mga Apostol. Kahit si Josue sa Unang Pagbasa ay gusto ni Moises na pagsabihan sina Eldad at Medad na huwag makisali sa 72 tribo dahil sila’y nahuhuli, ngunit tugon ni Moises na hinirang ng Diyos ang mga saksi at propeta.

Kaya ang tawag tungo sa pagiging isang Kristiyanong komunidad ay ang pag-aakit sa mga tao upang maranasan nila ang Diyos sa kanilang buhay at makibahagi rin sa misyon ng pagiging tapat sa kanya. Ngunit sa kabila ng ating misyon upang ipalaganap ang kabutihan, tayo ay ibinababala laban sa paggawa ng mga iskandalo. Ang isang iskandalo ay kontrobersiyal na pangyayari na madalas nasisiraan ng reputasyon ang isang tao. Karamihan sa mga itong masaklap na pangyayari ay nagaganap sa mga grupo o institusyon na kung isang tao ay may masamang pagkakakilanlan, magmumukhang masama ang reputasyon ng pangalan ng pangkat.

Kaya nga sa susunod na bahagi ng Ebanghelyo, binabala ni Hesus ang mga taong tumutukso sa iba upang magkasala ay magpatali ng isang malaking bato sa leeg at itabuyan ang sarili sa dagat, putulin ang mga paa at kamay, at pagdukot sa mga mata. Ito’y mas mabuti pa daw ayon kay Hesus kaysa tayong patuloy na nagkakasala ay parusahan sa mga apoy ng impiyerno. Ang mga pisikal na kalabasan ay isang pagmamalabis ni Hesus na sa madaling salita, huwag po nating tuksuin ang ibang tao na magkasala. Mas higit pa dun na huwag po tayong matusko ng mga makamundong bagay upang makapangpanakit at makapgpahirap ng kapwa-tao. Kaya nga parang kinokondena ni Apostol Santiago sa Ikalawang Pagbasa ang mga mayayaman at makapangyarihan. Hindi naman tutol ang Apostol sa paggamit ng kayamanan at kalikasan upang makapagdulot ng kabutihan sa daloy ng mga kalakal at serbisyo.

Kaya kahit marami tayong mga biyaya at mga kasiyahan, huwag natin gamitin ang mga ito upang mapang-api, maiyurakan, at makuha ang kanilang pinaghirapang ari-arian. Ang hamon ng Liturhiya ngayong Linggo ay ang mabuting relasyon sa Panginoon at sa ating kapwa. Huwag po tayo’y mahulog sa mga iskandalo na makakasira sa ating reputasyon at sa reputasyon ng iba. Bagkus nawa’y hayaan natin lumaganap ang pag-ibig ng Diyos sa lahat.

Reply

Ferdy Baetiong Parino September 26, 2021 at 6:09 am

Sa ikalawang pagbasa ay ipinapaalala sa atin na huwag tayong malulong sa materyal na bagay, wag natin ituon ang sarili sa pagpapayaman, bagkus ay ang ipunin natin ay ang pagawa ng kabutihan habang tayo ay nasa lupa pa. Tayo ay hindi susukatin sa ating yaman, huhusgahan tayo kung pano tayo ay nakipagkapwa tao at nagsumikap magpakabanal.

Sa ating ebanghelyo ang hamon ay huwag kang maging dahilan ng pagkakasala ng ibang tao lalong lalo na ang mga taong nagpapakabanal. Sa pangkasalukuyang panahon na nabubuhay tayo sa mundo ng makabagong internet, huwag mong ipasa o ishare ang mga natatanggap mo o nakikitang mga makamundong gawain, makakapagdulot ito ng kasalanan sa taong makakatanggap. Sa atin namng pakikisalamuha, huwag kang gagawa ng kwento upang pag awayin ang dalawang tao bagkus ay maging tagapamagitan ka upang magkabati sila. Ilan lamang yan sa mga halimbawa basta’t ang nais ni Hesus ay huwag tayong maging dahilan ng pagkakasala ng iba at huwag ifocus ang buhag sa pagpapayaman. Magandang araw mga kapatid.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: