Huwebes, Setyembre 9, 2021

September 9, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Bumaling tayo sa Diyos Ama para sa tulong na ating kinakailangan upang sundin ang halimbawa ni Jesus na nagsasabi sa ating mahalin ang ating mga kaaway.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pag-ibig, bigyan mo kami ng lakas.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magbigay saksi sa kanyang sambayanan sa pamamaraan ng pagpapatawad, pag-ibig, at kapatawaran upang masalamin ang kabanalan ng Diyos sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong may galit at pait sa kanilang kapwa nawa’y mapagtanto na naghihiwalay lamang sa kanila sa Diyos ang pagsunod sa kanilang hinananakit at suklam, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilyang pinaghiwalay at nahati dahil sa kanilang kawalang-bahala sa isa’t isa nawa’y mapanumbalik ang dating pagkakasundo at alab ng samahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y magkaroon ng kapayapaan ng isip na lumalago sa pagpapahalaga nila sa kanilang natatanging bahagi ng pakikiisa kay Kristo sa kanyang pagpapakasakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makibahagi sa kapayapaan at kaligayahan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, alam mo kung ano ang mabuti para sa amin. Tanggalin mo nawa sa aming mga puso ang mga hinanakit at basbasan mo ang aming pagsusumikap na mahalin ang lahat ng aming kapwa. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 9, 2019 at 12:37 am

Pagninilay: Ang pagkakilanlan sa atin bilang mga Kristiyano ay dahil sa pag-ibig na ipinamalas ng Panginoong Diyos sa sanlibutan kahit laganap ang kasamaan. Ang Ebanghelyo ay isang mahabang pangangaral ni Hesus sa isang kapatagan sa harap ng napakaraming tao. Ang pinakapunto ng kanyang pangangaral ay tungkol sa relasyon ng tao sa isa’t isa. Isa sa kanyang mga pahayag ay ang pagmamahal sa mga kaaway at pagdarasal sa mga nang-uusig. Tila nga bang mahirap na mahalin ang mga taong may atraso laban sa iyo. Alam po natin na masakit sa ating damdamin na paulit-ulit tayong sasaktan ng iilang tao kahit ilang beses na silang nagkasala at naghingi ng kapatawaran. Ngunit ang nais ipaalala sa atin ng Panginoon ay ang mas malalim na pagtingin natin sa kasalanan. Ika nga ng isang kasabihan: “Hate the sin, but not the sinner.” Tumpak ito’y patungkol sa hinding mabilis na paghahatol sa isang indibiduwal. Ngunit kailangang bigyan-pansin ang “hate the sin” sapagkat inaanyayahan tayo ng Panginoon ang Fraternal Correction upang itaguyod natin ang diwa ng isang Kristiyano, ang pag-ibig ng Diyos. Sa huli, hinihikayat tayo ni Kristo na isabuhay itong pahayag na naging tema ng Hubileyo ng Awa (2016): “Maging maawain katulad ng Ama” (Lucas 6:36). Ang pagiging mahabagin ay katumbas sa pagiging “perpekto” ayon kay San Mateo 5:48. Mahirap maging perpekto dahil inaamin nating tayo’y tao lamang na nagkakasala. Ngunit ang pagiging perpekto at maawain ayon sa pamantayan ni Hesukristo ay isang hamon sa kabanalan. Tayo’y nilikha sa imahe at kaanyuhan ng Ama upang tayo’y maging katulad niya na banal at matapat ang pamumuhay. Patuloy natin isabuhay ang kabutihang-loob ng ating mga puso sa kabila ng lahat ng mga pagkakasalang nakakalat sa ating mga paligid. Nawa’y patuloy natin patatagin ang ating relasyon sa Diyos at sa ating kapwa.

Reply

Reynald Perez September 2, 2021 at 11:16 pm

Pagninilay: Ang pagkakilanlan sa atin bilang mga Kristiyano ay dahil sa pag-ibig na ipinamalas ng Panginoong Diyos sa sanlibutan kahit laganap ang kasamaan.

Ang Unang Pagbasa ay ang paanyaya ni San Pablo na suutin natin ang damit ng kabanalan bilang mga hinirang anak ng Diyos sa pamamagitan ng kabutihan, kaamuhan, katiyagaan, pagtitiis, pagpapatawad, at higit sa lahat ng pag-ibig. Ang bati natin sa bawat isa ay kapayapaang kaloob ni Kristo, upang siya na Salita ng Diyos ay palaging manahan sa ating mga puso. Patuloy nawa manaig ang karunungan at kagandahang-loob sa ating mga buhay upang ang bawat mabubuting gawain natin ay naiaalay para sa kaluwalhatian ng Diyos Ama at ang kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesukristo.

Ang Ebanghelyo ay isang mahabang pangangaral ni Hesus sa isang kapatagan sa harap ng napakaraming tao. Ang pinakapunto ng kanyang pangangaral ay tungkol sa relasyon ng tao sa isa’t isa. Isa sa kanyang mga pahayag ay ang pagmamahal sa mga kaaway at pagdarasal sa mga nang-uusig. Tila nga bang mahirap na mahalin ang mga taong may atraso laban sa iyo. Alam po natin na masakit sa ating damdamin na paulit-ulit tayong sasaktan ng iilang tao kahit ilang beses na silang nagkasala at naghingi ng kapatawaran. Ngunit ang nais ipaalala sa atin ng Panginoon ay ang mas malalim na pagtingin natin sa kasalanan. Ika nga ng isang kasabihan: “Hate the sin, but not the sinner.” Tumpak ito’y patungkol sa hinding mabilis na paghahatol sa isang indibiduwal. Ngunit kailangang bigyan-pansin ang “hate the sin” sapagkat inaanyayahan tayo ng Panginoon ang Fraternal Correction upang itaguyod natin ang diwa ng isang Kristiyano, ang pag-ibig ng Diyos. Sa huli, hinihikayat tayo ni Kristo na isabuhay itong pahayag na naging tema ng Hubileyo ng Awa (2016): “Maging maawain katulad ng Ama” (Lucas 6:36).

Ang pagiging mahabagin ay katumbas sa pagiging “perpekto” ayon kay San Mateo 5:48. Mahirap maging perpekto dahil inaamin nating tayo’y tao lamang na nagkakasala. Ngunit ang pagiging perpekto at maawain ayon sa pamantayan ni Hesukristo ay isang hamon sa kabanalan. Tayo’y nilikha sa imahe at kaanyuhan ng Ama upang tayo’y maging katulad niya na banal at matapat ang pamumuhay. Patuloy natin isabuhay ang kabutihang-loob ng ating mga puso sa kabila ng lahat ng mga pagkakasalang nakakalat sa ating mga paligid. Nawa’y patuloy natin patatagin ang ating relasyon sa Diyos at sa ating kapwa.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño September 9, 2021 at 9:16 am

Paano natin isasabuhay ang ebanghelyo sa kasalukuyang panahon. Ngayong panahon ng krisis marami ang lumalapit sa atin na nangangailangan, mga taong nawalan ng hanapbuhay, nagkakasakit, nauuhaw at nagugutom. Hindi natin ito pinapansin kapag sila’y nanghirama dahil alam natin na wala nman silang kapasidad na magbayad. Pero pag may lumapit na alam mong magbabayad ay pinahihiram natin agad at minsan tinatanong pa kung magkano amg kailangan. Hindi ganito ang aral ng ebanghelyo, wag natin tanggihan ang mga lumalapit lalo na ang mga walang wala, kung hindi man sila makabayad ay ayos lang, mas ok pa din na ikaw ang tumutulong kaysa ikaw ang mangailangan mg tulong. Wag kang matakot mawalan o maubusan, hanggat ikaw ay nagbibigay ay hindi ka pababayaan ni Hesus na mawalan. Kadalasana nman ay pera ang hininihinging tulong ng mga nangangailanangan, tandaan mo na pera lamang yan, kikitain mo pa yan, maari pang mabagi mo ang buhay ng pahihiramin o bibigyan. Ang taong madamot ay sya pang nawawalan ngunit ang taong mapagbigay ay hindi nawawalan bagkus ay binibigyan pa. Maigsi lamang ang buhay, gawin mo itong kapaki pakinabang at ang Diyos na sa langit ang bahalang magbigay sayo ng gantimpala.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: