Linggo, Agosto 29, 2021

August 29, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Patnubay sa Misa

Ipinaaalaala sa atin ngayon ng Mabuting Balita ang dakilang kahalagahan ng paglinang ng tamang saloobing moral at ng pagsunod sa utos ng Diyos. Nananalig sa Kanyang pagmamahal sa atin, manalangin tayo:

Bukal ng lahat ng kabanalan, dinggin Mo kami!

Para sa Simbahan at kanyang mga pinuno: Nawa lagi silang manindigan sa kung ano ang totoo at tama nang hindi napadadala sa mga panghihinang moral sa kasalukuyan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga magulang: Nawa turuan nila ang kanilang mga anak sa pama- magitan ng salita at mabubuting halimbawa, at nawa ang kanilang asal ay patnubayan ng Diyos alinsunod sa Kanyang kautusan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga guro: Nawa akayin nila ang kanilang mga estudyante sa isang maayos na pagtanggap sa mga pagpapahalaga ng Ebanghelyo at ganyakin silang mabuhay alinsunod sa ganitong mga pagpapahalaga. Manalangin tayo!

Para sa kabataan sa buong mundo, lalo na sa ating bansa: Nawa tanggihan nila ang anumang panghamak at di-karapat-dapat sa tao, at tupdin ang sa kanila’y nagpapadakila. Manalangin tayo!

Para sa ating mga Pambasang Bayani noong unang panahon, na ating bibigyang pugay bukas: Nawa gantimpalaan ng Diyos ang kanilang kabutihang-loob, at nawa ang kanilang halimbawa ay magbigay-inspirasyon sa bagong henerasyon. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa mapanatili natin na walang bahid ng maruruming isipan at hangarin ang ating mga puso. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan (Manahimik saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, nais Mong magkaroon kami ng mga tamang pagpapahalaga sa buhay. Ipag- kaloob Mo sa amin ang biyaya na malaman namin ang tama, gawin ang mabuti, at mag-punyagi sa paglilingkod sa Iyo hanggang sa dulo ng aming buhay.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno June 13, 2021 at 8:20 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald David Perez July 22, 2021 at 4:12 pm

PAGNINILAY: Pagkatapos nating pagnilayan ang mga Kasabihan ni Hesus tungkol sa Tinapay ng Buhay (Juan 6), ang mga sumusunod na Ebanghelyo para sa mga darating na Linggo sa Karaniwang Panahon ay magmumula kay San Marcos dahil tayo’y nasa Taon B ng Liturhiya ng Simbahan. Ngayon, sinisimulan natin ang Linggong ito sa ating mga Pagbasa ngayon tungkol sa utos ng Diyos.

Sa ating Unang Pagbasa (Deuteronomio 4:1-2, 6-8), ipinahayag ni Moises sa mga Israelita na sundin ang lahat ng mga utos ng Panginoong Diyos, at huwag baguhin ang mga Ito. Kung ating natatandaan, ang Panginoon ang nagligtas sa kanilang bayan mula sa pagkaalipin sa Ehipto sa pamamagitan ng kanyang lingkod si Moises. Kaya ang nais niya sa kanyang pinagpala ay sundin ang kanyang utos at sumamba sa kanya. Subalit sa paglipas ng panahon, umusbong ang ilang mga pinuno ng Hudyo katulad ng Pariseo, Saduceo, at eskriba, at dumagdag sila ng higit na 500 utos, hanggang mabuo nila ang 613 utos. At kung sinuman ang lalabag sa mga ito ay aarestuhin ng mga Romano. Hindi lang Kautusan ang kanilang hinigpitan, kundi pati rin ang kanilang mga tradisyong ginawa ng kanilang mga ninuno.

Kaya sa ating Ebanghelyo (Marcos 7:1-8, 14-15, 21-23), tinuligsa sila ni Hesus dahil hindi makabuluhan ang kanilang pagsamba sa Diyos. Kung ating susuriin, kapag nakikita nila siyang lumalabag sa utos, bibintangin nila siya at susubukang patayin siya. Ilan sa mga ito ay ang Araw ng Pamamahinga, pang-aayuno at pangingilin, pagbabayad ng buwis kay Emperador Cesar, pagkakasal at pagkakahiwalay ng isang mag-asawa, atbp. Higit sa lahat, tingin nila lumalabag si Hesus sa mga ito, pati pa rin daw ang pagdeklara ng kanyang sarili bilang Anak ng Diyos. Subalit ang kanilang pagkikilala sa Diyos ay hindi makabuluhan dahil ang sabi nga ni Propeta Isaias: “Sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal” (Isaias 29:13). Kaya nga hinihigpitan nila ang Kautusan para tuparin ito ng lahat ng mga tao, at mismo sila’y hindi sinusunod ito. Mga kapatid, ang pinupunto lamang ni Kristo ay ang tamang pagkilala at pagsamba sa Ama.

Mahalaga naman na sundin ang Kautusan, subalit huwag tayo masyadong mapagmataas. Huwag din natin maliitin at gawing paslit ang ating mga kapwa. Ang Diyos ay tumitingin sa puso ng bawat isa, kung paano ang isang tayo’y sumunod sa kanyang utos at gumawa ng mga mabubuting bagay sa ibang tao. Kaya nga sa ating Ikalawang Pagbasa (Santiago 1:17-18, 21b-22, 27), hinihikayat tayo ni Apostol Santiago, kauna-unahang Obispo ng Jerusalem, na ang tunay na pakikipagkilala sa Diyos ay nababatay rin ng mahabagin at maawaing puso ng isang indibiduwal tungo sa kanyang mga kapwa.

Sa ating paglakbay sa daang ito, nawa’y sundin natin ang mga utos nang buong puso, at nang hinding pagpapaslit sa ibang tao.

Reply

Abcde Gabriele Rivera August 25, 2021 at 11:46 am

Maging matapat at patas po sa kapwa

Reply

Jane Mendoza August 29, 2021 at 8:21 am

Salamat Panginoong Diyos. Tunay kang kapuri-puri magpakailanman. Turuan nyo nawa kaming mamuhay ng kalugod lugod sayo. Linisin mo po ang ang aming puso at isipan ng sa gayon, mamuhay kami ng naayon sa inyo at hindi lamang sa mata ng mga tao. Higit na mahalaga ang kalinisan ng kalooban kaysa kalinisang pang labas lamang. Ang dumi ng kalooban ay nagbubunga ng paninirang puri sa kapwa at iba pang kasalanan. Mamuhay kaming nagpupuri sayo. Maraming Salamat Panginoon ko. Amen!

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 29, 2021 at 11:13 am

Ako ay isang lay minister sa aming parokya, nung nakaraang biernes santo, pagkatapos kami ay magprosisyon ay kasabay naming nananghalian ang aming kura paroko. Ang inihain ng parin ay pritong manok, lechon paksiw at ribs. At sinabi nyang marahil nagtataka kayo at puro karne ang ating kakainin ngayong biernes santo. At ito ang kanyang sunod na tinuran, “Hindi ang pag iwas sa karneng pagkain ang magdadala sa inyo sa langit, at hindi rin nangangahulugan na kapg isda at gulay lamang ang kinain nyo ngayong biernes santo ay makakarating na kayo sa langit. Hindi ang ipinapasok natin sa bibig natin tayo sinusukqt ng Diyos, kung ano ang lumalabas sa ating bibig at ginagawa mula sa puso tayo tinitingnan ng Diyos. Kahit sundin mo ang mga tradisyon ng semana santa katulad pagpapahirap sa sarili, hindi kumakain, pinapalo ang sarili kung hindi ka nman magbabalik loob sa Diyos ay niloloko mo lamang ang iyong sarili.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: