Huwebes, Mayo 20, 2021

May 20, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Huwebes

Nanalangin si Jesus sa Ama para sa pagkakaisa. Sa paghihintay sa Pentekostes, lumapit tayo sa Ama at idalangin ang tunay na pagkakaisa ng lahat ng kanyang mga anak.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng lahat, pag-isahin mo kami.

Ang lahat ng kasapi ng Simbahan nawa’y magkaisa sa puso at isip kasama ng ating Santo Papa at ng ating mga obispo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mundo nawa’y sumampalataya kay Kristo bunga ng nagkakaisang halimbawa ng mga Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng bininyagan kay Kristo nawa’y magkatipon sa iisang Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang bawat mag-anak nawa’y mabuklod sa iisang pananampalataya at pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tawagin sa ganap na pakikipagkaisa sa Diyos magpakailanman, manalangin tayo sa Panginoon.

Banal na Ama, sa pamamagitan ng mga panalanging ito, maakay nawa ang lahat ng tao sa pagkakaisang ibinabahagi mo sa Nag-iisang minahal mo bago pa man itinatag ang sansinukob. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez May 15, 2021 at 2:28 pm

PAGNINILAY: Kung ating babalikan ang Ebanghelyo ngayon, ang pinakamagandang pahayag dito ni Hesus ay “Maging ISA nawa silang lahat” (Juan 17:21). Itong pahayag ang naging inspirasyon sa pagsulat ni Papa San Juan Pablo II sa kanyang ensiklikal na pinamagatang “Ut Unum Sint,” na ang layunin ay magkaisa ang lahat ng mga Kristiyano. Kaya pala ang taong 2020 ay itinalaga ng ating lokal na Simbahan bilang “Taon ng Ekumenismo, Diyalogo sa iba’t ibang Relihiyon, at Katutubong Mamamayan”. Tuwing ika-18 hanggang ika-25 ng Enero, itinalaga ng buong Simbahang Katolika bilang Linggo ng Panalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano. At sa buong Simbahan din, patuloy ang mga gawain upang isulong ang kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng lahat ng mga Kristiyano at iba pang kasapi ng ibang relihiyon. Ngunit kailangan nating iklaro ang ang layunin ito ay hindi upang mawalay sa katotohanang ang ating Simbahan ay ang tunay na itinatag si Hesukristo. Kundi ang nais nating gawin ay makipag-usap at makipag-ugnayan sa mga kapatid nating humiwalay sa Deposito ng Pananampalataya. Kahit mahirap ipanumbalik sila pauwiin sa pagiging Katoliko, ang dapat nating bigyang pansin ngayon ay ang pagkakaroon ng maayos ng relasyon sa kanila.

Sa kabila ng pagkakaiba ng mga paniniwala at tradisyon ng bawat denominasyon, mahalaga na ipakita natin bilang mga tunay na Katoliko sa ating mga kapatid ang pagkakilanlan ng Kristiyanismo: ang pag-ibig. At kung babalikan natin ang Ebanghelyo, ito yung panalangin ni Hesus sa Ama nating Diyos na tayo’y magkaisa upang tayo’y kanyang ingatan hanggang makamit natin ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan. Bukod pa rito, ang paanalangin din ni Hesus ay ang pagkakilala ng buong sanlibutan sa Ama nating Diyos, katulad ng pagkilala niya sa Ama. Kaya ito ay hamon sa atin bilang mga Kristiyanong Katoliko, na sa ating pakikipag-isa sa ating kapwang Kristiyano, pa’no pa kaya ang ating pakikipagtungo sa ibang tao na may ibang paniniwala at relihiyon?

Reply

Sherwin D. Yanoria May 20, 2021 at 6:33 am

Ikaw ba ay nakikisama, o hindi? Sa grupo, upang mabuo, dapat may pagkakaisa. Gayun din sa pamilya at sa iba’t-ibang samahan. Kung hindi magiging marupok ito at mabubuwag. Kaya dapat may pagkakaisa ang mga taong sumasampalataya sa Diyos. Walang siraan, inggitan o anumang uri ng pagalingan. Ang paglilingkod sa Diyos ay dapat mula sa puso. Naglilingkod hindi dahil sa paborito ang Pari o kaya ay sumasabay sa agos. Paano kung napalipat ang Pari ng parokya? Kaya nga kung ano ang kalooban ng Diyos yun nawa ang ating sundin.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño May 20, 2021 at 9:15 am

Bilang isang magulang, nangangarap ata naghahangad tayo ng magandang Kinabukasan para sa ating mga anak. Nagtatrabaho tayo gabi’t araw para sa magandang buhay nila at nananalangin na maganda ang kapuntahan ng kanilang tadhana. Ganun din mismo ang gusto ni Hesus sa atin. Ipinapanalangin nya sa Ama na nais nyang makasama sa paraiso ang lahat ng ibinigay sa kanya. Kahit anong gawin nating pagsisikap at paalala sa mga anak natin kung hindi sila makikinig ay mapapariwara sila. Ganuon din tayo, makakasama natin si Hesus sa paraiso kung susundin natin ang kalooban nya. Ihanda natin ang ating mga sarili, pwedeng sa isang taon, sa isang buwan, sa isang linggo, bukas o mamaya ay bawiin na mg Diyos ang ipinahiram na buhay sa atin. Kung ikaw aya nasa kadiliman pa ngayon, hindi pa huli ang lahat, manumbalik ka sa Panginoon, pagsisihan ang mga kasalanan at ihingi ng kapatawaran, sikapin maiwasan na ang pgawa ng kasalanan lalo na ang mga nasusulat sa sampung utos. Ang gantimpala ay magugulat ka , sobra sobra ang pagmamahal ng Diyos, nalulugod sya sa taong nagsisi at nagbabago.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: