Biyernes, Abril 16, 2021

April 16, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Biyernes

Sa himala ng pagpapakain ng limanlibong tao, ipinakikita sa atin ng ating Panginoon na ibibigay ng ama ang lahat ng ating mga pangangailangan. Hilingin natin sa kanya ang lahat ng mabubuting bagay na maipagkaloob niya sa atin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, bigyan mo kami ng aming kakanin araw-araw.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magpakita ng katulad ng pagkahabag na ipinamalas ni Jesus upang pakanin ang mga taong nagugutom, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyano nawa’y tularan ang ginawa ng batang nagbahagi ng kanyang pagkain at magbahagi rin ng anumang maaaring makatulong sa mga nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y matagpuan si Kristo bilang tugon sa kanilang pagkauhaw at pagkagutom, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatanggap ng tulong para sa kanilang katawan at kaluluwa mula sa mga nangangalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong mahal natin sa buhay nawa’y makasalo sa walang hanggang piging sa kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Mapagmahal na Ama, dinggin mo ang mga panalangin ng iyong bayang nagtitipon upang mag-alay at tanggapin ang handog na walang pagmamaliw, ang iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 11, 2021 at 11:36 pm

PAGNINILAY: Ang Misteryong Paskwal ni Hesukristo ay ginugunita ng bawat Kristiyano sa pamamagitan ng Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Tuwing ipinagdiriwang natin ang Banal na Misa, inaalala natin ang pagbabahagi ni Hesus ng biyaya ng buhay sa pamamagitan ng kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay. At ang Kababalaghan ng Pagpapakain ng maraming tao ay ang paglalarawan sa Eukaristiya.

Makikita natin sa Ebanghelyo ang paghintulad ng kwentong ito sa ating Misa. Alam natin na ang Misa ay binubuo ng 2 bahagi: (1) ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, at (2) ang Pagdiriwang ng Huling Hapunan. Si Hesus ay nagturo sa mga tao tungkol sa Paghahari ng Diyos Ama (Pagpapahayag ng Salita ng Diyos). At dahil sa kanyang awa sa napakaraming tao, pinakain niya sila ng 5 tinapay at 2 isdang naging posible upang ipakain ang higit na 5,000 tao (Pagdiriwang ng Huling Hapunan). Kaya itong kababalaghan ay nagbibigay kahulugan sa ating pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

Sa bawat Misa, tayo ay pinapalusog ni Kristo sa pamamagitan ng kanyang Salita at ng kanyang Katawan. At tinuturo rin sa atin ng himala ay ang pagiging “pang-Eukaristiya” tungo sa mga nilalang ng Diyos Ama: pagiging mapagpala (blessed), pinaghati-hatian (broken), at mapagbigay (shared). Sinasabi ng ilang eksperto sa Bibliya na nangyari ang pagpapakain sa napakaraming tao dahil sa pagbabahagi. At inilahad nga ni San Juan ang isang batang lalaki na nagbahagi ng kanyang 5 tinapay at 2 isda, na akala noon ni San Andres ay imposibleng pagkasyahin ng napakaraming tao. Ngunit maaari rin nating sabihin na dahil sa pasasalamat ni Hesus sa Ama dahil sa tinapay at isda, siguro pinarami nga ng Diyos dahil sa pagiging bukas palad ng mga tao.

Kaya nawa sa ating buhay, kung nais natin maranasan ang mga kababalaghan ng Panginoon, nawa’y magkaroon tayo ng debosyon na makiisa sa Eukaristiya upang pasiglahin tayo sa ambo ng Salita at altar ng Katawan. At nawa ang bawat Misa sa atin ay magsilbing inspirasyon at misyon upang tayo pa ay maging mapagbigay at bukas palad tungo sa pangangailangan ng bawat nilalang ng Maykapal.

Reply

Ma. Johanna L. Carvajal April 16, 2021 at 6:46 am

Maraning salamat Panginoon. Pinupuri k namin.

Reply

Sherwin D. Yanoria April 16, 2021 at 7:15 am

Sinasabi sa banal na kasulatan, “ang tao ay hindi nabubuhay sa tinapay lamang, ngunit sa bawat salita ng Diyos…” Ang tinapay ay para sa katawang lupa ng tao, ngunit ang salita ng Diyos ay para sa kaluluwa. Ang salita ng Diyos ay buhay at makapangyarihan, lalo na kung isinasabuhay ang mga ito. Manalig at manampalataya sa salitang nagbibigay buhay. Ito ang pag-asa ng lahat. Kaya nga ang mga nananalig kay Hesus ay tumutupad sa kanyang salita. Naway makaugalian natin ang magbasa at dumalo sa Eukaristiya.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño April 16, 2021 at 8:29 am

Tunay ngang walang imposible sa Diyos. Ang milagro ng Diyos ay masasaksihan kung ikaw ay maniniwala ng lubusan at ipauubaya sa Kanya ang iyong inaasam. It will surely come as the day comes after night,, it will surely come but not on the time we want, but in HIS time… in HIS sweet time… if only you believe. Keep the faith kapatid!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: