Miyerkules, Nobyembre 11, 2020

November 11, 2020

PANALANGIN NG BAYAN
IKA-32 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON
MIYERKULES

Labis na mapagbigay ng biyaya, kagalingan, at kapatawaran ang Panginoon. Subalit ipinagwawalang-bahala natin ang mga ito. Nakakalimutan natin siyang pasalamatan. Dalhin natin ang ating mga panalangin sa kanya sa diwa ng pasasalamat.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pasasalamat, tumatawag kami sa Iyo, Panginoon.

Ang Simbahan sa lupa nawa’y patuloy na hilumin sa kapangyarihan ng Espiritu Santo ang mga may wasak na buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang purihin at pasalamatan ang Diyos sa mga biyaya ng buhay, pananampalataya, kalusugan, kaligayahan, at alab ng pagmamahalan ng pamilya, kaibigan, at komunidad, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y laging magpasalamat sa lahat ng aspeto ng ating buhay para sa pag-ibig na ibinuhos sa atin ng Diyos noong angkinin niya tayo bilang kanyang mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nabibigatan sa buhay nawa’y makita ang katangi-tanging pag-ibig at kalinga ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamalasakit ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mapabilang sa mga banal sa pagsamba sa Diyos sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, pinasasalamatan ka namin para sa aming mga buhay at sa bagong buhay na iyong ipinagkakaloob sa amin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 12, 2018 at 10:06 pm

Pagninilay: Magandang pahayag ang sinasabi ng Aklamasyon sa Aleluya ngayon, na sa bawat pagkakataon ay dapat magpasalamat tayo sa Panginoong Diyos, sapagkat ito ay niloob sa atin ng ating Panginoong Hesukristo. Kaya nga makikita natin sa Ebanghelyo ang pagtatagpo ni Hesus sa 10 ketongin. Ang sakit na ketong ay tinuturing na kahawaan na dapat ang tao ay umiwas sa mga ketongin. Alam ito ng mga 10 taong iyon, ngunit tila nga ba’y nakita nila kay Hesus ang Kapangyarihan ng Ama na nagpapamalas ng kabutihan kahit sa mga taong katulad nila. Nang lumapit sila kay Hesus upang ihiling ang kagalingan, biglang inutusan sila ni Hesus na pumunta sa mga pari sa Jerusalem upang gawin ng ritwal ng pagpapalinis. Kaya sumunod sila sa gawaing iyon, at hindi akalain nila na sila’y gumaling habang lumalakbay. Sila’y naging masaya at nagsipunta sa kanya-kanyang pagdiriwang. Ngunit mula sa 10 ketongin, iisa lang ang bumalik kay Hesus at nagpasalamat. At natunghayan ng Panginoon na siya’y isang Samaritano, isang itinuturing noon na kaaway ng mga Hudyo dahil raw sa ritwal nito na paganismo. Subalit ipinakita dito ang isang itinuturing na kaaway ng mga Hudyo ay sumampalatya at nagpasalamat kay Hesus sa ginawang paglilinis sa kanyang balat at pagwawasto ng buong katauhan. Kaya nga sa bawat pagpapala at magandang bagay na natanggap at narasanan natin, dapat mayroon tayong utang na loob na tinatanggap natin ang mga biyayang ibinigay sa atin ayon sa ating pagsisikap. At tayo’y inaanyayahan ni San Pablo na magpasakop sa mga pinuno hindi lang ng Simbahan at Pamahalaan, kundi ang bawat may awtoridad na higit pa sa atin. Ang hamon dito ay ang pagtanggi at pagbawalan ang bawat masamang bagay na ikasisira natin. Kaya kung tayo’y may utang na loob sa Panginoon sa bawat kabutihan niya sa atin, nawa tayo rin ay maging mga biyaya ng kabutihan at kagandahang-loob sa ibang tao na patuloy na maghari ang pagmamahal dito sa daigdig.

Reply

Melba G. De Asis November 14, 2018 at 9:31 am

Palagi tayong magtiwala sa Diyos at magpasalamat sa lahat ng mga natatamo nating biyaya mula sa Kanya. Maraming pinagkakalooban ng biyaya ngunit hindi lahat ay marunong magpasalamat, at ang pasasalamat ay hindi lamang sa sa salita kundibgayun din ss gawa, inaasahan ng Panginoon na maibahagi din natin sa iba ang mga biyayang ating tinatanggap mula sa Kanya.

Panginoon kung meron man akong hinihiling na hindi mo pa ipinagkakaloob ay taos puso pa rin ang aking pananalig na ito ay iyong ipagkakaloob ng naaayon sa Iyong kagustuhanb sa tamang panahon. Amen

Reply

Susilia Fabello Faderon November 11, 2020 at 5:36 am

Lubos akong nagpapasalamat at nagpupuri sa D’yos at di magsasawang gawin ito araw araw.Pagkalooban nawa ako palagi ng Panginoon na maging mahinahon,banayad,hindi nagmamadali upang magawa ko ito araw araw.

Reply

Pedro November 11, 2020 at 10:13 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: