Biyernes, Oktubre 9, 2020

October 9, 2020

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Natitipon kay Kristong lumulupig sa lahat ng kasamaan, lumapit tayo sa Ama nang may pananalig dala ang ating idinadalanging mithiin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagtagumapayan nawa namin ang lahat kay Kristo, O Ama.

Ang Simbahan nawa’y mapanibago at magbigay ng tapat na pagsaksi sa mga tamang pinahahalagahan sa buhay upang makatulong na ibangon ang nalugmok sa sandaigdigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong sumasampalataya nawa’y magkaroon ng tapang na magsalita nang hayagan sa ngalan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Buong puso nawa nating suportahan ang pagsulong ng katotohanan at labanan ang hindi hayagang impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatanggap ng kasiyahan ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga taong nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa, nawa’y tanggapin sa kaganapan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, habang itinataas namin ang aming mga panalangin, pinasasalamatan ka namin sa iyong Anak na lumupig sa kasalanan at kamatayan, siya na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 11, 2018 at 11:33 pm

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay bahagi ng isang usap-usapan at pagdedebate ng mga Katoliko at iba pang denominasyon katulad ng mga Protestante. Sinasabi dito ni San Pablo na ang tunay na kaligtasan ng tao ay nababatay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga “gawa ng kautusan”. Kaya ito’y biglang tinatanggap na mga hiwalay nating mga kapatid ang doktrina ng Sola Fidei, na ang pananampalataya “lamang” sa Panginoon ang magliligtas sa tao at hindi anumang relihiyon daw. Ngunit kung babalikan natin ang pagbasa, wala namang binanggit ang Apostol na katagang “lamang”. Kaya iba po yung kahulugan ng “pananampalataya sa Panginoon lamang” dito sa “pananampalataya sa Panginoon”. Nais lang ipahiwatig ng Panginoon na ang tunay nga ang pananampalataya sa Diyos ang makakapagligtas sa atin, at hindi ang mga sinasabing “gawa ng kautusan”. Ang mga gawaing binanggit ng Apostol ay ang mga kaugalian at tradisyon ng relihiyong Judaismo. Kaya nga pahahalagahan din ni Apostol Santiago ang kahalagahan ng pananampalataya sa Diyos na dapat may kaakibat ng mabubuting gawain sa kapwa, at ang mga ito ang siyang nagliligtas sa tao. At iyan yung pinaniniwalaan nating mga Katoliko, at mahalaga rin sa ating pananampalataya ang pag-unawa sa mga Doktrina, pagdiriwang sa mga Pagsamba katulad ng mga Sakramento, at ang pagsunod at pagsabuhay sa mga Moral. Ang Ebanghelyo ay isang pagtatagpo ni Hesus sa isang lalaking sinasapian ng masasamang espiritu, kaya nga pinalayas niya ito mula sa lalaki. Ngunit siya’y pinagbintangan ng mga Pariseo at eskriba na kasabwat ni Beelzebul, ang Prinsipe ng mga demonyo, sa paggawa ng ganyang kababalaghan. Sinubukan naman siya ng ibang tao upang patunayan na ang kanyang gawain ay mula sa Diyos Ama. Ngunit sila’y hinarapan ni Hesus, at sinabi niya na ang isang pundasyon ng bahay na nag-iisang nakatayo ay hindi tatagal sa ganyang estado. At ganun rin kay Beelzebul na mas kilala si Satanas na mahilig magwatak ay hindi laging magtatagumpay. Ganun rin sa isang kahariang nahahati, at ito rin ay magkakawatak-watak. Kaya hinamon ni Hesus ang mga nagbibintang sa kanya na sa kaninong pangalan naipapalayas nila ang mga masasamang espiritu. At sinabi rin niya na ang mga naghahati-hati ay hindi pumapanig sa kanya, sapagkat sila ang nagkakalat sa mga taong pinag-iisahan ng Diyos. Ang sinasabi dito ni Kristo ay ang mga pagkawatak at pagkahati sa mga komunidad ay hindi kailaman makakamit ng kapayapaan at pagkakaisa. Paano naman magkakaisa ang isang sirang pamayanan na nahahati dahil sa mga matinding paglalaban tungkol sa kaibahan ng bawat miyembro? Maraming pagkahati at pagkawatak ang nangyayari hindi lang sa relasyon ng tao sa pamilya at angkan, kundi pati na rin sa Simbahan, Pamahalaan, negosyo, trabaho, paaralan, atbp. Ngunit kung nais nating makamit ang pagkakaisa sa bawat isa, tayo ay inaanyayahan na patuloy na ipalaganap ang pag-ibig ng Diyos na naghahari sa buong mundo. Kung tayo’y magmahahalan katulad ng pagmamahal sa atin ni Hesus, magaganap ang mga mabubuting asal at pagpapahalaga sa bawat isa sa atin. Huwag po tayong magsawa sa paglilingkod sa isa’t isa at pagtuturo ng kabutihan at katuwiran upang sila’y maengayong sumunod sa mga yapak ng Panginoon. Sa mga ganitong gawain bilang mga Kristiyano, patuloy na maghahari ang pag-ibig ng Diyos at ang mga magagandang bagay hindi lang sa ating kapakanan, kundi pati na rin sa ibang tao.

Reply

Melba G. De Asis October 12, 2018 at 7:17 am

Ang pagsunod sa mabuting utos ay ang daan para makamit ang mapayapa at maayos na pamumuhay. Paano kakamtin ang magandang buhay kunh ang gawa ay taliwas at din naaayon sa ipinag uutos ng Diyos. Kung ating pagninilayan ang mga salita at utos ay madali sanang sundin at gawin ngunit bakit napakahirap sa mga tao na sumunod, dahil ito sa katigasan ng loob kaya mas pinipili nila ang mga bagay na kahit hindi naaayon sa utos ay siyang ginagawa. Ang isang halimbawa nito ay ang isang anak na nagrerebelde sa magulang dahil sa naghihirap ng kanilang buhay, gagawa ng mali at susundin ang idinidikta ng kanyang isip, panay luho ang gusto ngunit di naman kaya ng pamilya, magrerebelde, magboboyfriend, mabubuntis, makikisama ng hindi kasal at sa bandang huli mas mahirap palang buhay ang mararanasan dahil hindi pa naman siya handa na humarap sa pagpapamilya. Kung naging matalino sana at inisip muna kung paano makakatulong sa magulang para mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya yun ang makakalugod sa puso ng kanyang magulang kaysa gawin niya ang bagay na makakapagpaligaya lamang sa kanya. Kaya ang mga anak dapat ay maging mapagmahal at masunurin sa magulang ito ang isang utos ng Diyos na may pangako na mahaba at maginhawang buhay para sa isang anak. May magandang gantimpala ipagkakaloob ang Diyos sa pagsunod at mabubuting gawa. Have a great day today and on all days to come. God bless us all…

Reply

Aira October 8, 2020 at 8:51 pm

Salamat at malaking tulong po itong site na ito. God bless.

Reply

Ma. Luisa L. Belardo October 9, 2020 at 4:32 am

Salamat po Panginoon sa mga aral na hatid ngayong araw. At salamat din po sa inyo. Napaka useful po itong guide na ito sa aming mga Commissioned Readers.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: