Lunes, Setyembre 28, 2020

September 28, 2020

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Manalangin tayo sa Ama upang maging karapat-dapat tayo na maging kanyang mga anak.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Walang hanggang ama, nananalig kami sa iyo.

Ang Simbahan nawa’y maging tunay na instrumento ng pagpapalalim ng pananampalataya ng mga bata, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng gobyerno nawa’y magpakita ng tunay na malasakit para sa kasiguruhan ng mas mabuting kinabukasan ng lahat ng bata. Maging ligtas nawa ang mga bata sa lahat ng uri ng pang-aabuso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y magturo sa kanilang mga anak ng tamang panuntunan na dapat pahalagahan at itaguyod ang kanilang edukasyon at pagsasanay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, tulad ng mga bata, nawa’y magkaroon ng pananalig sa Diyos Ama na nagmamalasakit sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maakay muli sa tahanan ng Diyos Ama sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama pakinggan mo ang panalangin ng iyong mga anak na nananalig sa iyo. Bigyan mo kami ng kaloobang tulad ng sa bata sapagkat para sa mga tulad nila ang iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2 3

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 1, 2018 at 2:00 am

Pagninilay: Marami tayong kilalang sikat na tao. Sa larangan ng basketbol, naroon sina LeBron James, Kobe Bryant, Michael Jordan, Stephen Curry, Marc Pingris, Andray Blatche, James Yap, Benjie Paras, Samboy Lim, at marami pa. Sa larangan ng negosyo, naroon sina Henry Sy, Sr., John Gokongwei, Tony Tan Caktiong, Andrew Tan, Lucio Tan, Zobel de Ayala, Bill Gates, Warren Buffet, Steve Jobs, at marami pa. Sa larangan ng showbiz at entertainment (kanta, sayaw, arte, atbp.), naroon sina Nora Aunor, Regine Velasquez, Lea Salonga, Governor Vilma Santos, Gary Valenciano, Martin Nivera, Dolphy, Kuya Germs, at marami pa. Sa larangan ng politika, naroon ang mga dating Pangulo ng Pilipinas at ang kasalukuyang si Pangulong Rodrigo Duterte at ang dating Pangulong Noynoy Aquino, ang Pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump at ang dating Pangulong Barrack Obama, ang Punong Ministro ng Russia na si Vladimir Putin, ang Punong Ministro ng Hapon na si Shinzo Abe, at marami pa. At sa larangan ng Simbahan naman, naroon sina Kardinal Tagle, Papa Francisco, Papa-emerito Benedicto XVI, at marami pang mga obispo at pari.
May mga iba pang kilalang personalidad ng karamihang tao sa iba pang mga larangan. Pero paano ba sila naging ganyang kilala ng napakaraming nagmamahal at nagsusuporta sa kanila? Bakit ba nga sila patuloy na nagiging inspirasyon? Sa ating Ebanghelyo (Lucas 9:46-50), nagtatalo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila. Kaya’t napansin ito ni Hesus at tumawag siya ng bata at pinalapit ito sa kanya. Inihantulad niya ang Kaharian ng Diyos sa isang bata dahil ang mayroon ito ay ang pagiging magpakumbaba at masunurin. Sa ating Unang Pagbasa (Job 1:6-22), makikita natin ang simula ng kwento ng matuwid na tao na si Job na halos nasa kanya ang mga pagpapala ng Diyos, kasama ang kanyang pamilya at ang ari-arian. Ngunit nainggit sa kanya ang Diyablong si Satanas at hiniling niya sa Panginoon na hayaang magdusa ang matuwid ng lalaki. Tila nga ba’y pumayag ang Diyos sa usapang ito, ngunit sa isang kondisyon na hindi sasaktan ng Diyablo si Job. Kaya’t sa mga sumusunod na pangyayari, nawalan si Job halos ng lahat na mayroon siya, kasama na diyan ay ang kanyang pamilya at ari-arian. Malaking pagdurusa ang hinarap ni Job, ngunit hindi pa rin natinag ang kanyang pananampalataya at katapatan sa Panginoon. Sa kabila ng kanyang mga paghihirap, napanatili niya ang kanyang katatagan na hindi kailanma’y babali ang kanyang relasyon sa Diyos. Kaya nga itong mga sikat na tao sa Bibliya ay nagmula sa isang simpleng pamumuhay, at naging tapat sila sa pagiging mga mabuting anak sa kanilang mga magulang. Ganun din dapat tayo sa ating buhay. Kailangan natin maging katulad ng mga bata. Hindi itong nangunguhulugan na magkulitan at magharutan tayo, kundi maging magalang, masunurin, at matulungin sa ating mga kapwa dahil ang mga ito ay itinuro sa atin ng ating mga magulang at mas nakakatanda sa atin (hal. guro at pari). At dito natin masasabi na dakila tayo sa harap ng Diyos. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa tayo’y maging mga anak ng Diyos na magpakumbaba at masunurin. At kahit tayo’y dakila na, nawa’y sikapin din nating tumulong sa ating mga kapwa, lalung-lalo na ang mga nangangailangan.

Mass Readings in English:
https://bearersofthecross.wordpress.com/2018/09/30/daily-mass-readings-october-1-2018/

Reply

Correction September 28, 2020 at 6:16 am

Sa hara(p) ng Panginoon doon ako mananahan,

Reply

flor September 28, 2020 at 9:50 pm

Panginoon Itulad Po Ninyo Kami Kay Job, Naging Matatag Sa Panansmpalaya Kahit Dumating Ang Malaking Pagsubok Sa Kanyang Buhay, Hindi Po Siya Natakot orr Nanghina Ang Loob Bagkus Naging Matapang Pa Siya Sa Pananalig At Pananampalataya Sa Inyo. Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: