Lunes, Setyembre 21, 2020

September 21, 2020

PANALANGIN NG BAYAN
San Mateo

Ang buhay ni San Mateo ay binago ng pagtawag at hamon ng Guro. Nawa ang aming mga panalangin ay magpahayag ng pagbabago ng buhay at maging sensitibo kami sa mga pangangailangan ng iba.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pagpapatawad, maging mapagpala ka sa amin.

Ang mga programa para sa pagpapanibago nawa’y maging tanda ng ating buhay-Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tanggapin ang hamon at tawag sa pagbabalik-loob sa halip na mahikayat sa pang-akit ng mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may kinalaman sa mga bagay tungkol sa pananalapi nawa’y hindi matuksong ipagpalit ang kanilang kaluluwa para sa kayamanan at kapangyarihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may kahinaan sa kanilang espiritwal na buhay nawa’y humanap ng tulong sa Sakramento ng Pakikipagkasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng mga panalangin ni San Mateo, tanggapin mo ang mga kahilingan ng iyong bayan, ang bagong Israel na tinipon ng biyaya ng iyong Muling Nabuhay na Anak, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 21, 2018 at 3:40 pm

Mula kay Fr. Rey Anthony Yatco:
MAGANDANG BALITA NGAYON – KAPISTAHAN NI SAN MATEO, APOSTOL AT EBANGHELISTA

MATEO 9:9-13 Pag-alis ni Hesus doon, nakita niya si Mateo na nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka at maglingkod sa akin.” Tumayo nga si Mateo at sumunod sa kanya.

Nang si Hesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sila’y magkakasalong kumain. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit sumasalo ang inyong guro sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?” Narinig sila ni Hesus at siya ang sumagot, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. Humayo kayo at unawain ang kahulugan nito: ‘Habag ang nais ko at hindi ang inyong handog.’ Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid.”

MAGNILAY: Kaya may Simbahan dahil may makasalanan. Sa Simbahan makakasalamuha mo lahat ng uri ng makasalanan na hangad hilumin ng Panginoon. Huwag magulat kung wala kang makitang perpektong nilalang sa Simbahan mula sa namumuno hanggang mga kaanib. Ang pinakamalalang makasalanan sa Simbahan ay ang mga ang tingin sa sarili ay hindi sila makasalanan. Gayun na lamang kung humusga sila ng kapwa. Pinakamahirap silang gamutin. Mahirap gamutin ang ayaw umamin sa sakit. Mahirap mapatawad ang ayaw umamin sa kasalanan.

MAGNILAY: Panginoon, patawarin mo ako na isang makasalanan.

GAWIN: Huwag humusga ng kapwa upang pagtakpan ang sariling pagkamakasalanan.

Reply

Reynald Perez September 20, 2020 at 2:59 pm

PAGNINILAY: Ipinagdiwang ngayon ang Kapistahan ni San Mateo, isa sa mga 12 Apostol ng Panginoon at isa rin sa mga 4 na manunulat ng Mabuting Balita. Narinig natin sa Ebanghelyo ang kanyang pagtawag sa kasamahan ni Kristo. Sa kapanahunan ni Hesus, ang mga publikano/nangongolekta ng buwis ay itinuturing ng lipunan mga mandaraya at traydor: mandaraya sapagkat mahilig silang kumuha ng pera mula sa kanilang kapwang Hudyo, at traydor naman sapagkat nagtratrabaho sila para sa mga Romano.

Ngunit nakita natin kung paanong naging malapit si Hesus sa mga makasalanang taong ito, at sa puntong pagtawag kay Mateo (o Levi) sa pagiging tagasunod niya. Kaya nagpahanda ang publikanong ito na parang despedida dahil siya’y lilisan na mula sa kanyang dating pinagsamahan ng mga kaibigan niya. At nakita natin ang eksenang nakisalo ang Panginoon sa bahay ng isang itinuturing na makasalanan. Kaya ang mga Pariseo ay nagtanim ng sama ng loob at kwinestyon ang mga Apostol sa ginagawa ng Panginoon. Subalit tugon ni Kristo ay ang larawan ng isang doktor na nag-aalaga sa mga maysakit, na ganun din ang kanyang misyon upang tawagin ang mga makasalanang tao tungo sa tunay na pagbabagong-loob.

Makikita natin sa pagsisimula ng Ebanghelyo ni San Mateo na ang mga naging ninuno ni Hesus ay hindi perpekto, subalit mula sa mga kapintasan ay gumawa ng Diyos ng paraan upang isilang siya na Mesiyas sa sinapupunan ng Birheng kalinis-linisan. Kaya ang pagkakaisa ni Hesus sa bawat tao ay nagpapakita na gaano man tayo sa buhay at anuman ang ating nararamdaman, minamahal pa rin tayo ng Diyos Ama at patuloy na tumatawag tungo sa pagtutupad ng dakilang kalooban.

Reply

Jhenny September 21, 2020 at 7:24 am

Pinupuri ka namin mahal na Panginoon Hesukristo. Amen

Reply

Flor September 24, 2020 at 11:43 pm

Ama Salamat Po Sapagkat Isa Po Kami SaTinawag Ng Panginoon Upang Manampalataya At Maglingkod Sa Kanya. Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: