Podcast: Download (Duration: 6:03 — 4.3MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Martes
Sundin natin ang mga pangaral ng ating Panginoon na siyang nagturo sa atin na tuparin ang kanyang gawain nang may kababaang-loob at walang pagmamagaling.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, akayin Mo kami sa daan ng Iyong Espiritu.
Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y maging lubos ang pag-aalay ng sarili sa kanilang dakilang bokasyon na ipangaral ang Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga magulang at guro nawa’y makita ang kanilang mga itinuturo sa pamamagitan ng pagpapatotoo at mabubuting halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang laging sikaping gawin ang matuwid upang maging isang buhay na kapangyarihang nagkakabisa sa ating mga pagkilos ang Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang kalingain nang may pag-ibig at habag ang mga maysakit, mga matatanda, at mga nangungulila, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namayapa nawa’y makatagpo ng kapahingahan at bagong buhay sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, palalimin mo ang aming pananampalataya upang lumago kami sa iyong pag-ibig at lagi kaming makapaglingkod sa iyo nang may pusong bukas at tapat. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Lunes, Pebrero 26, 2024
Miyerkules, Pebrero 28, 2024 »
{ 11 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Panahon ng Kuwaresma ay panawagan ng kalinisan at kababang-loob.
Narinig natin sa Unang Pagbasa ang paanyaya ni Hesus na tawagin ang mga taong nagkasala na magsisi mula sa mga kasalanan at manumbalik sa Diyos. Gaano mang kalaki ang ating mga pagkakasala at pagkukulang, ang Panginoon ay patuloy na nagmamahal sa atin. At kaakibat ng kanyang walang hanggang pag-ibig ay ang pagiging malinis hindi lang sa labas, kundi pati na rin sa loob.
Ito ang hindi nakita ni Hesus sa mga Pariseo at eskriba sa Ebanghelyo. Madalas kilala ang mga pinuno ng mga Hudyo bilang mangaral at matataas ang posisyon. Ngunit sila na nga’y tagapagtupad at tagasunod ng Kautusan ay naghahangad na purihin ng ibang tao. Sila pa nga ang dumadagdag sa pamatok ng kanilang kapwa’y nangangailangan. Kaya tinuligsa ni Hesus ang kanilang pagiging “paimbabaw” o ibang salin ay “pakitang-tao” at “hipokrito”. Sa ayaw o gusto natin, iilan sa atin ay mayroon ganyang pag-uugali. Kaya nagsusuot tayo ng mga maskara upang magmukhang mabuti at matuwid sa harap ng napakaraming tao, subalit sa loob naman ay may mga nakatagong hangarin na hamakin ang ibang tao.
Ang hamon sa atin ni Hesus ay kababang-loob sapagkat ito ang magpapataas sa atin bilang pangako na tayo’y kakamit ng tunay na buhay na walang hanggan. At nawa’y sa pagiging mapagkumbaba natin, lalung-lalo itong Panahon ng Kuwaresma, ay patuloy tayo na gumawa ng mabuti at matuwid na bagay sa ating kapwa hindi para maging sikat tayo, kundi ipakita ang ating pagmamahal sa kanila, na siya ring tanda ng pagmamahal natin sa Diyos.
Sa Unang pagbasa aya napakaganda ng mensaheng dala sa atin ng Panginoon. Pag-asa ang dala at kaunlaran. Hinihimok tayo na magbalik loob sa Diyos, kahit gaano ka pa karumi, kahit gaano ka pa kasama ay wag mong isiping wala ka ng pag-asa at hindi na mamahalin ng Diyos. Iniintay lamang tayo ni Hesus na magsisi at patatwarin nya tayo, gagawing kasing linis ng busilak at may bonus pang gantimapala na pauunlarin. Kaya’t ano oa ang iniintay natin? Samanatalahin natin ang Kwaresma ito na magbagong anyo hindi lamang ng panlabas kundi sa puso at kaluluwa.
Napag uusapan ang panlabas, ganyan din ang hamon ata aral ng Ebenghelyo ngayon, huwag tayong maging mabuti sa panlabas lamang o mapgakunwari na katulad ng mga eskriba at pariseo. Hinahangad nila ang papuri mula sa tao, sinabi ni Hesus na sundin natin ang mga aral jila sapagkat galing nman kay Moises ang sinasabi nila pero ang kanilang gawi na mapag imbabaw ay hindi dapat tularan.
Ngayonh panahon ng eleksyon ay may mga nakakausap akong parishoners na tinatabangan sa mga kaparian sa kadahilanang puro pulitika ang naririnig sa homiliya. Maging ako ay naging saksi dito, imbes na ipaliwanag ang Mabuting Balita ay paninira sa isang tumatakbong presidente ang aking mga narinig. Ganyan din ang sinasabi ni Hesus sa ebanghelyo, sundin natin ang mga kautusan na sinsabi ng mga pari sapagkat ito ay hango sa bibiliya. Pero wag nating tularan ang mga paring ito na ipinapakitang hindi sila marunong mapagpatawad sa isang nakaraang presidente, wag natin tularan ang mga paring ito na puno ng galit ang dibdib, wag nating tularan ang mga paring ito na sa pninirang puri at panghuhusga ng tao. Wag nating tularan ang mga paring ito ginagamit ang homiliya sa pangangampanya. Huwag tayong bibitiw sa pananalig sa simbahan.
Mga politikong mga mapagkuwari at mga paimbabaw. Sila ang focus ng gospel today dahil iyan ang mahalagang makita natin sa ating buhay ngayon, bukod pa sa malaking epekto nito bilang mga Pilipino. Marami silang binulag at nalinlang sa paniniwalang may mabuti silang kalooban subalit ang kanilang mga pinag-daanan at mga gawa ang nagpapatunay na sila ay mapag-samantala sa mga taong naniniwala sa kanila. Marami silang itinatagong pabigat sa pagiging Kristiyano. Obligasyon ng mga kapariaan at ng mga naniniwala sa Diyos na tulungang malinawan at makita ang katotohanan upang hindi na lumaganap ang mapag-samantala ay mga umalipusta sa ating Diyos at sa sambayanang Pilipino. Panahon na upang itakwil ang mga political dynasty sa ating bansa at palaganapin na ang pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos. Tulungan natin ang ating bansa, ang ating sarili laban sa mga makapangyarihan at mayayaman na ginagamit ang mga mangmang sa pang-sariling interest. Panahon na upang lumaya tayo sa kasinungalingan at umasa na ang kapangyarihan ng Diyos at pagmamahal ang maghari.
Sino ang mga MASUNURIN sa Diyos?Sila yng mga TUMUTULONG sa mga ULILA at BALO, sila yng mga HINDI NAGKAKALAT ng FAKE NEWS, Sila yng mga NAGBIBIGAY ng KATARUNGAN sa mga MAHIHIRAP at API, Sila yng mga HINDI MAGNANAKAW at NAGPA-PAGAMIT sa mga MAGNANAKAW, sila yng mga HINDI BUMOBOTO sa mga MAGNANAKAW at PUMAPATAY ng KAPWA. Amen
PAGNINILAY:
Bihira ang mga espirituwal na pinuno na ang mga salita at gawa ay ganap na tumutugma. Lahat tayo ay nagkukulang. Si Hesus ay lubhang malupit sa mga mapagkunwari, na may dobleng pamantayan, palalo at mapang-api. Hindi maiiwasan na maraming pari at mangangaral ang hindi na isinasabuhay ang Salita ng Diyos na kanilang ipinangangaral. Nakakahiyang ipangaral ang hindi natin ginagawa. Ang ating mga salita at gawa ay hindi magkatugma, sinasabi natin ang isang bagay ngunit ginagawa natin ay iba, nakakalito, walang malinaw na mensahe. Ngunit, hindi kinukundena ni Hesus ang pangangaral, kundi ang mga mapagkunwari, ang masamang halimbawa ng pagpapakita ng pag-uugali. Nagkukunwari sila ng isang gawa, nagsusuot ng maskara, upang itago ang kanilang tunay na kulay at magmukhang matuwid. Isagawa ang ating ipinangangaral, nawa’y sundin nating lahat ang payo na ito. Nawa’y maging magkatugma ang ating mga salita sa ating kilos, nawa’y ang ating mapagmahal at mabait na kilos ay magsalita ng mas malakas kaysa sa ating mga salita ng pagmamahal at kabaitan. Hilingin natin ang mga ito sa pamamagitan ng patuloy na pananalangin at pagsusuri sa ating sarili.
Panginoong Hesus, turuan Mo kaming tularan ang Iyong kababaang-loob habang nagsusumikap kaming maglingkod sa aming kapwa. Amen.
***
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Ang tao ay walang alam. Salat tayo sa karunungan. Mahina. Walang lakas. Puno ng takot at pangamba. Maligalig. Sablay sa maraming bagay. At dahil sa mga iyan, marami tayong hindi maintindihan. Magaling tayo magsalita. Pero kulang sa gawa. Karaniwang mabibigat ang pamantayan at mahigpit ang pamamaraang ipinatutupad sa iba subalit angat ang sarili dahil tamad. May angking kasakiman sa yaman, pagkilala, at katanyagan. Mapag mataas at gusto ay maghari-harian. Mainggitin at mapagkumpara at ang gusto ang lahat ay sa kanya. Ganuon ang makamundo nating katangian. Alam at batid natin na hindi tama at pakiramdam ay alanganin, pero bakit ganuon pa rin ang gawi natin? Sa mga pagkakataong tayo ay nagtataka matutuklasan na agaw-buhay ang mabuti at masama. Sa hindi nakikitang mga paraan naglalaban ang langit at lupa. Digmaang espiritwal nangyayari sa loob ng tao. Ang maka-Diyos sa atin inaaway ng demonyo. Maraming guro ang hindi tapat sa kanilang turo. Matalino ang kalaban at tayo ay nililito. Kaya ang sabi ni Hesus na isa lang ang Tagapagturo, ang iba ay lobo na nagdamit tupa na mahusay magsalita pero hindi totoo. Ang basihan at pagkilala sa mga tunay na lingkod ay ang kababaang loob. Hindi pinangunguhan at idinidikta ang gusto sa ngalan ng Diyos kundi sumusunod lang sa mga ipinag uutos. Hindi nagkukubli sa matataas na puwesto at pagkilala at duon pipigilan ang galaw ng Espiritu para lang masabing angat at magaling siya. Minsan pa nga ay mistulang nagiging diyos na ang tingin at tahasang iluluklok ang sarili upang sundan ng marami. Nakalimutan na ang lahat ay pantay-pantay at magkakapatid. Walang angat. Lahat ay taga sunod. Si Hesus lang ang Pinuno. Ang Ama lang sa Langit ang puno. Ang Banal na Espiritu lang ang Tanglaw. Kaya madaling makita ang tunay at totoo. Kababaang loob at walang kapalaluhang gawa na ang nakikita ay si Kristo at hindi ang tao. Ang nagmamataas na ang mga kataga ay puro “ako” ay siguradong pakitang tao na may malisya at pakay na ilayo tayo. Malalaman lahat natin ito kung si Kristo mismo sa kanyang Banal na Espiritu ay parati nating iniluluklok sa ating puso. Ang ating walang puknat na pakikipagtagpo sa kanya sa ating mga panalangin, mga oras na ibinibigay para tayo ay Kanyang turuan, unahin ang Salita ng Diyos bago tayo malunod sa ingay at gulo ng mundo, kung magagawa natin ito parati bago sumilay ang araw, uunahan tayo ng karunungan bago tayo magupo ng kasinungalingan.
PAGNINILAY:
Bihira ang mga espirituwal na pinuno na ang mga salita at gawa ay ganap na tumutugma. Lahat tayo ay nagkukulang. Si Hesus ay lubhang malupit sa mga mapagkunwari, na may dobleng pamantayan, palalo at mapang-api. Hindi maiiwasan na maraming pari at mangangaral ang hindi na isinasabuhay ang Salita ng Diyos na kanilang ipinangangaral. Nakakahiyang ipangaral ang hindi natin ginagawa. Ang ating mga salita at gawa ay hindi magkatugma, sinasabi natin ang isang bagay ngunit ginagawa natin ay iba, nakakalito, walang malinaw na mensahe. Ngunit, hindi kinukundena ni Hesus ang pangangaral, kundi ang mga mapagkunwari, ang masamang halimbawa ng pagpapakita ng pag-uugali. Nagkukunwari sila ng isang gawa, nagsusuot ng maskara, upang itago ang kanilang tunay na kulay at magmukhang matuwid. Isagawa ang ating ipinangangaral, nawa’y sundin nating lahat ang payo na ito. Nawa’y maging magkatugma ang ating mga salita sa ating kilos, nawa’y ang ating mapagmahal at mabait na kilos ay magsalita ng mas malakas kaysa sa ating mga salita ng pagmamahal at kabaitan. Hilingin natin ang mga ito sa pamamagitan ng patuloy na pananalangin at pagsusuri sa ating sarili.
Panginoong Hesus, turuan Mo kaming tularan ang Iyong kababaang-loob habang nagsusumikap kaming maglingkod sa aming kapwa. Amen.
PAGNINILAY
Ang nagmamataas ay ibababa, ang nagpapakababa ay siyang itinataas, sa pag-basa ngayong araw sinasabi sa atin na tayo’y laging magpakababa sa lahat ng aspeto sa buhay dahil yun ang siyang tinataas ng panginoon. Karimahan sa mga tao ngayon pataasan ang pinaiiral, payamanan at kung anu-ano pang pwedeng ipagyabang sa karamihan pero di nila naiisip na tamang nasakanika nga ang lahat ng karangyaan at kayamanan, pagdating ng araw na haharap na tayo sa ating Panginoon hubad tayong pupunta sa harap niya at tatanungin kung ano ang nagawa mo sa lupa nuong ika’y nabubuhay upang tanggapin ka sa kaharian ng Diyos. Kaya sa pag-basa ngayon tinuturo sa atin na tayo’y magpakababa tulad din sa unang pag-basa sinasabi na tayo’y magbago’t talikuran ang masamang gawain at sumunod sa turo at aral ng Panginoon.
Mahirap magbago ngunit masmahirap yung nakahinto ka sa oaggawa ng masama, hindi magsisimula ang pagbabagi kung hindi tayo hihinto sa paggawa nito at magsimulang umusad para sa pagbabago, marami sa atin na sa simula lang magaling ngunit katagalan eh bumabalik nadin sa dating gawain ngunit kahit ganunpaman hindi nagsasawa ang Panginoon na magbigay ng pag-asa sa ating mga tao, hindi nauubos ang pag-asa sa mundong ibabaw.
Halina at sama-sama tayongmagbago tulad ng sa unang pag-basa at magpakababang loob upang oagdating ng araw ay iaangat tayo ng Panginoon patungo sakanya.
PAGNINILAY
Ang mensahe ng ating ebanghelyo ngayon ay nagtuturo sa atin na paglingkuran ang mga tao nang may pagpapakumbaba at katapatan sa halip na may kapalaluan at pagtataguyod sa sarili.
Napakabuti ng Diyos! Ang Kanya mismong Salita, si Hesus, ang namuhay sa gitna natin upang sabihin ang nilalaman ng Kanyang puso, at magpahanggang ngayon ay nangungusap pa rin Siya sa atin sa pamamagitan ng Espiritu Santo na gumagabay sa ating pamumuhay, if indeed we belong to Christ Jesus.
Sa dami ng batas ng relihiyon, mula pa lang sa pagaaral nito hanggang sa pagsunod ay talaga namang nakakapagod na. Paano pa kaya kapag lagi kang *pinupulis* ng relihiyon sa bawat kilos mo. Napansin ba ninyo na common theme sa Ebanghelyo na pinapansin, binabatikos ng Panginoong Hesus ang mga Pariseo at mga eskriba dahil sa kanilang legalistic application ng relihiyon? Ang idea ng kaligtasang inooffer ni Hesus at taliwas sa idea ng kaligtasang inooffer ng religion dahil ito’y hinaluan na ng legalistic mindset ng mga taong “may authority”.
Akala ng relihiyon ay once mafulfill mo ang batas, ikaw ay magiging righteous na sa mata ng Diyos. Pero meron na bang nakaperfect ng batas? Walang ibang tao, kundi ang Kordero ng Diyos, si Hesus. Paulit-ulit na ineemphasize ng Diyos sa mga propeta ang Kanyang nais na offerings and sacrifices sa pamamagitan ng mga propeta: tumalikod sa masamang gawain, at bumalik sa Diyos, pairalin ang katarungan, itigil ang pang-aapi, tulungan ang mga ulila, ipagtanggol ang mga balo. In summary, pagtugon sa totoong utos ng Diyos—mahalin ang Diyos ng higit sa lahat, at mahalin ang kapwa gaya ng pagmamahal sa sarili. In this, there is no law.
Paano ba natin malalaman ang totoong gusto ng Diyos. Edi salain natin ang mga turo ng mundong ito sa turo ni Hesus!
Sabi ng mundong ito, lumayo ka sa mga toxic na tao para magkaroon ka ng peace. Sabi ni Hesus, I am your peace. Sabi pa niya, love your enemies.
Sabi ng mundong ito, more money means more security. Sabi ni Hesus, “Do not lay up for yourselves treasures on earth, where moth and rust destroy and where thieves break in and steal, but lay up for yourselves treasures in heaven, where neither moth nor rust destroys and where thieves do not break in and steal. For where your treasure is, there your heart will be also.”
Sabi ni Hesus, I am the way, the truth and the life.
Kaya lumapit tayo sa Kanya, kumapit tayo sa Kanya. Nang sa gayon ay magliwanag ang ating mga puso at isipan sa kung ano ang pinapagawa niya sa atin. Mga kapatid, buhay si Hesus! Buhay ang ating Diyos. At nangungusap Siya sa atin sa pammagitan ng Kanyang Espiritu. Salain ang mga turo ng mundo sa turo ni Hesus, lalo na patungkol sa ating pamumuhay at pakikipagkapwa. Nang sa gayon, ang malakaran natin na daan ay ang daang tinahak ni Hesus. Puno ng katotohanan. Naghahatid ng buhay na walang hanggan. Amen.
“ang pinakadakila sa inyo sy ang lingkod ng lahst.
ang nagpapakataas ay ibababa, ang nagpapakababa ay itataas.
ito ang batayan ng ating Diyos sa isang tapat, mabuting lingkod Niya.
dapat ang isang lingkod ay reflection ng kanyang pinaglilingkuran.
tukad ng ating Panginoong Jesus, Siya ay tapat, meek, and humble.
Anak Siya ng Diyos ngunit hinubad niya ang bilang Pagka Anak ng Diyos.
Siya ay Diyos ngunit hinubad niya ang pagka Diyos upang maglingkod.
Jesus became the reflection of His Father.
Kung si Jesus ay hinubad ang lahat sa kanya , ganon din ang sinasabi ng mga pagbasa at gospel ngayon.
si Jesus laging nakatingin sa ibig at kalooban ng Kanyang Ama. at wala ng iba.
Even to His death sinunod niya ang Ama.
Si San Pablo mula sa masugid na tagasunod ng mga Pariseo, at naging
tapat na tagasunod ni Jesus.
kung babasahin mo yung mga kwento niya sa banal na aklat he suffered so much kahit ipinapaakam sa kanya ng Diyos ang kanyang kakaharaping mga pagtitiis at paghihirap.
si Job kinalugdan siya ng Diyos dahil sa handa at sinuong niya ang pagtitiis masunod niya lamang ang kalooban ng Diyos. Hindi niya nakita ang Diyos , tulad natin ngunit minahal niya ang Diyos ng buong puso at kaluluwa.
si st francis, iniwaN niya ang kayaManan, ipinamigay sa iba masunod lamang ang ating Diyos.
ang mga tagasunod noon ni Jesus, mga babae na may kaya, ginugol nila ang kanilang kayamanan sa pagpapalaganap ni Jesus noon tungkol sa paghahari ng Diyos.
ang mga ito ang tunay na paglilingkod at tunay na follower ni Jesus.
it is written, no one can serve two masters at the same time, you may love the other and hate the other.
ang tunay na naglilingkod sa ating Diyos ay pag aalay ng sarili, kanyang kayamanan, panahon ng buong puso, kaluluwa, isip,lakas, at ang pagmamahal na ito ay ginagawa sa ating kapwa.
maaaring tayo ay magulang, nagtatatrabaho sa gobyerno,sa private, estudyznte, negosyante, manininda sa ibat ubang pamamaraan, pari, preacher, evangelist, pastor, NAGLILINGKOD sa simbahan, domestic helper,etc, Tayo ay nakakapaglingkod sa ating Diyos sa pamamagitan ng katapatan sa ating pinaglilingkuran nakikita man o hindi. At lahat ng ginagawa nating ito una sa ating PINAKAMATAAS NG BOSS ang ating Diyos. Kaya nga naririnig natin, bawat iniisip, sinasabi, ginagawa natin, una ito ay ginagawa natin sa ating Diyos. kaya sabi ng ating Diyos lahat ay gawin natin ng MAY PAG-IBIG SA ATING KANYA. AND IF WE DO WITH LOVE HINDI KA MANGHIHINAYANG SA BAWAT GUGUGULIN MO SA PAGLILINGKOD NATIN
AND GOD HAS ALWAYS A PROMISE IF WE DO HERE ON EARTH…. LONG HEALTHY LIFE AND ETERNAL LIFE WITH HIM… AND THROUGH OUR GOOD WORKS WE GLORIFY OUR GOD WHO IS IN US. AMEN.
testimonies:ipinakilala ko ang ating Diyos sa aking mga anak habang silaay mga bata pa at ang kahalagahan ng pagpapasakop sa kalooban ng Diyos at kababaang loob.
returning back the first fruits of their harvest.as this is pleasing to God. practising the honesty, loyalty to their every employer. truly God is sooo faithful to His promises, at the very young ages of my children God has poured best opportunities and pays to them. TO GOD BE THE HIGHEST GLORY. .