Podcast: Download (Duration: 6:21 — 4.5MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Patnubay sa Misa
Sa mga panimula ng ating lakbayin sa Kwaresma, pagsikapan nating tugunan ang paanyaya ng Panginoon. Sa harap ng ating mga pagkukulang at kahinaan, manalangin tayo:
Panginoon, dinggin mo kami!
Para sa buong Simbahang laging nangangailangang magbalik-loob: Nawa’y sundin niya ang Espiritu sa pagtanggi sa lahat ng pang-aakit ni Satanas. Manalangin tayo!
Para sa Santo Papa at lahat ng ating mga pinunong espirituwal: Nawa’y magtagumpay ang kanilang mga pagsisikap na mailapit ang mga tao kay Hesus sa panahong ito ng Kuwaresma. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng mga migranteng manggagawa sa buong mundo: Nawa’y igalang sila at pagkalooban ng katarungan, at muling makapiling ng kani- kanilang mga pamilya. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng Pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa: Nawa’y pahalagahan nila ang kanilang karangalan at pananampalataya, at manatili silang tapat sa kanilang mga mahal sa buhay. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng namamatnubay sa mga retreat at recollection: Nawa sila’y maging tapat na tinig na nag-uulit ng mensahe ni Hesus para sa tunay na pagbabalik-loob. Manalangin tayo!
Para sa ating lahat: Nawa’y ang panahon ng Kuwaresmang ito ay maging pagkakataon para sa ating tapat na pagtitika at mabungang pagbabalik-loob. Manalangin tayo!
Panginoong Hesus, biyayaan mo kaming lagi naming mapaglabanan ang mga tukso ng demonyo at mamuhay alinsunod sa Ebanghelyong iyong ipinangaral. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.
Amen!
Pages: 1 2
« Sabado, Pebrero 17, 2024
Lunes, Pebrero 19, 2024 »
{ 12 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Tuwing Unang Linggo ng Kuwaresma, ang Mabuting Balita ay palaging tungkol sa Pagtukso sa ating Panginoong Hesukristo sa Disyerto. Ngunit ang Mabuting Balita para sa araw na ito ngayong Taon B (Marcos 1:12-15) ay maiksi lamang. Kung ibinigay nina San Mateo at San Lucas ang mga buong detalye ng pangyayaring ito, maiksi lang ang mga detalyeng ibinigay ni San Marcos. Ngunit kung babasahin natin muli ang Mabuting Balita ngayon, may ibang kahulugan kung bakit hindi sinulat ng mangangaral ang buo detalye ng pangyayaring iyon. Binigyang-diin ni San Marcos na ang Espiritu Santo ay nagdala kay Hesus sa disyerto para sa apatnapung araw ng pag-aayuno. Itong Espiritu ay ang kalapating bumaba sa Panginoon mula sa langit pagkatapos binyagan ni San Juan Bautista (Marcos 1:9-11). Isinalaysay rin na si Hesus ay nakapiling ng mga mabangis na hayop, ngunit gaya ng sinabi ng dalawang mangangaral ng dalawang Ebanghelyo sa Banal na Kasulatan, siya ay ginabayan ng mga anghel mula sa langit.
Bakit nga ba nag-ayuno si Hesus sa disyerto nang apatnapung araw? Sa Lumang Tipan, mababasa natin ang paglalakbay ng mga Israelita, na mga kalipi ni Abraham, sa Disyerto ng Sinai nang apatnapung taon, mula sa pagkalikas mula sa pagkaalipin sa Egipto hanggang sa pagkarating sa Lupang Pangako. Dito naranasan nila ang matinding paglalakbay, dahil nakaranas sila ng matinding gutom, matinding uhaw, at matinding tag-init. Kaya sinubukan nila ang ating Panginoong Diyos dahil gusto nila ng mga patunayan na siya ay nasa piling nila. Kahit gustong parusahan ng Diyos sila, hindi niya pwede magawa iyan dahil itinuring niya sila bilang kanyang bayang pinili, at si Moises ay ang kanyang dakilang tagapaglingkod. Sa pagkalipas ng apatnapung taong paglalakbay sa disyerto, naratnan ng mga Israelita ang Lupang Pangakong umaapaw ng gatas at pulot. Dito natuto sila magtiwala kay Yahweh sa mga panahon ng pagsubok at pang-araw-araw na gawain. Sa Bagong Tipan naman, naranasan ng ating Panginoong Hesukristo ang parehong sitwasyon, ngunit nagtagal lamang ng apatnapung araw. Hindi siya nagreklamo at hindi niya pinayagang matuksuhan ni Satanas dahil alam niya na kailangan niyang tuparin ang misyong ibinigay sa kanya ng Ama.
Ang kanyang pag-aayuno ay isang espirituwal at pisikal na paghahanda ng kanyang Pagpaparangal ng Mabuting Balita. Ito rin ay isang paghahanda sa pinakadakilang pagdurusa sa kasaysayan ng mundo, ang Misteryong Paskwal, na kung saan dito niya matutuparan ang kalooban ng Diyos para sa ating kaligtasan. Bilang paggunita sa Panahon ng Kuwaresma, tayo ay inaanyayahan na magkaroon ng panibagong buhay, pusong magpakumbaba, at magandang pananaog sa ating buhay-Kristiyano. Dinggin natin ang panawagan ng ating Panginoong Hesukristo: “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balitang ito” (Marcos 1:15).
Sa loob ng apatnapung araw, tayo ay gumawa ng mabubuti sa mga kapwa natin. At araw-araw, kahit hindi sumapit ang isang takdang panahon, huwag nating kalimutan ang mga mahahalagang aral sa ating buhay-Kristiyano. Sa ating paglalakbay sa daan ng Kuwaresma, nawa’y iwasan natin ang pagtukso sa kasamaan at maging matapat sa Panginoon, at makibahagi sa Mabuting Balita sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga mahahalagang aral nang buong puso.
amen
Amen
Praise the Lord. Nawa maisabuhay natin ang mga aral ni Kristo. Maging madasalin, magsakripisyo at tumulong sa nangangailangan ng tulong, maging mapagpakumbaba at umiwas sa pag gawa ng mga kasalanan. Amen
Kumbaga sa basketball last 2 minutes na. Ilang saglit na lang at matatapos na ang laro, kaya ginagalingan na ng mga manlalaro. Ang sabi ng ating Panginoong Hesus, “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balita ito.” Talagang mahal na mahal tayo ng Diyos, ayaw niya ng may mapapahamak. Kaya nagbibigay siya ng hudyat upang tayo ay magsisi at tumalikod sa kasalanan. Ito ang paraan upang tayo ay makasama niya sa kabilang buhay. Ibinigay na niya ang lahat: mabuting balita, babala at maging ang kanyang sariling buhay. Ito na ang pinaka mainam na patotoo para sa kaharian ng Diyos. Kaya nawa’y masimulan na ang pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan.
Ang pagbasa sa Ebanghelyo ay pagpa-paalala sa ating lahat na tayo ang dapat lumayo sa tukso at kailanman hindi tayo ang lalayuan nito. Sa apatnapung araw ng ating paghahanda sa muling pagkabuhay ng ating Panginoon Hesus makakatulong upang lumayo sa atin si satanas sa pamamagitan ng taus sa pusong pananalangin, pagaayuno, at pagkakawang-gawa. Ito ay mga gawaing nagpapabanal at naglalapit sa atin sa Diyos. Hindi magkakaroon ng puwang ang mga gawaing masama kung isasagawa at isasabuhay natin mga gawaing makalangit. Kung laging pinakikinggan ang mga panukala ng Diyos maitataboy natin ang tukso.
Ang pagbubuhos ng maraming oras sa pananalangin ay pinaiigting nito ang pakikipagusap sa Diyos. Ganun din ang pagliban at pagtalikod sa mga bagay na kinahuhumalingan ay nagbubuklod ito ng pakiki-isa sa mga gawain pagsasakripisyong maka-Diyos na katulad na ginawa ni Hesus. Ang pagbabahagi ng hindi galing sa sobra ng pangangailangan ito ay pagbibigay ng sarili sa kapwa na ikinararangal ng Diyos. Ang paghahandog ng kusang loob at pagpapakita ng kababaang loob, awa’t habag ito ang diwa ng misteryo ng Paskuwa na ginanap ng Panginoong Hesus upang ipakita Niya ang labis na pag-ibig sa sangkinapal.
Nawa’y maitaboy natin ang tukso sa pamamagitan ng pagganap ng mga gawaing nagpapabanal na kapara ng ginawa ng Panginoong Hesukristo- ang tunay na tinapay na nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
“Pagsisihin ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balita”. Ito ay ang mga huling katagang isinulat ni San Marcos sa Ebanghelyo sa araw na ito. Ngayon ay ang unang Linggo kasunod ng Miyerkules ng Abo at sa unang araw ng Kuwaresma ito ang Salita na sinasambit ng mga pari habang ginuguhit ang hugis na krus na abo sa mga noo ng mga mananampalataya. At kasabay nito ang itinurong apatnapung araw na paghahanda sa Misteryo ng Paskuwa- ang pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. Ang paghahandang ito ay ang mga banal na gawain na dapat ganapin- ang pananalangin, pagaayuno, at ang pagkakawang-gawa.
Tuwing unang araw ng Linggo kasunod ng Miyerkules ng Abo ang Mabuting Balita ay naka-tuon sa panunukso ni satanas kay Hesus ng Siya ay dalhin ng Espiritu ng Diyos sa ilang na lugar pagkatapos ng pagbibinyag sa kanya ni San Juan Bautista na ang kasama niya ay ang mababangis na hayup at mga anghel na nanggaling sa langit upang si Hesus ay tulungan.
Habang nasa ilang na lugar makatatlong beses tinukso ang Panginoon ng diyablo sa pamagitan mismo ng paggamit ng mga salita ng Diyos na naisulat ng detalyado sa Ebanghelyo ni San Lucas 4:3-12.
Una, 4:3 “Yamang Ikaw ang Anak ng Diyos, sabihin mo sa batong ito na maging tinapay”. Sumagot si Hesus hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat Salita ng Diyos;
Pangalawa, Lucas 4:5-8. 5.”Dinala siya ng diyablo sa isang mataas na bundok. Ipinakita sa kaniya ang lahat ng paghahari sa sanlibutan… 6. Sinabi ng diyablo sa kaniya : “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapamahalaang ito at ang kanilang kaluwalhatian….7. Kung Ikaw ay sasamba sa akin, ang lahat ng mga ito ay magiging iyo”. 8. “Sinagot siya ni Hesus at sinabi: Lumayo ka satanas! Ito ay nasusulat Dapat mong sambahin ang Panginoong mong Diyos at Siya lamang ang dapat mong Diyos, at Siya lamang ang dapat mong paglilingkuran”.
Pangatlo, 9-12. “Dinala ng diyablo si Hesus sa Jerusalem at inilagay sa taluktok ng templo. Sinabi sa kaniya: Yamang Ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka uutasan Niya ang kanyang mga anghel patungkol sa iyo upang ingatan ka ng mabuti…… 12. Nasusulat winika ni Hesus: Huwag mong tuksuhin ang Panginoong mong Diyos.
Ang lahat ng uri ng tukso at panunukso ay naglalaman ito ng mga huwad na pangako at panandaliang aliw lamang. Katulad ng panunukso ng diyablo kay Hesus na mga Salita ng Diyos mismo ang ginamit na ang layunin ng diyablo ay hindi malalabag ni Hesus ang mga ito at ang mga panlalansi hindi nagtagumpay. Ganun din gagamit ang diyablo ng lahat ng mga salitang aakit sa tao na magkaroon ng pagda-dalawang isip para bumigay at gumawa ng kasalanan katulad ng tagpo sa aklat ng Genesis kung paano natukso si Adan at Eva ng ahas sa paraiso.
Sa paglalagum, ang pagbasa sa Ebanghelyo ay malakas na babala na umiwas sa tukso sapagkat kailanman hindi ito ang iiwas sa tao at sumunod sa ipinangaral sa Banal na Kasulatan, maging pamagmatyag sa lahat ng oras lalo higit kung nasa oras ng kahinaan upang hindi mahulog sa pamang-akit na patibong ng diyablo. Manatili na laging naka-angkla sa mga ipinahahayag na mga sa Salita ng Diyos at magbagong buhay at manampalataya sa Mabuting Balita ng Kaligtasan. Katulad ng lugar na ilang na mapanganib at pinamumugaran ng mga mababangis na hayup, ganun din ang buhay natin dito sa mundo ito ay maihahambing din sa lugar na ilang na laging may nakaumang na panganib at kapahamakan ng katawan at kaluluwa-‘mga impluwensya na hatid ng mundo tulad ng mga ambisyon, mga bisyo, mga paninira ng kapwa, pagmamalabis sa kapangyarihan, mga pita ng laman, kahalayan atbp. na maaring umagaw ng pananampalataya sa Diyos. Lahat ng mga ito ay mapagtatagumpayang maiwasan lamang sa tulong at biyaya ng Diyos kung Siya ay ating pahihintulan na manahan sa ating mga buhay. Ang konsolasyon ay pinadalhan tayo ng Diyos ng mga anghel na nagmula sa langit upang gabayan at ikubli tayo sa lahat ng mga panganib, at kailanman hindi tayo iiwanan ng Diyos na tulad ng mga ulila susugiin Niya ang Espiritu para tayo ay aliwin sa lahat ng ating mga hilahil na pinagdadaan.
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Ang buhay ay may pagka sunod-sunod. Nakatakda ang mga nais mangyari ng Diyos. Ang nagsasabi ng mga dapat mangyari ay ang Espiritu ng Diyos. Pero may free will ang bawa’t isa. Nasa atin kung susunod tayo o hindi. At kung sakali mang nagpaubaya tayo ay gagalaw ang kalaban, ang demonyo, para hadlangan tayo. May panahon upang subukan ang lahat ng plano, kung gaano kalakas ang mga isinugo, at ito ay ang panahon gaya ng apatnapung araw sa ilang na pinagdaanan ni Kristo. Sa panahong ito akala natin ay malakas na tayo at sigurado na ang misyon na susuungin sa pagtupad ng ating tungkulin. Ngunit hindi pa tayo pagbibigyan at halos ang lahat ng plano na ating pakiwari na gusto ng langit ay hindi makakamit. Hindi lang ang demonyo sa sarili natin kundi pati ang mga demonyong sinasabing maiilap na hayop na nasa mga mapagpanggap. Ngunit hindi tayo masasaktan dahil sa mga anghel na naka antabay. Mistulang mahina at napapahiya pero ang lakas ng Panginoon ay sadyang hindi mapagkakaila. Pati kalaban ay namamangha, napapatanong pa kung ikaw ba talaga ang naitadhana. Magkakaroon ng hudyat ang pagsisimula, gaya ng pagkahuli ni Juan Bautista, ito na ang oras na kailangan punuan ang nawala, sa ganang kay Kristo ay simula na ng trabaho. Ganito ang mga mangyayari sa buhay ng tao, hindi lang sa normal na buhay, ito man ay totoo sa ating bokasyon o ating serbisyo. May panahon ang lahat. May tamang oras na dapat. May mga hudyat na mangyayari upang ang plano ng Diyos ay mamayani. Malalaman lang lahat natin mga ito kung tayo ay magiging sensitibo sa mga galaw ng Espiritu. Siya ang magtuturo ng lahat na totoo. Mag ingat sa libadura ng mga pariseo. Karaniwang sila ang gumagawa ng mga pagkalito.
PAGNINILAY
Ang Kuwaresma ay isang panahon kung saan hinihiling sa atin na dumalo sa isang uri ng retreat. Kapag nag-iisip tayo ng isang retreat, madalas nating isipin na lumayo sa normal na gawain ng buhay patungo sa isang espesyal na lugar kung saan mayroong
ibang nakagawian. Sa Ebanghelyo, si Hesus ay itinulak ng Espiritu sa ilang, sa isang lugar kung saan Siya nag-iisa, malayo sa mga kakapalan ng tao. Apatnapung araw siyang nanatili doon, na siyang haba ng panahon ng ating Kuwaresma. Para sa atin, ang Kuwaresma ay hindi nangangahulugan na nagbabago ang ritmo ng ating buhay. Ang mga pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay ay hindi nababawasan; hindi tayo makakalabas sa kaparangan. Kailangan nating mabuhay sa Kuwaresma sa gitna ng buhay: ang retreat sa Kuwaresma ay hindi literal na nangangahulugan ng pag-atras sa buhay, sa pisikal na kahulugan. Nangangahulugan ito na sinusubukan natin na maging mas mapagnilay sa sarili. Maaaring mas mabuting sabihin na ang Kuwaresma ay isang panahon kung saan tayo ay tinawag upang maging mas madasalin. Sa panalangin, inaanyayahan natin ang Panginoon na ipakita sa atin ang mga bahagi ng ating buhay na hindi talaga naaayon sa tawag ng Ebanghelyo at hilingin natin sa Panginoon na tulungan tayong magbago para sa mas mabuti kung saan iyon kinakailangan.
Panginoong Hesus, tinatanggihan namin si satanas, at ang lahat ng kanyang mga gawa at walang laman na mga pangako, upang kami ay mabuhay sa kalayaan ng mga anak ng Diyos. Amen.
***
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Ang buhay ay may pagka sunod-sunod. Nakatakda ang mga nais mangyari ng Diyos. Ang nagsasabi ng mga dapat mangyari ay ang Espiritu ng Diyos. Pero may free will ang bawa’t isa. Nasa atin kung susunod tayo o hindi. At kung sakali mang nagpaubaya tayo ay gagalaw ang kalaban, ang demonyo, para hadlangan tayo. May panahon upang subukan ang lahat ng plano, kung gaano kalakas ang mga isinugo, at ito ay ang panahon gaya ng apatnapung araw sa ilang na pinagdaanan ni Kristo. Sa panahong ito akala natin ay malakas na tayo at sigurado na ang misyon na susuungin sa pagtupad ng ating tungkulin. Ngunit hindi pa tayo pagbibigyan at halos ang lahat ng plano na ating pakiwari na gusto ng langit ay hindi makakamit. Hindi lang ang demonyo sa sarili natin kundi pati ang mga demonyong sinasabing maiilap na hayop na nasa mga mapagpanggap. Ngunit hindi tayo masasaktan dahil sa mga anghel na naka antabay. Mistulang mahina at napapahiya pero ang lakas ng Panginoon ay sadyang hindi mapagkakaila. Pati kalaban ay namamangha, napapatanong pa kung ikaw ba talaga ang naitadhana. Magkakaroon ng hudyat ang pagsisimula, gaya ng pagkahuli ni Juan Bautista, ito na ang oras na kailangan punuan ang nawala, sa ganang kay Kristo ay simula na ng trabaho. Ganito ang mga mangyayari sa buhay ng tao, hindi lang sa normal na buhay, ito man ay totoo sa ating bokasyon o ating serbisyo. May panahon ang lahat. May tamang oras na dapat. May mga hudyat na mangyayari upang ang plano ng Diyos ay mamayani. Malalaman lang lahat natin mga ito kung tayo ay magiging sensitibo sa mga galaw ng Espiritu. Siya ang magtuturo ng lahat na totoo. Mag ingat sa libadura ng mga pariseo. Karaniwang sila ang gumagawa ng mga pagkalito. Karaniwang plano ng mga tao.
PAGNINILAY: Tuwing Unang Linggo ng Kuwaresma, ang Mabuting Balita ay palaging tungkol sa Pagtukso sa ating Panginoong Hesukristo sa Disyerto. Ngunit ang Mabuting Balita para sa araw na ito ngayong Taon B (Marcos 1:12-15) ay maiksi lamang. Kung ibinigay nina San Mateo at San Lucas ang mga buong detalye ng pangyayaring ito, maiksi lang ang mga detalyeng ibinigay ni San Marcos. Ngunit kung babasahin natin muli ang Mabuting Balita ngayon, may ibang kahulugan kung bakit hindi sinulat ng mangangaral ang buo detalye ng pangyayaring iyon. Binigyang-diin ni San Marcos na ang Espiritu Santo ay nagdala kay Hesus sa disyerto para sa apatnapung araw ng pag-aayuno. Itong Espiritu ay ang kalapating bumaba sa Panginoon mula sa langit pagkatapos binyagan ni San Juan Bautista (Marcos 1:9-11). Isinalaysay rin na si Hesus ay nakapiling ng mga mabangis na hayop, ngunit gaya ng sinabi ng dalawang mangangaral ng dalawang Ebanghelyo sa Banal na Kasulatan, siya ay ginabayan ng mga anghel mula sa langit.
Bakit nga ba nag-ayuno si Hesus sa disyerto nang apatnapung araw? Sa Lumang Tipan, mababasa natin ang paglalakbay ng mga Israelita, na mga kalipi ni Abraham, sa Disyerto ng Sinai nang apatnapung taon, mula sa pagkalikas mula sa pagkaalipin sa Egipto hanggang sa pagkarating sa Lupang Pangako. Dito naranasan nila ang matinding paglalakbay, dahil nakaranas sila ng matinding gutom, matinding uhaw, at matinding tag-init. Kaya sinubukan nila ang ating Panginoong Diyos dahil gusto nila ng mga patunayan na siya ay nasa piling nila. Kahit gustong parusahan ng Diyos sila, hindi niya pwede magawa iyan dahil itinuring niya sila bilang kanyang bayang pinili, at si Moises ay ang kanyang dakilang tagapaglingkod. Sa pagkalipas ng apatnapung taong paglalakbay sa disyerto, naratnan ng mga Israelita ang Lupang Pangakong umaapaw ng gatas at pulot. Dito natuto sila magtiwala kay Yahweh sa mga panahon ng pagsubok at pang-araw-araw na gawain. Sa Bagong Tipan naman, naranasan ng ating Panginoong Hesukristo ang parehong sitwasyon, ngunit nagtagal lamang ng apatnapung araw. Hindi siya nagreklamo at hindi niya pinayagang matuksuhan ni Satanas dahil alam niya na kailangan niyang tuparin ang misyong ibinigay sa kanya ng Ama.
Ang kanyang pag-aayuno ay isang espirituwal at pisikal na paghahanda ng kanyang Pagpaparangal ng Mabuting Balita. Ito rin ay isang paghahanda sa pinakadakilang pagdurusa sa kasaysayan ng mundo, ang Misteryong Paskwal, na kung saan dito niya matutuparan ang kalooban ng Diyos para sa ating kaligtasan. Bilang paggunita sa Panahon ng Kuwaresma, tayo ay inaanyayahan na magkaroon ng panibagong buhay, pusong magpakumbaba, at magandang pananaog sa ating buhay-Kristiyano. Dinggin natin ang panawagan ng ating Panginoong Hesukristo: “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balitang ito” (Marcos 1:15).
Sa loob ng apatnapung araw, tayo ay gumawa ng mabubuti sa mga kapwa natin. At araw-araw, kahit hindi sumapit ang isang takdang panahon, huwag nating kalimutan ang mga mahahalagang aral sa ating buhay-Kristiyano. Sa ating paglalakbay sa daan ng Kuwaresma, nawa’y iwasan natin ang pagtukso sa kasamaan at maging matapat sa Panginoon, at makibahagi sa Mabuting Balita sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga mahahalagang aral nang buong puso.
Si Hesus. Isang taong katulad natin. Anak ng Tao base sa propesiya ni Propeta Daniel at sa pagpapakilala ni San Marcos sa Kanya. Ang tao na bagamat tinukso rin ay hindi nagpatalo kay Satanas kailanman. Ang Anak ng Tao na pinagsilbihan ng mga anghel sa Kanyang pag-aayuno. Sino sa atin ang hindi kailanman natalo ni Satanas? Wala siguro.
Noong panahong nangaral si Hesus, Siya mismo ang nagsabi na malapit na ang kaharian ng Diyos. Sa totoo lang, ang Hari ang Siyang nagpunta sa Kanyang mga nasasakupan. Dumating ang Anak ng Tao para magserve. Anong pribilehiyo itong ibinigay sa atin ng Panginoon para Siya ay magsilbi sa atin! Alam natin ang nangyari at ito nga ang ating inaalala at ipinagdiriwang ngayong panahon ng Kuwaresma—ang sakripisyo ni Kristo para sa kaligtasan ng mga tao. Ito ang Mabuting Balita! Ito ang Mabuting Balita na deserving of all our faith. Ito ang Mabuting Balita na nararapat nating ishare sa ating mga mahal sa buhay at mga kakilala at hindi kakilala. Sapagkat ang kasalanan na dapat nating bayaran, ay binayaran na ni Hesus. at hindi lang yun, bukod sa binayaran Niya ay inangkin pa tayong mga Anak ng Diyos. Lahat ng ito ay dahil sa pag-ibig ng Diyos sa tao.
Ang ating itutugon dito? Pagtalikod sa ating kasalanan at pagbabalik-loob sa Diyos! Bumalik na tayo sa Kanya. The rest of our good deeds can follow. Ang gusto ng Diyos ay ang puso nating hinahanap Siya at gusto Siyang makatagpo. Huwag tayong maging katulad ni Adan at Eba na nagtago sa Diyos matapos nilang marealize na nagkasala sila. Mahal tayo ng Diyos. Ang gusto Niya ay ang maging totoo tayo sa Kanya at magbalikloob. Napawi na ang Kanyang nagpupuyos na galit, tayo ay tinuturing Niyang anak dahil kay Hesu-Kristo. Amen