Lunes, Enero 22, 2024

January 22, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Natitipon kay Kristo na lumulupig sa kasamaan, buong tiwala tayong lumapit sa Ama dala ang ating mga idinadalanging mithiin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama sa langit, iligtas Mo kami sa masama.

Ang Simbahan nawa’y mapanibago at sumaksi nang may katapatan sa tamang pagpapahalaga sa buhay upang makatulong sa pagpapanumbalik sa mundong nasadlak sa kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdidigmaang mga bansa nawa’y matutong mamuhay sa pakikiisa at pagtutulungan upang makapagdulot ng kapayapaan sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng nananalig kay Kristo nawa’y mapaglabanan nila ang pagkakahiwa-hiwalay at maging iisa sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, lalo na ang mga lumpo at may kapansanan, nawa’y tumanggap ng kasiyahan at kalinga sa mga nag-aalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y mailigtas sa kasamaan ng walang hanggang kamatayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, patuloy mo kaming hilumin sa lahat ng masama, at hayaan mong ang iyong kabutihan ang siyang magliwanag sa amin sa kapangyarihan ni Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez January 22, 2022 at 1:21 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay nagpapahayag ng paghirang ng mga tribo kay David bilang Hari ng Israel. At kasunod nito ay ang matagumpay niyang pagsakop sa Jerusalem bilang kabisera ng bansa. Ito’y umpisa ng pagiging matapat ni Haring David sa pagtupad sa mga utos ng Panginoong Diyos. Hindi natuwa si Hesus sa ating Ebanghelyo na paratangin siyang nagpapalayas ng mga demonyo sa ngalan ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. Tinanong niya ang mga eskriba kuny paanong mananatiling matatag ang bahay kung ito’y ginawa nang pansarili lamang. Ganun din sa isang nakikidigmang kaharian na hindi ito’y matatagumpay.

Ang sinasabi dito ni Hesus na nagmula ang kanyang kapangyarihan mula sa Ama, at hindi kay Satanas. Sa pamamagitan ng mga kababalaghan at pagpaparangal ng Mabuting Balita, ipinakita niya ang mabubuting gawain na ibigay ang pisikal at espirituwal na pangangailangan ng tao. Sa kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus, inialay niya ang kanyang buhay upang tayo’y mailigtas mula sa ating pagsusuway sa kalooban ng Diyos.

Nawa’y tunay na makita natin ang kabutihan ng Panginoon at ipalaganap ito sa ating araw-araw na pamumuhay.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño January 24, 2022 at 9:05 am

Sa ating pangkasalakuyang buhay, mayroon ba kayong nakakasalamuha na nilalait ang Diyos, o binabastos ang Diyos, o ginagawang katatawanan ang Diyos, o minumura ang Diyos o di kaya nman sinusubok ang Diyos?

Hindi natin maiiwasan na may makasalamuha tayo na mga ganyang tao, yan ang mga tao na hindi natin dapat kaibiganin. Sinabi ni Hesus sa ebanghelyo na ang mga kasalanan natin ay maaaring mapatawad ng Diyos pero ang laitin mo ang espiritu o ang Panginoon ay isang kalapastanganan na hindi mapaptawad magpakailanman.

Noong isang linggo lamanh ay mayroon akong nakaharap na tao na aking nakadebate tungkol dito. Hindi sya naniniwala sa Diyos, at sinabi pa sakin na sabihin ko daw sa Diyos ko na pagalawin ang baso na nasa harap namin upang maniwala sya. Ang nasabi ko na lamang ay huwag mong subukin ang Diyos at ako ay natatakot para sa iyo. Pinagdasal konna lamang sya na balang araw eh makilala nya si Hesus at manampalataya.

Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nakikita ang Diyos. Ibigin natin si Hesus ng buong puso’t kaluluwa, manalig, manampalatay at igalang.

Reply

Jess C. Gregorio January 22, 2024 at 6:04 am

Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:

Ang Panginoon ay nasa mabuting pananalita at gawa. Wala siya sa magkasalungat na gawi. Karaniwang walang kapangyarihan ang mga nagpapanggap at isinasa demonyo mga kababalaghang dala ng Banal na Espiritu. Mag ingat. Ito ang kasalanang walang kapatawaran.

Ang tao ay walang alam. Salat tayo sa karunungan. Mahina. Walang lakas. Puno ng takot at pangamba. Maligalig. Sablay sa maraming bagay. Bagama’t may yaman at katayuan sa lipunan ay malungkot at nangangailangan. Kailangan natin ng Tamang Daan, Katotohanan, at Totoong Buhay. Tangapin natin si Hesus sa Komunyon ng Banal na Misa. Maging kaisa tayo Niya. Bisitahin, pagmasdan, sambahin, at kausapin natin siya sa Adoration Chapel. Ang Kanyang Presensiya ay mananatili hanggang sa wakas ng panahon. Hindi na natin siya kailangan hanapin. Matagal na siyang naghihintay sa atin.

Reply

RFL January 22, 2024 at 7:27 am

The battle has already been won! Napagtagumpayan na ito ni Hesus!

Ano ba ang napagtagumpayan ni Hesus? Kamatayan. Kasalanan. Ang unang taong hindi nagkasala mula sa Kanyang pagkakalihi hanggang sa Kanyang kamatayan. Ang Panginoong Hesus din ang unang taong nakapagtagumpay sa kamatayan at simula noon ay nabubuhay at naghahari Siya mula sa langit magpakailanman! Amen.

Tayo’y mga soldiers of Jesus Christ, who is our King, our Head. Ang tawag sa Kanyang battalion ay “Church”. At ang ating lakas sa panlaban ay ang Espiritu Santo na sumasaatin, kung tayo nga talaga’y tinatanggap ang paghahari ng Espiritu sa ating mga buhay. At ang ating pagsanggalang at panlaban ay ang Baluti ng Diyos o Armor of God (ayon nga kay San Pablo). “Kaya’t maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; 15 isuot ninyo ang sapatos ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan. 16 Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. 17 Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos.”

Ano ba ang ating nilalabanan natin dito sa mundo? Mga kaaway nating kapwa tao? Hindi! Ang ating nilalabanan ay ang diyablo. Mga diyablo na nagtetempt sa atin na huwag patawarin ang kapatid mo, na mainggit sa iba, binubulong sa atin na huwag nang magsimba, tinetempt tayo na kumain nang kumain at huwag magexercise, tinetempt tayo na mandaya sa business para mas malaki ang kita, tinetempt tayo na magshoplift sa department store kase maliit na item lang naman daw, nagpapasok sa isip natin na wala tayong kwentang tao, pinapasok sa isip ng ilang mga tao na magsuicide na lang kase mabigat ang kalooban. Mga kapatid, kung tayo’y nakakaisip ng mga ito, tayo muna’y huminto at manalangin sa Panginoon, sapagkat iniimpluwensiyahan ng diablo ang ating kaisipan.

Yan ang gustong gusto ng diablo mula sa atin. Ang mawala isa-isa ang mga pinaghaharian ng Diyos, ang mapatumba isa-isa ang mga anak ng Diyos. Sapagkat ang gusto niya’y magkaroon tayo ng unrest sa lupa at mawala ang ating koneksyon sa Panginoong Diyos. Ito ang mensahe ng Ebanghelyo. Si Hesus na ating Hari ay mismo kanilang inuudyokan at pinaparatangan na si Beelzebul daw, ang prinsipe ng mga demonyo. Ngunit kagaya nga ng sinabi ni Hesus, a kingdom divided against itself will not stand for long. Hindi naniwala ang mga Pariseong ito kay Hesus, pero naniwala sila sa udyok ng demonyo na si Hesus ay si Beelzebul. Noong time na yun, nacommit ng mga taong iyon ang kasalanang walang kapatawaran: ang panlalait sa Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo na kay Hesus ang dahilan ng Kanyang kapangyarihang magpagaling, magpalayas ng demonyo, gumawa ng himala, magturo mula sa sariling salita ng Diyos Ama. The awe and wonder of the reality of the Holy Triune God!

Mga kapatid, si Hesus ang ating Hari, at bilang mga anak ng Diyos ay sumasaatin ang Espiritu Santo. Huwag nating ipagwalang bahala ang tinuturong pagtutuwid sa atin ng Espiritu Santo. Makinig at sumunod tayo sa Kanya, at labanan ang mga schemes ng enemy gamit ang lakas mula sa Espiritu. Tandaan ang Armor of God: belt of truth, breastplate of righteousness, shoes of readiness for sharing the Gospel, shield of faith, helmet of salvation and sword of the Spirit, which is the Word of God.

Nawa’y maisabuhay natin ang pagiging soldier of Christ, hindi lamang sa ating mga paggawa ng mabuti kundi pati na rin sa pag-iwas natin sa kasalanan. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: