Linggo, Disyembre 31, 2023

December 31, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Kapistahan ng Banal na Mag-anak
Patnubay sa Misa

Taglay ang pananalig sa Panginoong humirang sa atin na maging kabahagi ng Kristiyanong mag-anak at ng Simbahan, manalangin tayo para sa lahat ng mga mag-anak sa daigdig.

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa malaking mag-anak ng Simbahan at ng sangkatauhan: Nawa’y ang lahat ng kanilang mga kasapi’y magtamasa ng ka- linga nina Hesus, Maria, at Jose. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga Pilipinong mag-anak: Nawa’y manatili silang nagkakaisa at nagkakasundo nang dahil sa kanilang pananampalatayang Kristiyano at sa tulong ng buong pamayanan. Manalangin tayo!

Para sa mga mag-anak na walang tahanan: Nawa’y pahalagahan ng kanilang mga kamag-anak ang pananampalataya, pagkakaisa, at katapatan sa relihiyon sa kabila ng mga kahirapan sa buhay. Manalangin tayo!

Para sa mga mag-anak na bagu-bago pa lamang nabubuo ngayon: Nawa’y makatagpo sila ng inspirasyon sa Banal na Mag-anak ng Nasaret. Manalangin tayo!

Para sa ating mag-anak: Nawa’y maghari ang kapayapaan ni Kristo sa bawat isa sa atin, maging mapagpatawad at manatiling magkakabuklod sa di-makasariling pagmamahal. Manalangin tayo!

Para sa mga may malubha at permanenteng kapansanan: maging sentro nawa sila ng atensyon at kalinga ng lipunan, at maitatag nawa ang mga institusyong naka- laan sa kanilang kapakanan.
Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, pagpalain Mo ang lahat ng mag-anak sa buong daigdig. Paglapitin Mo sila sa isa’t isa at papanatilihin sa Iyong kapayapaan at pagmamahal, sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Malou Castaneda December 30, 2023 at 6:44 pm

PAGNINILAY
Walang mga maiksing paraan para maging isang banal na pamilya. Ang Banal na Pamilya nina Jose, Maria at Hesus, ang pinakamagandang halimbawa, ay dumanas din ng mga pagsubok sa buhay: kahirapan, kawalan ng tirahan, pagkatapon, malapit na pagkawala ng anak, pagkabalo, at kamatayan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus. Ang mga ito ay dapat maging konsuelo sa atin at magbigay ng pag-asa. Kung ang Banal na Pamilya ay dumaan sa gayong mga pakikipaglaban, ang ating mga laban ay hindi natatangi o naiiba. Ang pagmamahal sa isa’t isa at pananampalataya sa Diyos ay mahalaga sa tahanan. May mga awayan, inggitan, paghihiwalay… sa loob ng tahanan… lahat ay dahil sa kawalan ng pagmamahal at pananampalataya sa Diyos. Hindi kahirapan, pakikibaka, kabiguan ang nagiging dahilan ng pagkawasak ng maraming pamilya kundi ang kawalan ng Pagmamahal sa isa’t isa at kawalan ng Pananampalataya sa Diyos. At kung ang Banal na Pamilya ay nakaligtas sa kanilang mga laban ng may tiwala sa Salita ng Diyos, magagawa rin natin ito, na gawing sentro ng ating buhay ang Salita ng Diyos. Nawa’y mag-udyok din ito sa atin na umabot sa maraming nasirang pamilya sa paligid natin at maging Salita ng Diyos para sa kanila, na nagbibigay ng pag-asa, alo, at kagalingan.

Panginoong Hesus, nananalangin kami para sa mga pamilya na alam naming dumaranas ng panahon ng kahirapan. Tulungan Mo kaming maabot sila sa pamamagitan ng praktikal na tulong na kaya namin. Amen.
***

Reply

Jess C. Gregorio December 30, 2023 at 9:43 pm

Pagninilay ni Jess C. Gregorio sa Mabuting Balita:

Apat na bagay ang kailangan ng isang bata para mabuhay ng tama. Ang bawat magulang ay dapat makinig ng maigi sa Mabuting Balita sa araw na ito.

Ang Una ay ang pagsuko at pag-aalay ng ating anak sa Panginoon sa madaling panahon pagkatapos ipanganak. Ito ay ang Pagbibinyag. Huwag na hintayin na magkaroon ng budget para sa isang malaking handaan. Huwag na mag ipon ng mga ninong at ninang na may katayuan sa lipunan o katungkulan sa gubyerno. Mga maling pamantayan sa buhay lang ang kanyang matututuhan. Makakasama lamang ito. Isang Ninong na katulad ni Simeon at isang Ninang na katulad ni Ana ay sapat na.

Ang Pangalawa ay Kalakasan at Kalusugan. Bigyan ng maraming masustansiyang pagkain ang bata, sanayin sa lahat ng pag galaw sa loob at labas ng bahay, bigyan ng responsibilidad na maaaring magdulot ng kaukulang praktis ng kasukasuan, ibilad sa araw at pahanginan, palanguyin sa dagat at ilog ng masiyahan.

Ang Pangatlo ay ang paghubog ng kanyang Karunungan. Ang mga ito ay ang pagbibigay ng mga iba’t-ibang sulatin, libro, at Banal na Kasulatan na angkop sa idad (komiks, kuwentong pangbata, at kung kaya na niya ay sarili niyang Biblia) upang basahin at matutuhan sa murang idad hanggang sa siya ay lumaki. Karaniwang ang mga bata na naka kumpleto at nakabasa ng Biblia magmula sa Genesis hanggang Revelation ay ang mga taong may malalim na kaalaman at karunungan sa buhay.

Ang Pang Apat ay ang pag akay sa bata magsimba kasama ng buong pamilya tuwing Linggo at mga araw ng obligasyon. Ang pag gabay sa kanya upang manabik at mabisita araw-araw sa Adoration Chapel si Hesus sa kanilang paaralan o dinadaanang simbahan. Magiging Kalugod-lugod sila sa Panginoon at tutulungan silang higit pa matuto na ang magiging resulta ay manguna sa klase at makakuha ng maraming parangal kahit na sa lahat ng napaka competitive na mga paaralan. Karaniwang nagtatapos sila ng may pinaka mataas na karangalan. Ito ay biyaya ng maging kalugod-lugod sa Panginoon.

Siguraduhin lang na gawin lahat ang apat na paraan kung paano lumago si Hesus. Kung hindi ay magkakaroon ng pride ang isang bata o di kaya’y mag sawa sa lahat ng biyaya at ituring na isang normal na proseso o suwerte lang ang biyaya. Kung wala ang pangatlong proseso, hindi maiintindihan ng bata ang naganap na himala at ang pinakamapait ay mawalan siya ng pananampalataya. O kaya ay isipin na kaya gawin ang lahat ng wala ang Diyos sa tabi niya. O di kaya ay umasa lang sa gawa ng tao at pagdudahan ang lakas at kapangyarihan ng dasal kahit sa anong pangangailangan.

Reply

Joshua S. Valdoz December 31, 2023 at 5:28 pm

PAGNINILAY
Walang mga maiksing paraan para maging isang banal na pamilya. Ang Banal na Pamilya nina Jose, Maria at Hesus, ang pinakamagandang halimbawa, ay dumanas din ng mga pagsubok sa buhay: kahirapan, kawalan ng tirahan, pagkatapon, malapit na pagkawala ng anak, pagkabalo, at kamatayan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus. Ang mga ito ay dapat maging konsuelo sa atin at magbigay ng pag-asa. Kung ang Banal na Pamilya ay dumaan sa gayong mga pakikipaglaban, ang ating mga laban ay hindi natatangi o naiiba. Ang pagmamahal sa isa’t isa at pananampalataya sa Diyos ay mahalaga sa tahanan. May mga awayan, inggitan, paghihiwalay… sa loob ng tahanan… lahat ay dahil sa kawalan ng pagmamahal at pananampalataya sa Diyos. Hindi kahirapan, pakikibaka, kabiguan ang nagiging dahilan ng pagkawasak ng maraming pamilya kundi ang kawalan ng Pagmamahal sa isa’t isa at kawalan ng Pananampalataya sa Diyos. At kung ang Banal na Pamilya ay nakaligtas sa kanilang mga laban ng may tiwala sa Salita ng Diyos, magagawa rin natin ito, na gawing sentro ng ating buhay ang Salita ng Diyos. Nawa’y mag-udyok din ito sa atin na umabot sa maraming nasirang pamilya sa paligid natin at maging Salita ng Diyos para sa kanila, na nagbibigay ng pag-asa, alo, at kagalingan.

Panginoong Hesus, nananalangin kami para sa mga pamilya na alam naming dumaranas ng panahon ng kahirapan. Tulungan Mo kaming maabot sila sa pamamagitan ng praktikal na tulong na kaya namin. Amen.
***

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: