Podcast: Download (Duration: 5:28 — 5.4MB)
Ika-16 ng Disyembre
(Simbang Gabi)
Isaias 56, 1-3a. 6-8
Salmo 66, 2-3. 5. 7-8.
Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
Juan 5, 33-36
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
16th of December (Aguinaldo Mass) (White)
UNANG PAGBASA
Isaias 56, 1-3a. 6-8
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Ang sabi ng Panginoon sa kanyang bayan:
“Ayon sa katarungan
at laging matuwid ang inyong gagawin.
Ang pagliligtas ko’y
di na magluluwat, ito ay darating,
ito’y mahahayag sa inyong paningin.
Mapalad ang taong gumagawa nito,
ang anak ng taong ang tuntuni’y ito.
Ginaganap niya ang marapat gawin sa Araw ng Pamamahinga,
sa gawang masama, ang kanyang sarili’y iniiwas.”
Di dapat sabihin ng isang dayuhang nakipagkaisa sa bayan ng Diyos,
na siya’y hindi papayagan ng Panginoon
na makisama sa pagsamba ng kanyang bayan.”
Ito naman ang sabi ng Panginoon
sa mga dating dayuhan na ngayo’y
kabilang sa kanyang bayan,
buong pusong naglilingkod sa kanya,
nangingilin sa Araw ng Pamamahinga;
at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan:
“Dadalhin ko kayo sa Sion, sa aking banal na bundok.
Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo.
Tatanggapin ko ang inyong mga handog,
at ang Templo ko’y tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”
Ipinangako pa ng Panginoon,
sa mga Israelitang ibinalik niya mula sa pagkatapon,
na marami pa siyang isasama sa kanila
para mapabilang sa kanyang bayan.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 7-8
Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.
Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.
Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
Nag-aning mabuti ang mga lupain,
pinagpala kami ng Poon, Diyos namin!
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.
Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Halina’t kami’y dalawin.
Kapayapaan mo’y dalhin
upang umiral sa amin.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 5, 33-36
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio, “Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Sabado, Disyembre 16, 2023
Linggo, Disyembre 17, 2023 »
{ 2 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang ika-16 ng Disyembre ay ang pasimula ng isang mahahalagang tradisyon bilang mga Pilipino kapag malapit nang sumapit ang Kapaskuhan. Ito yung tinatawag na Ordo bilang “Aguinaldo Masses” o mga Misang Pasiyam na Araw na Nobena patungo sa pagdiriwang ng Pagsilang ng Panginoon. Mas popular ang tawag nitong mga Misa bilang “Misa de Gallo” at “Simbang Gabi”. Kadalasan ang Simbang Gabi ay ginaganap mula ika-15 hanggang 23 ng Disyembre na kadalasa’y magdamagang din ang liturhiya sa pagsapit ng alas ocho ng gabi. Samantala ang Misa de Gallo naman ay ginaganap mula ika-16 hanggang 24 ng Diysmbre sa pagsapit ng alas quatro o alas cinco ng umaga. Ang “Gallo” ay isang salitang Kastila na nangangahulugang “tandang”.
Anupamang tawaging natin itong tradisyon, ang mga Misang ito ay isang nobena na ginaganap siyam na araw bago ang pagdiriwang ng Pagsilang ni Hesus sa araw ng Pasko. Katulad ng Mahal na Birheng Maria na naghintay sa loob ng siyam na buwan bago ipanganak si Kristo, tayo rin ay nanabik sa loob ng siyam na araw para sa masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan bilang pag-aalala sa Diyos na naging Tao.
At sa Unang Araw ng ating Nobena para sa Pasko, narinig natin ang patotoo ni Hesus sa mga Hudyo tungkol sa kanyang sarili. Bilang Anak ng Diyos, nababatid niya ang dakilang kalooban ng kanyang Ama. Kaya ito yung kanyang pakay kung bakit siya’y dumating sa daigdig. At bilang tanda ng kanyang pagdating, itinukoy ni Hesus ang kanyang pinsan na si San Juan Bautista bilang isang maningas na ilaw na nagningning sa kadiliman ng kasalanan. Sapagkat alam natin na si San Juan Bautista ay nagpahayag ng isang binayag ng pagsisisi at pagbabalik-loob bilang paghahanda sa daraanan ng Panginoon.
Kaya ang mensahe ngayong pasimula ng ating “Christmas novena” ay ang pagiging mabuting saksi para kay Kristo. Alam po natin ang kwento ng Unang Pasko na narinig natin at palagi nating maririnig nitong mga darating na banal na araw ng Kapaskuhan. Subalit patuloy na umiiral ang pag-ibig ng Diyos kahit sa mga taong hindi pa siyang lubos na nakikilala at pinapaniwalaan.
Nawa’y maging katulad tayo ni San Juan Bautista na hayaang magningning ang ilaw ng liwanag ng Diyos sa ating buhay upang ipasa natin ang ilaw na iyan sa ibang tao.