Lunes, Nobyembre 20, 2023

November 20, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Hilingin natin sa Diyos Ama na buksan ang ating mga mata upang malinaw nating makita ang kanyang daan at sundan siya nang buong puso.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sinagan Mo kami ng Iyong liwanag.

Ang mga pinuno ng Simbahan, sa pamamagitan ng kanilang huwarang pamumuhay, nawa’y maipakita sa atin ang daan patungo sa Kaharian ng Diyos Amang nasa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating paggawa ng kabutihan, nawa’y palagi nating bigyan-pansin ang mga hinatulan, tinanggihan, at hindi minamahal sa ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ng bulag ng Jerico tayo nawa’y magkaroon ng matatag na pananalig sa nakapagpapagaling na presensya ni Jesus at sundan siya sa daan ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa sa kalabuan ng paningin o pagiging bulag nawa’y makatagpo ng kagalingan at kasiyahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kapayapaan at liwanag sa kaluwalhatian ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, punuin mo kami ng iyong pagmamahal at pawiin mo ang kadiliman sa aming buhay upang mabuhay kami sa liwanag ni Kristo, ang iyong Anak na nabubuhay at naghahari kasama mo ngayon at magpakailanman. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 15, 2021 at 5:27 am

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay isang simula ng pamumuno ng isa sa mga pinakamalupit na pinuno, si Antioco Epifanes. Lumitaw din noong panahong iyon ang mga masasamang Hudyo, na nagpasya sa hari na sumamba sila sa mga paganong diyus-diyosan at gumawa ng mga paganong ritwal. Nagusutahan nito ni Antioco, kaya inutos ang mga kalapastangang ito sa bayang Israel. At sinumang nakikitang sumasamba sa tunay na Diyos ng Israel ay pinag-uusig at madalas ay pinapatay. Malala ang pinsalang dala ni Antioco Epifanes sa mga Hudyong tapat sa Panginoon. Ngunit makikita natin sa aklat na ito ang pangako ng Diyos na ilikas niya ang kanyang bayan mula sa mga masasamang tao at gawain na nagpapahiwalay sa kanya.

Ang Ebanghelyo ay isa sa mga sikat na kwento ng pagpapagaling ni Hesus. Ito ay ang pagpapagaling sa isang bulag na lalaki, na bagamat hindi pinangalanan ni San Lucas, ay ayon naman kay San Marcos ay itong bulag na lalaki ay walang iba kundi si Bartimaeo. Ang mga bulag sa kapanahunan ni Hesus ay hinahatulan ng mga Hudyo na makasalanan dahil nangyari raw ito sa kanila mula sa pagkakasala o minana sa kasalanan ng mga magulang. Subalit sa kababalaghan ng pagbabalik-paningin sa bulag, ipinakikita ni Hesus na ang mga taong nahihirapan ay instrumento upang ipahayag ang kaluwalhatian ng Diyos Ama. At makikita natin kung paanong sumigaw ang bulag na kaawan siya ni Hesus.. Kaya nang pinatawag siya ni Kristo, ang tanging hiling lamang niya ay makakita na siya. Dahil sa pananampalatayang iyon, agad nakakita na siya at sumunod sa kanya. Kaya namangha ang tao sa pangyayaring ito, at sila ay nagpuri sa Panginoong Diyos.

Ang Diyos ay bukas sa mga bagay na tunay na nagpapaligaya at gumaganap sa ating buhay-pananampalataya. Kaya ang dapat nating iniiwasan ay na tayo ay maging bulag sa espirituwal na paraan, na wala tayong pakiramdam at pakialam sa mga pangangailangan ng ating kapwa. Kaya magandang halimbawa si Bartimaeo na bagamat hindi tayo pisikal na bulag, tayo ay tinatawag na magkaroon ng ganap na pananampalataya sa Panginoon na humihiling na kaawaan niya tayo upang mas manalig pa sa kanya at makita sa ating pananalig ang ating habag at malasakit sa bawat tao.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño November 15, 2021 at 9:26 am

Ano ang aral na hatid ng ebanghelyo ngayon?
Pananalig.
Ang bulag na sumisigaw ng pangalan ni Hesus ay pinagaling ng dahil sa kanyang pananalig. Nang tanungin sya ni Hesus kung ano ang ibig nya, sinabi ny na “Panginoon nais ko pong makakita”. Tinawag nyang Panginoon si Hesus kahit ang iba’y ang tingin sa kanya ay guro ang iba’y magiging hari nila para sa pakikidigma. Kaya’t sinabi ni Hesus na iakw ay gumaling daw sa iyong pananalig.

Mga kapatid, kung tayo ay dadalangin o hihiling sa ating Panginoon, kinakailangang ibigay natin ang ating buong tiwala at pananampalataya, wala ka na dapat agam agam o pangamba, hindi na tayo dapat mabalisa o mag-alinlangan. Kung hindi man o dito dumating sa oras na gusto mo ay maghintay ka lamang, darating ito kung para sayo at kung ito ay kalooban ng Diyos at kung ito ay mas makabubuti sa iyo. It may not come at the time you want… but it will sure come,,, in His time… in His sweet time…. If only you believe.

Reply

Jess C. Gregorio November 16, 2023 at 8:47 pm

Pagninilay ni Jess C. Gregorio:

Hindi niya kilala si Hesus. Bulag at walang nakikita. Pero alam niya na iba ang pagkakataon ngayon. Naramdaman niya ang kakaibang nangyayari. At dahil wala siyang makita at hindi siya self concious, isinigaw niya ang kanyang pananalig. Hindi siya nahiya. Nilakasan pa niya. At narinig siya ni Hesus. Binigyan pansin. Hindi baga ito rin ang ginagawa ng Banal na Espiritu sa ating pagsamba? Ang ipinid ang ating mga mata sa mundo at ibukas ang puso para maramdaman ang paligid? Na sa ating pananalig ay buong lakas nating isinisigaw ang papuri at paghingi ng grasya? Walang lugar ang hiya kung ang pagpapalaganap ng katotohanan ang pinaguusapan. Maingay ang mundo pero ang gustong ingay ng mga tao ay yung mga huwad na nagpapalaki lamang ng mga ulo. Kung isisigaw mo ang iyong pananampalaya, bubusalan nila ang iyong bibig at sasabihan ka na itigil mo na ang pag iingay mo. Nakaka istorbo ka. Tumigil ka na. Sa huli, mismo si Hesus ang magsasabi sa kanila na ilapit ka sa kanya, at sabihin mo na ang gusto mong mangyari. Karaniwang bukal ng mga mirakulong mahirap paniwalaan ang mga susunod na mangyayari. Ito ang tunay na paraan ng mga panalanging may bisa at saysay. Buo at nagtitiwalang pananampalataya. Huwag mo pakinggan ang mga sumasaway sa iyo, magpatuloy ka lang, katabi na nila si Hesus pero ikaw ang totoong nabibiyayaan. Hindi sila.

Reply

Malou Castaneda November 19, 2023 at 10:04 pm

“Panginoon, upang ako ay makakita,” ang simpleng kahilingan ng lalaking bulag, ay isang panalangin na kailangan natin ng mas madalian higit kailanman. Gaya ng bulag, dapat tayong patuloy na tumawag sa ating Panginoong Hesus, “Maawa ka sa amin . . Hayaan kaming makakita”. Sapagkat ang ating espirituwal na paningin ay maaaring maging maulap at kailangan nating ipagpatuloy itong itama ng Dakilang Espirituwal na Dalubhasa sa Mata. Nakita ng bulag na lalaki ang mahabaging Diyos kay Hesus sa pamamagitan ng kanyang mga mata ng pananampalataya muna, at iyon ay humantong sa pagbubukas ng kanyang panlabas na mga mata. Sa ating relasyon sa Diyos, kung ano ang nakikita natin sa panloob na mga mata ay nakakaakit sa Panginoon, at Siya ay tumutugon sa ating panloob na pananampalataya.

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming makilala ang mga kabulagan sa aming sarili. Amen.

Reply

Malou Castaneda November 19, 2023 at 10:06 pm

PAGNINILAY
“Panginoon, upang ako ay makakita,” ang simpleng kahilingan ng lalaking bulag, ay isang panalangin na kailangan natin ng mas madalian higit kailanman. Gaya ng bulag, dapat tayong patuloy na tumawag sa ating Panginoong Hesus, “Maawa ka sa amin . . Hayaan kaming makakita”. Sapagkat ang ating espirituwal na paningin ay maaaring maging maulap at kailangan nating ipagpatuloy itong itama ng Dakilang Espirituwal na Dalubhasa sa Mata. Nakita ng bulag na lalaki ang mahabaging Diyos kay Hesus sa pamamagitan ng kanyang mga mata ng pananampalataya muna, at iyon ay humantong sa pagbubukas ng kanyang panlabas na mga mata. Sa ating relasyon sa Diyos, kung ano ang nakikita natin sa panloob na mga mata ay nakakaakit sa Panginoon, at Siya ay tumutugon sa ating panloob na pananampalataya.

PANALANGIN
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming makilala ang mga kabulagan sa aming sarili. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: