Biyernes, Hulyo 28, 2023

July 28, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Manalangin tayo sa Ama sa Langit upang makinig ang sangkatauhan sa kanyang makapangyarihang salita at magbunga ito sa ating buhay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, palaguin mo ang iyong salita sa amin.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y maging bukas sa Salita ng Diyos at maipahayag ito sa pamamaraang mauunawaan ng lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y gawin ang kanilang tungkulin nang may katapatan at dangal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magsasaka at ang mga nagtatrabaho sa bukirin nawa’y basbasan ng mabuting panahon at mayamang ani, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kasiyahan at kapayapaan sa mga Salita ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y mamayapa sa Kahariang inihanda para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, magsalita kayo sa amin at gawin mo kaming makinig sa iyo. Magbunga nawa ito ng buhay Kristiyano sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 20, 2021 at 12:19 pm

PAGNINILAY: Ang Diyos ay gumagawa ng kabutihan sa atin. Kaya ang inaatasan sa atin ay maging matapat sa kanya at maging masunurin sa kanyang mga utos. Ibinigay niya ngayon sa Unang Pagbasa ang Sampung Utos (Dekalogo) kay Moises sa Bundok ng Sinai. Ito’y matapos ang mga Israelita ay nailikas mula sa Egipto, at sila’y naglalakbay sa disyerto patungo sa Lupang Pangako. Apatnapu’t araw nanatili si Moises habang nagninilay at nangungusap sa Diyos. At narinig nga natin ang pagbibigay ng Kautusan kay Moises. Ito’y tanda ng tipan na iuukit ng Diyos upang ihubog ang tao bilang kanyang bayan, at makilala ng mga Israelita na siya ang Diyos nila.

Sa mga nagdaang siglo matapos ang pagbibigay ng Kautusan, 613 ang nilikha ng mga Hudyo, na parang nalimutan na nila kung ano ang pinakamahalagang utos. Kaya pinaalala muli ito ni Hesus na isang dakilang utos ang mabubuod sa Sampung Utos: (1) ang pagmamahal sa Diyos at (2) pagmamahal sa kapwa gaya ng pagmamahal sa sarili. Kung mahal natin ang Diyos, ginagalang natin siya, lalung-lalo na sa pagmamahal sa kapwa. Kung mahal natin ang kapwa natin, dapat kabutihan ang siyang maging tugon natin. At alalahanin natin na ang mabuting pagmamahal sa kapwa ay mangyayari kung mahal natin ang ating sarili at aalagaan natin ang ating sariling buhay na ipinagkaloob ng Diyos noong tayo ay isilang.

Ang mga binhing itinanim sa tabi ng daan ay sumasagisag sa mga taong nakikinig sa salita ng Panginoon, ngunit wala talagang balak makinig dahil hindi masyadong nauunawaan ito. Mayroong realidad na may mga taong ayaw paniwalaan na may Diyos na maawaain at mahabagin, Ang mga binhing itinanim naman sa bato ay sumasagisag sa mga taong nakikinig sa salita at masayang tinatanggap ito, ngunit kapag dumating ang mga kapighatian at pagsubok, biglang liliit ang pananampalataya. Minsan sa buhay natin ay marami tayong mga problemang nais nating masolusyonan, pero minsan inaakala nating hindi natin kailangan ng Diyos upang tulungan at gabayan tayo.

Ang mga binhing itinanim naman sa dawagan ay sumasagisag sa mga taong nakikinig sa salita ngunit hindi kayang panindigan ito sapagkat maraming mga ari-arian ang nagpapasaya sa kanila. Inaakala ng karamihang tao na kapag sinabi ni Hesus na ibenta ang lahat ng kayamanan ay literal na ibenta ang lahat. Minsan kailangan nating unawain ang kahulugan ng pagiging “espiritually poor” na sa kabila ng lahat ng ating inabot na tagumpay ay dapat may kababang-loob pa rin tayo na gumawa ng kabutihan sa ibang tao, lalung-lalo na sa mga nangangailangan. At sa huli, ang mga binhing itinanim sa matabang lupa ay siyang tunay mga taong nakikinig sa salita at isinasabuhay ito, nang sa ganyon sila’y makapagmunga ng 30, 60, at higit sa 100 binhi.

Sa ating buhay pang-Kristiyano, kailangan nating magmunga nang masagana sa ating pagsasabuhay ng pananampalataya. Kung tayo’y magiging mga binhi sa matabang lupa, kailangan nating dinggin ang salita ng Diyos at ipagmasdan ang mga aral nito sa ating araw-araw na pamumuhay sa paggawa ng tama at mabuti. Kung tayo’y pinagpapala niya araw-araw, nawa’y tayo rin ay maging mga saksi niya sa pagpapahayag ng kanyang mga mensahe ng pag-ibig, kagalakan, at kapayapaan, na siyang bumubuo sa Mabuting Balita tungkol sa kanyang Paghahari.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 23, 2021 at 9:31 am

Aminin man natin o hindi, kapag bagong labas tayo ng simbahan ay para bang ambait natin at nangangako sa sarili na hindi na muli gagawa ng kasamaan, pero makalipas ang ilang oras o araw bumabalik na nman tayo sa dating ugali. Yan ang pagsikapan natin, na maging binhi tayo na nahulog sa matabang lupa katulad ng ipaliwanag ni Hesus sa ebanghelyo. Paulit ulit lang eh, dasal, simba, gawa ulit kasalanan, dasal, simba, balik sa dating pag uugali na tsismosa, inggetera, nagnanasa sa hindi pag aari at hindi asawa, gumagawa ng hindintotoong kwento, walang naibigay na tulong sa kapwa tapos simba ulit, dasal may paluhid luhid pa at pag iyak tapos, makikipag away, bakil sa dating ugali. Hindi ba tayo nahuhiya sa Diyos at sa ating sarili? Pagkatapos tayong bigyan ng biyaya? Binigyan ng asawa, anak, makakain, hanpabuhay, kotse, bahay. Suklian naman natin si Hesus, alalahanin mong sa isang iglap lamang ay maaari nyang bawiin kung ano ang meron ka ngayon maging ang iyong buhay at buhay ng mahal mo.

Reply

Jose M. Javier July 28, 2023 at 4:58 am

Exodus 20:1-17 says as much about the God who is speaking as it does about the people who are to take part in this way of life. First, God works on behalf of God’s people. Once more we return to those opening words, “I am the LORD your God,” the one who saved you, the one who has led you into freedom.
God freed his people out of slavery that they might obey His commandments, and in this freedom and obedience, they would experience life to the full.
When asked to summarize the essence of the Law our Lord responded, “’You shall love the Lord your God with all your heart, and with all your soul, and with all your mind. ‘ This is the great and foremost commandment. And a second is like it, ‘You shall love your neighbor as yourself.
For gospel:
Itinuro ni Jesus ang isang talinghaga tungkol sa isang lalaking naghahasik ng mga binhi. Ang mga binhing ito ay nahulog sa iba’t ibang uri ng lupa, na nagbunga ng magkakaibang resulta. Gayundin, ang salita ng Diyos ay tinatanggap sa iba’t ibang paraan ng mga taong nakaririnig nito.
Nabasa natin na inihalintulad ng Tagapagligtas ang iba’t ibang uri ng lupa sa mga puso ng tao. Sa pag-aaral mo ng mga talatang ito ngayon, isipin kung aling uri ng lupa ang higit na katulad ng nadarama ng puso mo ngayon.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: