Martes, Hunyo 27, 2023

June 27, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Ipinapangako sa atin ni Kristo na naghahatid sa buhay ang makipot na pintuan. Lumapit tayo sa Amang nasa Langit sa pamamagitan nang may pagtitiwala at pananalig na panalanging itinuro sa atin ng Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, buksan mo sa amin ang pinto ng biyaya.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y gabayan ang kawang sumasampalataya sa pintuan na naghahatid sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang komunidad, nawa’y ituring natin ang bawat isa nang may paggalang, pang-unawa, at pagmamahal, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng mahabaging pakikitungo sa ating kapwa nawa’y maisagawa natin ang kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at yaong mga nagdurusa sa iba’t ibang uri ng karamdaman nawa’y makatagpo ng lakas at kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y buhaying muli ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Amang nasa Langit, likhain mo sa amin ang tunay na puso upang aming igalang at mahalin ang aming kapwa tulad ng pagtatangi mo sa kanila. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 18, 2021 at 4:19 pm

PAGNINILAY: Ang Ebanghelyo ngayon ay patuloy na pangangaral ni Hesus tungkol sa pagkakamit ng biyaya ng kaligtasan. Una ay ang relasyon natin sa mga taong katunggali sa paniniwala. Sinabi ni Hesus na huwag nating ibigay sa aso ang mga banal na bagay, at pati na rin sa mga baboy ang mga perlas. Nais ipahiwatig dito ni Hesus na ang pamumuhay nating mga mananampalataya ay kinakailangang maging maingat at matatag. Hindi natin kinakailangang pilitin sa ibang tao na maniwala sa ating sinasampalatayanan kahit alam natin na ito ang pananiniwalang bigay sa atin ng Poong Maykapal. Kaya ang mas mainam na gawin ay ang pagpapanatili ng mabuting reputasyon sa pagkakaroon ng mas mabuting relasyon sa mga taong nakatunggali natin.

Ikalawa ay ang Ginintuang Aral. Ito ay pinagmulan noong panahon ng dalubhasang si Confucius nang turuan niya ang kanyang mga alagad: “Huwag ninyong gawin sa kapwa ang ayaw ninyong gawin nila sa inyo.” Sinasaad dito na huwag nating gawin ang mga bagay na ikasasama ng ibang tao, upang hindi iyan ang bumalik sa atin. Kaya ang ginawa ni Hesus ay inilahad niya ang positibong paraan: “Gawin ninyo sa kapwa ang nais nilang gawin sa inyo.” Iginiit din niya na ito ang saksi ng Kautusan at ng mga propeta sapagkat hindi pa ito nabatid ng mga Hudyo sa marami na silang batas, 613 ang bilang. Kung hindi nakakabuti ang paggawa ng masama, mas maganda na tayo ay gumawa ng mabuti sa ating kapwa.

At ang Ikatlo ay ang pagpasok sa makipot na pintuan. Tila nga ba’y mahirap itong gawin, at parang mahirap unawain na ang malawak na daan ay nagdudulot ng kapahamakan. Siguro sa bawat buhay natin ay humahanap tayo ng paraan upang maibsan ang mga problema at pagsubok. Subalit tayo ay pinaaalahanan ni Hesus na ang daan tungo sa kaligtasan ay pagpasok sa makipot na pintong iyon. Ito’y nangangahulugang hindi dapat natin tinatakasan ang naturalidad ng buhay. Sinasabi nga sa 4 na maharlikang katotohanan ng Budismo na mayroong pagdurusang laganap sa buhay. Kaya sa ating pananampalatayang Kristiyano, ang tanging paraan ng pagpasok sa pinto ay kinakailangan ng pagtiis at pagiging matiyaga ng pananampalataya sa kabila ng napakaraming paghihirap sa buhay. At habang tayo’y nagtitiis ay nawa tayo ay magsikap na patuloy na gawin ang ikakabuti sa kalooban ng ating Diyos Ama at sa ating pakikipagrelasyon sa kapwa.

Reply

Sherwin D. Yanoria June 22, 2021 at 7:15 am

Judgemental ka ba? Kung titingnan natin ang unang pagbasa at ebanghelyo, ay kailangan ng matinding desisyon. Gamit na gamit lagi natin ang pagpili. Lalo na kung minsanan, halimbawa pagbibili ng bahay, lupa at sasakyan talagang dapat pagisipan. Kahit ang pinto na papasukan. Saan ba tayo papasok sa pinto ng Diyos o sa kamunduhan? Hindi mawawala sa atin ang mag-isip, dahil sa ibinigay sa atin ng Diyos na talino at free will. Naway magamit natin ng tama ang regalo sa atin ng Diyos. Piliin natin ang kalugod-lugod sa Diyos.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño June 22, 2021 at 9:47 am

Maluwag ang pintuan at malapad ang daan, mas madali pasukan yan at mas maginhawa at masarap. Ang pinto at daan na ito ay ang kamunduhan, pagkakaroon ng karelasyon bukod sa asawa, pagnanasa sa hindi mo asawa, pandaraya, masamang bisyo, tsismisan o paninirang puri, pagmumura, paglalasing at katakawan, katamaran at pagmamalaki o pagyayabang ng yaman….. yan ang masasarap gawin, na magdudulot sayo ng kapahamakan, kalungkutan sa bandang huli at pagkasira ng pamilya at buhay na pagsisihan mo kung bakit mo ito pinasok. Mayroon din isang pinto na maliit at makitid ang daan, ito nman ang daan ng pagtitiis, pagtyatyaga, pamimigay ng yaman mo sa iba, pagmamahal sa kapwa, pagpapatawad sa kaaway at iba pang gawain na kalugod lugod sa Diyos, ano nman ang mapapala mo sa maliit na pintuang ito? Biyaya galing sa Ama, tunay na kaligayahan, peace of mind, matamis na ngiti sa mga labi araw araw, mahimbing na pagtulog, kasiyahan lalo na kapag nakatulong sa kapwa, diringgin ni Hesus ang mga kahilingan at pangakong Paraiso ng Panginoon sa kabilang buhay. Oh mga kapatid… pili na!!

Reply

ana beler June 27, 2023 at 8:32 am

amen thanks be to GOD@GLORY JESUS..salmat sa kanyang mga ARAL..TURO AT .PANALANGIN TUNAY NAPAKABUTI MG DIYOS SA ATIN..SA KABILA NG LAHAT NG ATING MGA KASALANAN AT PAGKUKULANG DI NIYA TAU PINABAYAAN..

Reply

tammy amar June 29, 2023 at 7:35 am

Ang tao kadalasan mayabang mapag mataas sagana kaya at punong puno nang biyaya pero kabaligtaran ang pangyayari kasi kung anu yaman meron siya ganun rin ka kuripot kaya kung Minsan masasabi mong binawi sa kanya ang mga biyaya madalas sabihin natin buti nga sayo dahil napakakuripot mo tingnan natin ang mahal na Panginoon Hesus walang anumang yaman ipagmalaki ginto man o pilak kahit alam natin na siya ang anak nang diyos Amang nasa langit pero ang sukli at tanging hiling niya lamang ay magmahalan tayo, magtulungan upang sa gayon ang gantingpala pala ay naghihintay lang para makamit natin Ang buhay na walang hanggan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: