Biyernes, Hunyo 2, 2023

June 2, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Tumawag tayo sa Diyos Ama, na ibinibigay ang kanyang pag-ibig at palagiang kalinga sa atin, hilingin natin na likhain niya sa ating mga puso at isip ang pagkakaroon ng bukal na pagsunod sa kanyang mga batas, ating bigkasin:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Dumito ka sa amin, O Panginoon.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y turuan ang Bayan ng Diyos na sumunod sa kanyang mga batas hindi dahil sa takot kundi dahil sa pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging tapat sa pagsunod sa utos na ibigin ang Diyos at ibigin ang kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nabubuhay sa kadiliman ng kasalanan nawa’y makatagpo ng inspirasyon at tapang na mamuhay sa hamon ng utos ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga matatanda, mga nalulumbay, at lahat ng mga nagdurusa na kasama natin nawa’y hindi natin mapabayaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tanggapin mo ang aming mga panalangin na iniaalay sa iyo nang may pananampalataya. Makilala nawa namin ang pag-ibig at kapayapaan ni Kristo, ang iyong Anak at aming Tagapagligtas. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez May 27, 2021 at 4:26 pm

PAGNINILAY: Ang Ebanghelyo ngayon ay dalawang kwento tungkol kay Hesus. Ang Una ay ang pagsusumpa niya sa isang puno ng igos na ayaw magbunga ng prutas. Ang Ikalawa naman ay ang kanyang paglilinis sa Templong ginawa pugad ng mga magnanakaw dahil sa komersyalismo ng mga tao. Dalawang magkasunod ng kwento, ngunit isa ang mensahe: ang pagkikilala sa Panginoon sa ating buhay. Ito ang sinasabi ni Hesus sa mga alagad nang bumalik sila sa puno ng igos na pinagsumpaan ng Panginoon, habang sinabi nila sa kanya na ayaw nang magmunga ang puno ng igos. Tugon ni Hesus na magkaroon sila ng pananampalatayang makakapag-usog ng mga bundok para iutos na itapon sila sa dagat. Ang tinutukoy rito ni Hesus ay ang pananampalatayang makakagawa ng mga bagay, kahit tingin ng tao ay imposible. At ang pananampalatayang ito ay ipinapakita sa pamamagitan ng panalangin. At ang panalangin ay may kasamang pagtitiwala, pagpupuri, pagpapasalamat, at pagpapatawad. Manaig sana ang kabutihan sa puso ng bawat tao. Kaya ang paglilinis ng templo ay tanda na patuloy ang Panginoon sa paglilinis ng mga kasalanan ng mga taong tunay na mapagkumbaba na humihingi ng kapatawaran at bagong pagkakataon. Kung tayo ay magiging matapat sa Diyos sa ating buhay-panalangin & magkakaroon ng pananampalataya sa kanya nang may kabutihang-loob sa bawat pagkakataon, tayo ay maging mapagpala at magbunga sa atin ang kanyang kagandahang-loob.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño May 28, 2021 at 9:25 am

Legacy, yan ang sinasabi sa unang pagbasa, habang tayo ay nabubuhay ay gumawa ng makaDiyos na gawain at pagmamahal sa kapw na tatatak sa pusot isipan mg mga tao, sa ganung gawi kung tayo ay lumisan na sa mundo mag iiwan ng tayo ng magandang legacy na mamamanahin pa hanggang ng iyong ka-apu apohan.
Sa ating ebanghelyo ngayon ang pangyayari sa puno ng igos ay dapat na maging aral sa atin, kung tayo ay hindi namumunga, nabubuhay sa kadiliman, hindi nagsisikap na makaiwas sa kasalanan, nabubuhay sa kamunduhan at materyal na bagay ata walang pakialam sa pangangailangan at damdamin ng iba, tayo ay hindi na namumunga, hindi tayo kalulugdan ni Hesus ay ano mang oras ay bawiin na nya ang buhay katulad ng sa puno mg igos. Sinabi din ni Hesus sa ebanghelyo na kapag ikaw ay nananalangin, tanggalin mo na ang worry, ibigay mo ang buong tiwala sa kanya, sabi nga eh “claim it”. Sapagkat kapg ikaw nabalisa pa after mo magdasal ay humihina ang iyong pananalig sa kanya. At kung ikaw hihiling, aba ayusin mo din nman ang iyong sarili para kay Hesus, magpatawad ka upang ikaw din ay patawarin. Kapatid hindi ako Diyos pero alam kong meron ka pang taong hindi pinapatawad… pag aralan mong patawarin at gagaan ang iyong mga dalahin sa buhay at sasarap ang iyong pagtulog.

Reply

Sherwin D. Yanoria May 28, 2021 at 10:17 am

Paano ba tayo manalangin? Kadalasan sa ating pananalangin ang daming mga sana o mga kahilingin. Ito na lang halos ang laman ng ating panalangin. Ngunit ang sabi ng ating Panginoong Hesus ay patawarin muna natin ang nagkasala sa atin. Napakagandang katuruan. Ang pagiging malinis sa panalangin ay kaagad nadidinig ng Diyos. Para bang mga Santo, nung nabubuhay pa sila. Ang bilis dinggin ng Diyos ang kanilang panalangin dahil sa busilak nilang kalooban. Kaya’t matuto tayong magpatawad at magmahal upang patawarin din tayo ng Diyos at dinggin ang ating panalangin.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: