Linggo, Pebrero 12, 2023

February 12, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-6 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Patnubay sa Misa

Ipinaliliwanag sa atin ngayon ng Salita ng Diyos ang mga pagpapahalagang tampok sa Kautusan at ang mahihigpit nitong kahingian. Hilingin natin ang tulong ng Panginoon sa pagsisikap natingmakatugondito.Buong pakumbaba nating idalangin:

Panginoon, gawin mo kaming tapat sa iyong Kautusan!

Para sa Simbahang panlahat na siyang ina at guro ng lahat ng sumasampalataya: Nawa lagi niyang paalalahanan ang sangkatauhang magpahalaga at isabuhay ang mga pagpapahalagang taglay ng Kautusan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, mga Obispo, at mga pari: Nawa malinaw nilang maituro ang kahingian ng Kautusan ng Diyos at lagi nilang isabuhay ang mga pagpapahalagang ipinahahayag dito. Manalangin tayo!

Para sa ating mga pinunong pambayan na tagapagtaguyod ng kagalingang panlahat: Nawa makagawa at makapagpatupad sila ng mga batas na alinsunod sa mga pagpapahalaga ng Kautusang moral ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa ating mga katekista, guro, at mga media practitioners, na may mahalagang ginagampa- nan sa moral na paghubog sa mga bagong henerasyon: Lagi nawa nilang alalahanin ang kahalagahan ng kanilang misyon at matatag nila itong itaguyod. Manalangin tayo!

Para sa ating kabataan at mga namumuno sa kanila: Maunawaan nawa nilang magkakatotoo lamang ang pinapangarap nilang mundo sa pamamagitan ng pagtatampok sa mga pagpapahalaga ng Kautusan ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa ating pamayanan at mga mag-anak: Nawa ang turong moral ng Sermon sa Bundok ay siya nating maging inspirasyon sa harap ng mga hamon ng araw-araw na buhay. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Ama naming Diyos, salamat sa pagkakaloob Mo kay Hesus sa amin bilang dakila naming guro at perpektong halimbawang pamarisan. Ipagkaloob nawa sa amin ng Iyong Banal na Espiritu ang kailangan naming lakas para isabuhay ang mga katotohanang sinariwangayon. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 15, 2020 at 11:53 am

REFLECTION: The Gospel today has two options. The first option is the long and general one on Jesus’ teaching about the Law, while the second option is the short and specific one about that teaching. Whichever passage the Priest uses, the contents of the message of reflection are still present. For the Jews, the Torah is an important in their daily living, so they are to observe it devoutly and strictly so as not to disobey God’s commands. Originally God has given the Ten Commandments to Moses on Mount Sinai, but throughout the years, Jewish priests and leaders have added interpretations to the Law that made 613 rules. In the fullness of time when our Lord Jesus Christ to earth, he began his ministry of preaching with a large crowd gathered, which in Saint Matthew’s account is called the Sermon on the Mount. After preaching about the Beatitudes and the Salt and Light, he now preaches to them about the Law, but he clarifies that he has not come to abolish the Mosaic Law, rather he has come to fulfil it.
CCC 1972 teaches us that the New Law is called the laws of love, grace, and freedom. The law that we Christians follow now serves as strength of grace to act through faith and the Sacraments, means for us to love outside of fear, and a wider understanding to act freely outside the old practices of the Jews through charity and good works. Jesus gives three interpretations of the 5th Commandment (murder), 6th Commandment (adultery), and the 2nd commandment (promises and vows). These are ways for the Christian communities and other religious and secular communities to live harmoniously and justly among one another through observance of God’s law, avoidance of not only physical but also spiritual offenses against it, and manifestation of love, grace, and freedom. In Acts 15, the Pharisees demanded the Apostles that Gentile converts should be circumcised according to the Law just like the Jewish converts. But Saints Peter, James the Less, Paul, and Barnabas clarified that the Gentiles do not need to be circumcised in order to be part of the Church, but rather through baptism and profession of their faith in Jesus Christ.
The world today is composed of civil and ecclesiastical laws. Governments and other ideologies of countries set in a Constitution of laws for their citizens to follow in order for citizens and tourists to have a civilised and secure way of living. The Church has a set of laws for the people to observe in terms of the doctrines of the faith, which are composed of the Canon Law. Different conciliar documents are formed for specific interpretations of a particular doctrine, and one of them is the General Instruction of the Roman Missal (GIRM) for the Celebration of the Holy Eucharist. But there is also what we call the “Natural Law”. CCC 1954-1960 teaches us that the Natural Law is sharing in the goodness and wisdom of God the Creator and discerning what is good and evil. It is not called ‘natural’ because it pertains to nature, but it is called such because it refers to the reasoning and conscience of man to know and apply what is right according to God’s will. It also enables us to acknowledge and correct which laws are burdensome to some members of a society. This is what Jesus reminds us in the Gospel, that our conscience and observance should surpass over the authorities of the scribes and Pharisees, for their religious observances are just made to please God and win praise of the public, yet they don’t even observe their 613 interpretations of the Torah. The Eternal Law is not just only about observances, T/traditions, and rules, but it is also about the morality of the conscience and the sincerity of heart. We have to decide what is right and pleasing to God not only by the rules and laws of the world, as guided by the Natural Law. As Christians, our relationship with one another and other religions should be manifested with respect, justice, and unity. And we should also promote God’s law of love, grace, and freedom in our everyday lives.

Reply

Reynald Perez February 11, 2023 at 1:37 pm

PAGNINILAY: Sadyang mayroong kahabahan ang ating Ebanghelyo ngayong araw, na binibigay sa atin ang mga makabagong pagsasabuhay ng Kautusan ng Diyos bilang mga Kristiyano, mga minarapat na tawaging inangking anak ng Diyos na siyang ating Ama. Sa kapanahunan ni Hesus, mayroong 613 alintunin na dapat sundan ng mga Hudyo, na sa katagalan ng panahon, naging mga interpretasyon ng mga pinuno ng Judaismo ang Torah ng Diyos (Sampung Utos). Dahil sa napakaraming utos na kinailangang sundan, tila nga ba’y nakalimutan na nila kung ano dapat ang mangibabaw sa kanilang pagsunod. Kaya itinuturo ni Hesus na hindi siya naparito upang pawalang-bisa ang Kautusan, kundi tuparin ito. At ang kanyang pakikipagtupad sa Kautusan ay ihango ang mga utos ng Diyos sa pag-ibig, pagpapala, at kalayaaan ng kalooban. Kaya ang mga ipinagbabawal na paglabag katulad ng pagpapatay (ika-5), pakikiapid (ika-6), at pagsisinungaling (ika-8) ay kanya namang hinihikayat ang kabutihan at kagandahang-loob katulad ng pakikipagkasundo sa kagalit, pagiging matapat sa pinatibayang pagsasama ng Diyos sa Sakramento ng Kasal, paninindigan sa katotohanan, at iba pang mabuting asal. Kaya ang hamon ni Hesus sa napakaraming taong kanyang pinararangalan sa bundok ay higitan ang karunungan at katuwiran natin kaysa dun sa pag-iisip at pamamalakad ng mga eskriba at Pariseo. Laganap noon ang hidwaan sa pagitan ni Hesus at ng mga pinuno ng Judaismo, na malakas ang pagbibintang sa kanya ng paglalabag at hindi awtorisadong pagbabago sa Kautusan ni Moises. Ngunit sa kabila ng kanilang mga maitim na balak, patuloy na lumaganap ang popularidad ni Hesus sa mga tao, at alam natin na karamihan sa kanila ay sumasampalataya na siya ng Kristo, ang Anak ng Diyos. Kaya palagi silang pinaaalahanan ng Panginoon na maging masunurin sa kalooban ng Diyos at gawin ang lahat ng mabuting bagay alang-alang sa kagandang-loob ng Diyos na ito.

Mga kapatid, maraming batas, regulasyon, alintuntunin, at tagubilin ang sinusundan natin, sa Estado, paaralan, trabaho, pampublikong lugar, at pati na rin sa Simbahan. Ang mga ito’y nagsisilbing gabay natin upang mamuhay tayo nang maayos, may displina, may dignidad, at may paggalang hindi lang sa nakakataas, kundi pati na rin sa kapwa tao. Kaya’t magandang paalala sa atin ni Kristo na sa pagsunod natin sa bawat utos at batas ng buhay, huwag nating kalimutan ang kagandahang-asal dapat nating ipahayag para sa ikaluluwalhati ng ating Diyos Ama. Hindi lang tayo sumusunod dahil estrikto ang pagpapatupad ng bawat titik ng isang batas (letter of the law), kundi buong kalooban nating isabuhay ang diwa ng Kautusan (spirit of the law). At higit sa lahat ng utos ang atas ni Hesukristo na katulad ng Santatlong Diyos, tayo rin ay nawa’y magmahalan.

Reply

Ervi February 11, 2023 at 6:29 pm

Napakahirap magtimpi pero ito ang kailangan ng lahat na sumusunod sa yapak ni Hesus. Darating ang mga pagsubok hanggang sa manikluhod tayong lahat sa Diyos upang Siya ang gumanap sa ating paghihirap sa mundong ito.
Mahal tayo ng Diyos huwag tayong tatalikod. Harapin natin ang mga kaginhawahan at kagipitan ng mundong ito ng lumabas sa atin ang pagiging Kaisa sa tungkulin ni Kristo, ng mga Alagad, ng mga Anghel, santo at santa.
Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: