Podcast: Download (Duration: 6:28 — 8.3MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Patnubay sa Misa
Di madali ang pagiging isang tunay na disipulo ng Panginoon at isang apostol, pagkat inaasahang ganap nating isabuhay ang Ebanghelyo. Sa ating kahinaan, manalangin tayo:
Panginoon, gawin mo kaming asin at ilaw sa sanlibutan!
Nawa ang Simbahan ay manatiling tapat sa sarili at sa pagtupad sa misyong inihabilin sa kanya ng Panginoong Hesus. Manalangin tayo!
Nawa ang Santo Papa, mga Obispo, ang kaparian at relihiyoso ay laging maging inspirasyon sa buong pamayanang Kristiyano. Manalangin tayo!
Nawa pukawin ng Banal na Espiritu ang lahat ng tao sa kabanalan ng buhay mula sa paglilihi hanggang kamatayan, at tulungan ang lahat sa ganitong pagpapahalaga. Manalangin tayo!
Nawa pahalagahan ng mga magulang ang kaloob na mga anak at palakihin ang mga itong mabubuti at tapat na Kristiyano. Manalangin tayo!
Nawa mapag-isip ng mga natutuksong magpalaglag ng kanilang anak ang kabigatan ng ganitong kasalanan, at sa halip ay maging bukas nawa silang ipaampon na lang ang kanilang anak. Manalangin tayo!
Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!
Panginoong Hesus, totoong ilaw ng sanlibutan, gawin mo kaming matatag sa pagtupad sa aming tungkuling maging asin at ilaw sa sanlibutan. Tulungan mo kami sa pagsisikap na makasunod sa iyong halimbawa at paglabanan namin ang moral na kadilimang bumabalot sa amin. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.
Amen!
Pages: 1 2
« Sabado, Pebrero 4, 2023
Lunes, Pebrero 6, 2023 »
{ 2 comments… read them below or add one }
Sa Ebanghelyo (Mateo 5:13-16), hinihikayat tayo ng Panginoong Hesus na maging asin ng mundo at ilaw ng salibutan. Ang dalawang imahen ng asin at ilaw ay mahalaga sa buhay pangKristiyano sapagkat ang asin ay sumisimbolo sa pagbibigay-lasa sa mga pagkain, at ang ilaw naman ay sumisimbolo sa pagliliwanag nito. Ang asin na nagpapalasa ng pagkain ay tanda sa atin na kailangan magbigay kulay ang tamis nito sa paggawa ng makabuluhang bagay tungo sa ating kapwa at pati na rin sa Diyos. Ang ilaw na lumiliwanag sa kadiliman ay hudyat sa atin na kailangang magningning si Kristo sa atin upang siyang maging dahilan ng ating mga mabubuting gawain sa ikaluluwalhati ng Ama, at hindi lang pagpapakitang-tao. Kaya nga sa Unang Pagbasa (1 Hari 17:7-16), narinig natin kung paanong tinanggap ng biyuda ng taga-Zarepat sa kanyang bahay si Propetang Elias. Bagamat siya ay isang balo na hindi inaasan daw ng mga tao na matulungan, siya pa mismo ang nagpakain kay Elias nang may katapatan sa Panginoong Diyos. Kaya nga hindi mauubos ang harina sa loob ng lalagyan gaya ng ipinangako ng propeta na galing mula sa Diyos. Kaya nawa’y isabuhay natin ang diwa ng pagiging tunay na Kristiyano na ay natutunghayan sa palaging sumusunod sa kalooban ng Diyos. At ang hamon sa atin sa pagsasadiwa ng kalayaan ay galing mismo kay Hesus, na maging asin ng mundo at ilaw ng sanlibutan.
Please Share and Subscribe our Daily Gospel Reflection.
“SAINTSPOT” on Youtube | https://www.youtube.com/watch?v=GXRKvJub5NI
“Kayo ang ilaw ng sanlibutan”.
Isa sa mga pangunahing misyon na natanggap nating lahat sa buhay ay ang pahintulutan ang liwanag ng biyaya ng Diyos na “sumikat sa harap ng iba.” Ang resulta ng pagtupad sa misyong ito ay makikita ng iba ang ating mabubuting gawa na kinasihan ng Diyos, at luluwalhatiin nila ang Ama sa Langit. Kaya, ang iyong misyon ng pagpapasikat ng liwanag ni Kristo para sa iba ay nagreresulta sa pagpupuri at pagluwalhati sa Diyos.
Kapag ginagampanan natin nang wasto ang ating tungkulin bilang liwanag ng mundo, ay magniningning ang Liwanag ni Kristo, ito’y magbibigay-inspirasyon sa iba at luluwalhatiin nila ang Diyos. Pag nangyari iyon, tayo ay nakikibahagi sa kaluwalhatian ng Diyos.
Ang kanilang “pasasalamat” ay isang gawa ng pagluwalhati sa Diyos kapag nauunawaan nila na ikaw ay kumilos dahil sa pag-ibig sa Diyos. . Ang Diyos ay napupuri kapag tayo, ay nagbibigay at tumatanggap ng pagmamahal at pagpaparangal sa isa’t isa dahil sa ating pananampalataya.
Pagnilayan, ngayon, ang dalawang bagay. Una, tinawag ka ng Diyos upang ibahagi ang Kanyang liwanag. Sa iyong buhay ba, sino ang nangangailangan ng isang pagmamahal, pang-unawa, awa, kapatawaran o habag? Italaga ang iyong sarili na maging liwanag ng Diyos para sa kanila sa kanilang kadiliman. Ikalawa, paano ka tumutugon kapag nakikita nila ang liwanag ng Diyos at ikaw ay pinasasalamatan? Sana ang iyong tugon ay isa sa isang pasasalamat na hindi lamang nagbabalik ng pagmamahal sa kapwa kundi niluluwalhati din ang Diyos sa pamamagitan ng iyong pasasalamat.
Panginoon, Ikaw ang tunay na Liwanag Na nag-aalis ng bawat kadiliman sa buhay. Ikaw ang Liwanag ng aking buhay at nagniningning nang maliwanag para makita ng lahat. Tulungan mo akong makita ang Iyong liwanag habang ito ay sumisikat sa iba at luwalhatiin Ka para sa kaloob na iyon. At tulungan mo akong maging instrumento ng Iyong liwanag sa mga taong higit na nangangailangan nito. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.