Linggo, Abril 3, 2022

April 3, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Ika-5 Linggo ng Kuwaresma (K)

Pinasisigla ng habag na ipinakita ni Hesus sa makasalanang babae, tayo’y lumapit sa kanya at idulog ang ating mga kahilingan para sa ating mga pangangailangan at mga pangangailangan ng sangkatauhan. Sabay-sabay nating idalangin:

Mahabaging Hesus, dinggin mo kami!

Para sa Simbahan na tagapag-ingat sa kautusang moral: Nawa, habang matibay na naninindigan sa mga prinsipyong moral, magpakita siya ng pang-unawa at kahabagan niya ang mga taong di naging tapat sa mga gayong prinsipyo, manalangin tayo!

Para sa lahat ng nagsisikap mabuhay nang malinis at marangal: Nawa mapagtagumpayan nila sa tulong ng biyaya ng Diyos at tulong ng pamayanang Kristiyano ang mga panlabas na tukso at mga pansariling kahinaan, manalangin tayo!

Para sa mga naging biktima ng kapusukan ng tao: Nawa makatagpo sila, sa awa ng Diyos at habag natin, ng lakas na kailangan nila upang magpanibagong buhay, manalangin tayo! B.

Para sa mga pamilya at komunidad na nabiktima ng digmaan: Nawa’y ang paggalang sa isa’ t isa, ang pagpapahalaga at pagkakaisa ay magbigay-daan sa kanila na muling buuin ang kanilang buhay, sa pagkakaisa at kapayapaan, manalangin tayo!

Para sa lahat ng kumakandidato para sa paglilingkod-bayan: Nawa maging matatag ang kanilang kapasiyahang maglingkod sa bayan kaysa kapakanan ng sarili o ng kanilang partido at mga kaibigan, manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil sandali.)
Manalangin tayo!

Ingatan mo, Panginoon, at patnubayan kami sa landas ng habag at awa sa aming kapwa. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Melba G. De Asis April 7, 2019 at 5:23 pm

Ang Diyos ay maunawain at mapagpatawad sa mga makasalanan. Nawa’y magawa din nating unawain ang mga taong nakakagawa ng hindi maganda, bagamat sila’y nagkasala madalas ay meron mabigat na dahilan kaya sila ay nakagawa ng masama. Nawa’y maakay natin sila sa magandang gawain
at nawa’y huwag na nilang ulitin ang gumawa ulit ng hindi kalugod lugod sa mata ng Diyos. Amen.

Reply

Reynald Perez March 27, 2022 at 3:03 pm

PAGNINILAY: Ang Ika-5 Linggo ng Kuwaresma ay ang huling linggo bago sumapit ang Mahal na Araw. Ito ang pagsisimula ng tinatawag na “Passiontide” bilang pag-alalang tayo’y malapit nang gunitain ang mga huling sandali na kung saan naisakatuparan na ang kalooban ng Diyos Ama sa pamamagitan ng Misteryong Paskwal ni Kristo: ang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay. Kaya kung papansin po natin, ang mga imahe at krusipiyo ay tinatakpan ng lilang tela. Ayon sa Juan 8:58-59, si Hesus kasama ang kanyang mga Apostol ay nagtago mula sa tangkang pambabato sa kanya ng mga Hudyo. Hindi dahil takot siya, kundi ito’y paghahanda ng oras ng kalooban ng Diyos. Kaya ngayong Kuwaresma at Semana Santa, kung si Kristo ay nakatago, ganun rin ang kanyang mga lingkod, upang matunghayan natin ang kanyang kaluwalhatian sa Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Ang ating Ebanghelyo ngayon ay nagpapatunay na ang Diyos ay Panginoon na matuwid at maawain. Habang si Hesus ay nangangaral sa Templo noong umagang iyon, dinala sa kanya ng mga eskriba at Pariseo ang isang babaeng nahuling nakikiapid. At ayon sa Kautusan ni Moises, ang parusa ng pangangalunya ay kamatayan sa pamamagitan ng pambabato. Ginamit ang babaeng iyon upang mapahamak si Hesus, ngunit alam ng Panginoon ang kanilang mga intensyon. Kung sabihin niya “Oo,” parang ang mga tao ay mawawalang gana ng pakikinig sa kanyang ministeryo ng pagmamahal at awa. Ngunit kung sabihin niya “Hindi,” ito ay gagamitin ng mga pinuno laban sa kanya na siya’y lumabag sa Kautusan ni Moises upang ipahuli siya sa mga Romano. Imbes na sagutin sila, nagpatirapa si Kristo at nagsulat sa lupa. At siya’y tumindig na nagpahayag na sinumang walang kasalanan ang unang bumato sa babae. Kaya nagpatirapa at sumulat siya muli. At ayon sa mga eksperto sa Bibliya, ang isinulat niya sa sahig ay ang kasalanan ng mga tao, pati na ang mga Pariseo at eskriba. Kaya sila’y nagsialis. Hindi ba dito natatapos ang kwento. Tiningnan ni Hesus ang babae na hindi niya pinaparusahan nito, ngunit humayo at huwag nang magkasala pa.

Kaya makikita natin kay Kristo ang mukha ng Awa at Katarungan ng Diyos. Ang Diyos na maawain sa ating kahit tayo’y nagkasala ay siya ring Panginoon ng katuwiran na matuwid ang kanyang kalooban upang manaig ang kabutihan. At mayroon tayong kasabihan: “Love the sinner, but hate the sin.” Minsan kasi ang tao ngayon ay nagsasabing “Don’t judge,” ngunit di lingid sa kanya na ito ay isang daan patungo sa paggawa pa ng isang kasalanan. Kaya kung mahal natin ang mga taong tumalikod na nais natin maramdam nila ang pagmamahal ng Diyos, tayo rin ay tinatawag na tanggihan ang anumang uri ng kasamaan ng mundo. Kaya ipinapaaala ni Propetang Isaias sa Unang Pagbasa na huwag nating alalahanin ang ating mga kasalanan, kundi ang tandaan natin palagi ay ang pagmamahal ng Diyos na natupad sa pamamagitan ng kanyang Anak na nag-alay ng kanyang buhay upang tayo’y mailigtas. Ito’y katulad rin ng pagkasagip ng mga bihag na Israelita sa Babilonia na patuloy na nakikitipan ang Diyos sa atin upang tayo’y marapatin na maging kanyang mga anak. At kaya hinihikayat tayo ni San Pablo na habang tayo’y nagtitiis sa mundong ito, nawa’y palagi nating makamit ang mga bagay na makalangit na siyang handog sa atin ni Hesukristo.

Reply

ruel arcega April 2, 2022 at 9:14 am

Tayo ay nasa huling linggo bago ang pagpasok natin sa tinatawag na Mahal na Araw. Sa huling linggong ito ay mula sa ebanghelo ni San Juan kapitol 8 saan pagkatapos na si Hesus ay manalangin sa bundok na olivo, at alam natin sa lugar na ito saan si Hesus ay nakikiniig sa kanyang Ama lalo na sa papalapit na kamatayan niya. saan siya ay dadakpin upang patayin. At heto nang si Hesus ay pumunta sa templo sa Jerusalem, at nangangaral ay dinala sa kanya ng mga paraseo ang isang babaing nahuling nakikiapid, dahil ayon sa turo at batas ni Moses na ang isang babaing nahuling nakikiapid ay hahatulan ng pagbato sa labas ng bayan hanggang mamatay. Isang delema para kay Hesus. Kaya’t siya sumulat sa lupa, maraming kahulugan ang pagsulat ni Hesus sa lupa, Ang pagsulat ni Hesus sa lupa ay maaring ang pagpapanibagong batas na ayon sa kalooban ng Diyos. At ito ay paglikha ni Hesus ng bagong buhay para sa atin. At anu yon? Bagong buhay, sa isang taong nagkasala sa pamaraan ng pagmamahal at awa. Kaya’t sinabi niya sino sa inyo walang kasalanan ang unang bumato sa taong ito. At walang nangahas na bumato sa babaing ito , at isa-isang umalis mula sa matanda hanggang sa bata. Kaya’t ipinaaala ni Hesus sa kanila na naparito ang anak ng Tao upang iligtas tayo sa kasalana. Kaya’y silang lahat ay naligtas sa kasalanan hindi lang ang babaing ito.Lahat na naroon dahil bilang ang kasalanan nila. Ang batas ni Moses ay gawa upang bigyan pansin ang bigat ng kanyang kasalanang ginawa hindi upang lalong pabigatin ang kasalan na tao Ngunit ang paraan na ginawa nila sa babaing ito ay hindi na mas mabigat ang kasalanan nila kaysa pakikiapid, dahil walang silang pag-ibig sa kapwa. Di ba sabi ni Hesus ang pinaka mahalangang utos ay ibigin ang Diyos at ibigin ang iyong kapwa . Sa paraan na ipinakita nila ay nilabag nila ang ibigin ang kapwa na siya naman na ipinakita ni Hesus sa babaing ito. Kaya’t anu sinabi ni Hesus sa babae , hindi kita hahatulan sa halip ipinadama ni Hesus ang kailaangan nang babae para magbagong buhay na dahilan ng kanyang pakikiapid, ang pagmamahal at awa. Na isang naramdaman at nakita ng babae kay Hesus. Sabi nga itong babae ito ay naging taga sunod ni Hesus. Kaya’t nais nang linggo ito na ipadama sa atin na paano tayo husgahan ng Diyos hindi sa kasalanan nagawa mo kung hindi paano ang Diyos magmahal at unawain tayo at kaawaan upang hindi na tayo magkasala. Ito rin ang dapat ginawa natin sa’ting kapwa na nagkakasala. Iligastas siya at tulungan ilapit kay Hesus.

Reply

Guendolyn Chiong April 3, 2022 at 11:02 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: