Sabado, Oktubre 23, 2021

October 23, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Ang Diyos ay mapagtiis at mulat sa ating mga paghihirap. Manalangin tayo sa kanya upang tulungan niya tayo sa daan ng pagbabago at pagbabalik-loob.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Maging karapat-dapat nawa kami sa iyong mga biyaya, Panginoon.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y humikayat sa atin sa mas maalab na debosyon kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga komunidad nawa’y makamit ang bunga ng sama-samang pananalangin at pagbabalik-loob, at harapin ang luklukan ng paghahatol ng Diyos nang may katapatan ng puso at kababaan ng kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may pusong hungkag at nanlalamig nawa’y mapag-alab natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa nawa’y magkaroon ng lakas na tumawag sa Panginoon na malapit sa atin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makita ang mukha ni Jesus at manatili sa kanyang presensya magpakailanman, manalangin tayo sa Panginoon.

Mapagmahal na Ama, tanggapin mo ang mga panalangin ng iyong nagbabalik-loob na bayang lumalapit sa iyo nang may kababaang-loob at pananampalataya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 19, 2021 at 9:24 am

PAGNINILAY: Ang Diyos ay puno ng awa at habag sa atin sa kabila ng ating mga pagkakasala at pagkukulang sa buhay. Makikita natin sa Ebanghelyo ang mga tao ay lumapit kay Hesus upang ibalita sa kanya ang mga Galileong ipinatay ni Poncio Pilato habang naghahandog sa Diyos. Kaya’t tinanong sila ni Hesus kung ang mga Galileong pinaslang ay makasalanan ba o hindi, o kaya mas higit pa ba ang kasalanan ng mga taong taga-Siloe na nabagsakan ng torre. Ang sagot niya diyan ay hindi palaging ganyan ang interpretasyon. Bagkus inanyayahan niya sa mga tao na sa totoong buhay kung hindi sila magsisisi, mapapahamak sila. Kaya’t ikinuwento ng Panginoon ang Talinghaga ng Puno ng Igos na hindi magbunga. Makikita natin sa talinhagang ito na halos hindi nang makatimpi ang may-ari ng ubasan nang ipautos niya na iputol ang puno ng igos na tila walang pag-asang magpabunga. Ngunit ang naging tugon ng hardinero sa kanyang amo na huwag po munang putulin, at hayaan pa ng iilang araw ang puno kung ito’y magpapabunga ng igos, at kung hindi ay saka na lang maaring putulin ito.

Ang parabula ay may koneksyon sa kasaysayan ng kaligtasan ng tao. Ang Diyos Ama ay ang may-ari ng ubasan na ibig sabihin na hawak niya ang mundo sa kanyang mga kamay at umaasang may mabubuting bunga mula sa bawat panig ng mundo. Ang puno ng igos ay tayo mismo sapagkat inaasahan tayo ng Diyos na mamunga nang masagana upang maghari nawa ang kabutihan at katuwiran ng puso sa bawat isa. Ngunit ang bawat punong hindi mamunga o kaya magpabunga ng masasamang binhi ay mga taong nagsuway na sa kanya at pinili ang daan ng kasama.

Kaya nga ang tagapag-alaga ng mga punong ito ay walang iba kundi si Hesus. Dahil sa kanyang lakas ng loob na tuparin ang dakilang kalooban ng kanyang Ama, pinatunayan niya sa pamamagitan ng kanyang buhay kasama ang naging hantungan ng pag-aalay nito sa Krus ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na patatagin muli ang ating pananampalataya. Ito ang kaligtasang niloob sa atin ng Ama na patuloy niya tayong minamahal kahit sa mga pagkakataong hindi tayo’y naging tapat sa kanya. At mayroon tayong mga pagkakataon upang pagsisihan ang bawat kasalananang ating ginagawa at ang bawat kabutihang hindi natin/kinakalimutang gawin. At kapag tayo ay tunay na nagsisisi sa ating mga kasalanan at nagbabalik-loob sa Panginoon, tayo ay inaanyahan na patuloy na mamuhay na naayon sa kanyang mga pamantayan.

Reply

Gigi Calampinay October 21, 2021 at 1:18 pm

Magandang araw po. Maaari ko po bang malaman kung ano po ung ibig sabihin nung “malapit” sa Panalangin ng Bayan, Oktubre 23, 2021? Pang 4 na panalangin po.

Reply

Editor, Awit at Papuri Communications October 21, 2021 at 1:58 pm

Isang mapagpalang araw! Maaari pong patungkol ito sa katangian ng ating Panginoon — “malapit” o “near” o kaya “close” sa Ingles. Ibig sabihin, madaling tawagan ang ating Panginoon dahil malapit siya sa ating piling. Handa Siyang damayan tayo lalo na ang mga nagdurusa. Sana nakatulong po.

Reply

Cora Galang Orense October 23, 2021 at 9:15 am

Sa atin pong nabasang ebangelio ngayon, ay nais po tayong paalalahanan Ng Diyos na tayong lahat ay makasalanan. Ngunit sa awa at habag Ng ating Panginoon Tayo ay naligtas at muling nabigyan Ng pagasa.ipinapaalala Rin sa atin na Tayo ay nararapat na manatili sa kanya, sapagkat Tayo bilang mahina sa tawag Ng laman ay napakadali Ring muling magkasala.kaya Naman Tayo ay inaanyayahan nyang magsisi sa ating MGA Sala upang maigawad nya ang kapatawaran sa atin . Tayong lahat ay nilikha nya at para sa kanya Kaya’t Tayo ay diringgin nya Kung Tayo ay tatawag sa kanya.napakasarap na isiping kasama natin ang Diyos na makangyarihan sa lahat,ang Diyos na lubos na nagmamahal sa atin,sikapin po natin sa ating sarili, sa tulong Ng bawat isa at higit sa lahat sa tulong at awa Ng Diyos ay makapamuhay Tayo Ng nararapat sa kanya.Huwag po natin sayangin ang buhay na ibinuhos ni Jesus para lamang sa ating kaligtasan sapagkat nais nyang Tayo ay mabuhay Ng Puno Ng saya at pagasa. Have a nice day po MGA kapatid, ingat po tayong lahat!??

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: