Lunes, Setyembre 27, 2021

September 27, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Manalangin tayo sa Ama upang maging karapat-dapat tayo na maging kanyang mga anak.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Walang hanggang Ama, nananalig kami sa iyo.

Ang Simbahan nawa’y maging tunay na instrumento ng pagpapalalim ng pananampalataya ng mga bata, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng gobyerno nawa’y magpakita ng tunay na malasakit para sa kasiguruhan ng mas mabuting kinabukasan ng lahat ng bata. Maging ligtas nawa ang mga bata sa lahat ng uri ng pang-aabuso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y magturo sa kanilang mga anak ng tamang panuntunan na dapat pahalagahan at itaguyod ang kanilang edukasyon at pagsasanay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, tulad ng mga bata, nawa’y magkaroon ng pananalig sa Diyos Ama na nagmamalasakit sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maakay muli sa tahanan ng Diyos Ama sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama pakinggan mo ang panalangin ng iyong mga anak na nananalig sa iyo. Bigyan mo kami ng kaloobang tulad ng sa bata sapagkat para sa mga tulad nila ang iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 29, 2019 at 11:18 pm

agninilay: Marami tayong kilalang sikat na tao. Sa larangan ng basketbol, naroon sina LeBron James, Kobe Bryant, Michael Jordan, Stephen Curry, Marc Pingris, Andray Blatche, James Yap, Benjie Paras, Samboy Lim, at marami pa. Sa larangan ng negosyo, naroon sina Henry Sy, Sr., John Gokongwei, Tony Tan Caktiong, Andrew Tan, Lucio Tan, Zobel de Ayala, Bill Gates, Warren Buffet, Steve Jobs, at marami pa. Sa larangan ng showbiz at entertainment (kanta, sayaw, arte, atbp.), naroon sina Nora Aunor, Regine Velasquez, Lea Salonga, Governor Vilma Santos, Gary Valenciano, Martin Nivera, Dolphy, Kuya Germs, at marami pa. Sa larangan ng politika, naroon ang mga dating Pangulo ng Pilipinas at ang kasalukuyang si Pangulong Rodrigo Duterte at ang dating Pangulong Noynoy Aquino, ang Pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump at ang dating Pangulong Barrack Obama, ang Punong Ministro ng Russia na si Vladimir Putin, ang Punong Ministro ng Hapon na si Shinzo Abe, at marami pa. At sa larangan ng Simbahan naman, naroon sina Kardinal Tagle, Papa Francisco, Papa-emerito Benedicto XVI, at marami pang mga obispo at pari.
May mga iba pang kilalang personalidad ng karamihang tao sa iba pang mga larangan. Pero paano ba sila naging ganyang kilala ng napakaraming nagmamahal at nagsusuporta sa kanila? Bakit ba nga sila patuloy na nagiging inspirasyon? Sa ating Ebanghelyo (Lucas 9:46-50), nagtatalo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila. Kaya’t napansin ito ni Hesus at tumawag siya ng bata at pinalapit ito sa kanya. Inihantulad niya ang Kaharian ng Diyos sa isang bata dahil ang mayroon ito ay ang pagiging magpakumbaba at masunurin. Kaya nga itong mga sikat na tao sa Bibliya ay nagmula sa isang simpleng pamumuhay, at naging tapat sila sa pagiging mga mabuting anak sa kanilang mga magulang. Ganun din dapat tayo sa ating buhay. Kailangan natin maging katulad ng mga bata. Hindi itong nangunguhulugan na magkulitan at magharutan tayo, kundi maging magalang, masunurin, at matulungin sa ating mga kapwa dahil ang mga ito ay itinuro sa atin ng ating mga magulang at mas nakakatanda sa atin (hal. guro at pari). At dito natin masasabi na dakila tayo sa harap ng Diyos. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa tayo’y maging mga anak ng Diyos na magpakumbaba at masunurin. At kahit tayo’y dakila na, nawa’y sikapin din nating tumulong sa ating mga kapwa, lalung-lalo na ang mga nangangailangan.

Reply

Mylene Farinas September 30, 2019 at 7:30 am

Great is your love Oh Father God! You are so eager to show how much you would like to take care of us and save us from our enemies. How you would like us to live long and have a good life. If only we can live like children, full of trust in you. Hlep us to humble ourselves before you. Amen.

Reply

Mark Jefferson Criste August 2, 2021 at 9:10 am

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez September 26, 2021 at 3:47 pm

PAGNINILAY: Marami tayong kilalang sikat na tao. Sa larangan ng basketbol, naroon sina LeBron James, Kobe Bryant, Michael Jordan, Stephen Curry, Marc Pingris, Andray Blatche, James Yap, Benjie Paras, Samboy Lim, at marami pa. Sa larangan ng negosyo, naroon sina Henry Sy, Sr., John Gokongwei, Tony Tan Caktiong, Andrew Tan, Lucio Tan, Zobel de Ayala, Bill Gates, Warren Buffet, Steve Jobs, at marami pa. Sa larangan ng showbiz at entertainment (kanta, sayaw, arte, atbp.), naroon sina Nora Aunor, Regine Velasquez, Lea Salonga, Governor Vilma Santos, Gary Valenciano, Martin Nivera, Dolphy, Kuya Germs, at marami pa. Sa larangan ng politika, naroon ang mga dating Pangulo ng Pilipinas at ang kasalukuyang si Pangulong Rodrigo Duterte at ang dating Pangulong Noynoy Aquino, ang Pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump at ang dating Pangulong Barrack Obama, ang Punong Ministro ng Russia na si Vladimir Putin, ang Punong Ministro ng Hapon na si Shinzo Abe, at marami pa. At sa larangan ng Simbahan naman, naroon sina Kardinal Tagle, Papa Francisco, Papa-emerito Benedicto XVI, at marami pang mga obispo at pari.

May mga iba pang kilalang personalidad ng karamihang tao sa iba pang mga larangan. Pero paano ba sila naging ganyang kilala ng napakaraming nagmamahal at nagsusuporta sa kanila? Bakit ba nga sila patuloy na nagiging inspirasyon? Sa ating Ebanghelyo (Lucas 9:46-50), nagtatalo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila. Kaya’t napansin ito ni Hesus at tumawag siya ng bata at pinalapit ito sa kanya. Inihantulad niya ang Kaharian ng Diyos sa isang bata dahil ang mayroon ito ay ang pagiging magpakumbaba at masunurin. Kaya nga itong mga sikat na tao sa Bibliya ay nagmula sa isang simpleng pamumuhay, at naging tapat sila sa pagiging mga mabuting anak sa kanilang mga magulang.

Ganun din dapat tayo sa ating buhay. Kailangan natin maging katulad ng mga bata. Hindi itong nangunguhulugan na magkulitan at magharutan tayo, kundi maging magalang, masunurin, at matulungin sa ating mga kapwa dahil ang mga ito ay itinuro sa atin ng ating mga magulang at mas nakakatanda sa atin (hal. guro at pari). At dito natin masasabi na dakila tayo sa harap ng Diyos. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa tayo’y maging mga anak ng Diyos na magpakumbaba at masunurin. At kahit tayo’y dakila na, nawa’y sikapin din nating tumulong sa ating mga kapwa, lalung-lalo na ang mga nangangailangan.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño September 27, 2021 at 10:01 am

Sinabi sa Unang Pagbasa “ Marami na uling makikitang matatandang babae’t lalaking nakatungkod na naglalakad sa mga plasa at lansangan. Ang mga lansangan ay mapupuno ng mga batang naglalaro”. Napapanahon ito, ngayong may pandemya ay ipinagbabawal ang paglabas ng mga matatanda ta mga bata. Isa itong patunay na matatapos din ang pandemya, wag tayong mawawalan ng pag asa, kailanangan lamang ay sama samang manalangin at lahat. Magtiwala tayo sa Panginoon at sundin ang kalooban nya at mangyayari ito, muling makakapagpahangin ang matatanda at makakapasyal ang mga bata.
Sa ating ebanghelyo namang hamon ay magpakababa katulad ng mga bata, tanggapin ang mga bata o ang mga pinakahuli, pinaka aba at pinakamaliit sa lipunan, at tularan ang mga bata sa pagiging mapagpatawad.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: