Sabado, Abril 24, 2021

April 24, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sabado

Inihahatid sa atin ni Kristo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan at tayo ay sumasampalataya. Bunga ng pananampalatayang ito, may pagtitiwala tayong nagsumamo sa ating Ama sa Langit na dinggin ang mga panalangin ng pamayanang ito.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin mo kaming tapat sa iyong Anak.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y sumunod sa Panginoon nang buong puso, isip, at lakas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng mga bansang nagdaranas ng kaguluhan nawa’y walang patid na magsikap na makapaghatid ng kapayapaan at katarungan sa kanilang mga bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maunawaan na ibinibigay ng Diyos ang pinakadakilang katunayan ng kanyang pag-ibig sa nananatiling presensya ng Banal na Sakramento, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nagdurusa sa matagal nang karamdaman nawa’y magkaroon ng kapayapaan ng damdamin na dulot ng nagbibigay-ginhawang mga salita ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y magtamasa ng walang hanggang kapayapaan kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, nasa iyong Anak ang mga salita ng buhay; wala kaming patutunguhan kundi sa kanya. Iniaalay namin ang aming mga panalangin sa ngalan niya na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 15, 2021 at 10:04 am

PAGNINILAY: Matapos ang ilang araw ng pagninilay tungkol sa Diskurso ng Tinapay ng Buhay ayon sa ika-6 na kabanata ng Mabuting Balita ni San Juan, dito natatapos ang teleseryeng ito. Malungkot man ang nangyari sa huli, mayroong nagbigay-liwanag sa buong teleserye. Nakita natin ang taong dating humanga kay Kristo dahil sa tinapay na bumusog sa kanila ay hindi inakala na si Hesus na Tinapay ng Buhay ang ibibigay sa kanila para nilang kainin. Parang niliteral nila ang mga salita ng Panginoon, kaya’t sila’y nag-aaway at nagdududa sa kanya. At hindi lang sila, kundi iilan sa mga tagasunod ni Hesus ay biglang nagduda at nais sumuko dahil sa mga salita ni Hesus.

Hindi nila naunawaan na ang mga salita ng Panginoon ay nagbibigay-buhay sa pamamagitan ng Espiritu Santo. At alam ni Hesus na iilan sa kanila ay iiwanan siya, kaya ganun nga ang nangyari. Ngunit nanatili ang 12 Apostol, kaya tinanong din sila kung aalis sila. Alam din ni Kristo na maraming pagkakataong hindi nauunawaan ng mga Apostol ang kanyang mga salita. Subalit sa kabila ng malungkot na pangyayari, parang isang kislap na nagbigay-liwanag sa buong diskurso. Ito ang pagtatapat nang buong pananampalataya ni San Pedro na wala silang mapupuntahan kundi sa Panginoong nagpapahayag ng mga salitang nagbibigay-buhay. At dagdag pa ni Pedro ang pananalig at katiyakan na si Hesukristo ay Anak ng Kataas-taasang Diyos.

Ito siguro ang maaaring hamon sa atin sa pagtatapos ng ating pagninilay tungkol sa diskurso ng Tinapay ng Buhay, na ang pakikinig at pagsasabuhay sa Salita ng Diyos ay isang panawagan upang maging “tinapay” sa bawat taong nakikisalamuha natin. Katulad ni Hesus na nagtatag ng Eukaristiya upang palusugin tayo ng kanyang Salita at Katawan, tayo rin ay inaanyayahang maging saksi ng Mabuting Balita at ipadala ang diwa ng Pakikinabang sa ating kapwa, lalung-lalo na sa mga nangangailangan.

Reply

Ma. Johanna L. Carvajal April 23, 2021 at 10:10 pm

Maraming salamat, Panginoon. Ikaw ang magbibigay ng buhay sa akin. Ako ay nanalig sa into any sa iyong mga salita. Patagonia mo Panginoon ang aking pananampalataya. Tulungan mo ako at ipagkaloob mo ang grasya ng pangunawa sa iyong mga salita. Ito ang aking hiking at panalangin sa iyong matamis na pangalan. Amen.

Reply

Sherwin D. Yanoria April 24, 2021 at 7:14 am

Nagdududa ka pa ba sa iyong pananampalataya sa Diyos. Tyao ay nilikhang kawangis ng Diyos may kalayaan at katalinuhan. MInsan nga lamang ang mga ito ay nagagamit sa kasamaan kaya nagkakasala ang tao. Ang Diyos ay tapat sa atin, ang lahat ng Kanyang mga pangako ay natupad. Kaya’t huwag mangamba sa halip tayo’y manampalataya. Ang Panginoong Hesus ay Siya noon, ngayon, at magpakailanman. Kaya naman kung ano ang kanyang kapangyarihan ay ibinahagi Niya sa mga apostol at sa lahat ng nananalig sa Kanya. Tanggalin ang mga pagdududa, kasama-sama pa rin natin ang Diyos, lalo na sa pinakamalungkot na bahagi ng ating buhay. Mahal Niya tayo at hindi Niya tayo pababayaan.

Reply

Ferdy Baetion Pariño April 24, 2021 at 11:32 am

Sa ebanghelyo binigyang diin ni Hesus ang pagtalikod ng dating mga naniniwala sa Kanya. Ano at nagkaroon ka ng pagdududa sa Diyos? Tumingin ka na lamang sa paligid, sa karagatan, sa himpapawid… sino sa palagay mo ang may kayang gumawa ng lahat na yan kundi ang Diyos. Hindi mabilang na klase ng hayop at halaman, sino ang may gawa nyan? Ang buwan ang araw at mga bituin,, ano’t nagdududa ka pa!?
Kapatid, tama si Pedro, walang iba as in wala ng iba pa tayong makakapitan kundi ang Panginoon. Manalig tayo at sundi ang kalooban ng Diyos, at MAHALIN ang Diyos. Sapagkat ang taong nagsasabing naniniwala sya sa Diyos ngunit hindi nagmamahal o sumusunod sa kalooban ng Diyos ay isang taong sinungaling.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: