Podcast: Download (Duration: 5:18 — 3.8MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules
Taglay ang pagtitiwala sa pagiging bukas-loob ng Diyos Ama na naghandog sa atin ng kanyang Anak sa Eukaristiya bilang pagkain para sa ating kaluluwa, ilapit natin sa kanya ang ating mga pangangailangan.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pagpalain mo kami sa Eukaristiya.
Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magpatotoo kay Jesus na siyang Tinapay ng Buhay sa mundong nagugutom sa kahulugan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y aktibong makisangkot sa paghahanap ng mga katugunan sa mga pangangailangan at kapakanan ng ating mahihirap na kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nag-aakalang hindi nila kailangan ang Diyos sa kanilang buhay nawa’y maakit na tumanggap ng Eukaristiya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y maranasan ang mapagmahal na presensya ni Kristo sa kanilang pagtanggap ng Eukaristiya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumaong tumanggap ng Tinapay ng Buhay nawa’y magkamit ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, gawin mo kaming tapat na nagpapasalamat para sa handog mong Eukaristiya na siyang nagbibigay ng pag-asa at kahulugan sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Lunes, Abril 19, 2021
Huwebes, Abril 22, 2021 »
{ 3 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Patuloy nating sinasariwa ang Muling Pagkabuhay ni Hesus ngayong Ikatlong Linggo bilang pagninilay sa diskurso tungkol sa Tinapay ng Buhay. Noong nakaraang Biyernes ay narinig natin ang pagpaparami ng tinapay at isdang nagpabusog sa higit ng 5,000 katao. Noong Lunes ay narinig natin ang paalala ni Hesus na sikapin ang pagkaing nagbibigay-buhay. At kahapon ay mismong idineklara ni Hesus ang kanyang sarili bilang Tinapay ng Buhay.
Ngayong araw na ito, patuloy itong deklarasyon ni Kristo tungkol sa kanyang sarili bilang tinapay na nagbibigay-buhay. Itong pagkakilanlan ni Hesus ay isang paanyaya ng pananampalataya, na kung saan tayong mga sumasampalataya ay hinihikayat na mas kilalanin pa natin siya nang buong pananalig. At kapag ginawa natin ito ay makikilala natin ang dakilang kalooban ng Diyos, na siya namang tinutupad ng Anak, ang ating Panginoong Hesus. At balang araw ay makakamtan natin ang buhay na walang hanggan sa katapusan ng ating mga buhay. Mga kapatid, maganda itong pahayag ni Kristo tungkol sa Tinapay ng Buhay.
Ang ating pananampalataya sa kanya ay isang paghahangad na mapabusog niya ang ating mga pagkagutom at pagkauhaw sa buhay. At makikita natin sa bawat pagdiriwang ng Eukaristiya ay pinapabusog tayo ni Hesus sa pamamagitan ng kanyang Salita at ng kanyang Katawan. ito ang biyaya ng buhay na nais niyang ipagkaloob sa atin. Ngayon naman kung tayo’y sumasampalataya na siya ang Tinapay na nagbibigay-buhay, paano kaya tayo patuloy na “nagbibigay-buhay” sa iba?
Mapalad ang mga taong nag-aalay ng buhay kay Kristo. Sila ay nasa tamang landas. Si Kristo ang kanilang ipinapangaral at ginagawang modelo ng buhay. Kaya naman sila ay napupuspos ng Espirtu Santo. Ang gusto lamang naman ng Diyos ay manalig sa Kanyang Anak na si Kristo, upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Kung kilala na si Kristo at nananalig na sa Kanya ay pangatawanan na niya ito. Dahil may mga pangyayari sa ating buhay na susubok sa ating pananampalataya, ayun sa ating kakayanan. Kaya nga naway mapagtagumpayan natin ang mga mapapait na pangyayari sa ating buhay, na may pagmamahal kay Kristo.
Sinabi ng Ama kay Hesus na wag nyang hayaaang mawala kahit isa sa mga binigay sa kanya; Lahat tayo ay nagkakasala ang iba’y talagang naligaw na ng landas, pero hindi tayo sinusukuan ni Hesus, iiwan nya ang 99 na tupa para hanapin ang isang nawawala. Patatawarin nya tayo at yayakapin muli upang di na maligaw ng landas at tuluyanh magkaroon ng relasyon sa kanya sa pamamagitan ng pagbabalik loob sa Diyos. Nung mga nakaraaang ebanghelyo ay nakilala ng mga apostol si Hesus si paghahati ng tinapay, Nawa’y tularan natin si Hesus sa paghahati ng tinapay at ipmahagi sa nagugutom, ibig sabihi’y share your blessing, the more you give, more blessing.