Huwebes, Abril 8, 2021

April 8, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Huwebes

Inihahayag ng karunungan ng Banal na Kasulatan ang plano ng Diyos para sa atin. Sa ating paglalakbay kasama ni Kristo, idalangin natin na sa bawat araw, higit na maging maliwanag ang kanyang daan ng buhay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, manatili ka sa aming piling.

Bilang isang Simbahan, nawa’y maging tapat kami sa pagpapahayag sa ebanghelyo ng pagsisisi at pagpapatawad, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagkilala sa kabutihan ni Kristo, ang Panginoong Muling Nabuhay, maihatid nawa natin ang katarungang panlipunan para sa lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Banal na Kasulatan nawa’y makapagbigay ng kaliwanagan sa mga nasa kadiliman ng kasalanan at kawalan ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang makilala ang presensya ng Panginoong Muling Nabuhay sa paghahati-hati ng tinapay sa Eukaristiya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y muling mabuhay sa kaganapan ng kagalakan sa piling ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, nag-aalab ang aming mga puso habang nakikinig kami sa iyong bugtong na anak. Tanggapin mo ang mga panalangin ng mga naglalakbay sa kanyang daan ng buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitang ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 4, 2021 at 1:57 pm

PAGNINILAY: Patuloy nating sinasariwa ng kagalakan ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon. Sa ating Ebanghelyo (Lucas 24:35-48), narito ang naganap matapos ang Ebanghelyo kahapon nang magpakita si Hesus sa dalawang alagad patungong Emaus. Ibinalita nila na nagpakita siya sa kanila at kung paanong nakilala nila siya sa paghahati ng tinapay. At habang nagsasalita pa sila, nagpakita si Hesus sa presensiya nilang lahat na bumabati ng “kapayapaan”. Sa una ay natakot sila sapagkat akala nila siya’y isang multo. Subalit ipinakita niya ang kanyang mga paa at kamay na nagpapatunay siya’y tunay nga muling nabuhay. Kaya sila’y nagalak, at nang humingi siya ng pagkain, binigyan nila siya ng isang isda.

Katulad ng mga ipinahayag ni Hesus sa dalawang alagad, ipinahayag din niya sa mga Apostol ang nangyayari sa kanya bilang Mesiyas alang-alang sa pagtutupad ng kalooban ng Diyos. Kaya makikita natin na kailangan nga ni Hesus mamatay at muling mabuhay upang magkaroon ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagpapatawad ng mga kasalanan. At ito ay sinaksihan ng mga Apostol na sila’y isinugo upang bigyang saksi ang mga pangyayaring ito. Kaya sa Unang Pagbasa (Gawa 3:11-26), nakita natin sina San Pedro at San Juan sa gitna ng napakadaming tao sa templo. Nasaksihan ng mga tao ang paggaling ng isang pilay na lalaki sa pangalan ni Kristo. At nagsalita si Pedro sa harapan nila na ang kanilang ginawa ay alang-alang kay Kristong ipinako sa Krus ngunit muling nabuhay. Dahil sa kadakilaang ginawa ng Diyos Ama, inaanyayahan ang mga tao na sumampalataya upang magkaroon ng pagpapatawad ng mga kasalanan.

Tunay ngang nabuhay ang ating Panginoon at nagtagumpay laban sa kasalanan at kamatayan upang magkaroon tayo ng bagong buhay na mamuhay alinsunod sa kagustuhan ng ating Ama. Nawa’y tulad ng mga Apostol ay maging mga saski rin tayo ng Mabuting Balita ng ating Panginoong Hesukristo.

Reply

Alberto Domingo April 4, 2021 at 5:16 pm

Salamat sa halimbawang pagninilay, pagpalain nawa ang taga pamahala.

Reply

Sherwin D. Yanoria April 8, 2021 at 7:17 am

Naniniwala ka ba sa mga kababalaghan? Sabi nga pag may kwentong kakaiba KMJS na yan. Totoo namang napakahirap paniwalaan ang muling pagkabuhay ng patay. Ngunit, kung ito ay Anak ng Diyos, walang imposible sa Kanya. Kung ang mga alagad ay parang natakot, paano na lamang ang ibang tao. Kaya nga ibayong pagpapatunay ang ginawa ng ating Panginoong Hesus, ang pagkain sa harapan nila. Kaya nga dapat ay di na natin pagdudahan ang salita ng Diyos. Manatiling malakas ang pananalig lalo na sa panahon natin ngayon. Nawa’y pagsisihan at talikuran ang ating mga kasalanan, bilang pagmamahal natin kay Hesus.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño April 8, 2021 at 9:10 am

Sa ebanghelyo ngayon binibigyang punti ang pagsisisi at kapatawaran ng kasalanan. Napatawad mo na ba ang iyong sarili? Kadalasay ikinalulungkot natin ang mga nagawa nating kasalanan at naguging dahilan ng pagkabalisa o walang peace of mind. Patawarin mo ang iyong sarili, limutin ang mga nangyari na dahil wala ka ng magagawa dito para baligtarin ang mga pangyayari, bagkus ay pagsisihan mo at sikaping hindi na muli makagawa mg mga kasalanan na makapgbibigay sayo ng kaguluhan ng isip. Ang paghihirap at pagkamatay ni Hesus ay kaligtasan natin sa kasalanan samantalang ang muli nyang pagkabuhay ay inaasahan nyang tayo naman ay magbabagong buhay. Mga kapatid, sabi nila masarap daw gawin ang bawala pero kapatid try mo lang mas masarap sa pakiramdam ang gumawa ng mabuti sa kapwa at wala ng sasarap pa sa pagkakaroon ng relasyon sa Diyos, yung sya yung una mong takbuhan na parang Nanay o Tatay o matalik na kaibigan. I am telling you pag may relasyon ka na kay Hesus hindi mo na makikilala ang salitang “worry”.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: