Lunes, Nobyembre 23, 2020

November 23, 2020

PANALANGIN NG BAYAN
IKA-34 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON
LUNES

Inihandog ng balo sa Templo ang lahat-lahat sa kanya. Pinapaging mapagkumbaba tayo ng kanyang pagiging mapagbigay. Maging mapagbigay tayo sa ating pananalangin para sa ating kapwa bilang pagtugon sa Diyos na nagbibigay sa atin ng biyayang walang humpay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagbigay na Diyos, basbasan Mo kami.

Bilang Simbahan, maging mapagbigay tayo nang sapat upang magbahagi tayo hindi lamang mula sa ating kasaganaan kundi mula rin sa ating kasalatan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lingkod bayan nawa’y maging malaya sa kasakiman at pagmamalabis sa kapangyarihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga balo, mga solong magulang, at mga ulila nawa’y umunlad sa kabanalan at mabasbasan ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maibahagi ang kanilang pagdurusa sa pagpapakasakit ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at mga kaibigan nawa’y tanggapin sa walang hanggang tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, buksan mo ang aming mga puso sa mga nakapaligid sa amin upang makilala namin ang iyong presensya sa aming mga kapwa at mga kaibigan at matuklasan namin ang kaligayahan ng pagbabahagi ng aming buhay sa kanila. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 26, 2018 at 5:11 am

Reflection: The Liturgical Calendar is coming to a close. We are now in the 34th Week of the Ordinary Time Season, and we will soon enter a new Liturgical Year as we mark the Advent Season. The First Reading tells the vision of St. John of the 144,000 people in heaven. Take note that the number “one hundred forty-four thousand” is just figurative, which symbolizes the countless number of righteous and good people who are ready to behold the face of God. And so they did inherit that glory of eternal life after their faithfulness to the Lord during earthly life, since they have been found unblemished. That is what we also wait with hope for the glory of eternal life, if we continue to do good things with humble hearts. The Gospel Reading narrates to us the contribution of the poor widow at the Temple box. During the time of Christ, widows are considered helpless, since they don’t have husbands to make their lives blessed (unless the sons are still alive to inherit the blessing). But imagine offering two small coins in the box is quite a bit odd, unlike the rich people who offered tons of precious and valuable items in the treasury. Yet among all the people, Jesus commends the latter for such act of generosity because she believes that God will help her, for she has offered her livelihood in the midst of this surplus of wealth. This shows that becoming generous should be mixed with sincerity because giving truly means putting your whole heart into it. Same with doing something good that you do it not just to impress the public, but also to help people who are in need physically and spiritually. These simple things and other values show how we continue to celebrate the mystery of God’s love in the Liturgical Calendar as we strive to become faithful to him and his will. It is also the same when we share the Gospel of Christ to others by word and by example.

Reply

Reynald Perez November 26, 2018 at 6:16 am

Pagninilay: Ang ating Ebanghelyo ay katulad ng Ebanghelyo ng nakaraang Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (Nobyembre 11, 2018). Ito’y tungkol sa babaeng balo na naghandog ng 2 kusing sa lalagyan ng kayamanan sa Templo. Mababa ang pagtingin noon ng mga Hudyo sa mga balo, sapagkat itinuturing sila noong mga panahong iyon na walang kadala-dala. Subalit makikita natin sa Ebanghelyo na ang itinuturing daw na walang kwenta ay siya pang bida at magandang asal. Ang biyuda ay nag-alay ng 2 kusing, samantala ang iba ay napakalaking salapi ang inihulog. Kaya ang papuri ni Hesus ay napunta sa babaeng balo sa pag-aalay ng higit pa sa lahat. Makikita dito sa tauhan niya na binigay niya nang buong puso kahit 2 kusing lang ang nagbubuhay sa kanya mula sa karukhaan. Makikita dito na ang pagbibigay ay hindi dapat ipinapagmalaki, kundi dapat ito’y gawin nang mula sa puso. Ang ibang sekta ay mayroon tinatawag na tithing system, sapagkat may tala sila ng mga miyembro ng kasapi nila na kailangan magbigay ng bawat isa na halagang 10 porsiyento. Subalit dito sa atin, nagbibigay tayo ng kahit anong halaga at kahit kailan sapagkat hindi tayo pinipilit na magbigay, basta ito’y nanggagaling mula sa puso. At ang pagbabahagi ng mga biyaya sa ibang tao ay may pagpapalang ibibigay na hindi nating inaasahan, at ito ay siksik, liglig, at umaapaw. Kaya ang Unang Pagbasa ay nagpapakita sa mga matuwid na taong nakahanda sa kanilang patunguhin sa langit pagkatapos ang kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos at paggawa ng kabutihan. Sa huling hantungan ng ating buhay, tayo’y ihuhukom ng Panginoon kung anong pag-ibig ang ipinamalas natin sa mundong ito na alinsunod sa kanyang dakilang kalooban. Kaya sa pagtatapos ng Kalendaryo ng Simbahan, nawa patuloy tayo na gumawa ng mga mabubuting bagay katulad ng pagbibigay at pagbabahagi na galing sa puso.

Reply

Melba G. De Asis November 26, 2018 at 6:25 am

Ang pagbibigay ng may kasamang sakripisyo ay ikinalulugod ng Diyos.

Panginoon nawa’y hangarin kong makapagbigay ng bukal sa aking kalooban. Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: