Podcast: Download (Duration: 7:55 — 5.7MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Kuwaresma
Miyerkules
Ang Diyos ang walang hangganang pinagmumulan ng katotohanan, kalayaan, at lakas. May hangganan ang ating isip, espiritu, at katawan. Hilingin natin sa Diyos na loobin niyang matamo natin at ng lahat ng tao ang kaganapang ninanais niya para sa atin.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, gawin Mo kaming ganap.
Ang lahat ng naghahanap sa katotohanan nawa’y maging bukas at malaya ang isip sa mensahe ni Jesus at ng kanyang Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga taimtim na gawain ngayong Kuwaresma nawa’y makatulong upang palayain tayo sa pagkaalipin ng labis na pagpapahalaga sa sarili, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating pagkaabala sa materyalismo na umiiral sa ating panahaon nawa’y hindi makahadlang sa ating paghahanap sa buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit, mga dukha, mga bilanggo, mga walang kaalaman, at lahat ng nagdurusa nawa’y makatagpo ng paglaya mula sa mga pasanin nila sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namatay nang tapat sa kanya nawa’y kalagan ng Panginoon at bayaan silang maging malaya sa Kaharian ng kanyang kaluwalhatian, manalangin tayo sa Panginoon.
Butihing Ama, namatay ang iyong Anak upang makilala ng mga tao ang katotohanan at mamuhay nang naaayon dito. Palayin mo kami sa aming makikitid na pag-iisip at pagkamakasarili upang ang aming mga isip at puso ay lumagong patungo sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Marso 19, 2023
Huwebes, Marso 21, 2024 »
{ 6 comments… read them below or add one }
Nuong unang panahon nakakausap ng tao ang Panginoon o kaya’y gumagamit siya ng mga angel upang gawin ang kanyang mga utos . Naging mahirap nuon sa mga tao na maniwala sa mga sinasabi ng Panginoong Hesus dahil hindi nila lubusang nauunawaan kung ano ang ibig Niyang sabihin lalu pa’t madalas ay gumagamit Siya ng mga Parabula. At lubusang nauwaan na lang ng mga tao ang mg katotohanan ng mga sinsabi ni Hesus matapos Siyang parusahan, ipinako at mamatay sa Krus at muling nabuhay pagkatapos ng 3 araw.. Nawa’y maging karapat dapat tayong lahat sa kabanal banalang Niyang Ispiritu at pagpapala.
Manalig tayo sa mga aral at utos ng Diyos, sa Kanya tayo umasa at magtiwala, Siya palagi ang dapat manguna sa ating buhay para makamit natin ang magandang Paraiso na Kanyang ipinangako ayon sa nakasulat. Amen
PAGNINILAY: Sinasalaysay ng mga Pagbasa ngayon ang paninindigan para sa Diyos.
Ang Unang Pagbasa ay ang dramatikong salaysay tungkol kina Sadrac, Mesac, at Abednego. Ito’y nangyari noong panahon ng Pagkaalipin sa Babilonia, kung saan ang mga Hudyo ay ipinauutos na magpatihulog at sumamba sa malaking rebultong gawa ni Haring Nabudcodnosor. Mula sa napakaraming Hudyo na nagpatihulog, tatlong tao lang ang nanatiling nakatindig, at sila nga ang mga kaibigan ni Propeta Daniel na sina Sadrac, Mesac, at Abednego. Sila’y nanindigan na hindi sila sasamba sa kahit sinumang hari kundi ang Panginoong Diyos ng Israel. Kaya nang ipinatawag sila ng hari at narinig niya ang mga pahayag na ito, siya’y nagalit at hinatulang sunugin ang kanilang mga katawan sa loob ng pugon na pinainitan ng pitong beses. At nang sila’y maitapon na sa nagliliyab na apoy, napansin ng hari na may isang lalaking katabi nilang tatlo. Kaya tinanong niya ang kanyang mga lingkod, at sa gayon ay inutos na patayin ang apoy ng pugon. At dito’y pinuri ni Nabocodnosor ang Diyos nina Sadrac, Mesac, at Abednego, na siyang Diyos ng Israel. At siya ang ating Panginoong Diyos na patuloy na gumagabay sa atin at iniaakay tayo tungo sa tamang pamamaraan ng ating buhay. Marahil ngayon ay sinasabi ng ibang teologo at eksperto sa Bibliya na ang “ikaapat na lalaki sa pugon” ay si Hesus, ang Anak ng Diyos. Samantala ang iba naman ay nagsasabi na ito’y anghel lamang. Kahit siya man ay si Hesus o isang anghel, napakalinaw ng pagbasa na ang Diyos ay nasa piling natin upang tayo’y hindi mapahamak ng mga panganib at hindi rin matukso ng kasamaan kung tayo’y tunay na nananalig sa kanya at sumusunod sa kanyang mga utos.
Ang Ebanghelyo ngayon ay tungkol sa patotoo ni Hesus tungkol sa kanyang sarili bilang Anak ng Diyos. Subalit hindi naniniwala ng mga taong dating humahanga sa kanya. Sila’y naniniwala na si Abraham ang kanilang ama. At nagtaka sila kung bakit pinahayag ni Hesus na kung sila’y susunod kay Hesus ay nasa kanila ang katotohanang magpapalaya sa kanila. Hindi nila lubos na naunawaan ang misyon ni Hesus ay sundin ang kalooban ng Diyos Amang tumawag sa kanilang ninunong si Abraham. Kaya nga pinapatotoo ni Hesus ang kanyang sarili hindi dahil sa pagmamayabang, kundi dahil puspos siya ng karunungan at ng Espiritu Santo na ipahayag ang kanyang sarili. Bagamat siya’y nagkatawang-tao upang makipamuhay sa kalakaran ng mundo maliban sa pagkakasala, hindi pa niya tinanggi ang kanyang pagka-diyos. At ang mahalaga sa kanya ay ang mapagkumbaba na pagsunod sa kalooban ng kanyang Ama, ang ating Panginoong Diyos.
Kahit siya’y pinag-iinitan ng mga Hudyo, patuloy pa rin nanindigan si Hesus tungkol sa kanyang sarili. Ito yung katotohanan sapagkat itinuturo sa atin ni Kristo na ang pagpapakatotoo sa Diyos at sa sarili ay ang pagsunod sa mga mahahalagang utos at aral ng buhay. Katulad ng isang ama na ngangalaga sa bawat pamilya, ang Diyos ay ang ating Dakilang Ama na nagpapatnubay sa bawat isip, salita, at kilos natin sa buhay. Tunay na narinig at alam na natin ang kanyang mga salita sa Kasulatan at tayo’y sigurado na siya’y kapiling natin.
Ang hamon ngayon sa atin ay ang pagtupad sa kanyang dakilang kalooban bilang patotoo ng ating pananampalataya sa kanya. Ganun din dapat nating mahalin at tularan si Hesukristo sa pagpapahayag at pagbibigay-saksi sa kanyang Mabuting Balita.
Ano ng hamon at aral ng ating mga pagbasa ngayon?
Sa Unang Pagbasa ay ipinapa-alala sa atin na wag tayong bibitaw sa Diyos. Huwag tayong matakot sa anumang panganib sapagkat hinding hindi tayo pababayaan ng Diyos. Lalo na kung tayo ay tapat sa kanya, kung tayo ay sumusunod sa kalooban nya, kung hindi natin sya tinatanggi o kinakahiya, kung hindi tayo lumalabag sa kautusan. Kung panig sa atin ang makapangyrihang Diyos, sino ang laban sa atin? Sa kaalukuyang panahon, laban lang kapatid! Tuloy lang ang buhay, huwag tayong patihulog sa mgagandang at masasarap na alok ng demonyo, kakampi natin ang Diyos.
Sa ating ebanghelyo nnaman ngayon, noong una ay ayaw ipasabi ni Hesus kung sino sya at ano sya. Ngayon at ng mga nakaraang ebanghelyo ay tahasan na nyang ipinahahayag na sya ang Anak ng Diyos. Subalit hindi talaga maunawaan ng mga unang tao o ng mga tao na nabubuhay ng panahong iyon sapagkat hindi pa nagaganap ang Pasion. Sa kasalukuyang panahon, na alam nating mga Katoliko ang naganap na pagpaphirap, pgapako sa Krus, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus, ano ang dahilan natin para hindi maniwala at manalig sa Kanya.
Ngayong panahon ng Kwaresma ay suriin natin ang ating mga sarili. Kamusta ka na kaptid? Ano ang mga pinag gagagawa mo ngayong panahon ng Kwaresma? Nagbabago ka na ba? Nagsisi ka na ba? Humingi ng kapatawaran? Nagdarasal ng mas madalas? Nagnglilimos? Nagsasakripisyo? O puro pasarap at kabalastugan pa din ang inaatupag mo?
Papasok na tayo sa pinakabanal na panahon, ang Holy Week. Kung ngayon ay makasalana ka pa din kapatid ay hindi pa huli ang lahat. Ang semana santa ay gawin nating inspirasyon sa pagbabalik loob.
Usually, ang isang pagkakakilanlan ng isang tao ay ang kanyang mga magulang, eg “Si ganito mapagbigay yan, manang mana sa kanyang ama na palabigay din.” Tayo ba? Kanino tayo nagmana?
Para sa mga Judio noong panahon ni Hesus, inilahad ni Hesus kung sino talaga ang ama ng mga Judio, ang demonyo. Ang laki ng pagmamalaki ng mga Hudyong ito kay Abraham bilang kanilang ama ngunit hindi ito makita ni Hesus sa kanila sapagkat ang kanilang ginagawa ay pulos kabaligtaran ng ugali at puso ni Abraham. Si Abraham ay “father of faith”. At his old age with an old wife, at a humanly impossible situation, pinangakuan siya ng Diyos na pararamihin ang kanyang lahi ng singdami ng mga bituin sa lupa at sand sa shore, at siya ay naniwala. Nagkaanak nga siya at pinangalanang Isaac. Dumating ang panahon na tinest siya ng Panginoon at pinaalay ng Diyos ang kanyang kaisa-isang anak, at sa pagaalay ay kailangan niyang patayin ito at sunugin. At ito nga ang ginawa ni Abraham. Sinunod niya ang Diyos ngunit ang Diyos na mismo ang pumigil sa kanya saying it was a test, and God provided the lamb para ialay ni Abraham sa bundok na iyon.
Ang aral sa buhay ni Abraham ay ito: Obey God in faith. Kung may gusto tayong marating sa buhay at dumami ang ari-arian, idaan natin ito sa tama at malinis na paraan. Hindi ka magsinungaling just to close a deal. Hindi magnanakaw sa opisina. Hindi ka dadaan sa nepotism para lang magkatrabaho. Napakanormal nito sa ating society, sa Pilipinas, kaya naman sa tingin ng iba ay ok lang ito. My friends, if we want to obtain the blessing, do it the right way, do it the Christian way. At makikita mo, ang pagpapala ng Panginoon ay magiging higit pa sa iyong inaasahan.
Noong panahon ni Hesus, hindi niya nakitaan ng faith ang mga Hudyo. Karamihan sa mga Hudyo ay umasa na lamang sa pagiging anak ni Abraham, instead na paniwalaan ang Mesiyas na nasa kanilang harapan. Ayaw nila na maexpose ang kanilang kamalian sa kanilang religious system, kaya ayaw nila ng liwanag na ibinibigay ni Hesus. Kung ating ihahambing, ang mga makasalanan pa ang sumusuko sa paanan ni Hesus, ang mga Hentil pa ang mas naniniwala kay Hesus, ang mga ligaw pa ang hinahanap si Hesus. Ngunit itong mga “nasa tamang daan ang tingin sa sarili”, nabulag na sila ng kadiliman ng kanilang relihiyon, ng kanilang doktrina, ng kanilang affiliation kay Abraham. At ang charge ni Hesus sa kanila? Ang totoong ama ni ay ang demonyo.
Kaya nga ngayong panahon na ito, kailangan tayong mag-ingat sa ating pananampalataya at pinaniniwalaan. Suriin pa rin lahat ng preaching at lahat ng naririnig ayon sa turo ni Hesus. Si Hesus dapat ang numero unong batayan ng ating mga kilos, gawa at pananalita. Kung tayo’y mga anak nga ng Diyos, ang ating pananalig kay Hesus ang magbibigay ng liwanag sa ating buhay. Isuko natin itong lahat sa Panginoon gaano man kahirap ang ating pinagdadaanan. At katulad ng 3 Israelita na hindi sumamba sa diyus-diyosan, sasamahan at ililigtas din tayo ng Panginoon gaano man katindi ang apoy na gustong lumamon sa atin ng buhay. Manalangin tayo at ipanalangin natin ang bawat isa na manatili sa liwanag ni Hesus. Amen.
PAGNINILAY SA MABUTING BALITA ni Jess C. Gregorio:
Ang pamamahala na gawa ng tao ay may basbas ng Diyos at maka-Diyos hanggang ito ay sumusunod sa Diyos at hindi nalilihis sa Kanyang mga plano para sa kanyang bayan. Kung ang isang pamamahala ay nagkaroon ng makasariling plano, ito ay hindi na sumusunod, sinusuway ang batas ng langit, at sa halip ay gumagawa na ng mga pamamaraan na nagpapabigat, naglalayo sa mga tamang inuutos ni Kristo, hindi na nakikinig at umaayon sa Banal na Espiritu, gumagamit na ng kapangyarihan at talinong gawa at nagmula lamang sa ambisyon ng mga tao, mahina at salat sa lakas ng Kumatha, tahasang mawawala ang pananampalataya sa Diyos at ang pananalig ay maglalaho. Ang galawan ay magiging makamundo na naka sentro sa gusto ng tao. Dahil dito ang karaniwang maririnig ay problema at reklamo. Kahit na ang pinagmulan ng mga sinasabing ideya ay si Abraham, Moises, o sino pa mang banal na alagad ng Diyos sa simula, mag uugat ang pagmamataas, lahat ay may pamantayang makamundo. Kung hindi susundin tayo ay sasabihing nanggugulo at dapat na mawala, patayin sapagkat mas mahusay at hindi masaling Espiritu ng Diyos na kung saan mga pahayag natin ay nanggagaling. Ganito ang nangyari kay Kristo. Walang pitak sa puso ng mga namumuno ang aral ng Anak ng Diyos. Kahit na ipinapahayag nila ang orihinal na pananampalataya, ginulo nila at nilito ang bayan sa kanilang maraming panamaraan, gimik, at kadramahan, inasahan na mas magagawa ng mabuti at mainam kung ang talino at galing ng lahat ay iipunin at gumawa ng maraming batas na susundin ng mga simpleng tao sa kanilang pakikipagtagpo sa Diyos na kanilang ipinanalangin. Ang resulta? Sila ay nabingi at nabulag. May lakas ang Salita ng Diyos magmula pa ng una. Kumatha ng tao at lahat ng ating nakikita. Ang mali lang natin ay magdunung-dunungan, baguhin at lagyan ng palabok, kulayan, at bigyan ng ating katauhan kung saan iniisip natin na ito ay ibagay sa mundong pangkasalukuyan. Nakalimutan natin na ito ay tumayo bago kinatha ang sangkatauhan, nakatayo pa rin ngayon, at tatayo pa rin bukas kung wala na tayo. Simple lang maging Kristiyano. Magaan. Ito ang gusto ni Kristo. Gawing kumplikado at ang marami ay sadyang malilito. Tulad ng mga Hudyo na hindi na tuloy nakilala si Kristo.
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
ayon kay San Juan 8, 31-42
PAGNINILAY / ARAL ng Ebanghelyo
Mga katagang sinabi ni Hesus:
“KUNG patuloy kayong susunod sa Aking aral,
tunay ngang kayo’y mga alagad Ko;
makikilala ninyo ang katotohanan,
at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”
“TANDAAN ninyo: alipin ng kasalanan
ang lahat ng nagkakasala.”
“KUNG talagang ang Diyos ang inyong Ama,
iibigin ninyo Ako, sapagkat nagmula Ako sa Diyos.”
“HINDI Ako naparito sa ganang sarili Ko lamang,
kundi sinugo Niya Ako.”
Kung pagtagni-tagniin natin ang sinabi ni Hesus, ito ang ang buod:
Magising tayo kasalanan.
Malalaman natin ang katotohanan mula kay Hesus.
Sapagkat ang mga salita ni HESUS AY KATOTOHANAN
na siyang MAGPAPALYA SA ATIN SA KASALANAN
TUNGO SA BUHAY NA WALANG HANGGAN.
Unawain natin ito.