Martes, Marso 12, 2024

March 12, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Martes

Habang higit nating nakikilala ang Diyos, lalo nating nauunawaan na lubos tayong umaasa sa kanya. Alam natin na marami tayong mga kahinaan at wala tayong magagawa kung hindi niya tayo tutulungan kaya’t manalangin tayo sa kanya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Tagapagpagaling, tulungan Mo kami.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y lubos na mag-alay ng kanilang buhay sa paglilingkod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng pusong bukas sa pag-aalay ng sarili at lumago sa pagsunod kay Kristo na may pusong maamo at mapagkumbaba, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng tunay na diwa ng kababaang-loob sa ating pakikitungo sa mga dukha at mga api at makita natin ang presensya ni Kristo sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng pagmamahal at pagtataguyod sa mga nangangalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nauna na sa atin sa paglisan sa buhay na ito nawa’y makaisa ng Diyos sa kanyang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, Ama ng mga dukha, bagamat batid namin ang aming mga kahinaan at pagmamalaki, dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong bayang nangangailangan ng iyong tulong. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 8 comments… read them below or add one }

Reynald Perez March 27, 2022 at 3:04 pm

PAGNINILAY: Ang Kuwaresma ay panahon ng paggunita sa kagandahang-loob ng Diyos sa ating buhay.

Ang Unang Pagbasa ay isang pangitain ni Propeta Ezekiel tungkol sa tubig na dumadaloy mula sa kanang tagilid ng templo, at ito ay tanda na dadaloy ang tubig sa iba’t ibang dako, lalung-lalo ang mga naninirahan sa patay. Kaya ang mga punongkahoy at mga puno ay tutubo nang masagana. Ang propesiya nito ay simbolo ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesukristo.

Isinalaysay ni San Juan na matapos itagubilin ni Kristo ang kanyang buhay sa Krus, isinaksak ng isang sundalo ang sibat nito sa kanyang kanang tagiliran, na kung saan dumaloy ang tubig at dugo. Kaya itong pangyayari ay tanda na ang Simbahang ating kinabibilangan ay patuloy na inaalala ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng ating pagtupad ng mga pangako ng binyag at ang ating pakikiisa sa Banal na Eukaristiya.

Ang Ebanghelyo ngayon ay isang kababalaghan ni Hesus sa Betesda, na kung saan mayroon isang deposito ng tubig na napapaligiran ng 5 portico. Ang mga tao ay nagpapalubog dahil nais nilang gumaling. Naroon sa tabing iyon ang isang pilay na lalaking hindi makalakad sa loob ng 38 taon. Kaya siya’y pinaggaling ni Hesus kahit matagal nang wala siyang tagaakbay papunta ng deposito. Subalit nangyari ang kababalaghang iyon sa Araw ng Pamamahinga, na kung saan ito ay itinuturing na trabahong hindi ipinapahintulot ng Kautusan. At hindi rin ipinapahintulot ang pagkabuhat ng higaan, kaya napansin ito ng mga eskriba at Pariseo sa lalaki. Tugon naman ng lalaki na siya’y pinag-utusan ng isang ginoo, ngunit hindi pa niya natunghayan si Hesus. Kaya nang matagpo niya si Hesus na nagppaalala sa kanya na huwag magkasala, ibinalita ng lalaki sa mga pinuno ng Hudyo na si Hesus ang nagpagaling sa kanya.

Ipinapakita dito na ang kagandahang-loob ng Diyos ay patuloy na umaapaw at patuloy na magaganap sa kabila ng mga nakasanayang pamumuhay at tradisyon. Kahit maraming restriksyon sa buhay, kailangan manaig pa rin ang paggawa ng kabutihan sa kapwa dahil ito ang pagpapamalas ng pag-ibig ng Panginoon na para sa lahat.

Ngayong Kuwaresma, nawa’y sikapin natin maging mga tapagpagdala ng kabutihan sa iba’t ibang taong ating nakakatagpo araw-araw.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño March 29, 2022 at 12:05 pm

“Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang magkakasala at baka may mangyari sa iyo na lalo pang masama.

Ang mga katagang ito ni Hesus ang dapat nating pakatandaan sa ating Mabuting Balita ngayon.

Ang Kwaresma ay ang pagsisi sa ating mga kasalanan, paghingi ng kapatawaran at ang pagbabalik loob natin sa Diyos sa pamamagitan na pagsisikap na matalikuran na ang mga gawang baluktot at hindi naaayos sa kalooban bg Diyos.

Kapag tayo tinanggap na muli ni Hesus ay huwag na tayong babalik sa dati nating gawa na kalapastangan sa mga kautusan ng Diyos. Sapagkat mas malala pa ang mamgyayari sa atin. Masarap ang magkaroon ng relasyon sa Diyos, tahimik na pamumuhay, tunay na kaligayahan, kapayapaan ng isip at walang pangamba sapagkat alam nating kakampi natin ang Diyos at hinding hindi nya tayo pababayaan anuman ang dumating na hamon sa ating buhay.

Samatalahin natin magbago sa banal na panahong ito ng Kwaresma at sikaping wag nang bumalik sa kadiliman

Reply

Malou Castaneda March 11, 2024 at 9:48 pm

PAGNINILAY
Higit pa sa pagbabago ng puso ang kailangan para makapagbago. Kailangan ng isang gawa ng pananampalataya upang magbago, at isang pagnanais na magbago para sa kabutihan. Ang tanong ni Hesus ay itinatanong pa rin Niya hanggang ngayon. Nais ba nating gumaling? Tanging si Hesus lamang ang makaaabot sa atin at makapagpapagaling sa atin mula sa itim na butas kung saan tayo ay nakalubog. Siya lamang ang makakagawa nito, at sa ating pahintulot lamang. Maaari tayong maligtas at ito ay magsisimula kapag hinayaan natin ang Diyos na pumasok sa ating buhay at pahintulutan Siya na itaas tayo. Nawa’y naisin natin na maging maayos, magbago, naising tunay na maging mas mahusay. Nawa’y maging handa tayong gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang mabago ang ating buhay.

Panginoong Hesus, patawarin Mo kami sa lahat ng aming mga kasalanan. Pagalingin Mo kami sa lahat ng bagay na nagpapahina sa amin at hindi makalakad sa Iyong biyaya. Amen.
***

Reply

Jess C. Gregorio March 12, 2024 at 5:37 am

PAGNINILAY SA MABUTING BALITA ni Jess C. Gregorio:

Ang aba, mahina, at walang kakayahan ay malimit nahuhuli sa lahat ng labanan ng buhay. Mapa sistema man o mga pangyayari parating talo kasi walang kapangyarihan. Gustuhin man ay hindi maka ungos at maka galaw para baguhin ang kanyang buhay. Lalong lalo na kung nakaratay sa banig ng karamdaman. At dahil sa kahirapan at pabigat sa pamilya at lipunan, hinayaan na lang sa kanyang kapalaran. Ang Diyos ay hindi lamang nakatingin at nakikinig, pinupuntahan niya tayo kung saan nakalugmok at nakahandusay. Sa kawalan ng pag asa Siya ay tumutugon sa mga nais natin at panalangin. Wala na siyang hihilingin na pagdausdos at pangunguna sa tubig para gumaling ang sakit natin. Sa ating kawalan at kahirapan, hindi na siya hihingi pa ng kabayaran at kapalit. Hindi katulad ng mga Hudyo na ang lahat ng mabuti at banal ay may kaakibat na pagsunod, sinasabing kailangan tupdin para Diyos ay makalapit, pinabigat ang pamantayan, parang deposito ng tubig sa betesda na dapat languyin. At kung walang kakayahan, maghintay na lang ng kamatayan? May mahalagang aral ang Mabuting Balita sa araw na ito. Ang kabutihan ng Diyos ay wala ng ibang kailangan. Hindi na tayo obligado maghanap ng kayamanan o lakas na kailangan, libre ang grasyang ibinibigay sa lahat ng tao, libre rin kahit ang pagpapagaling ni Kristo, ang siste lang ang mundo ay pilit itong pinabibigat, Salita ng Diyos ay may kapalit bago marinig. Kung lalapit si Kristo sa atin, kanya lang sasabihin, “Rise, pick up your mat and walk!” Simple lang. Wala ng ibang kailangan. Dapat lang natin itanong sa ating mga sarili, ang libreng grasyang ibinigay sa atin ay libre rin ba nating ipinamamahagi? O di kaya lahat ay may katumbas na pagsunod at pahirap sa lahat ng nangangailangang, madinig, makita, makilala si Hesus sa pamamagitan natin? Kung may mga gagawin pa na pahirap o pagsunod na ipinag uutos, para na rin tayong deposito ng Betesda, kailangan may tumalon at mag swimming pa. Eh hindi na nga kaya. Buti na lang ang Tubig ng Buhay ang siyang lumalapit sa hindi makalapit. Pinupuno mga maling akala ng mga Hudyong nakapaligid. Sino tayo? Si Hesukristo ba na lumalapit para kapwa ay mapagaling o Hudyo na ang bawat kabutihang nagawa ay may kaakibat na pagsunod sa mga batas at alituntunin?

Reply

Joshua S. Valdoz March 12, 2024 at 10:02 am

PAGNINILAY: Magandang Tanghali po, sa inyong lahat!
Higit pa sa pagbabago ng puso ang kailangan para makapagbago. Kailangan ng isang gawa ng pananampalataya upang magbago, at isang pagnanais na magbago para sa kabutihan. Ang tanong ni Hesus ay itinatanong pa rin Niya hanggang ngayon. Nais ba nating gumaling? Tanging si Hesus lamang ang makaaabot sa atin at makapagpapagaling sa atin mula sa itim na butas kung saan tayo ay nakalubog. Siya lamang ang makakagawa nito, at sa ating pahintulot lamang. Maaari tayong maligtas at ito ay magsisimula kapag hinayaan natin ang Diyos na pumasok sa ating buhay at pahintulutan Siya na itaas tayo. Nawa’y naisin natin na maging maayos, magbago, naising tunay na maging mas mahusay. Nawa’y maging handa tayong gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang mabago ang ating buhay.

PANALANGIN: Panginoong Hesus, patawarin Mo kami sa lahat ng aming mga kasalanan. Pagalingin Mo kami sa lahat ng bagay na nagpapahina sa amin at hindi makalakad sa Iyong biyaya. Amen.
***

Reply

Hjalmar Desquitado March 12, 2024 at 10:18 am

Sa gospel po natin ngayon ipinakilala ang lumpo na matagal nang may sakit at nag aabang lamang ng himala sa isang malaking deposito ng tubig na tinawag na Betesda. Subalit wala siyang kakayahang makatayo at makatubog sa tubig sapagkat nauunahan na sya ng iba rin may sakit.

Nang makita siya ni Hesus, tinanong siya kung gusto niyang gumaling, kung kaya naman sinabi niya ang kanyang suliranin kay Hesus.

Kung titingnan natin hindi po ba’t parang suntok sa buwan ang pananatili ng lumpo sa Betesda? Dahil maraming may sakit ang nagaabang doon na gustong magpagaling.
Subalit matiyaga pa rin siyang nag aabang at nagbabakasakali ngunit WALANG maglusong sa kanya sa tubig.

Nang marinig ito ni Hesus: “Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.”

Batid naman po ni Hesus ang kalagayan ng lumpo at alam din niyang matagal na itong may sakit. Pero tinanong niya ito:

“Ibig mo bang gumaling?”

Madalas po, marami tayong gusto makamit at gustong mangyari sa buhay natin. Marami po tayong hinihiling sa Panginoon pero hindi natin matanggap o hindi natin ito makamtam sa tinagal-tagal ng ating paghiling. Kaya ang tanong ni Hesus “Gusto mo ba…?”

Ito po ay may mas malalim na kahulugan. Hindi lang ito ng basta “gusto” subalit ang mas malalim na salita sa ingles ay “desire” pagnanasa o pagnanais na makamtan ang bagay na ito.

“Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.”

Ito po ang sagot o response ni Hesus. Tumindig ka! Hindi Niya ito pinuhat at tinilungan tumayo bagkus binigyan niya ito ng direksyon o instruction para makamit niya ang kanyang ninanais, ang makatayo at makalakad.

Sa buhay po natin minsan naghihintay tayo ng sign, naghihintay tayo ng kongkretong tugon sa mga dinadalangin natin. At madalas nadidismaya po tayo dahil tila hindi na hahabag ang Diyos sa atin at sa suliranin na ating matagal nang pinapasan. Pero tayo ay nabibingi o kaya naman ay nagbibingi-bingihan sa sinasabi ni Hesus sa atin.

“Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.”

Bago pa man natin hilingin sa Diyos ang ating isinasamo ay alam na Niya ito. At sa pauli-ulit natin pagsamo ay paulit-ulit din niyang tinatanong sa atin “Gusto mo ba?” at baka nga “Gusto mo ba talaga?!”. Kasi kung gusto mo “Tumindig ka! Take action!” Sapagkat hindi po isusubo ng Panginoon ang mga hinihiling natin na sa isang iglap ay lalabas sa harap natin ang ating hinihiling.

Kung ito po ay itinaas na natin sa Kanya at hiniling na sa Kanya, Congrats! Dahil nalampasan mo na ang unang hakbang. Ang tanong ay ang pagpapatuloy! Bago pa natin ito hilingin ay tinanggap na natin ito sa pananalangin. Kung kaya’t ang susunod ay “paano?”. Kapag sinimulan natin ang unang kongkretong aksyon para maging ganap ito.
At kapag nasimulan na natin ay maniwal at manampalataya tayo na tayo ay Kanyang gagabayan sa pagsumpong sa ating ninanais.

Makikita rin naman po dito ang pananampalataya ng lumpo at ang kanyang pagnanais na makalakad. Nang marinig niyang sinabi ito ni Hesus ay agad siyang tumalima! Hindi na siya nagdahilan pa na hindi niya kaya, na matagal na siyang lumpo at di makalakad , atbp. Bagkus ay tumayo siya agad at buong pagtitiwala na sumunod sa utos Hesus.

Pero kapag po hindi natin magawa ang pagtindig at paglakad ay patuloy po tayong magiging lumpo sa kahihintay ng mga signs at ng instant himala.

At sa huling punto po. Ang awa at habag po ng Panginoon ay walang pinipiling oras. Ginawa Niya ito nang araw ng Pamamahinga. Na sa kanilang tradisyon ay bawal ang ginawa ni Hesus na magpagaling ng may sakit. Subalit mas nangibabaw ang habag ng Diyos sa isang taong mataggal nang pinahirapan ng kanyang karamdaman.

Ang awa at habag po ng Panginoon ay walang hanggan. Manalig po tayo sa Kanya, matutong makinig sa Kanyang direksyon at tumugon dito…Agad! Wala na pong pero pero, kundi buong pagtitiwala na gawin ang Kanyang ipinagagawa sa atin, maging ang mga impossible ay magiging possible kung si Hesus ang kasama natin sa ating paglalakbay.

Reply

Rex Barbosa March 12, 2024 at 3:37 pm

ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
ayon kay San Juan 5, 1-16

PAGNINILAY

Pagnilayan natin ang mensahe ng ebanghelyo tungkol sa ating pagkaunawa sa araw ng Sabbath.

Sa Lumang Tipan ang araw ng Sabbath ay dapat mahigpit na sundin at isagawa ang nakasulat sa batas. Binibigyang-diin ang disiplina
at sa pag-uugali ng sangkatauhan.

Sa panahon ni ng Bagong Tipan, panahon ni Hesu-Kristo,
kahit sa Araw ng Pamamahinga dapat pa rin tayong magpakita
ng malalim na habag sa kapwa na siyang tunay na diwa
ng Pagmamahal ng Diyos.

Balikan natin ang mismong halimbawa ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
Alalahanin natin ang ika-2 sa pinakadakilang utos ng Diyos…
“Mahalin ang ating kapwa gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili.”

Reply

RFL March 12, 2024 at 10:40 pm

Maraming beses na tayo’y nagkakaproblema, dinadagukan ng mga challenges sa buhay, sa trabaho, career, sa pera, sa relationships, sa pisikal na pangangatawan… ngunit saan o kanino ba tayo kumakapit? Sa nepotism sa trabaho para matanggap? Sa pandaraya sa business para mawala ang tax? O sa karelasyon na morally wrong naman? Maraming beses na sa ating mga problema ay natutuklasan natin kung kanino o saan ba talaga tayo kumakapit. Sana ay hindi sa daan ng pagkakasala.

Sa ating Ebanghelyo, iniasa ng isang lalaking paralisado ang kanyang paggaling sa pool sa Betesda. Kahit kaharap na niya si Hesus at tinanong siya nito kung nais niyang gumaling, ay yung paraan na alam niya ang itinuro niyang paggaling kay Hesus—sa pool daw. Ayos lang kase hindi pa niya kilala si Hesus noon. Ngunit, nang siya’y inutusan ni Hesus na tumindig at lumakad, ginawa nga niya ito at tuluyan na siyang nakalakad. Faith is doing what the Lord says—in spite ng ating kahinaan, in spite of the setbacks of our lives.

Kung meron tayong gustong marating, kung may kahilingan tayo sa Panginoon, maniwala tayo sa paraang itinuturo ni Hesus at sundin ito. Bakit? Kase Siya ang katotohanan. Siya ang may hawak ng ating buhay. Siya ang nakakaalam ng best para sa atin. At Siya ang nakakaalam ng ikakapahamak natin.

Paano natin malalaman ang sinasabi ng Panginoon? Maging intune tayo with the Holy Spirit. Magsimba magbasa ng Bibliya. Manalangin. At pagkatapos ay sumunod—dito maraming nagfail. Alam lahat ng scripture, nagfail sa application. Alam na makapangyarihan si Hesus, pero nagfail na sundin ang Kanyang kalooban at pinagpatuloy pa rin ang masamang gawa. Hindi tuloy nakamtan ang hinihiling na pagpapala sa Panginoon. Yung iba naman pinanghihinaan ng loob. Ngunit lahat ng ating heroes of faith, they obeyed despite the impossibilities. Why? Because of faith. Natalo ni David si Goliath kase nagtitiwala siya sa Panginoon. Nahati ang Red Sea kase sumunod si Moses sa utos ng Diyos. Ang pananampalataya kay Kristo ay lumawig dahil sa faith ng mga unang Kristiyano kay Kristo. At si Kristo ay inialay ang buhay, namatay sa Krus at muling nabuhay dahil sa pagsunod sa Diyos Ama.

Ang sabi ng Diyos sa Revelation, “To those who conquer, I will give them the crown of life.” Nawa, sa ating mga pinagdadaanan, suriin natin kung kaninong boses tayo nakikinig, at nawa ay maging attune tayo sa boses ng Espiritu Santo. Nawa ay dagdagan ng Diyos ang ating pananampalataya nang ating makamtam hindi lang ang ating mga kahilingan kundi pati na rin ang crown of life na sinasabi ng ating Panginoon. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: