Linggo, Marso 10, 2024

March 10, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-4 na Linggo ng Kuwaresma (B)
Patnubay sa Misa

Ang tapat at walang maliw na pagmamahal sa atin ng Diyos ay siyang bukal ng ating pag-asa. Hatid ng pag-asang ito, ipahatid natin sa Kanya ang ating mga kahilingan:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa Inang Simbahang at lahat ng taong may mabuting kalooban: Nawa’y lagi silang maging maagap sa pagtugon sa panawagan sa pagbabalik-loob. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng ating mga pinunong espirituwal: Nawa’y dinggin ng lahat ng Kristiyano ang kanilang panawagan para sa lalo pang dakilang katapatan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng magulang at mga guro: Nawa’y magtagumpay sila sa pamamatnubay sa kanilang mga anak at estudyante para pahalagahan ang pagmamahal ng Diyos at tugunan ito ng katapatan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng nasasadlak sa masamang pamumuhay: Nawa’y makatagpo sila sa halimbawa ng mga santo ng kailangan nilang lakas upang kumalag sa bitag ng kasamaan. Manalangin tayo!

Para sa mga maysakit, walang tirahan, at walang hanapbuhay: Nawa’y ang pakikiisa ng Kristiyanong pamayanan ay maging daan at pagsasakatuparan ng dakilang kalinga ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng taong isinusuong ang sarili sa panganib upang ipahayag ang Mabuting Balita. Mapagningas nawa nila ang mundo sa pamamagitan ng kanilang tapang at katapatan. Manalangin tayo!

Diyos ng kabanalan at habag, salamat sa Iyong walang kupas na pagmamahal. Panatilihin Mo kaming tapat sa aming mga pangako at gawin Mo kaming mga kasangkapan ng Iyong mapagligtas na pagkalinga sa aming kapwa, sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 8 comments… read them below or add one }

Reynald Perez March 11, 2021 at 12:34 am

PAGNINILAY: Ang Ika-4 na Linggo ng Kuwaresma ay tinatawag din bilang “Linggo ng Laetare”. Ang “Laetare” ay isang salitang Latin na isinalin sa wikang Ingles bilang “rejoicing”. Ito ang panahon kung saan sa pagtapat natin sa kalagitnaan ng Kuwaresma, inaanyayahan tayo ng Simbahan na magalak. Ang Pari ay maaring sumuot ng Rosas na kasulya, at ang altar ay maaring gayakin ng mga bulaklak. Sa paggamit ng mga instrumento para sa mga himig, maaring tumugtuog din ng “Instrumental”. Kung mapapansin natin ang Pambungad na Pagpasok sa Misa para sa araw na ito, inaanyayahan ni Propetang Isaias na magalak ang bayan ng Jerusalem dahil sa dumating na kaligtasan nito. Kaya sa gitna ng ating pagsisisi at pagsasakripisyo ngayong Kuwaresma, kailangan nating magalak sapagkat darating na ang pagdiriwang ng ating kaligtasan sa Semana Santa, at ito’y hahantong sa Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Pagninilay: Noong 1995, idinaos sa Maynila ang ikasampung pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Kabataan. Kasabay nito ang ikalawang pagbista ng pinakamamahal na Papa San Juan Pablo II sa ating bansa. Ang tema ng pagdiriwang ng WYD na ito ay “Kung paanong sinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.” At kasabay nito ay ang pag-aawit ng inilikhang kanta ni Trina Belamide na “Tell the World of His Love”.

Ang nasabing kanta ay hango sa ating Ebanghelyo ngayon. Ang ating pinapaboritong bersikulo sa Bibliya ay isang magandang pahayag ni San Juan tungkol sa pag-ibig ng Diyos. Sa kanyang diskurso kay Nicodemo tungo sa pagkakamit ng buhay na walang hanggan, ipinahayag ni Hesus ang isang pagganap na mas mapagpala ang kanyang pag-aalay ng buhay sa Krus para sa ating kaligtasan, higit pa sa pagtataas ni Moises ng isang tansong ahas sa isang poste. Alam natin na ang buod ng Banal na Kasulatan ay nakasentro sa ating Panginoong Diyos Ama bilang Diyos ng Pag-ibig. Ang paglikha niya sa atin ay ayon sa pag-ibig dahil ang kanyang ginawa ay puno ng kabutihan. Subalit dahil sa kasamaan ng tao, nawalay ang ating relasyon sa kanya. Ngunit sa kabila ng ating mga kahinaan dulot ng pagkakasala at pagkukulang, isinugo ng Ama sa napakatakdang araw ang kanyang Bugtong na Anak, ang ating Panginoong Hesukristo.

Bagamat siya ay Diyos, si Kristo ay nagkatawang-tao upang maranasan niya ang ating katauhan maliban sa gumawa ng kasalanan. Niyakap niya tayo upang tayo ay kanyang iangat patungo sa isang mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos nating Ama. Ginawa niya ang lahat alinsunod sa dakilang kalooban kahit hanggang sa bingit ng kamatayan sa Krus, kaya idinakila nang siya’y nabuhay na mag-uli. At ang tugon natin ay pananampalataya upang makamtan natin ang buhay na walang hanggan. Ito ang kanyang pangako hindi sa mundo ngayon, kundi sa kabilang banda, ang kalangitan.

Kaya ito’y paalala sa atin na ang Diyos na mapagmahal ay inaanyayahan tayong yakapin nang buong-buo ang kanyang pagmamahal upang ipadama natin ito sa ibang tao. At ang pag-ibig na iyan ay dapat kaakibat ng pagtutuwid ng mga masasamang bagay at patuloy na paggawa ng kabutihan.

Hilingin natin sa Panginoong Diyos ngayong Linggo ng Laetare na tayo nawa’y magalak sa kabila ng ating pagiging taimtim ngayong Kuwaresma, na ang pag-ibig niya ay maging ating gabay habang tayo’y nalalapit sa paggunita ng Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus ng kanyang Anak sa darating na Semana Santa, patungo sa liwanag ng Muling Pagkabuhay.

Reply

Sherwin D. Yanoria March 14, 2021 at 6:48 am

Masakit ibigin ang tao. Parang nakayakap ang Diyos sa tinik sa pagmamahal para sa mga tao. Pinadalhan na nga ng mga propeta, ibinigay pa ang Kanyang Anak na si Hesus upang tayo ay kalingain, subalit ayaw sa Kanila at pinili pa ng tao ang kadiliman. Hindi pwedeng sisihin ang Diyos sa sitwasyon kinasadlakan ngayon, bunga ng desisyon ng tao. Ang tao ang nagpapasiya, hindi ang Diyos. Napaka swerte ng mga taong pinili ang mamuhay ayun sa kagustuhan ng Diyos. Magkakamit siya ng buhay na walang hanggan. Nawa’y mamulat tayo sa katotohan, kung paano magmahal, umunawa at magpatawad ang ating Diyos.

Reply

Malou Castaneda March 9, 2024 at 10:09 pm

PAGNINILAY
Sinasabi na kung ang lahat ng Ebanghelyo ay nawala nang maaga maliban sa berso ng Ebanghelyo ngayon, “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak’… sapat na iyon para sa atin. Kapag nalaman natin na ‘mahal ng Diyos ang sanlibutan sa kaliit liitan nito’ mayroon tayong pag-asa. Ang Diyos ay nagsisikap na iligtas tayo – mula sa kasamaan at kabiguan at kapahamakan at kadiliman. Ang plano ng Diyos ay dalhin tayong lahat sa buhay na walang hanggan. Marami sa atin ang narinig na ang mga salitang: “Ang Diyos ay pag-ibig” mula pa sa murang edad. Ngunit minsan ay nahihirapan tayong maniwala at magtiwala sa katotohanang iyon. Ang panalangin ay nagliligtas sa atin – mula sa pagmamataas, hindi pagpapatawad, at kalungkutan. Nais ng Diyos na iligtas ang mundo mula sa lahat ng buktot, masama, makasalanan. Nais Niyang iligtas tayo mula sa pinakamasamang panig ng ating sarili. Ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pagmamahal at habag, hindi sa koreksyon o pagsaway. Nawa’y buksan natin ang ating mga puso sa pag-ibig ng Diyos. Nawa’y maglaan tayo ng panahon para magdarang sa pag-ibig ng Diyos. Ang Diyos ay naghihintay sa atin.

Panginoong Diyos, alisin Mo ang anumang kadiliman sa aming kaluluwa.? Amen.
***

Reply

Jess C. Gregorio March 10, 2024 at 5:59 am

PAGNINILAY SA MABUTING BALITA ni Jess C Gregorio:

Ang kaparusahan ay dala ng kamay ng tao sa sarili niya. Hindi sa Diyos. Ang kasalanan ang naglalayo sa atin sa grasya. Kadahilanan ng ating kahirapan at kasakitan. Wala tayong mabuti sa atin kung ang mga bagay na masama ay nakalalapit sa atin. Hindi natin maintindihan kaya lalo tayong nabubulid sa kasalanan. Malayo tayo sa Diyos at hindi natin nararamdaman. Kaya ang Diyos na mismo ang gumawa ng paraan. Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sa panahon ngayon tayo ay lubhang nabubulagan. Sa kabila ng Kapabgyarihan ng Espiritu sa atin ay nanahan, anduon pa rin ang pag sunod natin sa kasamaan at hindi sa kabutihan. Kaya pinasimple ng Diyos ang pamamaraan, sumampalataya lang tayo at ating mapagtatagumpayan, hirap ng buhay na akala natin ay sumpa at hadlang, iyun pala tayo ang may gawa. Sumampalataya lang tayo kay Hesus at ang lahat ay magbabago. Demonyo ay lalayuan tayo. Lumapit sa liwanag niyang taglay, kadiliman ng puso’t isipan ay maihihiwalay. Simple di ba mga kapatid? Bakit pa natin pinahihirapan ang ating sarili sa mga iba’t ibang pinaniniwalaan? Heto na nga nangungusap na patunay ay kanyang buhay, ibinigay sa atin ng buo ng tayo ay maging matiwasay, pero magpa hanggang ngayon nagdududa kung siyang tunay. Isang Oo lang natin ang kapalit ay Katotohanan, Tamang Daan, at Buhay, si Hesus lang lahat iyan. Kung tatanggapin Talong Persona sa iisang Diyos ang ating ganansiya. Madali rin ang proseso kung gusto pa natin matuto, una ay mangumpisal nang ang bigat ng kasalanan ay mawala at mapatawad, maglaho ng tuluyan. Kung malinis ay panatiliing gayun sa pag sama sa mga Banal na Misa, tinanggap na Kristo sa pangungumunyon ang magiging parating kasama. At kung wala na ang demonyong minsan ay nagpahirap sa atin, itatanim niya sa isip natin na tayo ay oks na at magaling, maraming nagagawa at tinitingala, hindi natin alam ay pumapasok ang spiritual pride na sa atin ay muling sasaling, daan ng pagmamataas na kung saan tayo ang angat at hindi ang Diyos na nagbigay ng lahat. Ang tanging paraan ay bisitahin siya malimit sa Adoration Chapel, kausapin, at makinig sa kanyang mga sasabihin. Maitutuwid ang nagiging baluktot nating hangarin. Sapagkat ang Diyos na mismo ang nasa harapan natin. Subukan at tamasahin, grasyang siksik, liglig, at umaapaw pa para sa atin. Bakit pa tayo magtitiis sa lungkot at pighati gayung madali lang baguhin ang katauhang napilipit?

Reply

Joshua S. Valdoz March 10, 2024 at 11:13 am

PAGNINILAY
Sinasabi na kung ang lahat ng Ebanghelyo ay nawala nang maaga maliban sa berso ng Ebanghelyo ngayon, “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak’… sapat na iyon para sa atin. Kapag nalaman natin na ‘mahal ng Diyos ang sanlibutan sa kaliit liitan nito’ mayroon tayong pag-asa. Ang Diyos ay nagsisikap na iligtas tayo – mula sa kasamaan at kabiguan at kapahamakan at kadiliman. Ang plano ng Diyos ay dalhin tayong lahat sa buhay na walang hanggan. Marami sa atin ang narinig na ang mga salitang: “Ang Diyos ay pag-ibig” mula pa sa murang edad. Ngunit minsan ay nahihirapan tayong maniwala at magtiwala sa katotohanang iyon. Ang panalangin ay nagliligtas sa atin – mula sa pagmamataas, hindi pagpapatawad, at kalungkutan. Nais ng Diyos na iligtas ang mundo mula sa lahat ng buktot, masama, makasalanan. Nais Niyang iligtas tayo mula sa pinakamasamang panig ng ating sarili. Ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pagmamahal at habag, hindi sa koreksyon o pagsaway. Nawa’y buksan natin ang ating mga puso sa pag-ibig ng Diyos. Nawa’y maglaan tayo ng panahon para magdarang sa pag-ibig ng Diyos. Ang Diyos ay naghihintay sa atin.

Panginoong Diyos, alisin Mo ang anumang kadiliman sa aming kaluluwa.? Amen

Reply

Alexander D. Pulumbarit March 10, 2024 at 12:59 pm

Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon:

Walang nagmahal na di nasaktan. Kaya nga kung tayo’y nagmamahal ay kaakibat na nito ang sakit na maaari nating makamtan maging ito man ay pagmamahal sa ating mga anak, asawa, kaibigan at sa sinumang ating minamahal o mamahalin. Ito ay dahil ang bawat isa ay may kani-kaniyang kahinaan at kapintasan. Kung kaya’t di natin dapat pagtuunan Ang pagkakamaling nagagawa ng bawat isa, bagkus ay lagi nating hanapin ang kabutihang likas sa atin. Sinasabi nga na, “Love until it hurts,” (St. Mother Teresa of Calcutta). Ang Pagmamahal ng Panginoong DIYOS ay di nagbabago at nagtutuos ng pagkakamali, lahat ng sumasampalataya ay pinuspos Niya ng Kaniyang walang kapantay na Pagmamahal. Kaya’t itinuturo din sa atin na di tayo dapat mapagod sa Pagmamahal sa ating kapuwa at sa mga taong Ipinagkaloob Niya sa atin upang mahalin. Kaakibat din nito ay ang pang-unawa at pagpapatawad sa mga kahinaan at pagkakamali ng ating minamahal. Di tayo perpekto, sapagkat Ang Panginoon lamang ang perpekto. Ang pag amin sa kamalian ay isang kalakasan na maituturing dahil ang kalaban nito ay ang mataas na pagtingin sa sarili na siyang magiging hadlang. Kung kaya’t ito ay laging hamon sa bawat isa sa atin. Ang pang-unawa ay katumbas ng Pagtitiyaga na siyang kahulugan ng Pag-ibig. Binabanggit sa Unang Corinto, “Love is Patient…(1 Corinto 13), na magagawa nating maging matiyaga sa pagpapahayag ng ating Pag-ibig kung lagi tayong na naka-angkla sa Pag-ibig na ipinadarama sa atin ni HesuKristo na ating Panginoon. Pag-ibig na di nagtutuos at di nagbibilang ng kamalian at di tumitingin sa kahinaan, bagkus ay sa pagsisikap at kakayahang magbago ng pusong nagkasala. Isang pag ibig na dalisay at tapat na nagbibigay ng pagkakataon sa lahat. Inaanyayahan Niya ang bawat isa na mamuhay sa liwanag, sa liwanag ng Kaniyang Pag-ibig. H’wag na nating bigyan katwiran ang pamumuhay sa dilim, dahil ayaw nating iwaksi ang mali nating mga gawain.

Panginoong Diyos, buksan Mo po ang aming isip at puso at turuang muling mag-alab. Amen…????

Reply

Alexander D. Pulumbarit March 10, 2024 at 1:00 pm

Panginoong Diyos, buksan Mo po ang aming isip at puso at turuang muling mag-alab. Amen…

Reply

Rex Barbosa March 10, 2024 at 2:24 pm

ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
ayon kay San Juan 3, 14-21

PAGNINILAY

Ang ebanghelyo ngayon ay nagsasabi ng pagmamahal ng Diyos sa sankalibutan.
Sinasabi na ang lahat ng naniniwala kay Jesus ay magkakaruon ng buhay na walang hanggan.
Isinugo ng Diyos ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan upang ito ay maligtas, at hindi para isumpa.

Si Hesus ang susi sa kaligtasan.

Handa ba nating tanggapin ang pagmamahal na ito?

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: