Lunes, Pebrero 12, 2024

February 12, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Bumaling tayo sa Diyos Ama sa panalangin para sa biyaya na makapagbagumbuhay at matatag na maniwala sa panawagan ni Kristo sa pagbabalik-loob.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng kaligtasan, maging bukas nawa kami sa Iyo.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y walang kapagurang maging tagapaghatid ng mensahe ng Diyos ng pagsisisi sa mga taong may tunay na pusong naghahanap sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang mga makasalanan nawa’y mas malalim nating maunawaan ang pag-ibig at awa ng Diyos para sa lahat ng nagbabalik-loob sa kanya nang may kababaang-loob at nagsisising puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magkaroon ng malalim at tunay na pananampalataya sa Diyos na hindi naikakahon sa mga panlabas na anyo ng ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makaunawa sa walang patid na pag-ibig ng Diyos sa gitna ng kanilang mga dinaranas na pagsubok at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y makatagpo ng kapayapaan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

O Panginoon, gabayan mo ang lahat ng araw ng aming masalimuot na buhay. Bigyan mo kami ng kaligtasan at banal na kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 13, 2022 at 5:41 pm

PAGNINILAY: Sinisimula natin sa Unang Pagbasa ang Sulat ni Apostol Santiago (hindi ang kapatid ni San Juan na anak ni Zebedeo), Apostol ni Kristo at unang obispo ng Jerusalem. Sa mga pagpapahayag ni Santiago sa kanyang mga sulat, palaging inaanyayahan niya ang kanyang mga tagapakinig na maging matatag at maayos ang kanilang pamumuhay bilang mga Kristiyano tungo sa pagkakaroon ng tunay na pananampalataya sa Panginoong Diyos at sa Panginoong Hesukristo. Sa pasimula ng kanyang panunulat ngayon, ipinahayag niya ang kahalaghaan ng pagiging matatag at mapagmatiis sa kabila ng mga pagsubok at suliranin sa buhay. Ibig sabihin ni Santiago na ang buhay ay hindi madali tungo sa nais paroroonan ng isang tao. Madalas ang karamihan ay nais makamit ang tagumpay, impluwensiya, at kayamanan upang magkaroon ng kaginhawaan ng buhay, na parang bagang itong mga hinahangad na makamundong bagay ay tila nga bang nagpapasaya sa isang tao. Subalit para sa Apostol, hindi palaging ganyan ang pamumuhay ng isang tunay na Kristiyano sapagkat lahat ng tao ay dumadaan muna sa mga pagsubok at hamon ng buhay bago pa man siya umangat at makamit ang mga kaginhawaan. At kung ang isang tao ay nagtitiis at tunay na nagsisikap sa kabutihan at kagandahang-loob, ang gantimpala niya ay higit sa anumang bagay ay ang Panginoon at ang kanyang kaloob na buhay na walang hanggan sa kalangitan.

Ang Ebanghelyo ay paalala na ang Diyos ay nagbibigay ng tanda ng kanyang pagmamahal. Hindi ito lingid ng mga eskriba at Pariseo na tutuksuhin si Hesus upang humiling ng palatandaan. Kaya hindi siyang nagpakita ng anumang tanda sa kanila. Nais ipunto ni Kristo na upang makilala natin siya at ang kanyang Ama, hindi natin kailangang humiling ng tanda o himala, kundi maging palantandaan ng kabutihan sa bawat tao. Kahit tayo pa ay nabigo o nagkasala, tayo ay patuloy na nililingap mula sa kahinaan upang maging malakas sa pananamapalataya, pag-asa, at pag-ibig.

Reply

Malou Castaneda February 11, 2024 at 8:54 pm

PAGNINILAY
Naaalala ba natin ang mga panahon na gusto o kailangan din natin ng tanda mula sa Diyos? Kung nakatanggap tayo ng isang senyales, nagpasalamat ba tayo sa Diyos o ipinapalagay natin na ito ay nagkataon lamang? Maraming beses na hindi natin nararamdaman ang presensya ng Diyos. At kung minsan, maaari nating maramdaman na ang Diyos ay daan-daang milyong milya ang layo.

Binibigyan tayo ni Hesus ng mga tiyak na palatandaan ng Kanyang pang-araw-araw na presensya sa ating buhay. Ang Eukaristiya ang pinaka makapangyarihang tanda dahil naglalaman ito ng May-akda ng tanda Mismo. Inihahayag din sa atin ni Hesus sa Salita, sa Kanyang Simbahan, sa Kanyang nilikha at maging sa pang-araw-araw na kalagayan ng ating buhay. Ang pananampalataya lamang ang magbubukas ng misteryong ito at magdadala sa atin sa karanasan ng pag-ibig ng Diyos.

Huwag sana tayong tumalikod sa Diyos. Ipagdasal natin ang isa’t isa na magtiwala at maniwala na ang Diyos ay kasama natin at binibiyayaan tayo – anuman ang ating nararamdaman!

Panginoong Hesus, buksan Mo ang aming mga mata sa Iyong nakapagpapagaling na presensya sa aming buhay. Amen.

PAGNINILAY
Ang mga Pariseo ay muling hinaras si Hesus. Nais nilang bigyan sila ni Hesus ng “tanda mula sa langit.” Sawang-sawa na si Hesus sa kanila at bumuntong -hininga mula sa “kalaliman ng espiritu.” Hindi maintindihan ni Hesus kung bakit hindi Siya mapaniwalaan ng mga Pariseo ng walang tanda.

Naaalala natin ang mga panahon na gusto o kailangan din natin ng palatandaan mula sa Diyos. Kung nakatanggap tayo ng isang senyales, nagpasalamat ba tayo sa Diyos o ipinapalagay natin na ito ay nagkataon lamang? Ang buhay ay hindi malinis o malinaw. Maraming beses na hindi natin nararamdaman ang presensya ng Diyos. At kung minsan, maaari nating maramdaman na ang Diyos ay daan-daang milyong milya ang layo. Paano tayo tutugon sa pakiramdam ng kakulangan? Huwag sana tayong tumalikod sa Diyos. Nawa’y patuloy tayong magtiwala. Nawa’y ipagdasal natin ang isa’t isa na magtiwala at maniwala na kasama natin ang Diyos at binibiyayaan tayo ng Diyos – anuman ang nararamdaman natin!

Panginoong Hesus, buksan Mo ang aming mga mata sa Iyong nakapagpapagaling na presensya sa aming buhay. Amen.
***

Reply

Jess C. Gregorio February 12, 2024 at 5:29 am

Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:

Ang mga tao ay sumusunod sa mga tuntunin at regulasyon na kinatha ng kanilang kapwa tao. Na kung hindi naaayon ay hindi paniniwalaan. Maghahanap ng tanda na maipapakita para maintindihan. Ngunit ang isipan at kakayahan ng tao ay may hangganan. Kahit na ang simpleng patunay na maaaring gawin ng Diyos ay sadyang hindi maiintindihan. Kaya napa-buntong hininga na lang si Hesus at lumisan. Magiging walang silbi ang lahat ng katotohan sa isang tao kung wala ang Espiritung nagbibigay ng kabanalan. Ang pakay ng mga Pariseo ay isang kabuktutan. Masilo siya at mapahiya sa karamihan. Ang puso at isipan ay hindi tama. Bakit nga ba niya papatulan? Sa panahon ngayon sa bisa ng Kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ang tanda na hinahanap, ang patibay ng Langit na ninanais ay nasa ating puso na, mababatid natin kahit sa isang simpleng panalangin.

Reply

RFL February 12, 2024 at 6:59 am

Santiago 1, 1-11
Salmo 118, 67. 68. 71. 72. 75. 76
Marcos 8, 11-13

Kung tayo ay namuhay noong panahon ni Hesus, tayo kaya ay maniniwala nang buo sa Kanya, o isa tayo sa mga hihingi ng signs and wonders mula sa Kanya? Ano kaya ang dahilan ng mga Pariseo? Bakit ba naghahanap ng mga tanda ang isang tao mula sa Diyos, sa kabila ng mga biyaya na kanyang natanggap?

Una, They want grand signs and wonders just like the former prophets. Gustong mapatunayan ng mga Pariseo na si Hesus ay mula sa Diyod. dahil may mga unang propeta na naghati ng dagat (Moses) at nagpaulan ng apoy mula sa langit (Elijah). Gusto nilang ihambing kung ano ang kakayanan ni Hesus kumpara sa mga dakilang propeta ng Israel. Ngunit nabubulagan yata sila? Napakarami ng ginawa ni Hesus at nangaral pa Siya. Napakaraming tinupad ni Hesus na propesiya, pero hindi nila ito pinaniwalaan.

Pangalawa. They want the confirmation on the truth of God. Para nilang tinetest ang Panginoon. Yung mga taong sobrang skeptical, they will never believe unless they saw it with their own eyes. Ayaw nila na may witness lang na nakakita, gusto nila na sila mismo ang makakita. Hindi sila magsusubmit sa isang idea lalo na tungkol sa Diyos kung hindi ito accompanied ng signs and wonders. Example ay yung mga taong kitang kita na ang beauty at intellect ng isang tao, pero naniniwala pa rin na galing tayo sa unggoy. Which leads to the 3rd reason.

3rd reason is para maexcuse ang kanilang hindi paniniwala. Unbelief. No proof, no belief. Ang mahirap lang nito ay kagaya ng sinabi ni St. Paul, “For since the creation of the world God’s invisible qualities—his eternal power and divine nature—have been clearly seen, being understood from what has been made, so that people are without excuse.” (Romans 1:20-21). Pagdating naman kay Hesus, nagpalayas Siya ng mga demonyo. Pero ang mga Pariseo ay pinaratangan pang si Beelzebul ang Panginoong Hesus. Nagpagaling sa maysakit, nakakita ang bulag, nagsalita ang mga pipi, binuhay ang patay, pero ni kaunting pananampalataya, hindi sila tinablan.

Pinush pa rin nila ang kanilang unbelief. Sa kabila ng mga pagpapagaling ni Hesus, sa kabila ng pagpapakain Niya sa higit 5000 katao sa ilang na lugar, sa kabila mga karunungang inilahad Niya sa mga tao… Matapos ng lahat ng ito’y hinamon Siya ng mga Pariseo at humingi ng tanda mula sa langit. They chose to be blind. Religious practices and traditions and laws ang mas nanaig sa kanilang paniwalaan kesa sa pananampalataya kay Kristo. Jesus described these people as a wicked and adulterous nation! ““A wicked and adulterous generation asks for a sign! But none will be given it except the sign of the prophet Jonah.” Mt 12:39

Ngunit mapalad ang mga naniwala kahit hindi nakakita ng himala. “Jesus told him, ‘Because you have seen me, you have believed; blessed are those who have not seen and yet have believed’” (John 20:29). Katulad ng mga Samaritano, “And because of his words many more became believers.” (Jn 4:41)

Maging katulad tayo ng mga Samaritanong ito. Na kahit walang mirakulong nakita ay naniwala sa Panginoon! Dahil dito nabubusog, nasasatisfy ang Diyos na sa ati’y lumikha at nagligtas! Amen.

Reply

Marz February 12, 2024 at 12:37 pm

For every problem in life:
Thank you, Lord, for this trial.
Help me to grow in Faith,
so I can master enough courage and
overcome this trial. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: