Podcast: Download (Duration: 6:00 — 4.3MB)
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Levitico 13, 1-2. 44-46
Salmo 31, 1-2. 5. 11
Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.
1 Corinto 10, 31 – 11, 1
Marcos 1, 40-45
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Sixth Sunday in Ordinary Time (Green)
UNANG PAGBASA
Levitico 13, 1-2. 44-46
Pagbasa mula sa aklat ng Levitico
Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Kung ang balat ninuman ay magbago ng kulay, mamaga o kaya’y magkaroon ng singaw na parang ketong, dadalhin siya kay Aaron o sa mga anak niyang saserdote. Ituturing siyang marumi at di ito dapat kaligtaang ipahayag ng saserdote.
“Ang mga may ketong ay dapat magsuot ng sirang damit, hindi magsusuklay, tatakpan ang kanyang nguso at laging sisigaw ng, ‘Marumi! Marumi!’ Hanggang may sugat, siya’y ituturing na marumi at sa labas ng kampamento mamamahay na mag-isa.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 31, 1-2. 5. 11
Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.
Mapalad ang tao na pinatawad na yaong kasalanan,
at nalimot na rin ang kanyang nagawang mga pagsalansang;
mapalad ang taong sa harap ng Poon ay di naparatangan
dahilan sa siya ay di nagkasala at hindi nalinlang.
Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.
Ako ay lumapit sa iyong harapan at sala’y inamin,
ang aking ginawang mga pagsalansang di ko inilihim;
pinagpasiyahan kong ang lahat ng ito sa iyo’y idaing,
at aking natamo ang iyong patawaf sa sala kong angkin.
Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.
Lahat ng matuwid at tapat sa Poon, magalak na lubos,
dahil sa natamo nilang kabutihang kaloob ng Diyos;
sumigaw sa galak ang lahat ng taong sa kanya’y sumunod.
Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.
IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 10, 31 – 11, 1
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid:
Kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. Huwag kayong maging sanhi ng pagkakasala ninuman – ng mga Judio, ng mga Griego, o mga kaanib sa simbahan ng Diyos. Ang sinisikap ko nama’y mabigyang-kasiyahan ang lahat ng tao sa bawat ginagawa ko; hindi ko hinahanap ang sarili kong kapakanan kundi ang kapakanan ng marami, upang maligtas sila.
Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Kristo.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Lucas 7, 16
Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng D’yos sa bayan n’ya.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Marcos 1, 40-45
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, may isang ketonging lumapit kay Hesus, nanikluhod at nagmakaawa: “Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako.” Nahabag si Hesus at hinipo siya, sabay ang wika, “Ibig ko. Gumaling ka!” Noon di’y nawala ang ketong at gumaling ang tao. Pinaalis siya agad ni Hesus matapos ang ganitong mahigpit na bilin: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pasuri ka sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises, upang patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na.” Ngunit umalis siya at bagkus ipinamalita ang nangyari, anupat hindi na hayagang makapasok ng bayan si Hesus. Naroon na lamang siya sa labas, sa mga ilang na pook, at doon pinagsasadya ng mga tao buhat sa iba’t ibang dako.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Sabado, Pebrero 10, 2024
Lunes, Pebrero 12, 2024 »
{ 10 comments… read them below or add one }
Janmichael…ayon sa Mabuting Balita yon pag papagaling ni Jesus ay Hindi lang nya sinabi na “ibig ko gumaling ka ” bagkus hinipo nya ito upang ipadama sa taong may ketong na importante siya Kay Hesus…di ba ang lahat NG may ketong ay inihihiwalay sa karamihan Kasi marumi sila at nakakahawa…Kaya ni lapitan di mo gagawin…pero si Jesus dahil importante siya sa kanya kahit ano pa Ang kalagayan nya hinawakan siya at pinagaling…ganyan kabuti Ang ating Diyos maging Sino ka man maging ano ka man at maging ano man kalalalagayan mo…MAHAL na MAHAL Tayo ng Diyos…at importante Tayo sa kanya…itong sagot ko Jan Michael…ay ayun sa narinig ko na paliwanag NG aming pari at NG sarili Kung pang unawa…marami no pong salamat
PAGNINILAY: Habang tayo ay nalalapit na sa Panahon ng Kuwaresma, patuloy nating pinagninilayan ang Pampublikong Ministeryo ng ating Panginoong Hesukristo.
At ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagtatagpo ni Hesus sa isang ketongin. Ang kultura dati ng mga Israelita ay umiwas sa mga taong may ketong sa kanilang balat upang hindi sila mahawa nito. Subalit itong ketongin ay mismong lumapit kay Hesus upang humiling kay Kristo. Siguro napatanto niya na si Hesus ay ang Mesiyas, at kahit pinagbabawalan siyang lumapit ayon sa kinaugalian, lumapit pa rin siya sa kanya upang ihiling na siya’y mapalinis. At mula sa bibig ni Hesus na may habag at malasakit ay winika ng paglinis ng kanyang balat. Kahit pinagbawalan ito na huwag ipaalam sa ibang tao ang nangyari, patuloy na ipinahayag ng lalaki ang kagandahang-loob ng kababalaghang ito.
Makikita natin sa kwento ang dakilang awa ng Diyos na ipinahayag sa katauhan ni Hesukristo, kahit hindi niya sinunod ang nakasaad sa Batas ni Moises ayon sa Unang Pagbasa. At natunghayan ng ketongin ang kanyang pananampalataya kay Kristo na siya’y mapapagaling. Siguro sa ating buhay ay may mga taong itinuturing na mga “ketongin” ng lipunan. Ito’y siguro mga taong iniiwasan natin o kaya ‘di natin pinapansin. Subalit ang mga Kasulatan ay malinaw na patuloy na dinidinig ng Diyos ang mga panaghoy ng mga mahihirap at nangangailangan.
Katulad ni Kristo, nawa ipakita natin ang ating habag at malasakit sa isa’t isa, lalung-lalo ang mga taong niyuyurakan at hindi binibigyan ng masyadong pansin. Nawa’y tumugon tayo sa paanyaya ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na ang ating kabutihan, pagmamahal, habag, at pagmamalasakit sa bawat tao ay para sa ikaluluwalhati ng Panginoong ating Diyos.
Lahat po tayo ay may iba’t-ibang uri ng sakit na ketong na pinandidirihan. Pero wag pong kakalimutan na namdyan din ang ating Panginoon na mahabagin. Na handa taypng pagalingin kung tayo rin ay katiulad ng taong ketongin na may pagpapakumbaba na tanggapin ang mga pagkakasala at may labis na paghahangad na gumaling at lubos ang pananalig sa Panginoon na ang kagalingan ay sa Kanya lamang manggagaling. Sa panahon po natin ngayon, ay
mayroon po tayong sacramento ng kumpisal at nandoon po lamang ang Panginoon na magsasabing “I absolve you from your sins… “ sa oras na tayo rin po ay maninikluhod at magmamakaawa.
Nagbilin si Hesus na wag ipamalita ang pagpapagaling nito sa kanya dahil ibig ng Panginoon na makilala xa ng mga tao hindi dahil lamang bilang nagpapagaling ng mga may sakit kundi bilang isang tagapagligtas. Magkaganunpaman po na hindi xa sinunod ng taong ketongin na gumaling ay inialay pa rin ng Panginoon ang kanyang sarili kapalit nito. Ang Panginoon ay pumupunta n lang sa mga ilang na lugar.
Ang ikaw ay mapagaling sa anumang karamdaman o sa ibang salita, ang mapatawad sa mga kasalanan ay isang tunay na biyaya na sa sobrang kagalakan hindi maikubling ipagsigawan ito subalit ang ibig ng Panginoon, ang kagalakan na ito ay hindi lamang sa salita kundi n rin sana sa gawa.
Sa tuwing naririnig ko ang kwentong ito sa ebanghelyo ay unang pumapasok sa isip ko ang bigat na nararamdaman ng ketongin na yun. Hindi ko maimagine ang bigat ng kanyang dinadala, na siguro, in an instant, nang dahil sa pagkakaroon niya ng ketong ay nagbago ang kanyang buhay. Hindi sinabi sa ebanghelyo kung ano siya or ano ang katayuan niya sa community bago siya nagkasakit, pero siguradong daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa noong siya ay nagkaketong! Noong panahon na yan kasi ay talagang dinidiscriminate ang mga taong may ketong. Itinuturing silang marumi at ihinihiwalay talaga ng tirahan malayo sa karamihan! So imagine, from normal na pamumuhay niya, siya ay nagkaketong na hindi naman niya ginusto, and in an instant dahil sa kanyang sakit, ay nabago lahat ito at araw araw niyang nararanasan tuloy ang bigat ng pagdidiscriminate at pandidiri sa kanya ng lahat!
Hindi na uso sa panahon natin ngayon ang ketong dahil nagagamot na ito, pero sigurado na in one way or another ay nakakaranas tayo ng kanya kanyang mabigat na sitwasyon na katulad ng taong may ketong. Na kung hindi dahil sa sitwasyong ito, sana ay normal ang ating buhay. Na kung wala sana ang problema o kinakaharap nating ito, which is hindi naman natin ginusto, e di sana ay tahimik at smooth ang ating pamumuhay!
Tatlong bagay ang gusto kong pagtuunan ng pansin sa nangyari sa taong may ketong sa ebanghelyo. Una ay ang paninikluhod at pagmamakaawa ng ketongin kay Hesus na siya ay pagalingin. Pangalawa, ang pagkahabag, paghipo at pagpapagaling ni Hesus sa kanya. At pangatlo ay ang pamamalita ng ketongin sa kanyang paggaling!
Tayo rin ay pwedeng manikluhod at magmakaawa kay Hesus na tayo ay pagalingin at alisin sa mabigat na sitwasyong ating kinalalagyan. Sa ating pagmamakaawa, si Hesus ay mahahabag sa atin, hihipuin tayo sa paraang siya lang ang nakakaalam kung paano at kung kailan, and then malalaman na lang natin na tayo ay magaling at malaya na! At ang panghuli, kapag tayo ay magaling na at nakalaya na sa ating mabigat na dinadala, ay huwag nating kalimutan na ipamalita kung paano tayo napagaling ng Diyos!
Let us pray.
Lord, pinipilit kong labanan at lagpasan mag-isa ang mga sitwasyon ko sa buhay, pero sadyang may mga bagay na hindi ko inaasahang dumarating magpapabago at magpapahirap sa akin ng todo. Hindi ko ito mapagtatagumpayang mag-isa kaya ako ngayon ay naninikluhod at nagmamakaawa sa’yo, umaasa na ako ay iyong pagalingin at palayain katulad ng ginawa mo sa taong may ketong sa ebanghelyo, sa paraan at panahong nararapat ayon sa kalooban mo! Amen!
Ang ang Panginoong Hesus ay mahabagin. Tulad nung ketongin lumapit siya, nanikluhod at nagmakaawa. Dahil sa alam ng ating Panginoong Hesus na bukal sa puso ang paglapit na iyon ng ketongin, pinagaling siya. Sa panahon natin ngayon lalo’t higit malapit na ang kwaresma, ang magandang gawin ay lumapit sa Panginoong Hesus. Ang tinitingnan ng ating Panginoong Hesus ay ang ating puso, Wala tayong maitatanggi sa kanya. Alam niya lahat ng ating iniisip at gustong gawin. Kaya panahon na upang magbalik-loob at magmahal ng tapat.
PAGNINILAY
Nakita ng mga tao ang ketong bilang isang parusa mula sa Diyos. Ngunit ang pagnanais ni Hesus na magpakita ng awa sa ketongin ay nagbalewala sa resetang iyon at buong tapang na nagbigay ng Kanyang hipo ng pagpapagaling na lubhang kailangan. Sinabi Niya na naparito Siya upang pagalingin ang mga maysakit at linisin ang mga ketongin. Sa sakramento ng Penitensiya, si Hesus ay nagdadala sa atin ng panloob na pagpapagaling sa pamamagitan ng paghipo sa atin ng biyaya. Dinadala Niya ang Kanyang espirituwal na gamot sa mga pilat ng kaluluwa; sugat ng kasalanan; mga pasa ng nakaraan.
Nakatayo Siyang handang magpagaling sa dampi ng Kanyang mapagmahal na awa.
Kaya naman kailangan nating dumulog sa kumpisalan. Ibinigay sa atin ni Hesus ang kapangyarihan ng Kanyang mga Sakramento, lalo na ang pagkukumpisal, upang dalhin ang Kanyang nakapag papagaling na paghipo sa mga lugar kung saan walang doktor na maaaring mag-opera; walang therapist na maaaring magsuring mabuti; walang gamot na makapag papaginhawa; walang kaibigan na makararating. Nawa’y huwag nating pahintulutan ang anuman na makahadlang sa atin sa pag-aalay sa Kanya ng mga bahagi kung saan higit natin Siyang kailangan.
Panginoong Hesus, buong kababaang-loob naming hinihiling sa Iyo na pagalingin Mo kami sa aming mga paghihirap. Amen.
***
Levitico 13, 1-2. 44-46
Salmo 31, 1-2. 5. 11
1 Corinto 10, 31 – 11, 1
Marcos 1, 40-45
Sa ating mga pagbasa, wari’y inihahambing ng Diyos ang taong may leprosy sa isang taong makasalanan. Noong unang panahon kung kailan hindi pa available ang gamot sa ketong, binigyan ng Diyos ang tao ng mga pamantayang kailangang sundin kung sakaling ang isang tao ay magkaroon ng ketong. Kailangan silang ihiwalay sa mga normal na tao sapagkat ang leprosy ay isang infectious disease, hindi rin dapat lapitan ang taong ketongin within 6 feet, at kailangang ipasuri sa saserdote para siya’y maideclare kung may ketong o magaling na. O di ba, parang nung pandemic lang, may social distancing, isolation at antigen tests? To top it off, ang isang ketongin ay itinuturing na “marumi” ng lipunan, physically and spiritually.
Ang sakit at pamantayan ng leprosy ay kinailangan ng Diyos upang maituro sa tao ang tamang attitude sa mga makasalanan na tao. Una sa lahat, para hindi ka matulad sa pagkakasala ng iba, mabuting lumayo ka sa taong iyon. Pangalawa, kung ikaw yung makasalanan na iyon ay mag-isolate ka para hindi ka na makadamay ng iba sa kasalanan mo at ang pagiging makasalanan ang maglalayo sa iyo mula sa kaharian ng Diyos. Pangatlo, humingi ka ng tawad sa Diyos sa pamamagitan ng pangungumpisal o humingi ka ng tawad sa ibang tao para sa kasalanang nagawa mo sa kanila. Pero ang tanong, sino ba ang makasalanan na tao?
Ako, ikaw, at tayong lahat. Pano ko nasabi yon? Simple lang, iyon ang sabi sa Banal na Bibliya. “Lahat tayo’y naging marumi sa harapan ng Diyos; ang mabubuting gawa nati’y maruruming basahan ang katulad. Nalanta na tayong lahat gaya ng mga dahon; tinatangay tayo ng malakas na hangin ng ating kasamaan.” (Isaiah 64:6) Ang sabi pa ni David, ang taong itinuring na “man after God’s own heart”: Surely I was sinful at birth, sinful from the time my mother conceived me.” (Psalm 51:5) Kung hindi pa rin tayo convinced na tayo ay isang makasalanan, kapag nakita natin ang kadakilaan ng Diyos ay baka katulad ni Isaias ay ganito marahil ang ating sasabihin: ““Kawawa ako sapagkat ako ay isang makasalanan at mula sa isang lahing makasalanan. Mapapahamak ako sapagkat nakita ko ang Hari, si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat!” (Isaiah 6:5)
Ang mabubuting gawa natin, pag tinabi ang mga ito sa mabubuting gawa ng Diyos ay para lang itong basahan. Kapag nakita natin ang kadakilaan ng Diyos ay matuturing natin ang sarili natin bilang makasalanan. At kagaya nga ng sinabi ni David, in sin did my mother conceived me. Nung nasa sinapupunan pa lang tayo ay itinuturing na tayong makasalanan. Marumi, na katulad ng ketongin ay kailangang layuan at ireject.
Mga kapatid, napakapalad natin! Sapagkat mayroon tayong Diyos na nais tayong linisin kung tayo ay talagang magpapalinis sa Kanya! Ang sabi ng ketongin, “If you will, you can make me clean.” Ang tugon naman Niya, “I will. Be cleansed.” Ang walang hanggang awa at pag-ibig ng Panginoon ang nagpapalinis sa atin. Ito ay Mabuting Balita! Ang paglilinis ng Panginoon ay freely na ibinigay Niya sa atin at ang kailangan na lang nating gawin ay katulad ng ketonging ito, magkaroon tayo ng pagnanais na maging malinis, humingi ng awa sa Diyos at maniwala sa Panginoon na kaya Niya tayong linisin. Tayo’y kanyang lilinisin, kagaya ng pagsamo ni David: Cleanse me with hyssop, and I will be clean; wash me, and I will be whiter than snow. (Psalm 51:7) Walang imposible sa Panginoon! Sakit man ang pagagalingin sayo, o ang pagappatawad sa mabibigat nating mga kasalanan. Nothing is too hard for the Lord!
At pag nagkagayon, sabi nga sa Salmo na ating binasa:
“Mapalad ang tao na pinatawad na yaong kasalanan,
at nalimot na rin ang kanyang nagawang mga pagsalansang;
mapalad ang taong sa harap ng Poon ay di naparatangan
dahilan sa siya ay di nagkasala at hindi nalinlang.”
-from Psalm 31
This coming Lenten season, let us desire to be cleansed. May it be a season full of hope, healing and renewal. Amen.
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Sa mga pagkakataon ng matinding pagdurusa at kasakitan, kung wala na talagang nakikitang pag-asa, kung wala na tayong pinaniniwalaang kakayahan baguhin ang ating tadhana. Isinusuko na lang natin ang lahat sa isang katanungang nagpapaubaya. “Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako.” Isang pagsukong sagad na halos hindi na inaasahan. “Kung gusto nyo…” Kung ayaw ay tanggap naman. Wala nang magawa. Pero iba si Kristo. Patay ma’y binubuhay. Kung tatanungin parating isasagot sa atin ay “ibig ko!” Hinding-hindi ka ipagtatabuyan. Ketong, anumang sakit, pagsubok na matindi at naiiba, kahit kamatayan, kahit feeling mo na hihindian, ang sagot ni Hesus ay, “Gumaling ka!” Kaya lang kung minsan, pagkatapos biyayaan, kung sakaling sabihan ng mga susunod na dapat gawin, sinasadya pa nating sumuway sa kanyang mga nais para sa atin. Humiling. Gumaling. Sumuway. Sa ating mababaw na pananalig at walang kasiguraduhan, hindi pa rin tayo makapaniwala na ang malaking pagdurusa ay nasolusyunan. Ang masakit lang, karaniwan na ang hindi pagsunod ay tumutuldok at pumuputol ng grasyang sana ay tatamasahin ng iba rin namang nangangailangan. At sa katigasan ng ating puso ang kawalan ay bumabalik sa atin at grasyang tinanggap ay naglalaho ng tuluyan.
Para sa akin ang sinisimbolo ng lalaking ketongin sa ating mabuting Balita sa buhay natin ngayon ay ang bawat isa sa atin. Hindi maikakaila na lahat po tayo ngayon mapa simpleng tao, mayaman o mahirap ay may mga taglay na dumi o ‘di kaaya ayang katangian. Mga lihim na ‘di natin nais malaman ng iba o mga pagkakasalang lubos nating pinagsisisihan. Hindi man po sa balat, ngunit mayroon po tayong ketong na tinataglay. Marahil ay sa kalooban mga sakit na dinaramdam o ‘di Kya ay mga panalangin na ipinagpapasa-diyos natin. Tulad po ng ketongin sa mabuting balita. Kinilala niya po si Jesus bilang mesiyas na tagapagligtas at lumapit upang humingi ng tulong. Sa ngayon po tayo rin ay kumikilala at lalo pang kikilalanin Ang panginoon at huwag po tayong mahiya na lumapit sa kanya.
Sa mga pagkakataon po na ako ay lumuluha, siya po ang aking kasama. Alam ko po na kahit pa ako lang ang tao sa kwarto ko at nagmumukmok ako alam ko pa rin po na hindi ako nag-iisa. Dahil doon nakabuo ako ng sarili Kong quotes. “No matter what happened, always remember that you are great, you are worthy, you are treasured, you are valued, and you are loved.”
Parang kapag sinabi po ito sa taong mahal mo sobrang assurance po iyon ‘di ba po?. Nakakakilig. Lalo na po kung sa Diyos manggagaling. Sobrang sarap po sa pakiramdam na kahit ano man po ang mangyari kahit pa po ang mga makasalanan ay tatanggapin pong muli Tayo Ng panginoon. You are great, Tayo ay Isang magandang likha Ng Diyos. You are worthy, Na kahit pa anong mangyari o ano ang nagawa nating mga pagkakasala. Tayo ay mananatiling karapat dapat para sa panginoon dahil Tayo ay mga anak niya. Basta ating siyang tatanggapin at iibigin din dito sa ating buhay. You are treasured, na kahit po anong mangyari meron at merong someone na tinatangi Tayo. Ang panginoon! Ang tatanggap at iingatan Tayo. You are valued, mahalaga Tayo. Na kahit po anong mangyari ay hinding Hindi po magbabago Ang ating halaga. Kahit gaano po Tayo apak apakan Ng mundo. O paikut ikutin Ng Tadhana, mananatili po tayong mahalaga.
At panghuli You are loved. Na kahit po anong mangyari Ang walang Hanggang pag ibig Ng Diyos ay palaging atin. Kahit man po talikuran Tayo Ng mundo at Ng mga taong pinakamamahal natin, kahit pa saksakin Tayo sa likod Ng mga taong pinakapinagkakatiwalaan natin. Hindi po Tayo mag-iisa dahil nandyan po Ang panginoon para Tayo ay samahan at iibigin. Tulad po Ng ketongin sa mabuting Balita. Hindi po Tayo karapat-dapat magpatuloy sa panginoon ngunit sa Isang latila lamang po niya ay gagaling po Tayo. Kahit po sino Tayo Hindi Tayo kailan man papabayaan Ng Diyos at hihipuin niya po Tayo para Tayo ay iligtas at pagpalain.
PAGNINILAY
Ang ating ebangelyo ngayon ay tungkol sa
PAGSUNOD SA UTOS NG DIYOS.
Pinagaling ni Hesus ang isang ketongin at sinabihang ….
Pinaalis siya agad ni Hesus matapos ang ganitong mahigpit na bilin: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman.
Sa halip ay pasuri ka sa saserdote.
Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises,
upang patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na.”
Hindi sinunod ng taong ito ang utos sa halip ipinamalita ito.
Hindi tuloy makapasok si Hesus sa bayan dahil pagkakaguluhan Siya.
Marami tayong ginagawa na akala natin makabubuti, hindi natin isinasa alang-alang ang utos ni Hesus. Kadalasan kung sariling kagustuhan ang sinusunud at hindi ang utos, tayo,y napapahamak kung hindi man ibang tao.