Linggo, Disyembre 31, 2023

December 31, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Kapistahan ng Banal na Mag-anak
Patnubay sa Misa

Taglay ang pananalig sa Panginoong humirang sa atin na maging kabahagi ng Kristiyanong mag-anak at ng Simbahan, manalangin tayo para sa lahat ng mga mag-anak sa daigdig.

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa malaking mag-anak ng Simbahan at ng sangkatauhan: Nawa’y ang lahat ng kanilang mga kasapi’y magtamasa ng ka- linga nina Hesus, Maria, at Jose. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga Pilipinong mag-anak: Nawa’y manatili silang nagkakaisa at nagkakasundo nang dahil sa kanilang pananampalatayang Kristiyano at sa tulong ng buong pamayanan. Manalangin tayo!

Para sa mga mag-anak na walang tahanan: Nawa’y pahalagahan ng kanilang mga kamag-anak ang pananampalataya, pagkakaisa, at katapatan sa relihiyon sa kabila ng mga kahirapan sa buhay. Manalangin tayo!

Para sa mga mag-anak na bagu-bago pa lamang nabubuo ngayon: Nawa’y makatagpo sila ng inspirasyon sa Banal na Mag-anak ng Nasaret. Manalangin tayo!

Para sa ating mag-anak: Nawa’y maghari ang kapayapaan ni Kristo sa bawat isa sa atin, maging mapagpatawad at manatiling magkakabuklod sa di-makasariling pagmamahal. Manalangin tayo!

Para sa mga may malubha at permanenteng kapansanan: maging sentro nawa sila ng atensyon at kalinga ng lipunan, at maitatag nawa ang mga institusyong naka- laan sa kanilang kapakanan.
Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, pagpalain Mo ang lahat ng mag-anak sa buong daigdig. Paglapitin Mo sila sa isa’t isa at papanatilihin sa Iyong kapayapaan at pagmamahal, sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez December 23, 2020 at 4:45 pm

PAGNINILAY: Ang Linggo pagkatapos ng Ikaapat na Linggo ng Adbiyento at ng Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng ating Panginoon (kung ang Disyembre 25 ay hindi sasapit sa Araw ng Linggo) ay ang Kapistahan ng Banal na Mag-anak nina Hesus, Maria, at Jose. Hindi tinutukoy ng Banal na Kasulatan ang mga taong pangkabataan ng ating Panginoong Hesukristo bago pa man magsimula ang kanyang pagpaparangal sa Mabuting Balita. Ngunit sa mga mahahalagang pangyayari pagkatapos ang Pagsilang ni Hesus ay tumutukoy sa Banal na Mag-anak. Ang mga ito ay ang Paglisan sa Egipto, ang Paghahandog ni Hesus sa Templo, at ang Paghahanap kay Hesus sa Templo. Tinutukoy ng bawat isa ang buhay ng bawat pamilya.

Ang buong konsepto ng Ikaapat na Utos ng PANGINOONG DIYOS ay ang pamilya. Ang pamilya ay ang pinakamahalagang salik sa lipunan. Sa Simbahan naman, ito ay isang plano ng Diyos para pahabain ang buhay. Sa isang pamilyang Kristiyano, ito ay ang Pantahanang Simbahan dahil ito ay ang isang partikular na pakikipag-ugnayan sa mga turo ng Diyos at ng kanyang Iglesya, ang Simbahang Katolika. Kaya nga sinabi ni Reb. Padre Patrick Peyton, CSC: “Ang pamilyang sabay-sabay na nagdadarasal ay sabay-sabay na nagsasama-sama.” Ang papel na dapat gampanan ng lipunan ay ang pagsuporta at patatagin ang kasal at pamilya. Kaya nga, ang mga bata ay may karapatang gumalang at sumunod sa mga magulang at sa mga taong may awtoridad, at ang mga magulang at ang mga taong may awtoridad ay may karapatang ituro at ipamana ang tamang pamumuhay sa mga bata.

Sa pag-aalaga nina San Jose at ng Mahal na Birheng Maria sa ating Panginoong Hesukristo, naging masunurin din siya sa kanila, lalo na ang Diyos Ama. Kaya ang Dakilang Haligi ng tahanang pamilya ay walang iba kundi ang Diyos mismo. Sa atin paglalakbay sa daan ng Pasko ng Pagsilang, nawa’y tularan natin ang Banal na Mag-anak sa pagpapahalaga ng buhay-pamilya, at kahit hindi magkadugo, ipamana ang mga mahahalagang katangian.

Reply

Joshua S. Valdoz December 31, 2023 at 2:18 pm

Leave a Comment

Previous post:

Next post: