Huwebes, Setyembre 21, 2023

September 21, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
San Mateo

Ang buhay ni San Mateo ay binago ng pagtawag at hamon ng Guro. Nawa ang aming mga panalangin ay magpahayag ng pagbabago ng buhay at maging sensitibo kami sa mga pangangailangan ng iba.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pagpapatawad, maging mapagpala ka sa amin.

Ang mga programa para sa pagpapanibago nawa’y maging tanda ng ating buhay-Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tanggapin ang hamon at tawag sa pagbabalik-loob sa halip na mahikayat sa pang-aakit ng mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may kinalaman sa mga bagay tungkol sa pananalapi nawa’y hindi matuksong ipagpalit ang kanilang kaluluwa para sa kayamanan at kapangyarihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may kahinaan sa kanilang espiritwal na buhay nawa’y humanap ng tulong sa Sakramento ng Pakikipagkasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng mga panalangin ni San Mateo, tanggapin mo ang mga kahilingan ng iyong bayan, ang bagong Israel na tinipon ng biyaya ng iyong Muling Nabuhay na Anak, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 27, 2021 at 10:28 pm

PAGNINILAY: Ipinagdiwang ngayon ang Kapistahan ni San Mateo, isa sa mga 12 Apostol ng Panginoon at isa rin sa mga 4 na manunulat ng Mabuting Balita. Narinig natin sa Ebanghelyo ang kanyang pagtawag sa kasamahan ni Kristo. Sa kapanahunan ni Hesus, ang mga publikano/nangongolekta ng buwis ay itinuturing ng lipunan mga mandaraya at traydor: mandaraya sapagkat mahilig silang kumuha ng pera mula sa kanilang kapwang Hudyo, at traydor naman sapagkat nagtratrabaho sila para sa mga Romano.

Ngunit nakita natin kung paanong naging malapit si Hesus sa mga makasalanang taong ito, at sa puntong pagtawag kay Mateo (o Levi) sa pagiging tagasunod niya. Kaya nagpahanda ang publikanong ito na parang despedida dahil siya’y lilisan na mula sa kanyang dating pinagsamahan ng mga kaibigan niya. At nakita natin ang eksenang nakisalo ang Panginoon sa bahay ng isang itinuturing na makasalanan. Kaya ang mga Pariseo ay nagtanim ng sama ng loob at kwinestyon ang mga Apostol sa ginagawa ng Panginoon. Subalit tugon ni Kristo ay ang larawan ng isang doktor na nag-aalaga sa mga maysakit, na ganun din ang kanyang misyon upang tawagin ang mga makasalanang tao tungo sa tunay na pagbabagong-loob.

Makikita natin sa pagsisimula ng Ebanghelyo ni San Mateo na ang mga naging ninuno ni Hesus ay hindi perpekto, subalit mula sa mga kapintasan ay gumawa ng Diyos ng paraan upang isilang siya na Mesiyas sa sinapupunan ng Birheng kalinis-linisan. Kaya ang pagkakaisa ni Hesus sa bawat tao ay nagpapakita na gaano man tayo sa buhay at anuman ang ating nararamdaman, minamahal pa rin tayo ng Diyos Ama at patuloy na tumatawag tungo sa pagtutupad ng dakilang kalooban.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño September 21, 2021 at 9:08 am

Napakaganda ng ating ebanghelyo ngayon, pag asa at pagtanggap ang inihahain sa atin ni Hesus. Tuwing ako magsisimba nakakarinig ako mula sa aking mga kaibigan na ako’y simba ng simba pero makasalanan naman, ang sagot ko ay ay ang tinuran ni Hesus sa ebanghelyo, hindi nangangailangan ng doktor ang isang taong walang sakit. Ang simbahan ay itinatag hindi lamang para sa mga banal, mas kailangan ito ng mga katulad ko, katulad natin na nahuhulog sa tukso ng kasalanan, ang simbahan ang maglalapit sa atin kay Hesus, dito natin maririnig ang mga Mabuting Balita ni Hesus at ang paliwanag ng mga kaparian kung pano natin ito magiging gabay sa pang araw araw na buhay, at ang pagpapatuloy mo ng katawan ng Kristo. Hinahanap ni Hesus ang mga nawawalang tupa at kinalulugdan nya ang mga taong makasalanan na nagsusumikap na bumalik sa Kanya at tuluyang talikuran ang kasamaan sa pagsunod sa loob nya. Ang ebanghelyo ngayon ay may dalang pag asa na hindi pa huli ang lahat kapatid, makasalanan ka man ngayon ay umpisahan mong magsisi, humingi ng kapatawaran sa Ama at unti unting talikuran ang mga maling gawi at yayakapin tayo ng ni Hesus sapagkat minamahal nya tayo ng lubos. Kaya’t wag magpaka pariawara, wag lalong ilubog ang sarili sa kasalanan, wag isipin na wala ka nag pag asa, wag isipin na hindi ka mapapatawad ng Diyos…. Nag iintay lamang sya.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: