Huwebes, Agosto 3, 2023

August 3, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Tumugon tayo nang may pananalig sa paanyaya ng Diyos na pumasok sa kanyang Kaharian. Buong kababaang-loob tayong manalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin Mo kaming karapat-dapat sa iyong paghahari.

Ang Simbahan nawa’y huwag tumigil sa pagpapahayag ng Ebanghelyo sa lahat ng tao, dako, wika, at kultura, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tao nawa’y huwag manatiling sarado sa nakaugaliang kultura bagkus mapayaman nila ang isa’t isa sa kanilang pananampalataya kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang-wala sa mundong ito nawa’y maging mga tagapagmana ng kayamanan ng Kaharian ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinanghihinaan na ng loob dahil sa bigat ng kanilang mga pagsubok at karamdaman nawa’y huwag ipinid ang kanilang puso at bagkus palalimin pa ang kanilang pananampalataya kay Kristo sa dinaranas nilang mga pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y tanggapin sa Kaharian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, makibahagi nawa kami sa iyong pag-ibig na bukas sa lahat ng tao, tanggapin mo kaming lahat kasama ng aming kapatid na si Jesu-Kristo ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Jose M. Javier August 1, 2019 at 5:20 am

Mass ay mapanatili natin Ang kagustuhan Ng Panginoon sa atin, pasakop Tayo sa kanyang kapangyarihan Ng sa gayun ay mananatili tatong mabuti at banal.

Reply

Mylene Farinas August 1, 2019 at 7:36 am

Panginoon at Diyos. Hiling ang iyong habag sa mga taong hindi nakakakilala at tumatanggap sa iyo. Please don’t give up on them. Patuloy mong katukin ang kanilang puso sa pagsisisi, pagbabago at pagsunod sa utos at kalooban, Upang sa pagdating ang takdang panahon, mapuno ng galak puso mo at ng saka ang buo mong kaharian. Amen

Reply

Reynald Perez August 1, 2023 at 4:30 pm

PAGNINILAY: Sa ating Unang Pagbasa (Exodo 40:16-21, 34-38), makikita natin ang kagandahan ng tahanan ng Diyos. Itinayo ni Moises ang paninirahan ng Kaban ng Tipan upang manahan ang mga utos ng Panginoon sa puso’t isip ng mga Israelita. Hangad ng Panginoon na ang kanyang bayan ay magiging tapat sa kanyang tipan, sapagkat siya ang Diyos na tunay na naghahari sa lupa at higit sa lahat sa kalangitan.

Sa ating Ebanghelyo (Mateo 13:47-53), tinatapos na ni Hesus ang kanyang mga talinghaga tungkol sa Paghahari ng Diyos. Dito’y inihantulad niya ang Kaharian ng Diyos sa isang lambat na inhagis sa dagat upang manghuli ng isda. At paghihiwalayin ng mga mangigisda ang mga mabubuti sa walang kwenta: ang mabubuti ay ititipon sa bangka, samantala ang walang kwentang isda ay itatapon sa dagat. Ito’y pahiwatig tungkol sa Muling Pagpaparito ng Panginoon na ang mga matutuwid ay idadalhin sa langit, ngunit ang mga masasama ay itatapon sa mga apoy ng Gehena.

Kaya’t habang tayo’y namuhay sa daigdig na ito, patuloy na bibigyan tayo ng Panginoon ng pagkakataon upang mamuhay nang kalugud-lugod sa kanya. At mula sa parabula ng lambat, makikita natin ang papel ng Simbahan bilang institusyon ng dakilang habag ng Diyos na ang layinin ay ang kaligtasan ng mga kaluluwa para sa Diyos. Sabi nga na ang Simbahan ay ang ospital ng mga makasalanan upang dito’y maging banal at matuwid ang pamumuhay ng tao. At tayo rin ay tinatawag upang maging mga saksi ng dakilang habag ng Diyos. Bagamat hindi perpekto ang mga namumuno at nabibilang dito, patuloy na tinatawag tayo ng Panginoon na maging matapat sa kanya sa pagdedebosyon ang pagsasabuhay ng ating pananampalatayang Katoliko. Kaya nawa sa ating buhay pangKristiyano ay magampanan natin ang kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan sa kalangitan sa pamamagitan ng matapat na pamumuhay sa paningin ng Diyos at sa paggawa ng kabutihan sa kapwa.

Reply

Jose M. Javier August 3, 2023 at 5:23 am

In Jesus’s parable, the fishermen who sort the good fish from the bad fish and who gather the good fish into containers are the angels who will come forth and take out the wicked from among the righteous, and will throw them into the furnace of fire.
There’s a mixture of good and bad in all of us. The church is a mixture of good and bad also. We simply pray to respond to goodness in our desires and in our activities, and ask the forgiveness and help of Jesus where we fail. The ‘good’ fish represent believers; their being ‘gathered’ speaks of association together—fellowship; while the ‘vessels’ tell of separation from the world.” First, the fishermen will separate believers (the good fish), and finally angels will take away non-believers to hell. He tells his disciples that the Kingdom of heaven is like a net that is thrown into the sea. Naturally the net collects a variety of species of fish. When the net is full, they haul it ashore. However, a net typically collects more than fish.

Reply

Rosalinda m. Jubilado August 4, 2023 at 9:47 am

alam nating lahat, na ang lahat ng nanatiling tapat, nanalig, sumampalataya sa ating Diyos, tiyak na kasama siya sa piling ng Ama even in this life.
yung naNatiling gumagawa ng labag sa kalooban ng Diyos sinusunod ang sariling gusto, hindi tumatAnggap ng mga aral at tuntunin ng Diyos, pinipili ang maluwang na daan,at tahasang denideny ang ating Diyos, sigurado sa apoyna walang hanggan ang pupuntahan at dito pa lang sa lupa ay kabilang na siya sa kampon ni satanas.
napakahalaga sa buhay ng isang tao ang matutunan ang sumunod , magpasakop ng may pagtitiis sa Banal na Kalooban ng Diyos at kung wala ka nito rhen you are living indiferrently- kung ano ang gusto mo at nararamdaman mo siya mong sinusunod.
si Jesus mismo, ang huwaran natin ng ating PANANALIG AT PANANAMPALATAYA AY NAGING MASUNURIN SA PAMAMAGITAN NG PAGTITIIS.
ang hirap kayang pakisamaham ang isang taong kasama mo sa buhay na lahat ng ginagawa mo ay hinahanapan ng mali. How will you overcome this.
of course saganang sa atin hindi natin kaya.
kaya nga need natin sundin ang Holy Spirit na kaloob sa atin ng Diyos na Siya nating Holy Teacher.
at sa pagsunod natin, sa need nating kalimutan ang ating mga sarili- ibig sabihin magtiis sa pag aayos ng ating Diyos sa puso natin na ang nilalaman ay lihis sa kalooban ng Diyos.
kaya nga para makapaghari ang Diyos sa puso natin marapat na ipraktis natin ang kababaang loob,pagpapasakop at handang magtiis at sumunod sa lahat ng Kalooban ng Diyos.
how do you know the will of God.?
napakahalaga ang patuloy na makinig, magbasa ng Holy Messages of God especially in your alonness bec God speaks in the silence of your heart.
at my age of 63 i love being alone with God full of gratitude and thankfullness.
ang Diyos ay napakasaganang magbigay anuman ang hilingin natin. siyempre una hingin mo na maging makatulad mo si Jesus in His Holiness. and God will perfect you in His Perfection. and at the peak of your pagsunod sa Kanya meron ka nang PEACE na grace of God na hindi mababayaran ng pera dahil anumang situation mo sa buhay, mayaman, naghirap, nasuong sa ibat ibang uri ng pagsubok sa buhay damang dama mo ang KAPAYAPAAN na kaloob ng Diyos.Why? sapagkat you have been into an intimate relationship with God.
nanindigan ka na kasama mo ang Diyos na kailanman hindi ka Niya pababayaan. God says I am your healer physically, spiritually paninindigam mo iyon at huag matakot because God says my word is God, so His Words is active and alive, then you will get what you believe and pinanindigan. i have tasted it then you too, sapagkat ang Diyos ay hindi nagtatangi.
i have been and up to now into worst and best of my life but God did not forsake me.
To God be all the Glory!

Reply

CHEEN the DREAMER August 10, 2023 at 11:52 am

maraming salamat PANGINOON SA LAHAT Ng bgay na binibigay mo,mabuti man at masama Ikaw Ang gumabaynsa akin SA aking pamilya at MGA kaibigan nkpalibot SA akin??Ikaw Ang aking PANGINOON SA habang panahon??????

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: