Biyernes, Marso 10, 2023

March 10, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Biyernes

Habang pinagninilayan ang babala sa Ebanghelyo tungkol sa pangangailangang mamunga, ihain natin ang ating mga kahilingan sa Diyos Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng ubasan, pagpalain Mo ang aming mga buhay.

Ang Santo Papa nawa’y makatanggap ng liwanag, lakas, at tulong sa kanyang pag-akay sa Simbahan sa mga panahong ito ng kahirapan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga isipan nawa’y mapuspos ng kapayapaan ng Diyos na naghahatid ng walang hanggang kagalakan at walang katapusang kaligayahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga sariling buhay nawa’y makapagbigay tayo ng bunga ng pag-ibig, pagpapatawad, katarungan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nagdurusa nawa’y hindi panghinaan ng loob sa gitna ng kanilang dinaranas na mga pagsubok at sa halip ay palakasin ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng kanilang walang hanggang kapahingahan sa iyong Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, nagpapasalamat kami sa iyo para sa iyong tapat na pag-ibig. Tulungan mo kaming mapaglingkuran ka nang buong-puso at mamuhay nang karapat-dapat sa iyong pagtawag sa amin. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez March 5, 2021 at 12:22 am

PAGNINILAY: Narinig natin sa Unang Pagbasa ang kwento ng mga 12 anak ni Israel (Jacob). Si Benjamin na pinakabunso ay nasa pangangalaga ni Jacob, at si Jose naman ay ang pinakapaboritong anak. Kaya’t ipinagkaloob si Jose ng isang balabal na maraming kulay. Ngunit nainggit ang kanyang mga kapatid, kaya’t pinagtalian siya at tinangkang ihulog sa balon upang patayin. Hindi ito pinayagan ng panganay na si Ruben dahil sa kanyang mabuting intensyon na iligtas si Jose. Kaya’t nang mamasdan nila ang grupo ng mga Ismaelitang papuntang Egipto, inisip ni Juda na ibenta nalang nila ang kanilang kapatid bilang alipin sa Egipto. At nangyari nga ito sa susunod na kabanata, makikita natin ang karanasan ni Jose bilang alipin, hanggang sa madiskubre ang kanyang talento na makapaglarawan ng mga panaginip. Ito ang naging daan upang italaga siya ng faraon bilang gobernador ng Egipto. At dito rin makikita natin ang muli niyang pagsulyap sa kanyang mga kapatid na tumankang pumatay sa kanya at ibinenta siya bilang alipin. Kahit masakit ang kanyang karanasan sa kanila at madaming pagsubok ang kanyang pinagdaanan hanggang sa puntong maibunyag niya sa kanila bilang kanilang kapatid, makikita rito ang mga ‘di magandang bagay na tila nga ba’y nangyari upang makamtan ang liwanag at grasya ng Diyos.

Ang talinghaga sa Ebanghelyo ngayon ay kilala sa Ingles bilang “Parable of the Tenants”. Ang mga “tenant” ay ang mga katiwala sa isang lupa. Subalit makikita natin sa talinghaga na ang mga katiwalang ito ay tuso pala. Nais sa kanila mapunta ang ubasan ng may-ari. Kaya’t minamaltrato nila ang mga lingkod ng may-ari at minsan pinapatay. Kahit ang anak ng may-ari, hindi nila binigyan ng karangalan. Bagkus ay pinatay rin nila ito. Subalit sila’y pinalayas ng may-ari, at ibinigay ang ubasan sa pangangalaga ng mga katiwalang maasahan na mas aani pa hindi lang ang produksyon ng mga ubas, kundi pati na rin ang kabutihan ng pagkatao ng mga katiwala.

Makikita natin itong parabula ay ikinuwento ni Hesus sa mga Pariseo at eskriba. Matatandaan sila ay kritikal sa bawat salita o kilos na ginagawa ng Panginoon. Kaya tinatanong nila kung anong awtoridad mayroon siya upang gawin ang ganyang bigay. Ngunit natuldukan ni Hesus ang kanilang balak laban sa kanyang pinsan na si San Juan Bautista, kaya’t alam niya na hindi sila mapapahiya sa kanilang sariling tanong sa kanya. Kaya narinig natin noong nakaraang Linggo ang Talinghaga tungkol sa Dalawang Anak na naglalahad tungkol sa tunay na pagsunod sa dakilang kalooban ng Diyos Ama.

At mula sa Talinghaga ng mga Tusong Katiwala, makikita natin sa Awit tungkol sa Ubasan [Isaias 5] ang kasaysayan ng Israel bilang isang ubasan. May mga taong inaatasan ng may-ari na pangalagaan ang ubasan upang magkaroon ng mabuting pag-aani. Subalit ang kapalit nito ay pagkitil ng dugo ng mga mabubuting lingkod. Ito’y sumasagisag sa pang-uusig at pagpapatay ginawa ng mga pinuno ng Israel laban sa mga propeta ng Diyos. At ganun rin ang kwento ng parabula tungkol sa anak ng may-ari, na si Hesus na Anak ng Diyos ay ipagpapatay ng mga pinuno ng Hudyo. Subalit makikita natin na tunay ngang nawala sa kanila ang Paghahari ng Diyos nang lusubin ng mga taga-Romano noong ika-70 taon ang Jerusalem, pati na ang Templo. At ni anumang katiting na bato ang naligtas. Samakatuwid, makikita natin na ang bagong Israel ay namumuhay sa Simbahan dahil kay Kristong namatay sa Krus at muling nabuhay upang maging sandigan natin sa ating misyon.

Mga kapatid, ang buhay natin ngayon ay hindi kailanman dapat nating pag-ariin. Ito’y nagmula sa Diyos, at siya ang may karapatan kunin ito sa kanyang nakatakdang oras at ayon sa kanyang kalooban. Kaya ang buhay na ipinagkaloob niya sa atin araw-araw mula sa pagbangon hanggang sa pagtulog ay ipinagkatiwala niya upang ito ay magbunga ng kabutihan, pagmamahal, kagandahang-asal, katarungan, at kapayapaan. At mula sa mga aral na iyon ay natitiyak na naghahari ang Diyos sa ating buhay.

Reply

Raphael March 10, 2023 at 1:38 am

salamat po

Reply

Sherwin D. Yanoria March 5, 2021 at 5:40 am

May mga bagay na hindi katanggap-tanggap. Sa simula ay maayos, ngunit, habang tumatagal ay hindi nasusunod ang pinagusapan. Kaya nagkakaroon ng hindi pagkaka-unawaan. May mga taong mapagkunwari animoy mabait yun naman pala ay hindi. Walang kinikilala sa mga may ari at ni hindi iginagalang. Ipinakikita nito ang sasapitin ng ating Panginoong Hesukristo at ipinakikita rin dito ang sasapitin ng mga taong walang pananalig sa Kanya. Kaya nga ang dami ng nagpatotoo, mga propeta. Ngunit, kakaunti pa rin ang kumilala sa Kanya. Kaya nga sabi sa banal na kasulatan, mapapalad ang mga taong di nakakakita sa Kanya ngunit sumasampalataya.

Reply

Gideon Torres March 5, 2021 at 9:32 am

Sa ating pagbasa isang bagay ang ating makikita na ipinapaalala sa atin ang patungkol sa pagkainggit (envy) sa mga kapatid ni Jose makikita natin dahil sa inggit ay nagplano silang saktan ang kanilang kapatid bagkos sa bandang huli ay napagtanto nilang ito’y kanilang kapatid kung kaya’t ito’y kanilang ipinagbili upang maging isang alipin na dumanas ng hirap sa ibang lugar malayo sa kayang pamilya ito’y tumutukoy sa ating kalagayan sa kasalukuyan marami sa yun ang mga inggitera at inggitera kung kaya’t ito ang kalimitang pinagmumulan ng kaguluhan sa ating Banal na Ebanghelyo makikita naman natin na ipinahihiwatig sa lahat ang kasakiman o ang (greed)dahil sa kasakiman kadalasan nakakagawa tayo ng krimen makakapatay makuha lang natin ang bagay na mis ntin kahit alam natin na ito ang syang magiging dahilan ng ating pagkakahiwalay sa Diyos na lumikha ano ang sabi ng mga katiwala nung araw na ipadala ng May ari ng ibasan upang kunin nag kanyang parte?”halika patayin natin ang anak ng May ari ng ubasan at kunin natin ang kanyang parte,isang paalala sa beat isa sa atin ngayong kuwaresma na tayo ay maging matulungin sa nangangailangan sa mga kapatid nating kapuspalad,siguro gawin natin ang pagtulong ng walang hinihintay na kapalit nawa ay pagnilayan natin

Reply

mary padillo March 10, 2023 at 12:30 pm

Salamat sa diyos !. Nawa ay tumalima ito sa aiting pusot isip, na tayo ay magbago na ng anyo, ( bagong buhay) , at mamuhay tayo ng may kabanalan, dahil siya lang ang ating aasahan sa lahat ng oras, salamat panginoon sa mga pasgubok at problema na kung minsan ay pinahihintulutan mo mangyari, upang kami ay hindi mawalay sayo,, ikaw lang ang nakakaalam ng lahat, kalooban mo diyos ang masusunod !

Reply

Dong March 10, 2023 at 3:14 pm

Panginoong hesus nazareno ilayo mo kamu sa anong uri ng sakit AMEN

Reply

SAINSPOT March 11, 2023 at 3:09 am

PLEASE SHARE AND SUBSCRIBE
“SAINTSPOT” on Youtube & FB
https://youtube.com/watch?v=nwT2ZpOkkNs&si=EnSIkaIECMiOmarE

GOSPEL REFLECTION:

Kabilang ka ba sa mga tatanggalan o bibigyan ng biyaya?

Sa talinghaga na kwento ni Hesus, ipinakita niya ang dalawang uri ng manggagawa sa ubasan. Isang grupo ng mga sakim na walang ibang inisip kundi ang kanilang sarili at walang pakialam sa kabutihan ng iba. Ang pangalawang grupo ay yaong mga may pangunawa, na ang pangunahing layunin sa buhay ay hindi lamang pagyamanin ang kanilang sarili kundi ibahagi ang pag-ibig ng Diyos sa iba. Ito ang mga taong patuloy na naghahanap ng mga paraan upang sila ay maging isang tunay na pagpapala sa iba.

“Kaya nga, sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang Kaharian ng Diyos at ibibigay sa mga taong magbubunga nito… hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat.”

Tinawag tayo ng Diyos para itayo ang kanyang Kaharian sa pamamagitan ng pagiging bukas-palad natin. Ginagawa ito sa pamamagitan ng mga gawa ng pag-ibig sa kapwa. Ang pag-aalaga sa mga nangangailangan, pagtuturo, paglilingkod at iba pa ay nagiging mabuti lamang kapag si Kristo ang ating motibasyon at layunin. Ang ating buhay ay dapat patungo sa mas malalim na pakikipagrelasyon sa Diyos- kinikilala, minamahal, naiintindihan at sinusunod. Magpakain at magbigay man tayo sa libu-libo kung hindi dahil sa pagmamahal natin sa Diyos, ito’y walang silbi. Huwag maging isang pilantropo lamang sa halip ay maging isang misyonero ng pag-ibig ng Diyos.

Pagnilayan, ngayon na ang misyon na ibinigay sa iyo ng ating Panginoon ay magbunga ng sagana at ng mabubuting bunga para sa pagpapatibay ng Kanyang Kaharian. Alamin na ito ay maisasakatuparan lamang sa pamamagitan ng panalangin at patuloy na paghahanap sa kalooban ng Diyos.

Aking maluwalhating Hari, dalangin ko na ang Iyong Kaharian ay lumago at maraming kaluluwa ang makakakilala sayo. Gamitin mo ako, mahal na Panginoon, para sa pagpapatibay ng Kaharian mo at tulungan mo akong magbunga ng sagana at mabuting bunga.

Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: