Linggo, Marso 5, 2023

March 5, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-2 Linggo ng Kuwaresma
Patnubay sa Misa

Sa paggunita natin sa pagba- bagong-anyo ni Hesus at sa pagpapatibay natin sa ating pangakong makinig sa kanya, idulog din natin ang mga kahilingan sa Ama para sa sanlibutang pinapangit ng mga kahirapan at pagkakasala. Manalangin tayo:

Panginoon ng liwanag at buhay, dinggin Mo kami!

Para sa buong Simbahang banal sa pakikipag-isa niya sa Panginoon, ngunit nangangailangan ng pagbabalik-loob dahil sa pagkakasala ng kanyang mga kaanib: Nawa sa paggunita ng pagbabagong-anyo ni Hesus, siya’y magsikap magpakahusay para sa ikabubuti ng sangkatauhan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat nating pinuno: Nawa magtamo sila sa pagbabagong-anyo ni Hesus ng kailangan nilang lakas para harapin ang mga kahirapan sa kanilang misyon. Manalangin tayo!

Para sa mga nag-aalinlangan o nagtatatwa sa kadakilaa’t kabanalan ni Kristo: Nawa mapaniwala sila ng salaysay ng Pagbabagong-anyo na si Hesus ay Diyos na totoo at taong totoo. Manalangin tayo!

Para sa mga taong ang buhay ay nasira ng mga bisyo at ibang anyo ng pagkapariwara: Nawa sa pagbabagong-anyo ni Hesus, makahango sila ng inspirasyon at kailangang lakas para magpani- bagong buhay. Manalangin tayo!

Para sa mga kasama sa ating pamayanan na binabagabag ng mga pisikal at moral na kahirapan: Nawa ang pagbabagong-anyo ni Hesus ay makatulong sa kanilang umasa sa magandang kinabukasan. Manalangin tayo!

Tahimik nating idulog ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, ipakita Mo sa amin ang maaliwalas na mukha ng Iyong Anak sa pagdiriwang ng Eukaristiyang ito, at puspusin Mo kami ng Iyong kapayapaan, upang tapat Ka naming mapaglingkuran sa aming buhay. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 8 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 29, 2020 at 5:03 am

Pagninilay: Mapapansin po natin na tuwing Ika-2 Linggo ng Kuwaresma, ang Ebanghelyo sa araw na ito ay palagi tungkol sa Pagbabagong-Anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor. Makikita po natin ang isang “paradigm shift” mula noong si Hesus ay tinukso ng Diyablo sa disyerto subalit lumabas na tagumpay. Ang kanyang Pagbabagong-Anyo naman ay isang maluwalhating pangyayari na ang Anak ng Diyos bagamat may mataas na kalagayan ay naging masunurin sa dakilang kalooban ng Diyos Ama. Nakita si Hesus ng tatlong alagad na nangungusap kina Moises at Elias. Si Moises ay sumasagisag sa Kautusan, habang si Elias ay sumasagisag sa mga Propeta. Kaya ang kanilang presensiya sa Bundok ng Tabor ay nagpapatunay na si Hesukristo ay ang katuparan ng Kautusan at mga Propeta. At makikita na ang katuparang ito ay mangyayari sa magaganap kay Hesus na ating ipagdiwang sa Semana Santa: ang kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay na itinuturing na “bagong exodus”. Kaya ang pagkasalaysay nito ni San Lucas ay nagpapahayag na ang kaligtasan ng Diyos ay para sa lahat ng tao. Nakatulala ang 3 Apostol sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyayari, kaya’t hiniling ni Pedro na gumawa sila ng tatlong tolda para kina Hesus, Moises, at Elias. At dito’y makikita natin ang pagpapalibot ng isang ulap sa bundok at ang tinig ng Ama’y nagpapahayag na si Kristo ay ang kanyang kinalulugdang Anak. Kaya makikita natin sa Pagbabagong-Anyo ang presensiya ng pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Santatlo: Ang Ama ang lumikha ng mabuting bagay, ang Anak ang nagligtas mula sa ating mga kasalanan, at ang Espiritu ang patuloy na nagpapahiwaga ng mensahe ng pag-ibig sa atin. Makikita natin dito na tunay ngang natutupad ang pangako ng Diyos na kaligtasan sa pamamagitan ng pagiging masunurin ni Kristo sa dakilang kalooban. At ipinapakita sa atin ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa kalooban ng Panginoon, lalung-lalo na sa patuloy na pakikinig sa kanyang Anak sa pagsasabuhay natin sa Banal na Salita. At ang maluwalhating pangyayaring ito ay isang magandang paalala na ayon nga kay San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, ang ating pagiging mamamayan ay walang hangganan sa kalangitan kahit lahat po tayo ay papanaw balang araw sa daigdig na ito. Kaya ang hamon dito ay maging matapat sa plano at kalooban ng Diyos katulad ni Abraham sa Unang Pagbasa, upang mas biyayaan pa tayo at tumulad ang ating mga susunod na henerasyon. Sa gayon natin magagawa ang tunay na pagbabago mula sa ating mga puso’t isipan hanggang makam

Reply

Jaime E. March 8, 2020 at 5:20 am

Ngayon kuwaresma sana magsisi tayo sa ating mga kasalanan upang karapat dapat tayo pag ibig ng panginoon.

Reply

Gertrude pelagio March 4, 2023 at 10:34 am

thank u so much

Reply

Elino Rosales March 5, 2023 at 6:09 am

Hindi na kailangang makita natin sa ebangelyo na ang Diyos Ama ang nagsalita ng “Ito ang minamahal kong anak na lubos kong kinalulugdan”. Sapagkat sa pananampalataya ay kaagad nating masasabi na ang Diyos na lumikha ng langit at lupa ang nagsasalita niyon. Patunay lang na si Jesukristo ay Diyos na totoo.

Reply

Merle Tejemo March 5, 2023 at 9:39 am

My Lord and my God Have Mercy on Us…Amen?

Reply

Alfred B. Sugayan March 5, 2023 at 2:55 pm

Panginoon at Diyos Hesus, kahabagan nawa ninyo kami at pagpalain, amen.

Reply

Ervi March 5, 2023 at 3:19 pm

Patawarin mo ako Panginoon sa aking mga nagawang
kasalanan.

Reply

SAINSPOT March 5, 2023 at 5:42 pm

PLEASE SHARE AND SUBSCRIBE
“SAINTSPOT” on Youtube https://youtube.com/watch?v=Nw-5sOh3QHQ&si=EnSIkaIECMiOmarE

GOSPEL REFLECTION:
Noong umakyat sa bundok si Moises ay nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at natanggap niya ang misyon na ibigay ang 10 utos na naging gabay ng mga Israelita sa maraming siglo. Ganoon din si Elijah, sa bundok ding iyon ay nakatagpo niya ang Diyos at natanggap niya ang kanyang misyon na basbasan ang mga hari para pamunuan ang mga tao.

Sa ebanghelyo ngayon, iniakyat ni Hesus sa bundok ang tatlong alagad niya (Pedro, Santiago at Juan) para ihanda rin sila para ipagpatuloy ang misyon na sinimulan Niya sa pamamagitan ni Moises at Elijah. Ibinigay ni Jesus sa mga alagad ang Bagong Batas ng biyaya at awa na Kanyang sinimulan.

At ngayon, tinatawag tayo ng Diyos na umakyat sa espirituwal na bundok (ang panalangin) upang makasama Siya. Sa ating pakikiisa sa Kanya sa ating mga panalangin, ipagkakatiwala Niya sa atin ang Kanyang Bagong Batas at isusulat ito sa ating mga puso. Uutusan niya tayong yakapin ang ganap na pag-ibig ng Diyos at ang pagbabahagi ng awa sa iba. Ipagkakatiwala Niya sa atin ang misyon ng pagtawag sa iba para manumbalik sa Diyos at sasamahan tayo ng Banal na Espiritu.

Pagnilayan, ngayon, na inaanyayahan tayo ni Jesus na gawin ang paglalakbay sa bundok ng panalangin, disiplina sa sarili, kabutihan at kabanalan. Nawa mabuksan ang ating mga mata upang makita ang Kanyang kaluwalhatian na siyang magbibigay-inspirasyon sa ating misyon.

Aking Panginoong Hesus, gaya ng mga unang alagad mo na binigyan mo ng kanilang misyon sa bundok, bigyan mo rin ako ng biyaya at determinasyon na kailangan ko ring maglakbay kasama Ka sa bundok ng panalangin upang ako ay pagkatiwalaan sa misyong ibinibigay Mo sa akin. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: