Huwebes, Enero 26, 2023

January 26, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Manalangin tayo sa Diyos, Ama ng liwanag, upang maging tapat tayo sa ating bokasyon na maging ilaw ng sanlibutan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng kabutihan, liwanagan Mo kami.

Ang ating Simbahan, ang Bayan ng Diyos, nawa’y maging dakilang ilaw na nagliliwanag sa kadiliman ng ating mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng daigdig nawa’y magbigay ng sinag ng pag-asa sa buhay ng mga naghihikahos at nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y maging tulad ng ilawan sa tuktok ng bundok upang maging gabay ng mga taong naglalakbay dito sa lupa patungo sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga matatanda, at mga napapabayaan nawa’y hindi mawalan ng pag-asa sa pamamagitan ng liwanag na ipinakikita ng mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y tanglawan ng walang hanggang liwanag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, bigyan mo kami ng bagong kamulatan at lakas upang maitalaga namin ang aming sarili sa paglilingkod sa aming mga kapatid upang ang liwanag mo ang tumanglaw sa lahat. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

SAINSPOT January 26, 2023 at 5:01 am

SHARE & SUBSCRIBE our Daily Gospel Reflection:
https://youtube.com/watch?v=r30dIO4OXXg&si=EnSIkaIECMiOmarE

Walang natatago na di malalantad at lihim na di mabubunyag.
Ayon sa ebanghelyo at sa ating katesismo CCC1039, ang bawat kilos ng ating buhay, mabuti at masama, ay mahahayag para makita ng lahat sa Huling Paghuhukom, kung gayon ito ay magbubunga ng isang bagay at isang bagay lamang para sa mga nasa Langit: ang kaluwalhatian ng Diyos at ang labis na kagalakan. Sa madaling salita, kung ihahayag ng Diyos ang bawat kasalanang nagawa natin, kasama na ang mga napatawad sa pamamagitan ng Sakramento ng Kumpisal, ipahahayag din Niya ang ating pagsisisi sa mga kasalanang iyon, ang paglilinis na tiniis natin, at ang kapatawaran na natanggap natin. Samakatuwid, ang mga bumubuo sa Komunyon ng mga Banal ay hindi titingin sa atin nang may paghatol; sa halip, luluwalhatiin nila ang Diyos sa parehong paraan na niluluwalhati natin ang Diyos at nagpapasalamat sa Kanyang saganang awa at pagpapatawad. Dapat natin laging alalahanin ang Kanyang pagpapatawad at patuloy na magalak sa katotohanang iyon. Kayat anumang klase ang ating pagkakasala, kailangang pagsisihan ito habang maaga, ihingi ng tawad at mamuhay ayon sa panuntunan at kalooban ng Diyos.

Reflect, today, upon the possibility of that glorious moment. Imagine the freedom you will experience by allowing God to share the deepest sins and the deepest virtues of your life with all who share Heaven with you. Shame will be gone. Judgment will be gone. Rejoicing and gratitude alone will remain. What a glorious moment that will be!

Aking maluwalhating Hukom, nagpapasalamat ako sa Iyong awa at pagpapatawad sa aking buhay. Nagpapasalamat ako sa pagpapalaya mo sa akin sa lahat ng kasalanan. Mangyaring patuloy na linisin ang aking kaluluwa at palayain sa mga kasalanang patuloy na umaalipin sa akin. Nawa’y hindi ko malilimutan ang lahat ng Iyong ginawa para sa akin, at nawa’y ang Iyong awa ay maging dahilan ng aking walang hanggang kagalakan at ang Iyong walang hanggang kaluwalhatian. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Rosalinda m jubilado January 26, 2023 at 12:04 pm

sa unang mga pagbasa ay pinaalalahanin tayo ng Panginoon na manatili tayo sa ating pananampslataya na tinanggap natin sa Kanya. at nagsimula ito noong tinanggap natin ang binyag at ang Kapangyarihan ng Banal na Espiritu Santo.
napakahalaga ang paghahari sa atin ng Bansl na Espiritu upang mapagtagumpayan ang mundong ating ginagalawan na punong puno ng kasamaan.
kaya sabi ng ating Pangioon Jesus na mapapalad ang dumaranas sa paghihirap, persecution , pang aapi sapagkat sa pamamagitan nito ay matutuhan natin ang pagsunod ng may mga pagtitiis sa ating Panginoon.
kung titingnan natin ang buhay ng mga apostol at nang mga mananampataya noong panahon 2000 years ago pagkatapos ng pag akyat ni Jesus sa piling ng Ama ay katiting lang ang nararanasan nating pagtitiis sa paninindigan natin sa ating faith kumpara sa naranasan ng mga apostol.
kaya pinaalalahanin tayo ng may pagtitiis sa pagsunod sa ating Panginoon dahil tunay ngang may darating na kapighatihan sa Kanyang pagbabalik bilang paglilinis sa mundo at sa bawat isa sa atin.

kaya nga sa Ebangelio natin ngayon ay sinabi na walang natatago na hindi malalantad at lihim na di mabubunyag.
sa pamamagitan ng kapangyarihan kaloob sa atin ng Panginoon ang Kanyang Espiritu Santo na nakakaisa natin sa araw araw, magpatuloy tayo sa paghahayag ng ating pananampalataya, sa pamamagitan ng ating mga gawa at pagtugon sa panawagan ng Paginoon sa ating paglilingkod sa Kanya.
at tunay nga sa ating mga gawa ay magiging liwanag tayo sa iba at ang mga gawain ng ating mga kapatid na wala pa sa Panginoon, ang ksnilang buhay ay malalantad at silay namay maliliwanagan na din.
Dito natin mauunawaan na ang Salita ng Diyos ay tunay na KALIWANAGAN ng mga nasa kadiliman pa. To God ve all the Glory, Honor, Praises, Power! Amen!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: